You are on page 1of 9

Mater Dei College

Cabulijan, Tubigon, Bohol

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8


Mga Guro
Paaralan Mater Dei College
Baitang at Seksiyon 8 Enero 24, 2024

Asignatura Baitang Markahan Oras


Kasaysayan ng Daigdig 8 Ikatlo na Markahan Isang Oras
Unang Yugto ng Kolonyalismo at AP8PMD -IIIi - 10
Mga Kasanayan:
Imperaylismo
Sa pagtatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral sa ika-8 na
1. Layunin
baitang ay inaasahan na:
 Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto Unang Yugto ng
Kaalaman
kolonyalismo at;
 Nakaguguhit ng isang larawan patungkol sa isang mahalagang
Kasanayan pangyayari na naganap sa panahon na kung ang kolonyalismo at
imperyalismo ay napakalaganap pa.

 Napapahalagahan ang konsepto ng kolonyalismo at imperyalismo


Kahalagahan kung paano ito nakakaapekto hanggang sa kasulukuyan

2. Nilalaman UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO


3. Mga
 Learning Printed Materials
Kagamitang
 PowerPoint Instructional Materials
Pampagtuturo
4. Pamamaraan
A. Pagsasaayos ng mga Upuan (Seating Arrangement)

Susundin ng mga bata ang panuntunan sa pag-upo sa mga upuang


may distansya na naaayon sa IATF Health and Safety Protocols. May isang
metro ang pagitan ng bawat upuan sa gilid, harap, at sa likod.
Payuhan ang mga bata na umupo ayon sa kanilang espesyal na mga
pangangailangan. Ang mga nahihirapang magbasa mula sa malayo ay
uupo sa harapan, habang ang mga nakababasa kahit na mula sa malayo
ay uupo sa likod. Gayundin, ang mga mahina ang pandinig ay uupo sa
Panimulang Gawain harap, habang ang mga maayos naman ang pandinig ay uupo sa bandang
(5 minuto) hulihan.

B. Pagdarasal

Pipili ng mag-aaral na mangunguna sa pagdarasal. Isusunod agad ang


pagtatala ng lumiban sa klase.

C. Pagbabalik-aral
Magbalik-aral sa nakaraang tagpo

Mga
Gawain/Estratehiya
(8 minuto)
Pagsusuri 1. Batay sa nakita nyo sa mga larawan, ano ang pumapatok sa isip nyo?
(2 minuto) 2. Anu-ano ang mga kahulugan sa bawat lawaran na nakikita nyo?
Pagtatalakay ANG UNANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO SA
(15 na minuto) DAIGDIG
Mula ika-15 hanggang ika-17 na siglo, ang mga Europeo ay
1
naglayag sa mga karagatan upang makahanap ng mga bagong
lupain at daan o ruta na maaaring gamitin sa pakikipagkalakalan sa
Asya. Ang panahong ito ay tinawag na Panahon ng Pagtuklas. Mula
sa mga bagong lupain na natagpuan ay pumasok ang sinasabing
Unang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.

ANO NGA BA ANG IMPERYALISMO AT ANG KOLONYALISMO?

Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng


isang bansa na ginagawa sa pamamagitan ng sapilitang pananakop
at pagkontrol sa ekonomiya at pulitika ng mga nasakop na lugar. Ang
mga nasakop na bansa ay itinuturing na pag-aari ng imperyong
mananakop, kaya naman, ang lahat ng polisiya, patakaran, at
adbokasiya na ipinatutupad sa imperyo ay ipinatutupad rin sa mga
nasakop.

Ang kolonyalismo ay isang anyo ng imperyalismo. Ito ay


pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang
bansa upang gamitin ito para sa pulitikal at ekonomikong interes ng
mananakop na bansa. Palaging may hindi pantay na relasyon sa
pagitan ng mananakop at kolonya. Sa maraming pagkakataon sa
kasaysayan, ang mga mananakop at kolonyang bansa ay
magkakalayong bansa na may kaniya-kaniyang prekolonyal na
kultura at pamumuhay. Samakatuwid, ang pagkontol ay ginagawa ng
mga dayuhan.

Sa loob ng dalawang siglo (1600 hanggang 1800 daantaon), ang


suporta ng mga monarkiya sa iba't ibang imperyo sa Europa at ang
pagkakatuklas ng mga makabagong sasakyang pangdagat at
kagamitan sa nabigasyon ang siyang nagpaunlad sa maraming
tagumpay ng pananakop ng mga taga- Europa. Ito ang naging
bahagi ng malaking implikasyon sa kasaysayan ng paggalugad sa
buong mundo. Ito rin ang dahilan upang ang mga karagatan ay
maging pangunahing daan tungo sa pagpapalawak ng mga imperyo.

MGA EUROPEONG NANGGALUGAD SA MUNDO

Ang paggalugad sa mundo ay pinangunahan ng mga bansang


Portugal, Espanya, Olanda, Inglatera, at Pransiya.

ANG MGA PORTUGES


 Pinangunahan ng Italyanong si Amerigo Vespucci ang paggalugad
sa kanlurang bahagi ng mundo sa ngalan ng Portugal.
 Ang kanilang orihinal at pangunahing ambisyon ay nakapokus sa
East Indies.
 Naging malaking tulong sa kanilang imperyo ang pagsakop nila sa
Brazil.

ANG MGA ESPANYOL


 Ang mga Espanyol ay itinuturing na pinakamakapangyarihang bansa
2
sa pagsisimula ng unang bahagi ng imperyalismo at kolonyalismo sa
Europa.
 Naging mabilis ang pananakop ng Espanya sa mga bansa sa Timog
Amerika at Pilipinas matapos ang mga tila bigong pagtatalaga ng
settlement sa Santo Domingo at kontinental na bahagi ng Amerika.

ANG MGA OLANDES


 Sumunod ang mga Olandes sa mga Espanyol at Portuges sa
paggalugad sa ibang bahagi ng mundo. Naging malaking tulong ang
kanilang malawak na kaalaman sa paglalayag at pakikipagkalakalan.
 Dahil sa pagpapalakas sa kanilang kapangyarihang pandagat,
nanguna sa pandaigdigang komersiyo ang imperyo sa pagsisimula
ng ika-17 siglo.

ANG MGA INGLES


 Nakibahagi ang mga Ingles sa panariakop sa bahaging Amerika.
Naging katunggali ng Inglatera ang iba pang bansa sa Europa para
dito.
 Naging aktibo ang paggalugad ng mga Ingles sa Silangan. Naitatag
ang East India Company, ang pinakamatagal na enterprise sa unang
yugto ng imperyalismo.

ANG MGA PRANSES


 Binigyang interes ng mga Pranses ang mga kolonya sa Aprika.
Naging katunggali nila rito ang mga Ingles.
 Unti-unting pinalago ng Pransiya ang kaniyang kapangyarihan.
Pagdating ng ika-18 siglo, ang Pransiya at Inglatera ay kinilala na
bilang pinamakapangyarihan at magkatunggaling imperyo sa mundo.

MGA MAHALAGANG PANGYAYARI SA UNANG YUGTO NG


IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO SA EUROPA
Narito ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Europa noong
Panahon ng Paggalugad Bigyang pansin ang pagkakasunod-sunod
ng pangyayari at ang untiunting paglawak ng mga imperyo sa
pagdaan ng panahon.

 Noong Agosto 3, 1492 ay naglayag ang Italyanong si


Christopher Columbus mula sa Espanya patungo sa mga isla
ng Carribean (na inakala niyang Asya) sa tulong ni Reyna
Isabella. Tinawag niyang Bagong Daigdig o New World ang
mga lugar na kaniyang narating.

 Ang dalawang pinakamapangyarihang bansa noon sa mundo,


ang Espanya at Portugal, ay ginawaran ng Kasunduang
Tordersillas ni Papa Alexander VI noong 1494. Batay sa
kasunduan, ang mundo ay hinati sa dalawang bahagi.

 Nilibot ni Vasco de Gama ng Portugal ang Cape of Good


Hope sa bahagi ng Aprika hanggang marating niya ang India
noong 1498. Siya ang unang Europeong nakarating sa India sa
pamamagitan ng paglalakbay sa dagat.

 Nadiskubre ng mga Espanyol ang Mexico (1519), Peru (1532),


at Pilipinas (1565). Nasakop ang Pilipinas matapos itong

3
marating ni Ferdinand Magellan noong 1521.

 Narating ni Jacques Cartier ang St. Lawrence River noong


1534. Nasakop ng Pransiya ang bahaging ito ng Canada.

 Itinatag ng mga Olandes ang Dutch East India Company o


Vereenigde Oostindische Compagnie (VOC) sa Asya noong
1602.

 Nakuha ng mga Ingles ang teritoryo ng ngayon ay Estados


Unidos simula 1607. Nagkaroon ng 13 kolonya na naitatag sa
bansa, kabilang na ang Virginia, Maryland, North Carolina,
Georgia, Delaware, New Jersey, Pennsylvania, New York, Rhode
Island, Connecticut, Massachusetts, at New Hampshire.

 Itinatag ni Samuel de Champlain noong 1608 ang Quebec


bilang unang kolonyang Pranses at sentro ng kalakalan para sa
balahibo ng hayop o animal fur.

 Napasok ng Olandes na si Henry Hudson ang Baybayin ng


New York noong 1609. Noong 1624 ay nagtayo na ng
Rehiyong Olandes sa lugar.

 Noong 1673 ay narating ni Louis Jolliet at misyonerong Jesuit


na si Jacques Marquette ang Ilog ng Mississippi sa Estados
Unidos. Naglakbay sila hanggang sa Ilog ng Arkansas sa
parehong panahon. Nagkaroon ng paligsahan sa pagitan ng
Pransiya at Inglatera ang paglakas ng kolonyang ito sa Hilagang
Amerika.

MGA DAHILAN AT EPEKTO NG UNANG YUGTO NG KOLONYLISMO


AT IMPERYALISMO

I. Mga Dahilan sa Pagsakop ng Europa sa Asya

Noong ika-15 siglo, nakita ng mga Europero ang Asya bilang isang
maganda o potensiyal na lugar na mapagkukunan ng yaman at
makapagdaragdag sa kanilang lakas at kapangyarihan. Bagaman
limitado ang kanilang kaalaman ng tungkol sa Asya, ang mga
tagaEuropa ay nakaririnig lamang ng mga kronika mula sa mga
manlalakbay gaya ni Marco Polo. Dahil sa paglalarawan sa Asya
bilang isang mayamang lugar, nagkaroon ng pagnanais ang mga
Europeo na masakop ito.

Sinasabing may tatlong dahilan sa pagnanais ng mga Europeo na


masakop ang Asya. Ang mga ito ay kayamanan at kalakal, relihiyon,
at katanyagan. Kilala rin ito sa taguring 3Gs (gold, glory, God).

1. Kayamanan at Kalakal (Gold)


Bago ang ika-15 siglo, ang pangangalakal ng mga
produktong galing sa Asya tulad ng asukal, seda, at
pampalasa na ginagamit sa iba't ibang paraan tulad ng
pagpi-preserve ng pagkain o medisina, ay hawak ng mga
mangangalakal mula sa Venice.

Nagkaroon ng paghahangad ang ibang taga-Europa na


magkaroon ng mas maraming bullion (ginto at pilak) kaysa
4
mga taga-Venice. Upang magawa ito, naghanap ang mga
Europeo ng mga bagong ruta upang tuklasin ang mga
bagong lugar na mayaman sa pampalasa. Pawang mga
manlalakbay at bourgeoisie ang aktibong lumahok sa
pagtupad nito.

2. Relihiyon (God)
Simula ikapitong siglo, nagkaroon ang mga Muslim ng
kapangyarihan sa Hilagang Aprika, Silangang
Mediterranean, at Espanya. Inilunsad ng mga Portuges
ang reconquista upang mabawi ang nga lupain sa Iberian
Peninsula na nasakop ng mga Muslim.

Ang mga krusada ay inilunsad rin nila upang mabawi ng


Kristiyanong Europa sa Herusalem mula sa mga Muslim.
Ang mga konsepto ng Bagong Daigdig o New World at
ang populasyon nito na binubuo ng hindi Kristiyano ay
nagsilbing hamon at inspirasyon sa Simbahang Katoliko
na maipalaganap sa buong mundo ang Katolisismo.

Maraming misyonero ang ipinadala nila sa mga


ekspedisyon sa unang bahagi ng imperyalismo at
kolonyalismo. Ang malakas na kapangyarihan ng
Simabahang Katoliko ay mahihinuha mula sa kanilang
partisipasyon sa paggalugad. Isang natatanging
halimbawa nito ay ang paggawad ng simbahan sa
Espanya at Portugal ng kapangyarihang pulitikal sa mga
nasakupan nilang mga bansa.

3. Katanyagan at Pagkakilal (Glory)


Dahil sa makabagong kakayahan at pag-unlad ng mga
Europeo, naging matagumpay ang paggalugad sa hindi pa
nararating na mga lugar sa buong daigdig noong Panahon
ng Renaissance. Isa sa mga maunlad na sasakyang
pangdagat na ginamit sa paglalakbay ay ang caravel,
isang sasakyang may tatlo hanggang apat na poste na
kung saan ikinakabit nila ang layag. Naging mainam para
sa mga Europeo na gamitin ito sa mas malayong
paglalayag dahil nakapaglululan sila rito ng mga kanyon at
baril.

Nakatulong din sa kanila ang paggamit ng astrolabe, isang


instrumento upang malaman ng mga manlalakbay ang
posisyon ng kanilang mga barko. Nalalaman ng mga
Europeo ang kanilang latitud sa pamamagitan ng pagtingin
sa posisyon ng araw gamit ang nasabing instrumento. Ang
paggamit naman ng compass ay nakatulong sa kanila
upang malaman ang direksiyon ng hilaga nang sa gayon
ay maitakda ang posisyon ng barko kahit sa gabi o sa
mauulap na panahon.

Kasama ang mga bagong tuklas na kagamitan, ang


suportang iginawad ng mga hari sa mga manlalakbay ay
naging katanyagan para sa mga Europeong bansa. Ang
pagkakaroon ng mas malaking bilang ng mga nasakop at
nagalugad na bansa ay naging simbolo ng pagkilala para
sa mga Europeo. Para sa kanila, mas kahanga-hanga ang
isang bansang may maraming kolonya.

5
II. Mga Epekto ng Paggalugad
Sa Amerika, dahil sa pananakop ng mga Espanyol ay
bumagsak ang mga sibilisasyong Aztec at Inca. Ang
misyon raw ng mga Espanyol ay iligtas ang mga kaluluwa ng
mga mamamayan doon, subalit ang tunay na dahilan ng
kanilang pananakop ay upang mapakinabangan nila ang ginto
at pilak sa rehiyon.

Naapektuhan ang presyo ng mga hilihin sa Europa dahil


sa pagtaas ng dami ng pilak. Dahil sa maraming suplay ng
pilak, tumaas ang presyo ng mga bilihin. Binago rin nito ang
uri ng pagkain at populasyon sa Europa dahil sa pagdadala
ng mais at patatas na nagpataas ng suplay ng pagkain at
nagpalaki ng populasyon. Gayunpaman, lumaganap rin ang
mga sakit mula sa paggalugad gaya ng yellow fever at
malaria na mula sa Aprika. Smallpox, measles, at typhus
naman ang umalat sa Amerika. Maraming Amerikano ang
namatay dulot ng sakit at digmaan laban sa mga Europeo.

Nagkaroon ng bagong lahi dahil sa pag-aasawa ng iba't-


ibang lahi. Dahil dito, nabuo ang ahing mestizo. Columbian
Exchange ang itinawag sa pagpapalitan ng mga hayop,
halaman, lahi, at maging ng sakit mula sa lahat ng bansa.
Hinango ang pangalang iyon kay Christopher Columbus
bilang unang mangangalugad sa panahon ng imperyalismo.

Lumaki ang populasyon sa Europa, at maraming bansa


ang pinanirahanan ng mga Europeo. Ang rehiyon ay naging
sentro ng kalakalang pandaigdig. Bunga ng kanilang mga
paglalakbay, naitama at napaunlad ng mga Europeo ang
kaalaman sa heograpiya, hayop, at halaman. Ang
circumnavigation ni Magellan ang nagpatunay na ang lahat ng
karagatan sa daigdig ay magkakaugnay. Ang kanlurang
bahagi ng mundo ay nakabuo rin ng mga bagong nasyon na
may kulturang mula sa mga dayuhan.

1. Paano ba nakakaapekto ang ang kolonyalismo at imperyalismo sa


isang bansang sinakop nga mga dayuhan?

2. Sa iyong palagay, importante ba ang kolonyalismo? Kung oo,


ipaliwanag kung bakit. Kung hindi, ipaliwanag kung bakit hindi.
Paglalahat
(3-4 na minuto) 3. Kung merong kolonyalismo na nanganap dito sa Pilipinas, anu-ano
ang dapat mong gawin bilang estudyante upang mas umunlad ang
bansang Pilipinas?

Panuto: Gumuhit ng ruta sa mapang mundo tungkol sa ekspedisiyon ng


Espanya na pinamunuan ni Ferdinand Magellan sa paglayag sa paligid ng
Paglalapat mundo. Sa guhit, lagyan ng petsa at mga mahalagang pangyayari. Iguhit ito
(12 na minuto) sa long bondaper

Pagsusuri sa mga  Nabibigyang-pansin ng guro ang naipamalas na galing at


Produkto ng mga kooperasyon ng mga mag-aaral sa paglahok sa mga pangkatang
6
gawain sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang puntos:

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Mag-aaral

Pagtataya Panuto: 1-5 Multiple Choice. Isulat ang titik ng tamag sagot
(10 minuto)
1. Ito ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at mga Kristyanong
hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem sa Israel

A. Imperyalismo
B. Krusada
C. Constantinople
D. Astrolabe

2. Ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan


A. Merkantilismo
B. Compass
C. Krusada
D. Imperyalismo

3. Ito ay ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng isang bansa na


ginagawa sa pamamagitan ng sapilitang pananakop at pagkontrol sa
ekonomiya at pulitika ng mga nasakop na lugar.
A. Kolonyalismo
B. Nasyonalismo
C. Terorismo
D. Imperyalismo

4. Ang unang Europeong nakarating sa India sa pamamagitan ng


paglalakbay sa dagat.

A. Christopher Columbus
B. Amerigo Vespucci
C. Jacques Cartier
D. Vasco De Gama

5. Ito ay pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa isang


mahinang bansa upang gamitin ito para sa pulitikal at ekonomikong
interes ng mananakop na bansa.
A. Imperyalismo
B. Kolonyalismo
7
C. Nasyonalismo
D. Terorismo

6-10: Identification

6-8. Ito ang mga tatlong dahilan ng pagsakop ng Europa sa Asya?


- Gold, Glory, God

9. Ang tawag sa pagpapalitan ng mga hayop, halaman, lahi, at maging ng


sakit mula sa lahat ng bansa.
- Columbian Exchange

10. Ang tawag sa kasunduan na iginawad ni Papa Alexander VI, noong


1494 kung saan ang mundo ay hinati sa dalawang bahagi.
- Kasundunag Tordesillas

Panuto: Punan ang tsart tungkol sa dahilan, paraan, at epekto ng unang


yugto nga kolonyalismo at imperyalismo sa Pilipinas. Isulat ito sa buong
papel

Takdang-Aralin

Paglalagom/Panapos (Utusan ang mga estudyante na kukunin ang mga anumang kalat o basura
na Gawain sa kanilang upuan habang nag checheck ng attendance. Pagkatapos,
magsaitayo ang lahat para sa pangwakas na panalangin.)

(Itala sa ibaba ang mga di inaasahang ganapin subalit huwag limitahin sa


pagpapatuloy lamang na banghay-aralin sa susunod na araw sakaling ito
5. Mga Tala
ay ituturo muli o kakulangan ng oras, paglilipat ng aralin sa susunod na
araw o sakaling may suspensiyon ng klase.)
6.Pagninilay (Magnilay sa iyong mga estratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng
iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito maisasakatuparan?
Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan?
Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong tagamasid sa anumang
tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.)
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba pang gawain sa
remediation.
C. Nakakatulong ba
ng remedial? Bilang
ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mag-

8
aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturo ang lubos
na nakakatulong?
Paano ito
nakakatulong?
F. Anong suliranin
na aking naranasan
ang nasolusyunan ng
aking punong-guro o
tagamasid?
G. Anong
kagamitang panturo
ang aking nabuo na
maaari kong
mabahagi sa aking
kapwa guro?

Bibliography: Grade 9 Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan Modyul: Kalakalang


Panlabas ng Pilipinas
Appendices: (mga kagamitan na gagamitin sa pagtatalakay sa paksa)
1. Formative Assessment
2. PowerPoint Presentation
3. Handouts
4. LED TV Screen/Projector

Prepared by:

You might also like