You are on page 1of 1

Si Kristo Higit sa Lahat

Composed and written by: N. Arnel De Pano

Women: Mithiin namin ang manalig kay Kristo


At lumawig pang aming pagtitiwala
Hangad namin ang sama – samang paglago
At lumalim pa ang pananampalataya

Men: Sumasamba’t naglilingkod, nag-aaral


Nang malaman ang dakilang layon Niya
Humahayo sa diwa ng pagmamahal
Nagkakaisang kabataang Metodista

Koro:
All: Si Kristo higit sa lahat
Sa buong mundo’y isisiwalat
Women: Upang makilala Siya,
Men: at madakila Siya
All: Si Kristo higit sa lahat

All: Nangangakong mananahan sa ating Diyos


At kikilos ayon sa kanyang pangunguna
Nang tayo’y maging kanyang lubos-lubos
Pinagpalang kabataang Metodista
(koro)

Men: For the church and for all humanity


Women: We commit our lives in faith to follow thee
Men: …We follow thee
All: Christ above all we sing
To the world this message we will bring
Men: Upang makilala Siya,
Women: at madakila Siya
ALL: Ni Kristo isu’t kangatoan
Si Kristo igit king sablan
Si Kristo kinatas-an sa tanan
Si Kristo, si Kristo higit sa lahat

You might also like