You are on page 1of 1

SUMMATIVE TEST #2 sa ESP

I. Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng kanais-nais na kaugaliang
Pilipino at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi.

__________ 1. Nagmamano sa magulang at nakatatanda bilang paggalang.


__________ 2. Gumagamit ng “po” at “opo” sa pagsagot sa mga nakatatanda.
__________ 3. Nagsisikap na tumulong sa abot ng makakaya.
__________ 4. Inaasikaso at pinauupo ang mga panauhin sa tahanan.
__________ 5. Handa akong tumulong sa aking kapwa sa lahat ng pagkakataon.
__________ 6. Umiiwas sa mga gawaing pambarangay.
__________ 7. Lumalahok sa mga gawaing magpapaunlad sa paaralan.
__________8. Nakikiisa at tumutulong sa mga programang pangkalinisan at pangkapaligiran.
__________ 9. Umiiwas sa mga gawaing pambayan.
__________ 10. Hindi binibigyang pansin ang mga taong nangangailangan ng tulong.

II. Basahin mo nang mabuti ang bawat sitwasyon sa ibaba. Isulat ang (W) kung ito ay tama at ekis ( DW)
naman kung hindi.

__________ 11. Pagtawanan ang kalaban sa paligsahan kung siya ay nagkamali.


__________ 12. Hindi na dapat pang linangin ang ating mga talento.
__________ 13. Lumahok nang buong tapat sa mga paligsahan.
__________ 14. Gawin ang lahat upang manalo sa patimpalak kahit sa maling paraan.
__________ 15. Tanggapin ang pagkatalo ng maluwag sa kalooban.
__________ 16. Magpasalamat sa namanang talento sa pagguhit.
__________ 17. Gumamit ng video effects upang higit na mapaganda ang iyong likhang sining.
__________ 18. Magpraktis upang mapaunlad ang talento sa pag-awit.
__________ 19. Sumunod sa alituntunin ng mga paligsahan o patimpalak.
__________ 20. May parangal man o wala, gamitin ang talento sa tama.

TAMA o MALI.

__________21. Sinusunod ko ang mga batas trapiko.


__________22. Nakikinig ako sa payo ng nakatatanda sa akin.
__________23. Nagbabasa ako ng diyaryo araw-araw.
__________24. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral.
__________25. Hindi ako nakikipag-away.
__________26. Inaalalayan ko ang mga nakatatanda sa pagsakay ng bus.
__________27. Tumutulong ako sa pagbibigay-babala sa mga tao kapag may parating na bagyo.
__________28. Tinatangkilik ko ang mga produktong Pilipino.
__________29. Nakikiisa ako sa programa ng mga kabataan sa aming lugar.
__________30. Pinaghihiwa-hiwalay ko ang mga basurang nabubulok at basurang di-nabubulok.

Panuto: Lagyan ng tsek (/ ) ang patlang sa bawat bilang kung ito ay nagpapakita ng
mabuting pakikisama sa kapwa, pagtulong sa bayanihan at magiliw na pagtanggap sa
panauhin. Lagyan ng ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

_____31. Inalok ni Dina ng inumin at tinapay ang mga volunteer na naglilibot sa barangay
na tumutulong upang matiyak na ang mga bata ay nasa loob ng bahay.
_____32. Pinatuloy ng pamilya ni Mang Tino ang mga kapitbahay na nasiraan ng bahay
dahil sa dumaan na bagyo.
_____33. Bumili si Pedro ng higit sa kinakailangang pagkain at alcohol matapos malaman
na isasailalim muli sa lockdown ang kanilang barangay.
_____34. Nagpapatugtog nang malakas na musika si Mica kahit alam niyang may mga
kapitbahay na naka-online class at may naghahanap-buhay sa loob ng kani-kanilang
tahanan.
_____35. Nagbigay ng pagkain at pinagliitang damit ang pamilya ni Aling Lina sa mga
nasunugan sa kalapit na barangay.

You might also like