You are on page 1of 2

FRANCISCO BENITEZ ELEMENTARY SCHOOL

IKALAWANG MARKAHAN
IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT
MTB-MLE 3
I. Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang letra sa sagutang papel.
1. Ang _____________ ay halimbawa ng pananong na isahan.
A. ano B. ilan–ilan C. kani-kanino
2. Ang ______________ ay halimbawa ng panghalip pananong na maramihan.
A. ano-ano B. bakit C. paano
3. Ang panghalip pananong na _____________ ay ginagamit sa pagtatanong ng maraming lugar.
A. kailan B. saan-saan C. sino-sino
4. __________ nagpunta ang mga naglakbay aral?
A. ilan-ilan B. sino-sino C. saan-saan
5. Ang panghalip pananong na __________________ ay ginagamit sa pagtatanong ng dahilan.
A. gaano B. bakit C. saan

II. Piliin sa loob ng panaklong ang panghalip na pananong na tamang pamalit sa pangngalang nakasalungguhit sa
pangungusap.

__________6. Sinundo ng tatay si Janreb. (Ano, Alin, Sino, Bakit)

__________7. Kumain ako ng mainit na lugaw. (Gaano, Ilan, Ano Alin)

__________8. Ang mag-aaral ay nakikipag-usap kina Bb. Morana at Gng. Torres.


(Kanino, Sino, Kani-kanino, Sino-sino)

__________9. Inabutan ng mayaman ng sandaang piso ang matandang pulubi.


(Gaano, Magkano, Sino, Kanino)

__________10. Bumili ang ina ng isang kilong bigas na kanilang pansaing ngayong gabi.
(Ilan, Alin, Magkano, Ano)

III. Isulat ang Tama sa patlang kung ikaw ay sang-ayon sa pahayag at Mali kung hindi sang-ayon. Isulat ang inyong
sagot sa sagutang papel.

________11. Maging magalang at huwag magtaas ng boses kung ikaw ay sumasalungat sa opinyon o saloobin ng iba.

________ 12. Pilitin mo ang iyong kausap na tanggapin ang iyong saloobin o reaksyon sa isang isyu.

________ 13. Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap.

________ 14. Ginagamitan ng mga salitang sa aking palagay, sa tingin ko ang pagpapahayag ng mga pananaw o
saloobin.

________ 15. Pilitin ang kausap na sumang-ayon sa iyong pananaw kahit na siya ay may matibay na dahilan para
maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw.

IV. Basahin ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa kwaderno ang letra ng iyong sagot.

16. Naglunsad ng proyektong Pera sa Basura ang Eco Savers ng paaralan upang maging malinis ang kapaligiran at
kumita ng pera buhat sa mga basurang itinatapon ng mga mag-aaral.
A. Walang paki-alam ang mga mag-aaral sa inilunsad na proyekto.
B. Nalutas ang problema sa maruming kapaligiran at kumita pa ng pera.
C. Lalong dumami ang mga nagkalat na basura sa paaralan.

17. Isang gabi, hindi makatulog si Chris, ayaw maalis sa kanyang isipan ang usaping patigilin siya sa pag-aaral dahil
sa kakulangan ng kinikita ng kanyang magulang.
A. Pabor siya sa pasiya ng kanyang magulang.
B. Nagbibiro lang ang kanyang magulang.
C. Mag-iisip siya ng paraan upang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral.

18. Gutom na gutom sina Mary at Dianne galing sa paaralan. Tamang-tama naluto na rin ang pagkaing inihanda ng
kanilang kapatid at agad inihain para sa kanila.
A. Natugunan ang gutom na kanilang naramdaman.
B. Naubos na lahat ang pagkain.
C. Silang dalawa ang nagluto pagdating ng bahay.

19. Mula sa ibang bansa si Catriona. Bagong lipat siya sa paaralan. Sabi ng kanyang kaklase huwag siyang kausapin
ng Ingles upang matuto siyang magsalita ng wikang Filipino. Hindi nila alam na wikang Filipino ang ginagamit nila sa
bahay sapagkat mga Pilipino ang kanyang mga magulang.
A. Kailangang hindi kaagad mag-isip ng patapos, dapat alamin at kilalanin ang baguhan.
B. Hayaan ang bagong dating ang lumapit.
C. Iwasan na mapalapit sa baguhan.

20. Unang araw ng pasukan. Maagang gumising si Beth at nasasabik na pumasok.Tinawag sila ni Bb. Francisco upang
magpakilala. Hindi nakapagsalita si Beth.
A. Hindi nakinig si Beth sa kanyang guro sapagkat siya ay naglalaro.
B. Nahihiya siya sa kanyang mga kaklase kaya hindi siya nakapag-salita.
C. Tumalikod siya sa guro at mga kaklase.

You might also like