You are on page 1of 2

PAGLULUKLOK NG BIBLIYA

INTRODUCTION:
LEADER: Ang Pagluluklok ng Bibliya ay isang ritu na nagsimula noong mga
unang taon ng Simbahan ngunit nawala sa paglipas ng mga taon. Sa pamamagitan
ng Second Vatican Council (1962-65), ang Liturhiya na ito ay nabuhay muli. Araw-
araw sa panahon ng Konseho, ang mga Obispo na natipon ay iniluklok ang Bibliya
dahil naniniwala sila na mas magiging mabuting taga-pamalita sila ng Salita kung
makikinig muna sila nito ng may buong pansin.
Mula noon, sa maraming pagtitipon ng Simbahan tulad ng mga Kongreso,
Convention, mga workshop, pagpupulong, retreat at recollections, ang unang
aktibidad ay palaging ang Pagluklok ng Bibliya.
Ngayon, Iluluklok din natin ang Bibliya bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan
ng Bibliya ngayong taon.

ENTRANCE PROCESSION and ENTHRONEMENT:


Awit: Liwanag ng Aming Puso
Order of the Procession: 1. Bearers of flowers
2. Bearers of lighted candles
3. Bible bearer

PAMBUNGAD NA PANALANGIN:
ALL: Mapagmahal na Ama, pinupuri at pinasasalamatan ka namin sa pagkakataong
ito na mailuklok ang Bibliya, ang banal na Aklat, ang Aklat ng Buhay. Hinihiling
naming na ipagkaloob mo sa amin ang biyayang mailuklok din ang iyong Salita sa
aming mga puso at makatagpo at maranasan ang kapangyarihan ng iyong Salita sa
aming buhay. Nawa'y maging tunay kaming asin ng lupa at liwanag ng mundo.
Hinihiling namin ito sa pangalan ni Hesus. Amen.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA
LEADER: Narito tayo upang iharap ang ating sarili sa Diyos at hilingin sa kanya na
ibuhos sa atin ang biyaya kanyang mga Salita gaya ng pagbuhos ng ulan sa lupa.
Nasa atin ang kanyang pangako; ang kanyang salita ay makapangyarihan, tutuparin
nito ang nais ng Diyos at hindi babalik sa Kanya nang walang bunga.

Isaias 55:10-11
READER: Pagbasa mula sa Aklat ni Propeta Isaias
Ang ulan at yelo na bumabagsak mula sa langit ay hindi na nagbabalik, kundi
dinidilig nito ang lupa, kaya lumalago ang mga halaman at namumunga at
nagbibigay ng butil na panghasik, at tinapay upang maging pagkain. Gayundin
naman ang mga salita na lumalabas sa aking bibig, ang mga ito'y hindi babalik sa
akin na walang katuturan. Tutuparin nito ang aking mga balak, at gagawin nito ang
aking ninanais.
LEADER: Sandali po tayong manahimik at pagnilayan ang narinig nating pagbasa

Moments of silence for reflection

LEADER: Dasalin nating ang panalanging itinuro ni Hesus


Ama Namin…
CONCLUDING PRAYER:
LEADER: Manalangin tayo…
ALL: Panginoong Hesukristo, Salita ng Diyos na walang hanggan, pinupuri at
sinasamba ka namin sa pagbibigay mo sa amin ng pagkakataong ito upang makinig
sa mensahe ng buhay at maantig nito. Pinupuri at pinasasalamatan ka din namin
sa pagtawag sa amin upang ipahayag at ibahagi ang kayamanan ng Mabuting Balita;
ikaw naghahari kasama ng Ama at ng Espiritu Santo magpakailanman. Amen.

You might also like