You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Bohol
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN LESSON PLAN

GRADE: V QUARTER: I WEEK: II DAY: 4

COMPETENCY Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa : a. Teorya (Plate Tectonic Theory) b.
& OBJECTIVES : Mito c. Relihiyon AP5PLP-Id-4
● Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa Relihiyon

CONTENT : Pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas at lahing Pilipino batay sa Relihiyon.


LEARNING AP 5 LAS, Mga larawan, Graphic Organizer, TV/Projector
:
RESOURCES
PROCEDURE A. Paghahanda: (Preparation)

: Balik-aral:
Paano nabuo ang kapuluan ng Pilipinas at ang pinagmulan ng lahing Pilipino batay sa
Mitolohiya
B. Pagganyak: (Motivation)

Sa pamamagitan ng power point presentation, ipakita sa mga bata ang larawan ng isang Bibliya.

Itanong:
a. Ano ang nasa isip ninyo kapag nakakita kayo ng Bibliya?
b. Ano ang nakapaloob ng isang Bibliya?
c. Nabasa ba ninyo sa bibliya ang paglikha ng Diyos sa ating daigdig?
d. Naniniwala ba kayo na ang ating daigdig pati na ang kapuluan ng Pilipinas ay nilikha ng Diyos?

C. Paglalahad: (Presentation)

Pagpapakita ng mga larawan kung paano nilikha ng Diyos ang daigdig.


D. Pagtatalakay: (Discussion/Abstraction)

Lahat halos ng paniniwala o relihiyon ay nagpanukala na nilalang ang daigdig ng kinilalang Diyos.
Batay sa mga sinaunang relihiyon ng mga taga Mesopotamia, India at maging sa Pilipinas, may higit
na puwersa na naglalalang sa sinukob. Sa relihiyong Kristiyano (Christianity), nakasaad sa
aklat ng Genesis sa bibliya ang kasaysayan ng paglalang
ng Diyos sa sandaigdigan.
Ayon sa relihiyon na Creationism, na ang daigdig ay
nilikha ng Dakilang Maykapal, na noo’y “Ama” ang
kanilang tawag dito. Nilikha ang daigdig sa loob ng anim
na araw. Ito ang mga pahayag tungkol sa pinagmulan ng
daigdig kung saan kabahagi rito ang pinagmulan ng
Pilipinas ayon sa relihiyon.
E. Paghahasa (Exercises)

Pangkatin ang mga mag-aaral. Bawat pangkat ay pumili ng taga-ulat.


Gamit ang Catch the Falling Stars, isulat at ipaliwanag ang pinagmulan ng daigdig at kapuluan ng
Pilipinas batay sa Relihiyon.

Pinagmulan ng
daigdig at
kapuluan ng
Pilipinas ayon
sa Relihiyon

F. Paglalahat: (Generalization)

1. Paano nabuo ang kapuluan ng Pilipinas batay sa Relihiyon?


G. Paglalapat (Application)

Dugtungan ang pahayag tungkol sa pinagmulan ng daigdig at kapuluan ng Pilipinas batay sa


Relihiyon.

H. Pagtataya: (Evaluation)
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano o sino ang tinutukoy nito. Isulat
ang iyong sagot sa patlang.
_______________1. Anong relihiyon ang may paniniwala na nakasaad sa aklat ng Genesis sa bibliya
ang kasaysayan ng paglalang ng Diyos sa Sandaigdigan?
_______________2. Anong relihiyon ang naniniwala na nilikha ang daigdig ng Dakilang Maykapal sa
loob ng anim na araw?
_______________3. Ayon sa dalawang relihiyon (Christianity and Creationism), sino ang Lumikha sa
daigdig kung saan kabahagi nito ang Pilipinas?
_______________4. Sa anong aklat nakasaad sa bibliya ang kasaysayan ng paglalang ng Diyos sa
sandaigdigan
I. Kasunduan/Takdang Aralin (Agreement/Assignment)
Pag-aralan ang mga aralin para sa pasulit bukas.

You might also like