You are on page 1of 4

Karunungang

Bayan

Ipinasa Ni: Melvin Boco


Grade 7 - Noble

Ipinasa Kay: Lyn G. Geronimo


Bugtong – Inilalarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay
nangangailangan ng mabisang pag-iisip.

Halimbawa:
1.) Binaltak ko ang baging
Nagkakarang ang matsing. (Kampana)
2.) Ang manok kong pula
Umakyat sa puno ng sampaka
Ng umuwi ay gabi na. (Araw)
3.) Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin. (Saging)

Palaisipan – Ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng


tao, katulad ng bugtong, ito ay nangangailangan ng talas ng isip.

Halimbawa:
1. Puno ay buku-buko, Dahon ay abaniko, Bunga ay parasko
Perdegones ang mga buto.
Sagot: PAPAYA
2. Hindi tao, hindi hayop, May tainga’t may buhok.
Sagot: MAIS
3. Nagtanim ako ng dayap Sa gitna ng dagat, Marami ang
nagsihanap Iisa lamang ang nagkapalad.
Sagot: PAGLILIGAWAN

Tugmang De Gulong – Tinatawag na tugmang de gulong ang


mga paalalang makikita sa mga pampublikong sasakyan gaya ng
dyip, traysikel, o bus. Ang mga tugma o paalalang ito ay
karaniwang nakatutuwa, nanunudyo,o di kaya naman ay
mayroon talagang makabuluhang mensaheng nais iparating sa
mga pasahero. Karaniwan ding inihahango ang mga tugmang ito
sa mga kasabihan o salawikaing Pilipino.

Halimbawa:
1. Upong nuwebe lamang nang lahat ay magkasya.
2. Wag dumi-kuwatro dahil dyip ko ay di mo kuwarto.
3. God knows Hudas not pay.
4. Barya lang po sa umaga, sa hapon pwede na.
5. Batak mo, hinto ko!

Awiting Panudyo - Ang awiting panudyo o tulang pasnudyo ay


isang uri ng karunungang bayan na ang kayarian ay mga sukat
(measure) at tugma (rima). Layunin nitong uyamin o manudyo.

Halimbawa:
1. Bata, bata
Pantay-lupa
Asawa ng palaka

2. Mga dumi sa ulo


Ikakasal sa Linggo
Inalis, inalis
Ikakasal sa Lunes

3. Chitchiritchit alibangbang
Salaginto Salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri’y parang tandang.
Santo Nino sa Pandacan,
Puto seco sa tindahan
Kung ayaw kang magpautang
Uubusin ka ng langgam.

Mama, Mama, namamangka


Pasakayin yaring bata
Pagdating sa Maynnila
Ipagpalit ng manika.

Ale, Ale, namamayong


Pasukubin yaring sanggol
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

You might also like