You are on page 1of 18

6

FILIPINO
Ikatlong Markahan- Modyul 1:

Pagsagot sa mga tanong tungkol sa


napakinggang/binasang ulat at
tekstong pang-impormasyon
Filipino – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pagsagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggang/ binasang ulat at tekstong pang-impormasyon

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Lungsod ng Bais


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Dexter Y. Aguilar, Ed.D, CESO
VI. OIC, Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan: Arnulfo
A. Adana

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Cliffen A. Nadal
Editors: Lourdes A. Bautista Nenita E. Eranes
Robert J. Fernandez
Emilia L. Cadalso
Tagasuri: Nimfa B. Puno Maria Ligaya G. Panganiban
Cheryl Mae P. Reyes
Tagaguhit: Emilia L. Cadalso
Tagalapat: Emilia L. Cadalso
Tagapamahala: Cherry D. Catadman
Maria Ligaya G. Panganiban
Salvacion A. Adana

Inilimbag sa Pilipinas ng Dep.Ed Bais City Division


Department of Education-Rehiyon VII
Office Address: Laurel Street Bais City, Negros Oriental, Philippines 6206
Telefax: (035)402-3172/522-1907
E-mail: baiscity@deped.gov.ph
6

FILIPINO
Ikatlong Markahan- Modyul 1:
Pagsagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggang/binasang ulat at
tekstong pang-impormasyon
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 6 ng alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul para sa araling, Pagsagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggang/ binasang ulat at tekstong pang-impormasyon

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalaman din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa material ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala,
pantulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mga


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa (Filipino 6) ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang/ binasang ulat at
tekstong pang-impormasyon
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iii iii maisalin ang bagong kaalaman o
iyo upang
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto
mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


Sanggunian
sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Alamin

Magandang Buhay!

Alam kong handang-handa ka na sa ating modyul 6 sa Filipino


at tiyak kong marami ka nang natutuhan sa mga modyul na pinag-aralan
nitong mga nakaraang araw. Dagdagan pa natin ha? May inihanda akong
modyul para sa iyo. Tiyak na mawiwili ka sa pagsagot sa mga gawaing
inihanda ko dito.

Pagyamanin ng araling ito ang ating isipan sa Paggamit sa Pokus ng


Pandiwa. Handa na ba kayong matuto? Kung handa na, dapat ay inyong
basahin ang kabuuan ng modyul na ito.

Ano ang matutuhan mo?

Matapos mong pag-aralan ang modyul na ito ay inaasahan kong


matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:

Aralin 1 - Pagsagot sa mga tanong tungkol sa napakinggang/ binasang ulat at


tekstong pang-impormasyon

Matapos ang pagdaan sa modyul na ito, inaasahan mong:


1. Natatalakay ang mga paraan sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa
napakinggang/nabasang ulat at tekstong pang-impormasyon
2. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang/ binasang ulat at tekstong
pang-impormasyon
3. Naipapamalas ang kakayahan sa pagsagot sa mga karagdagang gawain patungkol
sa aralin

1
Subukin

Si Emilio Jacinto o kilala rin sa sagisag na Pingkian ang naging utak


ng Katipunan na nagsilbong tagapayo ng samahan. Masigasig niyang
tinapos ang kanyang pag-aaral bagama’t hindi niya natapos ang
abogasya dahil sa pagsapi niya sa Katipunan. Siya ang sumulat ng
“Kartilya ng Katipunan” na kinapapalooban ng mga aral ng Katipunan.
Siya rin ang naging patnugot ng Kalayaan, ang opisyal na pahayagan
ng samahan.

1. Ano ang paksa ng talata?


2. Sino si Emilio Jacinto?
Pagsagot sa mga tanong tungkol
Aralin sa napakinggang/ binasang ulat
1 at tekstong pang-impormasyon

Balikan

Ano ang liham pangangalakal?


Paano ito isinusulat?

Tuklasin
Basahin at suriin ang tekstong pang-impormasyon sa ibaba.

Mekeni Food Corporation, World Class na Korporasyon sa


Pilipinas

Ang Mekeni Food Corporation (MFC) ay ang korporasyong itinatag sa


pangunguna ni G. Felix Garcia at ng kaniyang mayahay kasama ang
kaniyang limang anak na lalaki. Ito ay bunga ng hangarin ng pamilyang
makatulong at makapagbigay ng hanapbuhay sa kanilang mga kababayang
nasalanta sa pagputok ng Bulkang Pinatubo.
Hindi naman nabigo ang Pamilya Garcia. Naitayo ang isang world class na
planta sa simple at maliit na barangay sa Balubad, Porac, Pampanga na
ngayon ay nagbibigay ng karangalan para sa buong bansa dahil sa kanilang
paggawa ng malinis at ligtas na produktong may mataas na kalidad ng
paggawa.

Ang ilan sa mga karangalang natanggap ng kompanya ay ang pagiging


kauna-unahang plantang nagpoproseso ng karne gaya ng hotdog, tocino,
longganisa, at iba pa na nabigyan ng sertipiko ng ISO sa Asya at pangalawa
sa buong mundo at ang pagkakatanghal sa kanila bilang Grandslam Winner
sa kategoyang Best Meat Processing Plant-AAA category ng National Meat
Inspection Commission ng kagawaran ng Agrikultura at sa
pakikipagtulungan ng iba pang ahensiya (DOH, DENR, DILG) noong 2007
dahil sa tatlong taong sunod-sunod na nagkapanalo ng nasabing
karangalan (2004,2005, 2006)

1. Anong planta ang tinutukoy na world class sa teksto?


2. Ano-ano ang patnubay na ito nga ay isang world class na planta?

Suriin

Ang diskriminasyon ay ang pagtrato nang hindi maganda sa isang tao


dahil sa kanilang lahi o kulay, kapansanan, kasarian, o iba pang
pampersonal na mga katangian. Ito ay maaring mangyari o maranasan ng
isang grupo o indibidwal. May iba’t ibang uri ng diskriminasyon sa lahi o
nasyonalidad, sa relihiyon o paniniwala, sa kasarian at kabuhayan, o sa
kalagayan sa buhay.

Sinasabi ng aklat na Understanding Prejudice and Discrimantion: “Marahil


ang mahahalagang kongklusyon buhat sa isinagawang pananaliksik hinggil
sa diskriminasyon ay ang sumusunod: (1) lahat ng taong nakapag-iisip at
nakapagsasalita ay may posibilidad na matangi (2) kadalasan nang kailangan
ang malaking pagsisikap at kabatiran para maiwasan ang diskriminasyon at
(3) kung may sapat na paghahanda ay magagawa ito.

Ayon sa Artikulo 1 ng pandaidig na Deklarasyon ng mga karapatang Pantao


ng United Nations, “lahat ng tao ay ipinanganak na Malaya at may pare-
parehong dangal at Karapatan. Sila’y binigyan ng budhi at ng kakayahang
mag-isip at dapat makitungo sa isa’t isa sa espiritu ng pagkakapatiran.”
Nangangahulugan itong lahat ng tao ay dapat makatamasa ng pantay na
karapatan gaya ng pamagat ng tulang tatalakayin sa araling ito. Iyong suriin
kung ano ang dapat gawin ng tao upang maiwasan ang ganitong
diskriminasyon ayon sa may-akda.

1. Ano ang diskriminasyon?


Pagyamanin

Ang Baka Ayon sa mga Indian

Sa bansang India, kung saan karamihan sa mga mamamayan ay may


paniniwalang Hindu, itinuturing na banal ang isang baka. Ito ay kanilang
sinasamba kagaya ng isang diyos kaya’t sa kabila ng kapakinabangang
makukuha mula rito ay hindi nila ito magawang patayin. Nais nilang
patunayang higit pa sa karne at mga produktong dairy ang maaaring
maging pakinabang mula sa baka lalo na kung ang mga ito ay igagalang at
aalagaang tila isang diyos.

Sa pamamagitan nga pananaliksik at pag-aaral na isinagawa sa laboratory


ng Western Indian City sa Ahmedabad ay napag-alaman nilang marami raw
kapakinabangan sa mismong dumi at ihi ng baka. Ayon sa kanilang pag-
aaral, ang dumi raw ay maaaring maging gamot sa mga sakit gaya ng
mabahong hininga, sakit sa atay, at maging ng kanser. Ito rin ay maaaring
maging mabisang sangkap sa mga produktong gaya ng sabon, shampoo, at
toothpaste. Sinasabi rin sa kanilang pag-aaral na ang ihi raw nito kapag
natining ay maaaring gawing inuming higit na mainam kaysa sa mga
carbonated na inuming tulad ng soft drinks sapagkat Mabuti raw itong
panunaw at pampagana sa pagkain.

1. Ano patungkol ang seleksiyon?


2. Anong pag-aaral ang isinagawa sa laboratory ng Western Indian City
sa Ahmedabad?
Isaisip

1. Ano ang dapat gawin para matukoy ang paksa ng


mga babasahin?

Isasagawa

Ang daliri sa kamay ay isa sa mga bahagi ng katawan ng


tao. Bawat tao ay karaniwang may limang daliri sa bawat
kamay bagama’t may mga taong may sobra o kulang na
daliri bunga ng iba’t ibang kadahilanan.

Ang unang daliri ay tinatawag na hinlalaki o ang


pinakamatabang bahagi ng daliri, na sinundan ng
hintuturo na karaniwang ginagamit sa pagtuturo, ang
hinlalato o pinakamataas na bahagi ng daliri, ang palasing
singan kung saan inilalagay o isinusout ang singsing
partikular kapag ikinasal, at ang hinliliit o ang pinakamaliit
na bahagi ng daliri.

(typing), maglinis, magsulat, gumuhit, sumenyas,


bumilang, o magbigay ng tanda.
1. Ano ang paksa ng talata?
Tayahin

Pagpapaigting sa Seguridad ng Bansa sa


Pangunguna ng DILG
Madalas mababasa sa mga pahayagan ang mga krimeng panlipunan
gaya ng snatching, theft, at robbery hanggang sa malalaking kaso gaya
ng murder, rape, at pagpaslang. Upang malutas o mabawasan ang
bilang ng mga kasong ito ay tinitiyak ng pamahalaan, sa pangunguna
ng Philippine National Police (PNP). Mas pinaiigting ng pamahalaan ang
pagbabantay sa matataong lugar tulad ng mall, LRT/MRT station,
paliparan, at iba pa. Sa tulong din ng Volunteers Against Crime and
Corruption (VACC), isang nongovernmental organization, ay higit na
naging malawakan ang kampanya ng pamahalaang mapababa ang
bilang ng mga insidente ng krimen sa bansa. Layunin din ng samahang
ito na puksain ang paghahari ng malalaking sindikato sa bansa na di
umano ay kinasasangkutan ng mga opisyal ng gobyerno at maging ng
ilang miyembro ng kapulisan.

1. Ano patungkol ang paksa ng seleksiyon?


2. Paano mapapaigting ang seguridad ng bansa?
Karagdagang Gawain

Bumasa ng isang seleksiyon at isulat ang paksa nito.


PAGYAMANIN TAYAHIN
Maaaring Maaaring
magkaiba magkaiba
ang mga ang mga
sagot ng sagot ng
mga bata mga bata
BALIKAN SUBUKIN
Maaaring
Maaaring magkaib
magkaiba a ang
ang mga mga
sagot ng sagot ng
mga bata mga bata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ailene Baisa Julian. 2018. Pinagyamang Pluma Wika at Pagbasa para


Elementary. 2018. 978-971-06-3890-1. Quezon City: Phoenix Publishing House,
Inc.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Sangay ng Bais, Learning Resource


Management Section

Laurel St. Bais City, Negros Oriental, Philippines 6202

Telephone No: (035) 402-3161,522-1907

Email Address:bais.city@deped.gov.ph

You might also like