You are on page 1of 3

ANG MAHIWAGANG BALON

Araw ng sabado, magkakasama ang magkakaibigang


Rene, Berting, Rico, Lita, Luz, at Cynthia. Pupunta sila sa
bukid at doon managhalian. Masayang-masaya ang mga
magkakaibigan pati na rin ang lolo at lola ni Rene,
pagkarating nila sa bukid.
Namasyal ang magkakaibigan sa looban at nakita nila
ang isang nilulumot na balon.
“Alam ninyo, mahiwaga raw ang balon na ito sabi ng
lolo ko,” sabi ni Rene.
“Bakit mahiwaga?” ang tanong ni Lita.
“kasi kapag humiling ka sa balon, matutupad iyon”,
sagot ni Rene.
“Siyanga? Paano ba ang pahiling?” Tanon ni Luz. “May
hihilingin ako.”
“kumuha ka ng tatlong maliliit na bato. Pumikit ka at
ihulog ang mga bato kasabay ng pagsasabi mo iyong
kahilingan”, paliwanag ni Rene.
Kumuha si Luz ng tatlong maliliit na bato at inihulog
niya ito sa balon at sabay hiling.
“Ibig kong maging isang guro sa aking paglaki upang
maging mabuting bata ang tuturuan ko.”
Isa-isa ring inihulog ni Rico ang tatlong maliliit na
bato sa balon at humiling.
“Ibig kong mabuting magsasaka. Magtatamin ako ng
palay sa malawak na bukid at magkakaroon ako ng
maayos at magandang bakuran.”
“Ibig kong maging isang pulis. Mag-aayos ako ng
trapiko at ng takbo ng sasakyan.” Hiling naman ni Rene.
Humiling din si Cynthia.
“Balong mahiwaga! Balong malalim!” Pakinggan mo
ang aking hiling. Ibig kong maging isang doktora, upang
magamot ko ang may sakit at sila’y gumaling.”
Nagpalakpakan ang magkakaibigan sa mahabang
kahilingan ni Cynthia.
Pagkatapos, sabay-sabay silang kumiha ng maliit na
bata at inihulog sa balon at kanilang sinabi:
“Balong malalim, tubig na malinaw. Pakinggan mo
sana, aming kahilingan. Sana lagi kaming mabuting
mgkakaibigan, na laging masasaya at nagtutulungan”.
Nagtawan sila at kanilang pinagdaop ang kanilang
mga palad at sabay sabing “appear”. Itinuro ang kanilang
palad sa itaas at sinabi ang “okey ba, pare ko?”
Naku, ha! Rene. Talaga bang matutupad ang ating
kahiligan?” tanong ni Luz.
Pag ating pinagsikapan, bakit hindi? Sagot ni Rene.
‘Heto, pakinggan niyo ang isa ko pang hiling.
“balon! balon! balong malalim! Pakinggan mo ngayon
din ang ang aking hiling. Isang pinggang puno ng maiinit
na kanin, at isang malaking mangkok ng sinampalukang
manok”
Siyang pagkarinig nila sa lola na nag-anyaya sa
masarap na panghalian. Masaya ang magkakaibigan dahil
sa katuparan ng kanilan huling kahilingan.

You might also like