You are on page 1of 3

Suriin Natin

Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita sa mga ito. Ipahayag ang
iyong reaksiyon sa mga larawang ito.

1. Ano ang mensahe na iyong nakikita sa


larawan? Ang mensahe ng larawan na aking
nakita ay Vote Wisely na kung saan ang mga
mamamayan ay dapat pagisipang mabuti kung
sino ang kanilang iboboto na magdadala sa
kanila sa magandang kinabukasan.
2. Ano ang iyong reaksyon sa larawan? Ang
reaksyon ko sa larawan ay nakakatuwa
sapagkat pinapaalala nito sa mga tao na di
dapat sila masilaw sa mga perang binibigay ng
https://www.dnaindia.com/lifestyle/report-woman-of-
letters-vote-wisely-1977740 ibang tao kundi dapat silang tumingin kung
galing bas a puso ang mga sinasabi ng mga
ito.

1. Ano ang mensahe ng iyong nakikita sa larawan?


Ang mensahe na aking nakita sa larawan ay ang
pagbili ng mga boto sa mga mamamayan. Ang
mensahe na ito ay nagpapahiwatig na maraming
mga nasa politika ang bumibili ng mga boto ng
taumbayan upang sila ay maiboto sa eleksyon.

2. Ano ang iyong reaksyon sa larawan? Ang aking


reaksyon ay nadidismaya dahil maraming mga
taong makapangyarihan ang gumagamit ng
pandaraya sa botohan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga ito ng pera sa mga taong
kanilang lalapitan.

1. Ano ang mensahe ng iyong nakikita sa larawan?


Ang mensahe ng larawan na ito ay maraming mga
tao ang nagpapanggap lamang na may
magandang intensyon upang sila ay iboto ngunit
sa loob loob naman nila ay maraming kasamaang
binabalak.

2. Ano ang iyong reaksyon sa larawan?


Ang aking reaksyon sa larawan ay nakakadismaya
dahil maraming mga tao ang umaasa na siya na
ang magbibigay ng magandang kinabukasan sa
lugar ngunit hindi naman pala.
1. Ano ang mensahe ng iyong nakikita sa larawan?
Sa aking palagay, ang larawan na ito ay ang
pagiging sakim ng mga opisyal sa public funds.
Makikita dito na ang lalaki ay may masamang balak
sa hawak hawak niyang public funds.

2. Ano ang iyong reaksyon sa larawan?


Ang aking reaksyon ay naiinis sapagkat ang public
funds ay para sa tao at hindi para lamang sa iisang
tao. Dapat itong ipamahagi at hindi isarili.

1. Ano ang mensahe ng iyong nakikita sa


larawan?
Sa aking palagay, ang mensahe ng larawan na ito
ay kapag ang isang tao ay hindi bumoto sa isang
taong makapangyarihan, maaari siyang ipakulong
nito kahit na wala itong ginagawang masama at
sinunod lamang ang gusto nitong hindi bumoto.

2. Ano ang iyong reaksyon sa larawan?


Ang aking reaksyon sa larawan ay hindi maganda
dahil maraming mga tao ang nakukulong kahit
wala naman silang ginagawang masama.
Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang pinatutungkulan ng mga larawan?


- Pinapatungkulan nito ang iba’t ibang isyu sa politika lalo na sa tuwing mayroong eleksyon.
2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga larawan patungkol sa pagboto?
- Maraming nagsasabi na Vote Wisely pagdating sa eleksyon ngunit marami din namang mga
kandidato ang bumibili ng boto upang manalo at marami ring mga tao ang tumatanggap nito kahit
alam nila na hindi magiging isang mabuting lider ang kanilang binoto.
3. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto?
- Para sa akin, mahalaga para sa mamamayan ang bumoto sapagkat kung sino man ang tatayong
pinuno ng isang lugar, ito ay dahil sa mga bumoto sa kaniya. Mahalaga din ito upang magkaroon
ng tyansa na ipahiwatig ng mamamayan ang kanilang mga pananaw ukol sa mga taong tumatakbo
sa eleksyon.
4. Makakaapekto ba sa lipunan ang hindi pagboto? Bakit?
- Makakaapekto ito dahil maaaring manalo ang mga taong may hangad na kasamaan sa lipunan at
kung di sila boboto, maaaring magkaroon ng maraming problema sa kanilang lugar.

You might also like