You are on page 1of 7

BANGHAY-ARALIN SA SCIENCE 3

I. LAYUNIN
Natutukoy ang iba’t ibang “sense organs” na ating ginagamit
Nagagamit ang “sense organs” sa pagtukoy ng katangian ng isang bagay
Naipapakita ang pagpapahalaga sa mga “sense organs”

II. Paksang-Aralin
Iba’t Ibang Sense Organs

Science Concept
Ginagamit natin ang ating sense organ upang mailarawan ang mga bagay sa ating
paligid. Ang mga ito ay ang mata na siyang ginagamit natin upang makakita, ang ilong na
siyang dahilan kung bakit tayo nakakaamoy, ang dila na ginagamit sa panlasa, ang mga
tainga na siyang ginagamit sa pakikinig at ang balat na nakakaramdam ng temperature o
tekstura ng isang bagay.

Science Process
Pagiisa-isa, Pagtukoy, Paglalarawan

Batayan
K-12 Curriculum Guide in Science pahina 18
K-12 Teachers Guide in Science 3
Growing with Science and Health 3pahina 2-5
Exploring and Protecting our World pahina 44-47

Kagamitan
Activity sheet, tsart, larawan, Magic box

Pagpapahalaga
Pakikilahok ng Masaya sa mga pangkatang Gawain

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Health Inspection
2. Balik-aral
Tukuyin kung ano ang epekto ng init sa mga bagay na nasa larawan.
3. Pagganyak
Basahin ang tula.

Ang Aking Maliliit na Katulong

ni Evelina M. Vicencio

Ako ay may dalawang mata upang makita ang mga bagay sa aking paligid.

Ako ay may dalawang tenga upang marinig ang tunog, malayo man o malapit.

Ako ay may isang ilong na pang-amoy sa mabaho o mabango.

Ako ay may isang dila upang malaman kung ang pagkain ay matamis o maalat .

Ako ay may dalawampung ngipin na pangkagat at pangnguya.

Mayroon din akong balat para ang init at lamig ay aking madama.

4. Paglalahad
Ano-anong mga bahagi ng katawan ang nabanggit sa tula?

Sa umagang ito, pag-uusapan natin ang mga sense organs.

(Ang guro ay magpapakita ng larawan ng iba’t ibang “sense organs”)

B. Pangkatang Gawain
Ang klase ay hahatiin sa tatlong pangkat at bibigyan ng Activity Cards.
a. Gawain ng unang pangkat.

Pangkat 1

Panuto: Obserbahan ang mga bagay sa loob ng kahon, gamit ang talahanayang
kalakip nito, isulat ang iyong obserbasyon ukol sa bagay na nasa loob ng kahon.

Paalala: Huwag hahawakan o titikman ang mga bagay na mayroong nakalagay


na ekis (X) sa talahanayan.

Mga bagay Ang aking na obserbahan gamit ang aking . . . . . . . . . . .


sa loob ng Paningin Pandinig Pang-amoy Panlasa Pandama
kahon

bulaklak
X

kendi

radyo
X

bulak

dyaryo

b. Gawain ng ikalawang pangkat.

Pangkat 2

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan at salita sa bawat hanay. Idikit sa tabi ng bawat
larawan ang pangalan ng sense organ at ang gamit nito sa ating katawan upang
makabuo ng isang graphic organizer.
Ang bahaging ito ang ginagamit upang
makita natin ang iba’tibang kulay sa paligid

Naririnig natin ang mga tunog ng mga bagay


sa paligid gamit ito.

Ang init ng araw at lamig ng panahon ay


ating nararamdaman.

Nalalasahan natin ang masasarap na


pagkain na niluluto gamit ang sense organ
na ito.

Ang bangong bulaklak, sabon, at pabango


ay ating naamoy gamit ang bahaging ito

c. Gawain ng ikatlong pangkat.

Pangkat 3
Panuto: Pangkatin ang mga salitang nasa strip ayon sa sense organ na maaring gamitin sa
paglalarawan.

SENSE CHART
Mata Ilong Tenga Dila Balat
Liha Utot

Masayang awit Hinog na mangga

Lapis Pabango

Gamot Makinis na salamin

C. Pagbabahagi ng kinalabasan ng gawain

D. Talakayan
Ano-ano ang mga bahagi ng iyong katawan na iyong ginamit upang mailarawan
ang mga bagay?
Ano ang mga nagagawa ng bawat sense organs?
Anong bahagi ang iyong ginamit sa pag-amoy?
Ano naman ang iyong ginamit upang maramdaman ang init or lamig?
Aling bahagi ang nakakatulong sa iyong para makarinig?
Alin sa mga bahaging ito ang dahilan kung bakit ikaw ay nakakakita?
Gaano ito kahalaga sa atin?
Alin sa mga ito ang sa tingin mo ay mas mahalaga?
E. Paglalahat
 Ano-ano ang mga sense organ o mga bahagi ng katawan ang ginagamit natin
sa araw-araw?
 Bakit sila mahalaga?

F. Paglalapat
 Paano nakakatulong ang pandinig at paningin saiyo kung ikaw ay tatawid ng
kalsada?

G. Pagtataya
Panuto: Isulat kung anong bahagi ng katawan o sense organ ang maaring gamitin sa
mga sumusunod:

1. Pulang rosas ________________________


2. Matamis na tsololate ________________________
3. Nabubulok na basura ________________________
4. Busina ng dyip ________________________
5. Sabon na panligo ________________________

IV. TakdangAralin
a. Magtala ng 5 bagay na matatagpuan sa loob ng bahay at tukuyin kung anong sense
organ ang maaari mong gamitin sa pagtukoy ng mga katangian nito.
BANGHAY-ARALIN
SA
SCIENCE 3

You might also like