You are on page 1of 44

Yunit I

Pagbasa at
Pagsusuri
ng Iba’t
Ibang
inihanda ni:
G. JB Arbuiz Teksto
Ano ang TEKSTONG
IMPORMATIBO?
TEKSTONG IMPORMATIBO
- nakasentro sa pagbibigay ng impormasyon na
nakabatay sa katotohanan at walang bahid ng
opinyon o personal na paghatol mula sa sumulat
- layunin nitong maghatid ng kaalaman,
magpaliwanag ng mga ideya, magbigay ng
kahulugan sa mga ideya, maglatag ng mga
panuto o direksyon, ilarawan ang anumang
bagay na ipinaliliwanag at magturo
Kahalagahan ng
TEKSTONG IMPORMATIBO
1. Napagyayaman nito ang kaalaman ng isang
mambabasa na di kalaunan ay maaari rin niyang
maibahagi sa iba.

2. Nakatutulong din ito upang maging malay ang


isang indibidwal sa mga nangyayari sa lipunan at
kapaligiran.
Kahalagahan ng
TEKSTONG IMPORMATIBO

3. Nagiging instrumento rin ito upang masuri ang


katotohanan sa mga binabasa at kung ano ang
opinyon lamang.

4. Nakatutulong din ito sa mga gawaing pang-akademiko


katulad ng pananaliksik.
Katangian ng
TEKSTONG IMPORMATIBO

1. Naglalaman ng mga datos na ang pangunahing layunin ay


magpabatid.
2. Kinakailangang batay sa katotohanan at hindi nakabase sa
opinyon ng may-akda.
3. Nagtataglay ng malawak na pagbabahagi ng kaalaman at
masasalamin ang kagalingan ng may-akda sa paglalahad
ng detalye.
TEKSTONG IMPORMATIBO
Ginagamit ito sa mga akda tulad ng sumusunod:

1. Balita
2. Magasin
3. Aklat
4. Pangkalahatang sanggunian
5. Website sa internet
6. Anunsyo, patalastas o infomercial
Hulwarang organisasyon ng
TEKSTONG IMPORMATIBO
kaugnay nito, madalas na
nagagamit kapag nagbabasa
1. Kahulugan nito ang kasanayan sa
2. Pag-iisa-isa pagkilala ng pagkakaiba ng
3. Pagsusuri opinyon at katotohanan at ang
kasanayan sa pagbibigay ng
4. Paghahambing interpretasyon ng mapa, tsart,
5. Sanhi at bunga grap at iba pang grapikong
6. Suliranin at solusyon representasyon ng mga
impormasyon
Gabay sa pagbasa at pagsusuri ng
TEKSTONG IMPORMATIBO

Layunin ng May-akda

- Ano ang hangarin ng may-akda sa kaniyang pagsulat?


- Malinaw bang naipakita sa teksto ang layunin ng may-akda
na makapagpaliwanag o magbigay ng impormasyon?
- Anong impormasyon ang nais ipaalam ng may-akda sa
mambabasa?
Gabay sa pagbasa at pagsusuri ng
TEKSTONG IMPORMATIBO

Mga Pangunahin at Suportang Ideya

- Tungkol saan ang teksto?


- Ano-ano ang pangunahing ideya nito tungkol sa paksa?
- Ano-ano ang detalyeng sumusuporta sa pangunahing
ideya?
Gabay sa pagbasa at pagsusuri ng
TEKSTONG IMPORMATIBO

Hulwarang organisasyon

- Paano inilahad ang mga suportang ideya?


- Ano ang hulwarang organisasyon na ginamit sa paglalahad
ng mga detalye sa teksto?
- Maayos bang naihanay at naorganisa ang mga ideya gamit
ang mga hulwarang organisasyon sa pagbasa?
Gabay sa pagbasa at pagsusuri ng
TEKSTONG IMPORMATIBO
Talasalitaan

- Gumamit ba ng mga salita na di-karaniwang ginagamit sa


normal na pakikipag-usap at ginagamit lamang sa mga
teknikal na usapin? Ano-ano ito?
- Matapos mabasa ang teksto, naibigay ba nito ang
kahulugan ng mga ginagamit na di-kilalang salita?
- Ano-anong impormasyon kaugnay ng mga terminolohiyang
ito ang tinalakay sa teksto?
Gabay sa pagbasa at pagsusuri ng
TEKSTONG IMPORMATIBO
Kredibilidad ng mga Impormasyong
nakasaad sa teksto
- Bagong impormasyon ba ang ibinahagi ng teksto?
- Nabanggit ba sa teksto ang mga pinagkukunan ng ideya?
- Mula ba sa mapagkakatiwalaang materyal ang mga
nakasaad na impormasyon?
- Kaya bang mapatunayan kung gaano katotoo ang mga
impormasyong nakasaad?
Pagsusuri ng
TEKSTONG
IMPORMATIBO

Balita
Pagsusuri
Ano ang Tekstong
Deskriptibo?
- nagpapahayag ng pangkalahatang impresyon sa tao,
bagay, lugar o pangyayari bunga ng iba’t ibang
pandama na sangkot upang ito ay mailarawan

- inilirawan batay sa nakita, naamoy, nalasahan, narinig


o nadama ng manunulat na nais niyang maikintal sa isip
ng mambabasa

Ano ang Tekstong Deskriptibo?


1. nalilinang ang sensibilidad
2. napakikilos at napagyayaman ang
kaisipan
3. nakapag-aangkop ng wastong salita sa
paglalarawan

Kahalagahan ng Tekstong Deskriptibo


1. Ang isang estudyanteng nag-aaral ng
medisina ay nag-aaral ng mga babasahing
naglalarawan sa iba’t ibang sakit at ang
sintomas nito, gayundin ang mga
posibleng reaksyon sa bawat gamot na
iinumin ng pasyente

Ilan sa gamit batay sa pangangailangan


2. Inaaral nang mabuti ng isang pulis
o imbestigador ang paglalarawang
inilahad ng mga saksi sa isang
krimen o pangyayaring nasaksihan

Ilan sa gamit batay sa pangangailangan


3. Ang isang travel blogger naman ay
nagsusulat ng paglalarawan sa mga
lugar na kanyang napuntahan
batay sa kanyang karanasan sa
ginawang paglalakbay

Ilan sa gamit batay sa pangangailangan


4. Ang isang food blogger naman ay
nagsusulat ng paglalarawan batay
sa mga pagkaing natikman o
nalasahan

Ilan sa gamit batay sa pangangailangan


5. Ang isang fashion blogger ay
nagsusulat naman ng paglalarawan
sa mga kasuotang pinakamainam
isuot depende sa okasyon

Ilan sa gamit batay sa pangangailangan


6. Ang isang manunulat na nais
maglarawan ng isang natatanging
indibidwal sa lipunan ay pipili ng
pinakamainam na salita upang ito
ay mailarawan

Ilan sa gamit batay sa pangangailangan


7. Ang isang makatang nais
maglarawan ng isang tiyak na
damdaming nais ikintal sa isip ng
mambabasa ay gumagamit ng
pinakaepektibong salita upang ito
ay mailarawan

Ilan sa gamit batay sa pangangailangan


Dalawang Paraan
ng Paglalarawan
KARANIWAN MASINING
tahasang inilalarawan ang paksa paglalarawan na nais pukawin
sa pamamagitan ng pagbanggit ang damdamin at kaisipan sa
sa mga katangian nito gamit ang paggamit ng tayutay at
mga pang-uri at pang-abay matalinghagang salita

madalas ginagamit sa madalas gamitin sa akda ng


pananaliksik tungkol sa pampanitikan gaya ng tula,
teknolohiya, agham at agham maikling kwento, nobela at
panlipunan sanaysay
KARANIWAN MASINING
Halimbawa: Halimbawa:

Malaking dahilan ng polusyon ng Malaking dahilan ng polusyon ng


hangin ang industriyalisasyon at hangin ang industriyalisasyon at
urbanisasyon, lalo na sa pagbuga urbanisasyon, lalo na sa pagbuga
ng usok mula sa mga pabrika at ng usok mula sa mga pabrika at
mga kotse. Sa Tsina, ang mga kotse. Sa Tsina, kung saan
malalaking pabrika at gawaing dambuhala at singdami ng kabute
industriyal ang nagdudulot ng ang mga pabrika na dala ng
makapal at nakalalasong usok. maunlad nilang industriya, halos
balutan na ng itim at nakalalasong
ulap ang buong siyudad.
Salik sa pagsulat
ng Tekstong Kakaya
manun han ng n g
Deskriptibo makapi ulat na l in
Ma o ng a w a
li ng pa pagbu hing
mabisa ksa na
maila- niyang pangunaa isipan
larawa
n larawanmsbabasa
ng ma

gk a p
s
g p saa n
i n a n k o
il i
P na a wing n g
s a g
gagalarawan l in w
a a an
pa g l a Mababas ng
m
m lay rawan
a u n in
Pagpili ng pananaw
g la la
pa
1. Simili o Pagtutulad
- paghahambing ng dalawang magkaibang bagay,
tao o pangyayari sa pamamagitan ng mga
katagang tulad ng, parang, kagaya, kasing,
kawangis, kapara at katulad

Ilang Tayutay sa paglalarawan


1. Simili o Pagtutulad
- Halimbawa:
a. Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga
mata.
b. Ang bawat hakbang ng iyong mga paa ay parang
sa isang higante.

Ilang Tayutay sa paglalarawan


2. Metapora o Pagwawangis
- tuwirang paghahambing na hindi na gumagamit
ng mga katagang naghahayag ng pagkakatulad

Ilang Tayutay sa paglalarawan


2. Metapora o Pagwawangis
- Halimbawa:
a. Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan.
b. Ang lungkot na iyong nadarama ay bato sa aking
dibdib

Ilang Tayutay sa paglalarawan


3. Pagsasatao o Personipikasyon
- paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga
bagay na abstrak o walang buhay

Ilang Tayutay sa paglalarawan


3. Pagsasatao o Personipikasyon
- Halimbawa:
a. Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin.

b. Matalinong mag-isip ang bagyo kaya lilihis ito sa


ating bansa.

Ilang Tayutay sa paglalarawan


4. Pagmamalabis o Hayperboli
- eksaherado o sobrang paglalarawan kung kaya
hindi literal ang pagpapakahulugan

Ilang Tayutay sa paglalarawan


4. Pagmamalabis o Hayperboli
- Halimbawa:
a. Pasan ko ang daigdig sa dami ng problemang
aking kinakaharap

b. Nagdurugo ang aking utak sa hirap ng pagsusulit


na ito.

Ilang Tayutay sa paglalarawan


5. Paghihimig o Onomatopeya
- tumutukoy sa paggamit ng salitang may
pagkakatulad sa tunog ng bagay na inilalarawan
nito

Ilang Tayutay sa paglalarawan


5. Paghihimig o Onomatopeya
- Halimbawa:
a. Malakas ang dagundong ng kulog.

b. Dinig na dinig ko ang tik-tak ng orasan.

Ilang Tayutay sa paglalarawan


1. Layunin ng may-akda
2. Mga pangunahin at suportang ideya
3. Paraan ng paglalarawan
4. Impresyong nabuo sa isip

Mga Gabay sa Pagbasa at Pagsusuri ng


Tekstong Deskriptibo
Akd
pam ang
pan
Tala itik Sur
an ing
ara -Ba
wan Obs sa
Tala erb
mb asy
uha San on
Pol y ays
yet ay
pan ong Reb
tur
ism
o pal yu ng
aba pel
s iku
la o

Sulating gumagamit ng
tekstong deskriptibo
Mga Sanggunian
Pesigan, Neriza C., et. al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik at Sulating
Akademiko.2017. Maxcor Publishing House, Inc.

Atanacio, Heidi C. et. al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t


ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. 2020. C & E
Publishing, Inc.

Iba’t ibang link na matatagpuan sa slide


Maraming
Salamat!

-G. JB-

You might also like