You are on page 1of 1

Sa paglalahad ng mga mananaliksik sa kanilang metodo, inilagay rin nila ang

kanilang instrumentong gagamitin sa pananaliksik. Makikita natin ito sa kabanata 3 ng

papel mananaliksik sa bahaging paraan ng pananaliksik. Malinaw ang paglalahad ng

mga mananaliksik sa kanilang metodo na gagamitin. Maganda rin ang kanilang

pagkalahad sa bahaging ito.

Sa bahaging ito, inilahad ng mga mananaliksik ang disenyo ng kanilang

pananaliksik. Ang sarbey kwestyuner ang kanilang ginawang metodo sa pangangalap

ng datos at isasagawa ito sa pamamagitan ng isang sarbey. Makikita natin ito sa mga

sumusunod na pahayag ng pahina 9 ng kabanata 3:

“Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey kwestyuner na naglalayong...”

“Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey...”

Sa pag-aaral ng ginawa ng mga mananaliksik, ay wala silang nilabag na etika.

Nagbigay sila ng pagkilala sa mga pinagkukunan nila ng mga ideya, na mababasa natin

sa pahina 3 sa sumusunod na pahayag:

“Ayon kay Emile Durkheim...”

“Ayon naman kay George Homans...”

Hindi sila nagtago ng mga mahalagang datos upang mapalakas at mapaganda

ang kanilang argumento. Gumawa sila ng karampatang talaan ng mga hiniram nilang

ideya at termino. Ang karampatang talaan na ito ay makikita natin sa bahagi ng

bibliograpiya ng pananaliksik.

You might also like