You are on page 1of 70

Pasyong Pilipino

nina Lumbrera, Tinio, at Hontiveros

Edisyon ni Ferdinand M. Bautista

para sa pagtatanghal sa

The Metropolitan Theatre


Manila City

2022
1
2
3
4
5

TAGPO 2: ANG HULING HAPUNAN. DAPITHAPON.

Kusina sa isang dampa. May mahabang dulang. Batalan sa likuran. Naghihintay na ang mga apostoles.
Darating na si HESUS.

Hesus: A. O mga apostoles ko,


B. Ibig ko’t mga katoto,
C. Laon nang ninanasa ko
D. Ang tayo ay magsasalo,
E. Araw na Paskwang ganito.

A. Ito’y kahuli-hulihan
B. nang ating pagkakapisan
C. at paghaharap sa dulang,
D. pawawakasan ko naman
E. dati2 nang pag-aabay

A. May dito tayong kasalo,


B. ipagkakanulo ako.

Pedro: A. A2ko2 po kaya2


B. ang lanwang at palamara?

Hesus: A. Kung alin man sa inyo2


B. ang pisanga’t subuan ko
C. yaon nga ang maglililo,
E. ang sukab loob na tao.

Tatalilis si HUDAS. Magugulumihanan ang mga apostoles. Tutungo si HESUS sa batalan upang sumalok
ng tubig. Lalapitan si Pedro upang hugasan ang paa nito.

Pedro: A. Maka ang langit at mundo


B. na tumitingin sa iyo,
C. mahapis silang totoo,
D. magdalita ang Poon ko’t
E. ito po ay iurong mo.
6

Hesus: A. Gawa ko’y inyong tularan,


B. mag-utos at pag-utusan,
E. magpuno at pagpunuan.

Pagkatapos ng paghuhugas sa mga paa ng mga apostoles, padudulugin sila ni HESUS sa dulang.

Hesus: A. Kayo’y aking lalagakan


B. ng dakilang kaibigan.
C. Sa inyong puso’y tandaan,
D. huwari’t gagaring tunay
E. niyong katoto kong pinsan.

A2. At nang kailan mang araw


B2. huwag ninyong malimutan
C2. katawan ko’y kaning tunay,
D2. dugo ay inumin naman,
E2. ito’y aking kalooban.

A. Ito ay ang katawang kong


B. ipakakain sa inyo,
C. kaloob ko’t panagano,
D. bagaman tinapay ito’y
E. nagkaiba nang totoo,

A2. Ito’y inumin na ninyo


B2. at ito nga ang dugo kong
C2. mabubuhos na totoo
D2. sa pagsakop ko sa taong
E2. sa kasalanan nabuyo.
7

TAGPO 3: ANG PANANALANGIN SA HALAMANAN. KAGAT-DILIM.

Liblib na halamanan. Maraming puno at baging. Maraming bato at punso. Darating si HESUS at ang mga
apostoles.

Hesus: A. Mag2-i2ngat ka2yo


B. at ngayon ding gabing ito’y
C. walang pagsala’t totoong
E. ako’y inyong ibubuyo

A. Ang Pastor ay susugatan,


B. ito bagang kamatayan,
C. kampon niya’y mabubugaw,
E. walang di kalalayaan.

A. Kayo rin ngani iilag,


B. magpapabaya’t duruwag.
C. Dili kayo umalagad,
D. isa’t isa ay gagagad,
E. kayo’y magtatakbong lahat.

Pedro: A. Maestrong Panginoon ko,


B. ano po iyang wika mo?
C. Silang lahat ma’y tumakbo,
D. di ako manaw sa iyo.
E. sa mahal na harapan mo.

Hesus: A. Oya, kararahan, Pedro,


B. hwag2 kang gumasugaso.
C. Isip iyang winika mo,
E. baka di maging totoo.

A. Ako’y inyong lilisan nga


B. at iiwan alipala.
C. Ikaw pa’y magpapabaya,
D. makatlo pang tumatuwa,
E. maluma ka nang kalinga.
8

Pedro: A. Kung kahima’t ako’y anhin,


B. ang buhay ko ma’y alisin,
C. di kita itatwa mandin,
D. loob ko’y di ko pilisin,
E. di para sa ibang taksil,

Hesus: A. Kayo muna’y aking iwan


B. dito’t di ako mabalam
C. dausin ang aking pakay.
D. Hwag ka2yong malulumbay
E. di ko kayo kalimutan

Iiwan ni HESUS ang mga apostoles at tutungo sa isang punso sa malayo.

Hesus (V.O.): A. Ama kong Panginoon ko,


B. ako ay ‘yong pakinggan mo
C. nitong pananalangin ko
D. na tumatawa sa iyo,
E. aliwi’t nang di mabuyo.

A2. Masakit ang aking damdam


B2. alap-ap ko’t gunamgunam.
C2. sa dalita’t pagkamatay
D2. darating sa aking buhay
E2. na ako’y pinagpupusan

A. Yaon pong kinagalit mo


B. sa ‘sangkalibutang tao,
C. pagsuway sa2 utos mo,
D. at paglililo sa iyo,y
E. sa akin mo ibubunto?

A2. Ngayo’y anong aking gawin?


B2. Ako ma’y nagagalimhim,
C2. ang loob ko’y di ko sundin,
D2. dili ko papanulusin
E2. kundi ang iyong loob din
9

A. At anu-ano mang sakit,


B. manga dalamhati’t hapis
C. kung loob mo’y di mapilis
D. nayag akong di iimik,
E. tatalima’t magtitiis.

Tatayo si Hesus at magbabalik sa kinaroroonan ng kanyang mga apostoles na natutulog na.

Hesus (V.O.): A. Aba, manga kaulayaw


B. di ba kayo makaramay
C. sa akin nang paglalamay,
D. iisa mang oras lamang
E. panalanging ma2taman?

A2. O manga kaibigan ko,


B2. pili kong manga katoto,
C2. gising, manalangin kayo,
D2. at nang di kayo matalo
E2. ng dilang masamang tukso.

Mananalanging muli si HESUS at magpapawis ng dugo. Lilitaw ang Anghel

AWIT: Anghel
10

Hesus (V.O.): A. O anghel na tagalangit,


B. sugo ng D’yos na mabagsik
C. hatol niyang di mapilis
D. tumagos sa aking dibdib,
E. oo, akin nang naringig.

A. Yayang loob niya pala


B. ang mamatay ako’t ganda
C. ng manga taong lahat na
D. salamat nang walang hangga’t
E. ako’y wala nang balisa.

A. At nang di naaaksaya
B. ang dalita kong lahat na,
C. ikapagkakamit asa
D. ng lugod at ng ligaya
E. ng manga anak ni Eba.
11

TAGPO 4: ANG PAGDAKIP KAY HESUS

Sa Halamanan. Papasok si Hudas kasama ang mga sundalo.

HUDAS: A. Ang sinumang batiin ko,


B. yakapi’t tuloy hagkan ko,
C. yaon ngani ay si Kristo
E. siyang paglumbaan ninyo.

Magtutungo si HESUS sa mga apostoles na natutulog.

HESUS: A. Magbangon kayo anakin,


B. ngayo’y ako’y inyong sundin,
C. Ito na’t ako’y darakpin
D. ng mga taong salarin,
E. manga mapanaghiliin.

Lalapit si Hudas at ang mga sundalo.

HUDAS: A. Maestro kong pinupuri.

HESUS: A. Katoto ko’t aking kasi,


B. ano ang sadya mo’y gabi?

HUDAS: A. Aba po, Maestro ko2,


B. sinta ko’t kaluguran ko,
E. ang Maginoo’y maano?

Yayakap kay HESUS at hahalikan ito.

HESUS: A. Aba, oya, katoto ko,


B. ngayo’y ano ang layon mo
E. sa aking iyong kasalo?

Dadaluhungin si JESUS ng mga sundalo.


12

Mapopoot si PEDRO. Susugurin ang isang sundalo, aagawin ang tabak nito at matitigpas ang tainga ni
MALCO.

HESUS: A. Pe2dro2, saulan2


B. iyang iwa sa kaluba’t
E. di ko kinakatwi2ran

Pupulutin ang tainga ni MALCO at muling ididikit ito sa kinatigpasan.

HESUS: A. Pedro, kung ibig ko kaya


B. ang ako ay makawala,
E. sukat may makasansala?

A. At kung paaadya ako2


B. Angheles mang ilang libo
C. ang hingin ko sa Ama ko’y
D. may Liwag bagang parito
E. mangag-agaw sumaklolo?
13

Lilingunin ang mga sundalo.

HESUS: A. Ako baga’y magnanakaw


B. taong ligalig o ligaw?
C. at mapagmasamang asal?
D. Ako’y inyong tinubungan
E. kayo’y pawang sandatahan.

A2. Di maralas na maralas


B2. tayo ay nangaghaharap
C2. magpanayam na banayad
D2. bakin doo’y kayong lahat
E2. walang ganitong nangahas?

A. Di ang dalas kong mangaral,


B. magsabi nang dilang bagay
C. ng matataas na aral
D. sa inyong manga simabahan,
E. pawang may kapapakanan.

A2. Bakin doo’y di pinuspos


B2. ganitong pagkakaloob,
C2. at ngayong kayo nag-ubos
D2. nitong hamak na paggapos,
E2. na ako’y inyong binuktot,

Susugurin si HESUS, gagapusin at kakaladkarin.


14

AWIT
15

TAGPO 5: ANG PAGHARAP NI HESUS KAY ANAS. GABI.

Sa bahay ni Anas, nagkatipun-tipon ang mga manong at manang na napopoot sa manga pangaral ni
HESUS.

ANAS: A. Ay2, ta2ong hunghang,


B. nasaan ang iyong aral?

A. Kundangan tantong mahalay,


B. at manga di katuwiran
C. ang aral mo’t iyong saysay,
D. at ang ikaw ay pag-iwan
E. manga iyong kaulayaw.

MATRONA: A. Ang malaking kabaitan


B. ang kay Hudas na nabulay,
C. kasuyo mo’t kasapangan
D. gugulat na humiwalay
E. nang di masira’t maramay.

A. Siya’y iyong katiwala


B. at kagawad mo ng wika,
C. kasuyo mo’t kasamaya
D. bakin siya ring nabala
E. ng aral mong masasama?

ANAS: A. Kundangan tantong totoong


B. manga liko ang aral mo,
C. daya mo’t nang may magtalo,
D. ano’t paglisan ka nitong
E. dati mong manga katoto?
16

Hindi kikibo si Hesus.

PARISEO 1: A. At ang iyong kawikaa’y


B. nakan ibigin ng tanan,
C. iparuyo’t anyayahan
D. ang inimbot mo’y galang,
E. panganlan kang taong paham.

PARISEO 2: A2. Lalo ka pa bagang alam


B2. kasantusa’t pagkabanal
C2. kay Moyseng pinapagsaysay
D2. ng sa Diyos na kautusan
E2. doon sa bundok ng Sinay?

PARISEO 1: A. Di marami nang Propetas


B. ang pinapagpapahayag
C. ipagtawag, at isulat,
D. aral nilang maliliwag
E. amin ding natatalastas.

PARISEO 2: A2. Tao kang hamal na lamang


B2. di ka sampalatayanan.
C2. bakit di ka nag-aaral,
D2. ang bait mo pa’y alangan
E2. walang kinakapakanan.

ANAS: A. Dito sukat mahalatang


B. ang aral mo’y pawang daya,
C. upat mo’t pagkukuhila
D. lahat ay ginagambala,
E. nagbubuo kang bahala.

A2. Yaong iyong kaululan


B2. minamatuwid mong asal,
C2. wala kang hanggang sumuway,
D2. kami pinalalaluan,
E2. aba ngayo’y napasaan.
17

PARISEO 2: A2. Bakin di mo ikakalag


B2. diyan sa tali mo’t hirap
C2. nang kayo ay magkalutas
D2. kung tanto ka ngang Mesiyas
E2. na hinihintay ng lahat.

Ayaw pa ring umimik ni HESUS

ANAS: A. Walang taros na ulingas,


B. kagalit-galit nang liwag,
C. bayo at siyu’y ilakad,
E. Ihatid na2 kay Kaypas.

Kakaladkarin si HESUS.
18

TAGPO 6: ANG PAGTATATWA NI PEDRO KAY HESUS. GABI.

Sa kumbento ni Kaypas, nagpulong-pulong ang mga punong-bayan at mga pari upang ihanda ang sakdal
laban kay HESUS.

PARISEO 1: A. Taong mapagbunying dangal


B. kung baga totoong ikaw
C. walang di nasa2laman,
E. manghula ka’t ‘yong turuan.

PARISEO 2: A. Kung sa ami’y sinu-sino


B. ang nagsitampal sa iyo,
C. hulaan mo at turan mo,
D. yayang ang binabansag mo’y
E. Anak ka’ng D’yos na totoo.

Nagdarasal sino Pedro at Juan. Lalapit ang isang bata kay Pedro.

BATA: A. Ga nakikilala kita


B. sa masid ng aking mata,
C. na dili magkakaiba,
D. dati kang kasama-sama
E. nitong taong hinihila?

PEDRO: A. Kung ako ay kaalagbay


B. ni Kristong iyong kaaway,
E. magmuwang kayo’t magnilay.

Naririnig ang pagtilaok ng mga manok. Bagaman may piring si HESUS, lilingon si HESUS kay PEDRO.

HESUS: A. Ay, aba, Pedro, ay, aba


B. di mo ‘ko nakikilala
E. ay nakikilala kita?

A. Bapa, dati kong kalinga,


B. kung ako ma’y itinat’wa,
C. ikaw ma’y nag-upasala’y
D. huwag kang magdalang hiya’t
E. ako ay maawing lubha.
19

A. Ay, aba, huwag kang malis,


B. ako’y iyong ikahapis,
C. natatali kang masakit
D. sa puso ko’t aking dibdib,
E. na di ko ibig mapaknit.

A. Pedro, ikaw ma’y naligaw,


B. at nagkamali sa daan,
C. muli ka sa katuwiran,
D. Pastor ako’t iyong ilaw
E. na pagkakaginhawahan.

Ipipinid ang pintuang tungo sa kumbento.

PEDRO: A. Ako, Panginoon ko ay


B. di na tapat turang tao,
C. langit ma’y sukat tumampo,
D. nang kabandayan kong ito’t
E. kabuhungan ko sa iyo.

Lilitaw ang Anghel.


20

AWIT: ANGHEL

Bb A A7 Dm Bb Am A7

L; Ir· D F r I
f A-ba nga-yo'y pa-a - no ka? Ta-pat moka -yang ma-ba - ta, i-yang ma -

Dm Bb F Gm C7 A7 Dm Gm rit. C7 F

I
ra - ya mong ma - ta, i - ti - ngin pa sa kan -ya di ma - ru-nong ku-mi - la - la.

G C7 F Gm C7 Cdim D7
11

Mag-ba - go ka nga-yong du - nong i-yong i - pang-ang-gap sa - hol sa A-ma

4 r r r r I r t ur r I r: r: r- P 1 �r r r r r I r p r-
Gm C7 F D7 Gm C7 Cdim D7 Gm C7 F
16

b 1 0 II
mongma-pag-am - pon, h'wagka ringmag-pa - ga - yo' t mag-sa-u-li kang ma-mu - hon.
21

TAGPO 7: ANG PAGHARAP NI HESUS KAY KAYPAS. MADALING ARAW.

KAYPAS: A. Ngayo’y ang itatanong ko


B. sa iyo ay tugunin mo;
C. mga anong aral itong
D. sa ami’y nakagugulo,
E. na sinasaysay mong bago.

HESUS: A2. Kailan ako uma2ral


B2. ng manga di katuwiran
C2. na aniyo’y kalikuan,
D2. daan akong katunayan
E2. buhay, at kaginhawahan.

A. Ang lahat kong manga saysay


B. pawang may ka2pakanan
C. aking ipinatatanghal
D. dito sa sandaigdigan,
E. walang sukat pagtalunan.

A2. Siya na ninyong tanungin


B2. ang nakikinig sa akin;
C2. at siya kong sasaksihin,
D2. gawa’t wika kong di linsil
E2. kung anong kanilang turing.
22

Sasampalin ng PARISEO 1 si HESUS.

PARISEO 1: A. Ulol ka at tampalasan,


B. wala ka nang alang-alang.
E. Ikaw ay aling maalam?

PARISEO 2: A. Saka ka na magpalambang


B. tugon mo’y kapalaluan
E. sa puno ng sambayanan.

KAYPAS: A. Saksi ang Diyos na buhay,


B. kung di ka ngayon sasaysay
C. sabihi’t iyong isigaw
D. kung baga totoong ikaw
E. Anak ng Diyos na tunay?

HESUS: A. Iyan din wika mong iyan,


B. nalong sa bibig mo’t na’naw,
C. siyang katotoha2nan
E. ako ngang ‘yong tinuruan.

KAYPAS: A. Ngayon sa aking harapan


B. ako’y pinangangahasan,
C. bukambibig sa bulaan,
D. tugon ay kapalaluan,
E. tayong tana’y hinahalay.

A. Aba, lahat ng ginoo,


B. anong banta-banta ninyo,
C. hatol na tapat iano
E. sa maysala ng ganito.

PARISEO 1: A. Dapat sa kanya’y patayin,


B. iyang taong sinungaling,
C. na talipandas at baliw.

PARISEO 2: D. Patayin din ang matuwid,


E. iyang bibigang malupit.
23

KAYPAS: A. Hayo na nga’t dalhin ninyo


B. sa hukom na kay Pilato,
C. nang sishin ni2ya ito,
E. na makasalanang tao.

Kakaladkarin si HESUS palabas sa pintuan.


24

TAGPO 8: ANG PAGPAPATIWAKAL NI HUDAS. MADALING ARAW.

Sa labas ng kumbento ni Kaypas. Tumutunog ang kampana. Magdaraan ang ilang taong-bayan.

HUDAS: A. Dakila, totoo pala.


B. dakila ang aking sala.

A. Itong aking nangagawa,


B. tantong masamang masama,
C. Katoto ko’t katiwala,
D. siya kong ipinasira,
E. walin ko itong bahala.

Tututok sa pintuan

HUDAS: A. O lahat na manga mahal,


B. manga punong-bayan
C. nagkamali akong tunay,
D. ang dugo ng Taong banal
E. siya kong ipapapatay.

A. Ako ay nagkakamali
B. sa tika ko’t aking budhi
C. ngayo’y ako’y pahihindi.
D. kalagan ninyong marali’t
E. kakalasin ko ang yari.

A. Kuha itong inyong pilak,


B. at ako’y nagpapalapas,
C. di ano’t ako’y magbayad
D. ng iilang saikapat
E. sa banal na Diyos Anak?

PARI 1: A. Hudas, malis ka na diyan


B. wala kang pangyayarihan,
C. di ka namin pakikinggan,
D. anumang iyong karatnan,
E. di kami nakaaalam.
25

PARI 2: A. Tayo ay nagkalutas na’t


B. ang sulat ay nayari na
C. iyo ang pilak, at amin s’ya,
D. kapwa natin minaganda,
E. ay ngayon ka pa ngangapa?

Itatapon ni HUDAS ang salapi sa pintuan at tatakbong palabas ng bayan. Makailang ulit na hihinto siyang
nahihintakutan pagkat tila nasasalubong niya ang mga apostoles na sumusumbat sa kanya
26
27

Mapapayakap si HUDAS sa isang puno.


28

AWIT
29
30
31
32

TAGPO 9: ANG PAGHARAP NI HESUS KAY PILATO. TANGHALI.

Sa tanggapan ni Pilato sa gusali ng pamahalaan.

PARISEO 1: A. Ito pong naritong tao'y


B. pinanganganlang si Kristo.

PARI 1: A. Nagpapanggap hari'y mura,


B. ang ugali iniiba,
C. ginigibik ang lahat na,
E. anak daw ng Diyos siya.

PARI 2: A. Ang kanyang manga a2ral


B. pagsuway sa katwi2ran.

PARISEO 2: C. Bagong ugaling mahalay


D. katakata niya lamang
E. sa hari pa'y masalansang.

PARISEO 3: A. Ito man lamang ang dapat,


B. sukat, alipala'y sukat
C. isakit, ipagpahirap,
D. patayin nang walang liwag,
E. sa kaululan n’ya bayad.

PARISEO 4: A. Kaya po dinala namin


B. sa iyong harapan mandin,
C. yayamang ugali nating
D. ang may sala ay patayin
E. iutos mo't siyang gawin.

Ipapakita si JESUS, duguan, pagod, hapis, nakatayo sa gitna ng mga kaaway.


33

PILATO: A. Sa sumbong ng madlang tao,


B. asal man dito'y ganito,
C. sala'y patayi't di ano,
E. mangagnilay muna kayo!

A2. Sukat na ang bagsik ninyo,


B2. galit na di mamagkano,
C2. dili din itutulot ko
D2. na patayin itong ta2o,
E2. itong sabi ko, totoo.

PARI 1: A. Kuning lahat ng narito'y


B. pawang puno't naginoo,
C. na naghahabla sa iyo,
D. tumututol nang totoo’y
E. di pa paniwalaan mo?

PARI 2: A2. Kami dili sinungaling


B2. tao kaming magagaling,
C2. maganda ang asal namin,
D2. huwag ka nang magalin2hin,
E2. hatulan mo nang patayin.
34

PILATO: A. Kayo'y taong magagaling,


B. datapwat alang-alang ding
C. hamaking pataying tambing
E. ang walang salang gawain.

A2. Dili ko dali-daliin,


B2. aking munang iisipin,
C2. tutol niya ay paranin,
D2. kung tapat ay pagpala2in,
E2. kung sala nama'y sisihin,

A. Minamagaling ninyo ‘to,


B. paraya n’yong di totoo
C. May tali na itong tao,
D. parang sala nang totoo,
E. inyong tinatalu-talo.

A2. Aling hukom ang nag-utos


B2. saka na ninyo ginapos
C2. itong paumbabang loob?
D2. wala kayong lingon-li2kod
E2. sala ito sa Romanos?
35

A. Aninyo’y kayo’y ginoo,


B. bakin hinahalay ninyo
C. itong walang anu-ano,
D. sinong may loob, may oyo,
E. na dakpin at dalhin dito?

A2. Anong mga usap kaya


B2. ngayon ang inyong paraya?
C2. inaayop, hinihiya,
D2. ang inyo pang sapanta2ha'y
E2. ang patayin alipala?

A. Doo’y ang isip ko’t damdam,


B. kayo'y nagkakagalitan,
C. sa tanim idinadaan,
D. itong tao'y aba nama'y
E. huwag ninyong pagbintangan.

A2. Mana’t walang kibu-kibo,


B2. mukhang taong napanuyo,
C2. loobin man ang maamo,
D2. kaawawa ang a2yo'y
E2. saan yaon magpalalo?
36

PARI 1: A. Wala kaming dalang galit,


B. kaya kami naiinip,
C. anhin baga'y napipilit
D. ng katampatang matuwid,
E. dapat siyang magkasakit.

PILATO: A2. Dili ko pahahamakan


B2. kung (walang)1 sakaing matibay
C2. kayong aking maalaman,
E2. kung tanto ang inyong saysay.

A. Dili kapagdaka’y saway


B. dati pang kaugalian,
C. at utos ng kahukuman,
D. huwag humatol na matay
E. sinumang may kabagaikan?

A2. Kung di muna’y hablahan


B2. at may saksing katibayan,
C2. nang doon ay maalaman
D2. ikatatanto ng ba2gay
E2. sa balang may katuwiran.

A. Ano't di kayo magnilay,


B. mga nagpupunong-bayan?
C. Ako'y walang maalamang
D. ihatol ko ng pagpatay
E. dito sa taong malanlam,
37

PARISEO 1: A2. Ang naritong taong hunghang


B2. ay magpabanal-banal,
C2. nakasisira sa bayan,
D2. tao'y pinag-aara2lan
E2. ng masamang bagong litaw.

PARISEO 2: A. Loob ng tao'y balisa,


B. di iisa't marami na
C. ang nagsisampalataya,
D. sa hanga ng Galilea'y
E. sumuko na sa kaniya.

PARISEO 3: A2. Siyang ipinagigibik


B2. ng balang makarinig,
C2. balang bayang nasasanib
D2. napawi ang panana2lig
E2. sa Diyos nating mabagsik,

PARISEO 4: A. Tuloy namang sumasaway


B. na h’wag mawisa kay Cesar,
C. ito'y katalipandasan,
D. dakilang kapalaluan
E. sa Koronang2 Imperyal.
38

PARI 1: A2. Kami pawang mayayaman


B2. sumusunod, gumagalang
C2. dito sa Haring marangal,
D2. bago'y iyang taong i2ya'y
E2. bukod nananampalasan.

PARI 2: A. Ang wika pa at pahayag


B. na ipinagwawatawat,
C. siya daw ay ang Mesiyas,
D. na hinihintay ng lahat
E. ng laking pagpapabansag.

PARISEO 1: A2. Ito'y taga-Galilea,


B2. doon ang ama't ang ina,
C2. ang may anak sa kaniya'y
D2. si Joseph at si Mari2a,
E2. amin ding nakikilala.

PARISEO 2: A. Itong ama'y anluwage,


B. walang kabantugang dati,
C. yaon ang kanyang sarili,
D. walang halaga ang puri't
E. sa munting bayan lumaki.
39

PARISEO 3: A2. Amin ding naaalaman


B2. ang kaniyang pinagmulan,
C2. dugong pinagbubuhatan
D2. dili hari't dili mahal,
E2. at dili bantog saan man.

PARISEO 4: A. Dukhang walang kabuluhan,


B. walang ari't walang yaman,
C. masama ang pamamahay,
D. sumusuko't kabalangay
E. ng puno doon sa bayan.

PARI 1: A2. Ano't kami ang aralan


B2. kami ang pamalitaan
C2. ng aral na bagon litaw,
D2. marupok na wa2lang saysay
E2. niyang malupit na halhal.

PARI 2: A. Binungkal nami't hinanap


B. ang mga Santa Fa’anturas,
C. sakaling may nasusulat,
D. doo'y walang taong pantas
E. sasaysay nang maliliwag.

Magugulumihanan si Pilato. Titingin siya kay HESUS.


40

PILATO: A. Ay kung gayon ay diyata


B. tantong ikaw ay Hari nga
C. nitong mga taong madla,
E. tikis ka lamang sinama?

HESUS: A. Oo, ako ay Hari nga


B. tapat iyang iyong wika,
C. diwa'y sa langit nagmula
E. nuka ng labi mo't dila.

A. Ako ang magpapahayag


B. ng katotohanang tapat,
C. at balang taong tumanggap,
D. magkamit ng aking tawag,
E. sila ang magkakapalad.

PILATO: A. A2no baga iyang2


B. wika mo'y katotohanan?
E. wala akong malay-malay..

Haharap sa mga PARISEO.

PILATO: A. Ako'y walang matutuhan


B. salang ipaging dahilan
C. ihatol ko ng pagpatay,
E. ang banta ko'y taong banal.

PARISEO 1: A. Ano baga ang dahilan,


B. ito'y di mo po hatulan?

PARISEO 2: A. Ginagayuma ka yata'y


B. huwag kang mabaklang awa,
C. dating mapagpakumbaba
D. iya't mapagmukhang aba
E. nang tu2rang banal kunwa.
41

PARISEO 3: A. Ikaw rin po'y nagdalita't


B. sisihin mo't nang marala,
C. nang may kunan halimbawa,
D. ang iba pang masasama,
E. kapwa nagagala-gala.

PARISEO 4: A. Dito sa hanggan dumating


B. sa bayan ng Herusalem,
C. tao'y kinakabog mandin
D. sa kaniya din ang dahil,
E. kami di na pinapansin.

PARI 1: A. Kundanga’y nasasansala


B. namin ito, alipala'y
C. halos nangon ng bandila't
D. tinipon ang taong madla
E. dito sa baya'y dumigma,

PARI 2: A. Bago'y dili tao siya


B. dito, kapagkadaka na't
C. ang tinubuan ay iba,
D. bayang munti at hamak na
E. kahukom ng Galilea.

PILATO: A. Ikaw pala’y Galileo?

HESUS: B. Oo, doon ako tao.

PILATO: A. Kung gano'y dalhin na ito


B. sa hari niyang totoo.

A. Kay Herodes ipaoo't


B. doon ko na itatahoy,
C. yayamang kaniyang kampong
D. siyang bahalang magnuynoy
E. ng anumang2 ha2tol.
42

TAGPO 10: ANG PAGHARAP NI HESUS KAY HERODES. GABI.

Sa marangyang bahay ni Herodes. Nakikipaglaro siya ng baraha sa tatlong matrona.

HERODES: A. Sa2lamat, sala2mat,


B. salamat, magandang palad,
E. laon na kitang naliyag.

A. Laon na ang aking nasa


B. na makita kita nawa,
C. ngayo'y salamat pa aya,
D. ang kita'y nakita na nga,
E. natupad ang aking nasa.

A. Nang ako'y bigyan mong tuwa


B. kung tingnan ko't mausisa
C. ang mata2ngas mong gawa,
D. huwag kang magpapakaraha't
E. ako’y maalam magpala.

A. Kaya nga magdalita ka,


B. ikaw ngayo'y magpakita
C. sa akin bolinya mo na
E. kahima't iisa-isa.

A. Totoo kong ibibigay,


B. ang itong kalaha2ting
C. aking sangkahari2an
E. sukat mong pakinabangan
43

Hindi sumagot si HESUS.

HERODES: A. Bakin di ka makimatyag,


B. ano at di ka mangusap?
C. itong hingi ko'y maluwag,
D. gawa mo raw ay maralas
E. bulag may pinadirilat.

A2. At ang mga namamatay,


B2. ‘pag kaloob mo raw naman,
C2. malibang mang ilang araw
D2. alipala'y nabubuhay
E2. mauuli ang katawan.

A. Ang pipi at manga bingi,


B. ang pinapasukang dati
C. ng demonyong uma2li,
D. kapag iyong iwinaksi
E. gumagaling, umiigi,

A2. Ikaw daw nama’y maralas


B2. makapaglakad sa dagat,
C2. bagyo’y iyong sinasabat,
D2. at ang manga naghihirap
E2. pinagiginhawang lahat.

Tala na ring…

HERODES: A. Bakin di ka2 tumugon


B. Sa akin ng gayo't gayon,
C. oo't dili alalaong
D. diwa'y para ka ni Samson,
E. na matalia'y narusong,
44

A2. Sa ang katawa'y mabigkis


B2. ng matitibay na lubid,
C2. malakas, dating mabangis,
D2. nalumay, tumulig-tulig,
E2. dilang mahina'y dumaig,

A. Gayon ka't di ako banday


B. sa ikaw ay matalian,
C. ang bait mo at ang tapang
D. nangawala sampon naman
E. ng iyong kapangyarihan.

Hindi titinag si HESUS.

HERODES: A2. Siya ang pinupuri ko't


B2. laon ko nang pinupulo,
C2. at inaari kong santo,
D2. Ibalik na kay Pilato
E2. itong tulingag na tao.

Iaalis si HESUS ng mg sundalo.

HERODES: A2. Ako'y pinaasa-asa't


B2. lamang na ngayong binakla,
C2. higtin ninyo't hilahin na
D2. ang bangaw at palamara
E2. na di tumanggap ng ganda.
45

TAGPO 11: ANG MULING PAGHARAP NI HESUS KAY PILATO. GABI.

Sa aklatan ni Pilato sa kanyang tahanan. Kaladkad ng mga sundalo sina HESUS at BARABAS

PILATO: A. Bakin nasauli dito?


B. Aba, anong gagawin ko?

A. Walang katu-katuwiran
B. na dapat ipatay diyan,
C. ako ay aayaw, ayaw,
D. utos ko'y inyong kalaga't
E. inyong pabaya-bayaan.

Hindi kikilos ang mga PARISEO.

PILATO: A. Inusisa kong banayad


B. sa inyong harapang lahat,
C. wala rin akong mahanap
D. na aking ikababakas,
E. di pa tayo nagkalutas.

A. Paramit naman ay payak


B. maputing anaki purac,
C. parang mandamientong sulat,
D. tanda ng pagpapatawad
E. at ng pagpapawing-usap.

Hindi kikilos ang mga PARISEO.

PILATO: A. Kung baga ang inyong isip


B. salarin siyang masakit
C. at ang gawa'y di matuwid,
D. sisihin ko't nang magalit
E. nang hampas na masasakit.

PARISEO 1: A. Ipako sa Krus ang dapat


B. huwag may pahuwag-huwag
46

Haharapin ni PILATO si HESUS.

PILATO: A. Di mo baga nadiringig?


B. wika nilang ipipilit
E. patayin sa Krus ang ibig

Lalapit ang isang tagapayo, bubulong kay PILATO.

TAGAPAYO: A. Ang wika't sabi sa sulat


B. ng mga Ebangelistas,
C. taon-taon tuwing Paskwas,
D. ugaling pinalalabas
E. ang isang taong may usap.

A. May nabibilanggo ngayon


B. punong tampalasa't pusong,
E. wala ring ipinaparol.

A. Maglilingo't magnanakaw
B. at mapag-abang sa daan,
C. mangungulimbat, matakaw,
D. nununton ang kasalanan
E. na si Barrabas ang ngalan.

Papapasukin si Barrabas, kaladkad ng mga sundalo. Haharaping muli ni PILATO ang mga PARISEO.

PILATO: A. Ngayon ay mamili kayo


B. dito sa dal’wang katao –
C. kay Barrabas at kay Kristo –
D. nang titimawain ninyo
E. dito2 sa Paskwang ito.
47

A. Ang aking minamagaling


B. kung baga inyong susundin,
C. ang isip ko'y dili linsil
D. si Hesus ang huwag anhi't
E. siya nating patawarin.

PARISEO 2: A. Si Barrabas ang kalaga't


B. si Hesus ang ipapatay

PILATO: A. Ano nang gawang di tapat


B. nitong may budhing banayad,
C. di na kayo magpatawad,
E. ay bago'y kahabag-habag.

PARISEO 3: A. Si Barrabas ang kalaga't


B. si Hesus ang ipapatay.
C. Si Barrabas ang kalaga't
E. si Hesus ang ipapatay.
48

Lalapit si PILATO kay PROCLI.

PROCLI: A. Ay2 asa2wa2 ko,


B. isipin mo ang gawa mo,
C. mag-ingat ka sa di toto,
D. maano mo iyang tao'y
E. banal at dakilang santo.

A2. Wala siyang kasalanan,


B2. di mo tapat parusahan,
C2. huwag mo po sanang hatulan
D2. ang mga tao sa bayan
E2. na makamatay sa banal.

A. Ngayo'y ako'y nanaginip,


B. nakita ko't dili lingii,
C. ng mata ng aking bait
D. ang alaala ko'y tikis,
E. ga-baka na't di ko isip.

A2. Tuloy baba-in kita daw,


B2. ipang aking panagimpan,
C2. magpilit akong sumuway
D2. at pakan di magpalambang
E2. humatol na matay diyan.
49

Haharaping muli ni PILATO ang mga PARISEO

PARISEO 4: A. Ang2 ganyang walang tarka


B. ipa2ko sa isa Krus,
C. ugali naming Hebreos,
D. ninyo mang taga Romanos
E. dusa ng balang mabuktot..

PILATO: A2. Kunin ninyo ang panghampas


B2. at sa haligi iyakap,
C2. at2 nang lo2ob ninyo'y
D2. nang3 lumu2wag kung
E2. pag2patay ay di dapat.
50

TAGPO 12: ANG PAGHAMPAS KAY KRISTO. GABI.

Sa silong ng tahanan ni PILATO.


51
52

TAGPO 13: ANG PAGHAHATOL NI PILATO. GABI.

Sa aklatan ni PILATO, tulad sa Tagpo 11.

PILATO: A. Parinha't inyong ipanhik


B. iyang taong mapagtiis,
C. at aking ipasisilip
E. sa taong naglingig-lingig.

A. Mana ang tao tingnan n’yo,


B. kung tao pa baga ito
E. kundi bangkay nang totoo.

PARISEO 6: A. Hingi namin pa ring pilit


B. sa Krus ipako't isabit

PILATO: E. Hari niyo'y ipako ko? [Sa krus]

PARISEO 7: A. Ano't hari ang turing mo,


B. wala kaming hari dito
C. kundi si Tiberio Cesar,
D. siyang panginoon lamang
E. ng sangmundo't sandituhan.

PARISEO 3: A. Aali ito't aayaw


B. ng kaniyang kaharian,
C. ay kundi mo ipapatay,
D. di ka katotong tuturan
E. ng hari nating marangal.

PARISEO 4: A. Bagkus ka nga panganganlang


B. kasapakat ka't kaalam
C. ng ganitong kaliluhan.
D. Ikaw po’y makakaramay
E. papawian ka pang halal.
53

Mahihintakutan si PILATO. Haharapin si HESUS.

PILATO: A. Ikaw nga ba'y taga-saan?


B. Ako'y may kapangyarihan
C. may bagsik na kaganapan
D. matay sa’yo't makabuhay,
E. ako'y di mo pahayagan?

HESUS: A. Wala ka ring buong bagsik


B. na sa aki'y nagpasakit
E. kundi nagmula sa langit.

Haharapin ang ang PARISEO. Maghuhugas ng kamay.

PILATO: A. Manga t’wan, labas ako2,


B. sa dugo ng taong banal,
C. ang katawan niya't buhay,
D. inyo nang pagkalooban,
E. di ako nakaaalam.
54

TAGPO 14: ANG PAGPAPASAN NG KRUS. TANGHALI.

Ilalabas ang Krus at ipapataw ito kay HESUS.


55

TAGPO 15: ANG PAGSASALUBONG NINA HESUS AT MARIA. HAPON.

Masusubasoon si HESUS.

HESUS: A. O manga disipulos ko,


B. nangasaan kayo dako,
C. ano't sa panahong ito'y
D. nag-ubos kayong nagtakbo
E. ako'y pinag-iwan ninyo.

A2. Kung sila'y nagpabaya na,


B2. budhi nabuyo't nabakla,
C2. lumamang sampalataya,
D2. ikaw kaya naman, Ina'y
E2. gagagad magpalamara?

A2. Ina ko, magdalita ka't


B2. ako'y silayan mong mata
C2. upang ako'y guminhawa
D2. kung ikaw ay masagila’t
E2. kitang mag-ina'y magkita.
56
57

(SALITA - Maria)

A. Anong aking ikakaya'y


B. ako'y babaing hamak na,
C. di mo masunod ang ola,
D. ito bunso'y may sama pang
E. luha ng dukha mong ina.

A. Ngunit ikaw ang bahala,


B. di mo man nahahalata,
C. ako nama'y maralita,
D. bista't masaya ang mukha'y
E. sa dibdib nanghihinola.
58
59

HESUS: A. Ina, huwag nang malumbay


B. iyang hapis mo’y tahana't
C. ang Diyos ang nagtatangan
E. ng aking mahal na buhay.
60

HESUS: A. Ang ina ko'y magpatawad,


B. dili ako mapaghanap
C. ng iyong ihahahabag,
D. sampon sa ikalilibak
E. ang puri mo't iyong palad.

A2. Anhin baga'y ito'y utos


B2. at kalooban ng Diyos,
C2. buhay ko ang itutubos
D2. din isa dala kong2 Krus
E2. sanlibuta’y nang masakop
61

TAGPO 16: ANG PAGSASALUBONG NI HESUS AT NG MGA BABAE. HAPON.

Naghahagulgulan ang mga babae.

HESUS: A. Ay2, ma2nga mahal2,


B. mga anak ng may bayan,
C. huwag ninyong kahabagan
E. yaring kaab-an ko't asal;

A. bagkus ang inyong tangisa'y


B. ang inyo-inyong katawan,
C. anak, sampong apo naman,
D. at may darating na araw,
E. ating ipagkakaalam,

A. na mamagalinging palad
B. yaong di na nangalabas,
C. na di na nagkitang-hirap
E. na lubhang kasindak-sindak.

A. Darating ang kahirapan


B. kung sasamang pagkamatay,
C. pawang tangis, pawang lumbay,
D. mahanga't na nga'y mahangay
E. huwag na silang nabuhay.
62

TAGPO 17: ANG PAGPAPAHID NI VERONIKA SA MUKHA NI HESUS. HAPON.

Papaphiran ni VERONIKA and mucka ni HESUS at malilimbag sa kanyang birang ang mukha ng DIYOS
ANAK.
63
64

TAGPO 18: ANG PAGTULONG SI SIMON CIRENEO KAY HESUS.


65

TAGPO 19: ANG PAGPAPAKO SA KRUS AT ANG PITONG WIKA. HAPON.

Awit: Lumbay sa gayong panahon…

Sa isang burol. Inapako si HESUS na Krus. Itatayo ang krus. Magwiwika si HESUS:

HESUS: A. Ama kong Diyos na totoo,


B. ang hingi ko po sa iyo,
C. ngayon ay patawarin mo
D. ang lahat ng mga tao
E. nagpako sa akin dito.

A2. Di nila nauusisa


B2. itong kanilang ginawa,
C2. wala nganing loob yata
D2. ikaw din po'y magdalita't
E2. huwag pag-isipa't aba.

DIMAS: A. Poon, at panginoon ko


B. yaring sariling tao,
C. Hari alalahanin mo,
D. kung mawi sa bayan mo,
E. kahariang dating iyo.

HESUS: A2. Ako'y paniwalaan mo


B2. sa akin nitong wika ko,
C2. ngayon ding araw na ito
D2. kakanta't matitingnan mo,
E2. ang mahal na Paraiso,
66

Nakatayo na ang krus.

HESUS: A. Babaing timtimang loob,


B. iyang ang anak mo'y kupkop,
C. parang ako'y iyong irog
D. Siya'y parahin mong Ina't
E. huwag ipagpalamara

A. Diyos ko, Diyos ko,


B. ano baga ako po'y linimot mo na?
A. Marunong ka't mapang-ayo
B. sa mga alipin mo po,
C. ano't sa anak mong buo,
D. ga di ka na nabalino't
E. awa mo'y itinatago?

A. Nauuhaw ako
B. Kung sino ang maawain
A. Na maaawa sa akin,
B. dinggin ang aking halinghing,
C. ako'y inyong painumin
E. ng tubig uhaw ko'y patdin.

A. Consumatum est.
B. Naganap na ang lahat

A. O Diyos Ama ko't Poon,


B. sa iyo ko na ipaampon
C. ang kaluluwa ko ngayon
D. mag-adya at tutulong
E. sa akin at magtatanggol.
67

AWIT
68

TAGPO 20: ANG PAGASA. HAPON.

Tulad sa Tagpo 1.
69

You might also like