You are on page 1of 1

Ang Paglalakbay ng Pluma

Ilang milyang sulat na sa bawat pahina

ang ginawan ko ng mga kabanata

na laging nagtatapos sa tuldok at panimula

ng mga namumuong luha at lumbay

pero napupunit din sa kalagitnaan ng paglakbay.

Itatapon ko na sana ang tinta at di na susulat pa,

pero ngumiti ka at inabot sa akin ang isa pang pahina

at ang bawat lambing at bati mo ay naging kabanata

ng mga memoryang pinaghuhugutan ng sigla

at sa bawat tema nito, pag-ibig ang naging diwa.

Ilang milya na rin ang ating nasusulat

at sa bawat hakbang ay hindi nasusukat

ang kagiliran ng ating pagmamahalan sapagkat

kaagapay na mismo natin si May-akda sa pagsulat ng aklat

na ang daanan ng panulat ay patungo sa walang hanggan.

You might also like