ALANG DIOS ni: Juan Crisostomo Soto Si Enrique ay isang mahirap na
pintor at lihim na kasintahan ni Maria Luz. Nabilanggo siya dahil
napagbintangang magnanakaw ng krusipikong dyamante na pag-aari ng kasintahang si Maria Luz na anak ng mayamang si Don Andres. Sa paglabas ng bilangguan, umuwi siya sa bayang sinilangan. Dito nabalitaan niyang ikakasal si Maria Luz kay Ramon, isang anak mayaman. Binalak niyang lisanin ang bayan dahil sa kataksilan ng kasintahan. Umiiyak na ipinagtapat ni Maria Luz na hindi niya kagustuhan ang lahat. Ito ay pakana lahat ng madrastang si Donya Cucang. Hindi siya pinaniwalaan ni Enrique. Si Maria Luz ay sapilitang ipakakasal kay Ramon.Samantala, ang katulong na si Clara ay nakokonsensiya sa kanyang ginawa. Ipinagtapat niya ang lahat kay Enrique. Sa gabi, nang mawala ang krusipikong dyamante ay nakita niya ang papaalis na si Enrique mula sa lihim na pakikipagkita kay Maria Luz. Sa pagnanais na mapangalagaan ang puri ng alaga ay ninakaw niya ang krusipiko at ipinalabas na si Enrique ay magnanakaw at hindi ito kasintahan ng kanyang alaga. Huli na ang pagtatapat niya dahil ikakasal na si Maria Luz kay Ramon o sa lalaking hindi niya mahal. Nagkaroon ng alitan sa pagitan nina Enrique at Ramon. Hinamon ng huli si Enrique ng duwelo. Sa tulong ni Don Monico, napigilan ang labanan ng dalawa. Ipinagtapat ni Don Monico na silang dalawa ay magkapatid sa ama. Ganoon din sina Clara at Maria Luz. Nagkasundo ang magkapatid at umuwi upang ipagtapat kay Maria Luz ang lahat ngunit patay na ito nang datnan sa kanyang silid. Dito nasabi ni Enrique na Alang Dios na tinutulan ni Don Monico at sinabing May Dios na nagpapatawad sa mga nagkakasala. May Dios na kumuks