You are on page 1of 8

Semi-Detailed Lesson Plan

Guro: Sumalinog, Joshua T. Paaralan: Mayor Anunciacion R. Tuazon


National School Of Fisheries
Asignatura: Araling Panlipunan Markahan: Ikalawang Markahan
Baitang: 9 Oras: Isang oras

Mga Nasusuri ang Kabihasnang Klasiko ng Greece: Athens at Sparta


Kasanayan:
 Natutukoy ang mga katangian at uri ng pamumuhay ng mga
lungsod-estado ng Greece: ang Athens at Sparta.
 Naihahambing ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
katangian ng mga Athenians at Spartans sa pamamagitan
Layunin: ng differentiated learning activities.
 Napapahalagahan ang sariling kakayahan na ipagtanggol
ang sariling bansa katulad ng mandirigmang Spartan at ang
paggalang sa karapatang pantao katulad ng mga matatalino
at makatarungang Athenians.
Kabihasnang Klasiko ng Greece: Athens at Sparta
Nilalaman
Mga  Electronic Instructional Material
Kagamitang  PowerPoint
Pampagturo
Pamamaraan
 Panalangin
Panimulang
 Pagtala sa Lumiban
Gawain
 Pagbabalik-aral:
Mga Gawain/ . Magpapakita ng larawan ang guro. Magkukuwento tungkol sa
Estrahehiya: ipinakitang larawan.
Metacognition
Tatanungin ang mga sumusunod:
 Sino kaya sa dalawang ito: si Matalino at si Malakas ang
mas may kakakayang magtagal mula sa isla?
 Alam niyo ba na si MATALINO ay nagrerepresenta ni
Athens habang si MALAKAS naman ay sumisimbolo ni
SPARTA?
 Kung kayo ang papipiliin, sino ang gugustuin mong maging,
si matalino o si matapang?

Pagtatalakay ATHENS: ISANG DEMOKRATIKONG POLIS


 Ang Athens ang pinakamalaking siyudad sa Greece at
matatagpuan sa rehiyon ng Attica.
 Mabundok ang lugar ngunit may mga lupaing nakapagitan sa
mga bundok na angkop sa pagtatanim.
 Ang lupain ay mayaman sa deposito ng marmol at pilak na
nagpabuti sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Athenians.
 Ang mga mayayamang Athenians ay matatagpuan sa siyudad
samantalang ang mga pangkaraniwang mamamayan ay mga
mandaragat o kaya’y nagsisilibi sa hukbong pandagat.

 Lipunan sa Athens:
1. Ionian
2. Metics
3. Alipin

 Ang mga kababaihan ay nagsisipag-asawa lamang sa edad na


14.
 Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenians kung saan
sila’y natututo sa pagbasa, matematika, musika at mga obra ni
Homer na Iliad at Odyssey. Tinatalakay din nila ang sining,
politika at iba pa, pati na ang palakasan ay naging bahagi ng
kanilang pag-aaral.
 DEMOKRASYA – pinakamahalagang naganap na pagbabago
sa Athens na sinusunod ng maraming bansa hanggang
ngayon. Ito’y nangangahulugang uri ng pamamahala na kung
saan nasa mga tao ang kapangyarihan. Ang bawat isa ay may
kalayaan na pumili at makapagpahayag ng nararamdaman.
 Isang simpleng pamumuhay lang mayroon sila ngunit lumitaw
ang pinakamahuhusay na artista, manunulat, at mga pilosopo
sa kanilang lungsod-estado, tulad nina:
 Socrates ang “Ama ng Pilosopiya”
 Ang dakilang manggagamot na si Hippocrates na
tinugurian ding “Ama ng Medisina”
 Si Herodotus na kilalang “Ama ng Kasaysayan”.
 Iskultura ni Phidias na tinatawag na Templo ni Zeus
 Si Pythagoras na kilala sa larangan ng matematika at
marami pang iba, na tinitingala rin ng buong sandaigdigan
hanggang sa makabagong panahon.

 Ang Athens ay isa sa mga naunang demokratikong estado sa


paghubog nina:
a. DRACO - Nakilala sa Draconian Code - na halos lahat ng
kasalanan ay hinatulan ng kamatayan kaya takot ang mga
Athenians dito.
b. SOLON – pinayagang ihabla ang sinumang lumabag sa
batas.
c. PISISTRATUS – ipinamahagi niya ang mga lupain at ari-
arian ng mga mayayaman sa mga mahihirap at walang lupa.
d. CLEISTHENES – Sinimulan ang sistemang ostracism na
pinahihintulutan ang mga mamamayan na palayasin ang
sinumang opisyal na sa kanilang paniniwala ay mapanganib
sa Athens.
e. PERICLES – Itinaguyod niya ang pag-upo sa opisina ng
pamahalaan ng mga karaniwang mamamayan.

SPARTA: ISANG MANDIRIGMANG POLIS

 Ang Sparta ay nasa isang lambak at matatagpuan sa rehiyon


ng Laconia. Kaunti lamang ang mga lupain na angkop sa
pagtatanim kaya karamihan sa kanila ay nangangalakal.

 MILITARISMO ang uri ng pamahalaan ng mga Spartans. Isa


itong sistema kung saan ang pamumuno ay nasa ilalim ng
pamamahala ng isang MILITAR.

 Ang pangunahing layunin ng Sparta ay magkaroon ng


magagaling na mga sundalo. Ang Sparta ang may
pinakamahusay na sandatahang lakas sa buong mundo noong
panahong klasikal ng Greece.

 Sila’y naging maparaan sa kanilang pakikipagdigma na


tinatawag nilang phalanx na binubo ng 16 na hanay ng mga
mandirigma.

 Lahat ng mahihinang bata o yaong may kapansanan ay


pinapatay. Tanging ang malalakas at malulusog lamang ang
pinapayagang mabuhay. Ang mga mahihina ay dinadala sa
paanan ng kabundukan at hinayaang mamamatay.

 Sa panahon ng pagsasanay, ang mga bata ay walang sapin sa


paa at manipis ang suot na tunika.

 Sa gabi pinatutulog sa mga bangko at lugaw ang kinakain.

 Sa pagsapit ng kanilang:
- ika-7 taong gulang ang mga batang lalaki ay dinala sa kampo-
militar upang sumailalim sa mahigpit na pagsasanay.
- ika-20 taong gulang ang mga kalalakihan ay ganap ng
magiging sudalo at pinapayagang magpakasal.
- matapos ang 10 pang taon, ang kalalakihan ay maari ng
tanggapin bilang kasapi ng ASSEMBLY (binubuo ng
mamamayang lalaki na may 18 taon pataas).
- sa edad na 30, maari na silang mag-asawa ngunit kumain at
manirahan pa rin sa kampo
- sa edad na 60, sila’y maari ng magretiro

1. Alin sa mga katangian ng mga Athenians at Spartans ang


nakakaimpluwensiya pa rin sa kasalukuyan?

2. Sa inyong sariling pananaw at kakayahan, paano ninyo


Paglalahat gagamitin ang inyong katalinuhan tulad ng mga Athenians at
katapangan tulad ng mga Spartans upang matulungang
mapaunlad ang ating bansa?
(Differentiated Learning Activities – Indibidwal na gawain):
Panuto: Pumili lamang ng isa sa mga sumusunod na Performance
Tasks at gawin ito.

 Linguistic Intelligence – Sumulat ng isang sanaysay


tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mga katangian at
pamumuhay ng Athens at Sparta.

 Visual Intelligence – Gumuhit ng tig-iisang simbolo na


naglalarawan sa katangian at pamumuhay ng Athens at
Sparta.

 Bodily-kinesthetic – Gumawa ng talumpati tungkol sa


katanungang ito, “Kung nabuhay ka noong panahong
klasikal ng Greece, saan mo mas pipiliing tumira, sa Athens
o sa Sparta?” Pagkatapos ay ivideo ang sarili habang ikaw
ay nagtatalumpati.

 Musical Intelligence – Bumuo ng awiting patungkol sa


pagtatangol sa bansa na may dalawang pamamaraan na
pagpipilian, maaaring paggamit ng lakas tulad ng
Paglalapat mandirigmang Spartans o di kaya ng katalinuhan at
katarungan tulad ng mga Athenians.

 Logical Intelligence - Gamit ang Venn Diagram, isulat ang


pagkakaiba at pakakatulad ng Sparta at Athens at iulat ito
sa klase

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan 3 7 10 Marka
Hindi naging Hindi gaanong Lubusang
malikhain at malikhain at di nagpamalas ng
walang gaanong pagiging
Pagkamalikhain orihinalidad orihinal ang malikahain at
ang nabuong may orihinalidad
nabuong output. ang nabuong
output. output.
Hindi Hindi gaanong Angkop na
angkop sa naging angkop angkop sa
binigy na sa binigay na ibinigay na
Kaangkupan panuto ang panuto ang panuto ang
nabuong nabuong nabuong output.
output. output.
Hindi naging Hindi gaanong Napakalinis at
maayos o maayos o napakaayos
Presentasyon/ malinis ang malinis ang ang intension o
Kaayusan at intensyon o intension o detalye ng
Kalinisan detalye ng detalye ng output.
output. output.
Hindi akma Hindi gaanong Akmang-akma
ang akma ang ang mensahe
Mensahe mensaheng mensaheng ng output.
ipinahahatid ipinahahatid ng
ng output. output.
Kabuuang 40
Puntos

TAMA O MALI

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay wasto, at MALI


kung hindi.
1. Si Herodotus na kilalang “Ama ng Kasaysayan” - TAMA
2. Ang dakilang manggagamot na si Socrates ang “Ama ng
Medisina.” - MALI
Pagtataya
3. Ang pamahalaang Demok ay isang sistema kung saan ang
pamumuno ay nasa ilalaim ng pmamahala ng MILITAR. - MALI
4. Lahat ng mahihinang bata o yaong may kapansanan ay
pinapatay sa lungsod-estado ng Sparta. - TAMA
5. Ang Assembly ay binubuo ng mamamayang lalaki ng Sparta na
may 20 taon pataas. – MALI

Takdang Aralin
Panuto: Magsaliksik sa mga sumusunod na makasaysayang
pangyayari sa Kabihasnan ng Athens at Sparta:

1. Battle of Thermopylae
2. Peloponnesian War

Panapos na
Gawain

Sa kuwentong “Si Matalino at Si Malakas”, ang dalawa ay


nagtulungan upang makaalis ng buhay sa isla. Sa ating bansa,
sana’y maging katulad natin si Malakas kagaya ng mandirigmang
Spartans na handang ipagtanggol ang bansa at kagaya ng mga
Athenians na Matalino at Makatarungan na may paggalang sa
karapatang pantao nang sa ganoon ay patuloy na uunlad ang
bansang Pilipinas.

(Utusan ang mga estudyante na kukunin ang mga anumang kalat o


basura sa kanilang upuan habang nag checheck ng attendance.
Pagkatapos, magsaitayo ang lahat para sa pangwakas na
panalangin.)

You might also like