You are on page 1of 17

10

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul 5: Mga Isyu ng Karahasan
at Diskriminasyon

Randy D. Estopa
Teacher III – Apas National High School
Modyul Mga Isyu ng Karahasan at
5 Diskriminasyon
Ikalimang Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:

Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na


nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang kasarian upang
maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng pamayanan.

Pamantayang Pangkasanayan:

Ang mga mag-aaral ay may pang-unawa sa mga epekto ng mga isyu at


hamon na may kaugnayan sa kasarian at lipunan upang maging aktibong
tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at paggalang sa kapwa bilang
kasapi ng pamayanan.

Kakayahan sa Pagkatuto:
Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng
Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon.

Paksa: Mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

Subukin

Isa na namang makabuluhang linggo sa inyo mga butihin kong


estudyante. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at handa na namang
matuto. Pero bago natin umpisahan ang paglalakbay sa aralin ay subuking
sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Paalala: huwag munang buksan ang
mga bahagi ng modyul. Mangyari maging tapat sa sarili at pahalagahan ang
pag-aaral.

PAGPIPILIAN: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ayon sa ulat ng The Philippines LGBT Hate Crime Watch, sa anong paraan
ang ikinasawi ng mga miyembro ng LGBTQ+?
A. pagbibigti B. pagbaril C. pangugulpi D. pananaksak

2
2. Sino sa mga sumusunod ang nakakaranas ng karahasan?
A. kababaihan C. LGBTQ+
B. kalalakihan D. lahat ng pagpipilian

3. Ayon sa istadistika ng karahasan sa kababihan, ilang bahagdan ang


nakaranas ng pananakit na pisikal sa edad 15?
A. 5% B. 6% C. 7% D. 8%

4. Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,


Leadership and Action ay kilala bilang…
A. Samahan ng Kababaihan C. Karapatan ng Kababaihan
B. GABRIELA D. Women’s Rights

Para sa bilang #5-8 gawing gabay ang mga larawan sa ibaba.

A C
B D

5. Anong uri ng karahasan ang nararanasan ni mister sa larawan C?


A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

6. Ano ang uri ng karahasan ang ipinpakita ng larawan D?


A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

7. Ang karahasan ay nararanasan ng mga kababaihan, kalalakihan at


LGBTQ+. Sino ang biktima ng karahasan sa larawan B?
A. lalaki B. lesbian C. babae D. gay

8. Anong uri ng karahasan ang nararanasan ng babae sa larawan A?


A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

9. Ayon kay Hillary Clinton ang mga LGBT ay kabilang sa.


A. invisible minority C. visible minority
B. invisible majority D. visible majority

3
10. Ang pamboboso ay isang uri ng karahasan. Alin sa mga sumusunod
kabilang ito?
A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

11. Ito tawag sa sinasadyang paggamit ng lakas o puwersang pisikal o


kapangyarihan na maaaring isang pagbabanta o tinotoo at maaaring laban
sa sarili, sa kapwa
A. Diskriminasyon C. Kriminalidad
B. Karahasan D. Panghahalay

12. Nakikita sa telebisyon ang mga balitang may mga babae na biktima ng
panghahalay. Anong uri ng karahasan ang kanilang nararanasan?
A. Ekonomiko o Pinansiyal C. Pisikal na Pang-aabuso
B. Emosyonal o Sikolohikal D. Seksuwal na Pang-aabuso

13. Ang isang indibidwal ay nakaranas ng domestic violence kung naranasan


niya ang mga sumusunod maliban sa
A. pinagbabantaan ka na sasaktan
B. pinipigilan ka sa pagpasaok sa trabaho.
C. hinahayaan ka sa kung ano ang iyong isusuot at saan ka magpunta
D. Pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;
sinisubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at
kung ano ang iyong mga isusuot;

14. Nais ni Idina na magtrabaho sa isang supermarket upang matustusan ang


kaniyang pag-aaral, humingi siya ng permiso sa kanyang asawa subalit hindi
pumayag.
A. Ekonomiko o Pinansiyal C. Emosyonal o Sikolohikal
B. Pisikal na Pang-aabuso D. Seksuwal na Pang-aabuso

15. Ano ang layunin sa pagkakabuo ng The Philippine LGBT Hate Crime
Watch?
A. mapatawan ng kaukulang pabuya ang mga gumagawa ng krimen
B. mabigyan ng tulong pinansiyal ang mga biktimang mga Hapon
C. masubaybayan ang mga krimen na nangyayari sa mga homoseksuwal
D. Lahat ng nabanggit

4
Aralin 1: Mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

Alamin

Malugod na pagbati mga mahal kong mag-aaral, isa na namang


makabuluhang paglalakbay ang ating sisimulan sa linggong ito.

Sa pagkakataong ito isa na namang makabuluhang paksa ang pag-


uusapan natin at ito ay patungkol sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon. Upang magkaroon ng komprehensibong pagkatuto kayo ay
inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod:

1. natutukoy ang kahulugan ng karahasan;


2. nasusuri ang iba’t ibang karahasan na nararanasan ng mga kababaihan,
kalalakihan at LGBTQ+; at
3. napahahalagahan ang epekto ng mga karahasan at diskriminasyon.

5
Panimulang Gawain

LARAWAN SURI: Suriing mabuti ang mga larawan at sagutin ang mga
pamprosesong tanong na nasa ibaba.

(Insert – LGBTQ images)

Pamprosesong Tanong

1. Ano-anong mga kasarian ang nasa larawan?


2. Ano ang mga nararanasan nila?
3. Masasabi mo ba na ang karahasan ay walang pinipili na kasarian?
Bakit?

Tuklasin at Suriin

Sa nakaraang modyul pinag-uusapan natin ang patungkol sa dalawang


teoryang materialist at structuralized at mga salik na naging dahilan sa
pagkakaroon ng diskriminasyon sa kalalakihan, kababaihan at LGBTQ+ at
nakilala rin ninyo ang mga personalidad na nakaranas ng diskriminasyon.

6
Bilang pagpapatuloy, sa linggong ito mapag-uusapan natin ang mga isyu na
may kinalaman sa karahasan at diskriminasyon. Handa ka na ba?

Sa halos araw-araw na panonood ng telebisyon at sa


ilang buwan na pamamalagi sa loob ng bahay dahil sa
Covid 19 akala ko matatapos na ang mga matutunghayan
kong balita ukol sa karahasan. Ngayon lamang, headlines
ang karahasan sa pagitan ng mga sundalo at pulis na
naging resulta sa pagkasawi ng mga sundalo na kasapi sa
Intelligence Force. Tila hindi natatapos ang mga
karahasan na nagaganap sa paligid. May mga karahasan
na nagaganap sa loob ng bahay mismo at naging biktima
ang isa sa iyong mahal sa buhay. Maaaring ang ina mo ay
biktima ng karahasan mula sa sarili mong ama…o di kaya
kabaligtaran na minsan hindi sasagi sa iyong isipan na
magaganap…ang ama mo ang nagiging under de saya ng
nanay mo. Hindi lamang sila ang maaaring biktima ng
karahasan may mga taong kabilang sa tinatawag na
invisible minority ayon kay Hillary Clinton. Sino ba ang
mga taong kabilang sa invisible minority? Sila ay ang mga
tao na kabilang sa ikatlong kasarian (LGBTQ+
Community). Si Dodong na gustong maging si Inday…at si
Inday na gustong maging Dodong...nakakalito ano? Pero
kahit sino pa sila sa lipunan at ano man ang kanilang
katayuan at kasarian, nararapat lamang sila na
respetuhin at ilayo o di kaya huwag gawan ng
karahasan… Ano nga ba ang karahasan?

Karahasan ang tawag sa sinasadyang paggamit ng


lakas o puwersang pisikal o kapangyarihan na maaaring
isang pagbabanta o tinotoo at maaaring laban sa sarili, sa
kapwa o laban sa isang pangkat o kaya pamayanan na
maaaring kalabasan ng may mataas na kalamangan ng
pagreresulta sa kapinsalaan, kamatayan, kapahamakang
pangsikolohiya o depribasyon.

Suggestion: corrected ikatlong kasarian (LGBTQ+) if the source is available you may retain the original
phrase.

7
Mga Kaso ng Krimen na ang Nagiging Biktima ay LGBT

Ang The Philippine LGBT Hate Crime Watch ay isang samahang binuo ng
mga miyembro ng LGBT upang masubaybayan ang mga krimen na nagyayari
sa mga homoseksuwal. Subalit makikita sa kanilang pagsusuri na ang krimen
ay tumataas taon-taon.

Mga Biktimang Lesbian

Sa kabuuang ulat ng The Philippines LGBT Hate Crime Watch, 25% ng


pagpatay ay ginawa sa pamamagitan ng stab wounds at 15% naman ay
pagbaril. Ang madalas maging biktima ay 60% nasa edad na 25 hanggang 44
taong gulang. Taong 2011, anim sa 16 na lesbian ang napatay sa mga lugar sa
Mindanao. Makikita sa datos na ang Mindanao ang mapanganib na lugar para
sa mga lesbian.

mula sa ulat ng The Philippine LGBT Hate Crime Watch 2011

Mga Biktimang Gay

Maraming bilang ng krimen na ang biktima ay mga gay ang naiulat na


nangyari sa mga lugar sa Maynila. Kadalasang pinatay sa pamamagitan ng
saksak. Sa taong 2010 naiulat na may 26 na bakla ang napatay at 17 noong
2011. Nasa edad 25 hanggang 44 taon ang biktima ayon sa ulat ng The
Philippine LGBT Hate Crime Watch.

Mga Biktimang Bisexual

Sa taong 2011, naiulat na dalawa sa apat na biktimang bisexuals ang


pinatay sa pamamagitan ng mga saksak at pawang sa Metro Manila nagaganap
ang mga krimen. (The Philippine LGBT Hate Crime Watch)
8
Mga Biktimang Transgender

Tinatayang 12 sa 26 na mga biktimang transgender ang naiulat na


nasawi sa kalakhang Maynila kung saan 6 sa 12 ito ay naging biktima ng
multiple stab wounds. (The Philippine LGBT Hate Crime Watch, 2011)

Seven Deadly Sins Against Women

Inilabas ng GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms,


Integrity, Equality, Leadership and Action) isang samahan sa PIlipinas na laban
sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan.

1. Pambubugbog/pananakit
2. Panggagahasa
3. Incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso
4. Sexual harassment
5. Sexual discrimination at exploitation
6. Limitadong access sa reproductive health
7. Sex trafficking at prostitusyon

Mga Uri ng Karahasan sa Kababaihan

halimbawa: pananakot ng pagpapakamatay,


Emosyonal o pinapahiya, sobrang pang-iinsulto, madalas na
Sikolohikal na pagmumura, stalking, paninigaw at iba pang mapang-
Pang-aabuso abusong pananalita, paninira ng gamit, panunutok ng
baril, pagkulong sa bahay, pagbabanta o aktwal ng
pagkait sa babae ng kanyang anak o pagbabanta na
saktan ang anak o magulang, pananakot

Ekonomik o halimbawa: di pinapayagang magtrabaho ang babae ng


Pinansiyal na walang sapat na dahilan; di sinusuportahan ang babae
Pang-aabuso at mga anak

9
halimbawa: pamimilit gumawa ng mga sekswal na
Sekswal na bagay, pamboboso, pambabastos, panghahalay,
Pang-aabuso pamimilit manood ng mga x-rated na pelikula,
pambubugaw sa asawa

Pisikal na halimbawa: pambubugbog, pananakit, pananampal,


Pang-aabuso panununtok, panggugulpi, paninipa, pag-untog

Istadistika ng Karahasan sa Kababaihan

 Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng


pananakit na pisikal simula edad 15, anim na porsyento ang nakaranas
na pananakit na pisikal
 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
 Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng
emosyonal, pisikal at pananakit na seksuwal mula sa kanilang mga
asawa
 Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng
pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan bago ang survey,
65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.

(Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng National Statistics Office)

Tandaan! Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na


nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang
kalalakihan ay biktima rin. Ayon sa ulat na inilabas ng Mayo Clinic, hindi
madaling makita o makilala ang ganitong uri ng karahasan sa kalalakihan.
Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal, seksuwal,
pisikal, at banta ng pang-aabuso.

Nakararanas ka ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:

 tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang


tao, ininsulto ka;
 pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;

10
 pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;
sinisubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at
kung ano ang iyong mga isusuot;
 nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
 nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
 pinagbabantaan ka na sasaktan;
 sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak;
 pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at
 sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang
sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.

Isagawa/Pagyamanin

Panuto: Gamit ang mga larawan sa ibaba at sa paksang tinalakay, sumulat


ng isang sanaysay ukol sa iyong saloobin tungkol sa Karahasan.
Isulat ito sa sagutang papel. Mamarkahan ito gamit ang rubrik sa
ibaba.

Rubrik sa Sanaysay
Nangangailangan
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman pa ng Kasanayan
(5) (4) (3) (2)
Napakahusay Mahusay ang May
ng pagkabuo pagkabuo ng kahusayan Maligoy ang
ng talata. talata. ang talata. Nakalilito
Nilalaman Malawak at Malinaw at pagkakabuo at hindi tiyak ang
marami ang tiyak ang mga ng talata. mga
mga impormasyon Tiyak ang mga impormasyon
impormasyon at paliwanag. impormasyon
at elaborasyon at paliwanag.

11
Masusi ang May ilang May Hindi natatalakay
Pagtatalakay pagkakatalakay tiyak na pagtatangkang ang paksa.
ng mga paksa. pagtalakay sa talakayin ang
paksa. paksa.
May mahusay Hindi gaanong Malabo ang
Organisasyon na May malinaw ang organisasyon
organisasyon organisasyon organisasyon. kung mayroon
at pokus sa man.
paksa.
Angkop ang Karamihan sa Hindi gaanong Hindi gumamit
mga salita at mga salita at angkp ang ng tiyak na
Paglalahad pangungusap pangungusap mga salita at salitang angkop
sa paksa at ay angkop sa pangungusap sa mga
mambabasa. paksa at sa paksa at pangungusap,
mambabasa. mambabasa. paksa at
mambabasa.

Isaisip

Ang kababaihan sa Pilipinas man o sa ibang bansa ay nakararanas ng


pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at
karahasan. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa
iba’t ibang kultura at lipunan sa daigidg. Ganito rin ang kinahinatnan ng mga
kapatid nating napabilang sa lipunan ng LGBTQ+ na habang pilit nating
kilalanin sila bilang minorya ng ating lipunan, marami pa rin sa kanila ang
nasasadlak sa matinding pang-aabuso, panghuhusga at pangungutya. Sa
kabilang banda, ang ating bansa ay kinikitaan pa rin sa paniniwalang
patriarkiya kung saan mas malakas ang impluwensya ng mga kalalakihan sa
lipunan, ngunit may pagkakataon din na sila ay naging biktima rin sa
karahasang hatid ng pagkamakasarili, kasakiman at panghuhusga ng lipunan.

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ganito na lamang ang turing ng lipunan sa mga kababaihan?
2. Makatarungan ba ang ganitong pagtrato sa mga kababaihan at
LGBTQ+? Ipaliwanag.
3. May pagbabago bang naganap sa pagtrato ng mga kababaihan at
LGBTQ+ sa Pilipinas sa kasalukuyan? Patunayan.

12
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang ibig sabihin ng G.A.B.R.I.E.L.A?


A. General Action, Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership and Action
B. General Arrest Bringing Women to Required, Inactivity, Equality,
Leadership and Action
C. General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership and Action
D. General Assembly of Bright Women for Regarding, Integrity, Equality,
Leadership and Action

2. Ang samahang ito ay binuo ng mga miyembro ng LGBT upang


masubaybayan ang mga krimen na nagyayari sa mga homoseksuwal
A. The LGBT National Criminal Assembly
B. The LGBT Party List of the Philippines
C. The Philippine LGBT Crime Association
D. The Philippine LGBT Hate Crime Watch

3. Ang sumusunod ay ang apat na uri ng karahasan na nararanasan ng mga


kababaihan maliban sa:

A. Emosyonal o sikolohikal na pang-aabuso


B. Ekonomik o pinansiyal na pang-aabuso
C. Edukasyunal o Intensyunal na pang-aabuso
D. Seksuwal na pang-aabuso

4. Ayon sa ulat na inilabas ng the Mayo Clinic may ibat ibang uri ng
karahasan ito ay ang ___________.
A. emosyonal, seksuwal, pisikal, at banta ng pang-aabuso
B. emosyonal, seksuwal, ispirituwal, pisikal na pang-aabuso
C. pisikal, edukasyonal, sosyolohikal at intelektuwal na pang-aabuso
D. seksuwal, pisikal, edukasyunal, ispirituwal, emosyonal na pang-aabuso

13
5. Ang LGBTQ+ ay kilala rin bilang…
A. Unang Kasarian C. Ikatlong Kasarian
B. Ikalawang Kasarian D. Walang Kasarian

6. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng domestic violence


A. Sinaksak ni Maria ang kanyang asawa
B. Kinaladkad ni Jeff ang kapitbahay na si Awring
C. Binugbog si Juan ni ng kanyang kasamahan sa opisina
D. Hindi pinapakain ni Julius ang kanyang kaibigang si Jade

7. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa seven deadly sins against women
A. Panggagahasa
B. Pinagdududahan
C. Pambubugbog/pananakit
D. Incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso

8. Ang sumusunod ay tumutuko sa karahasan maliban sa:


A. Paggamit ng lakas na nakakasakit sa ibang tao
B. Pagbabanta na papatayin o sasaktan
C. Paggamit ng kapangyarihan upang makuha ang kagustuhang seksuwal
D. Lahat ng nabanggit

9. Ang sumusunod ay mga uri ng karahasang seksuwal na nararanasan ng


kababaihan maliban sa:
A. Binobosohan ni Ricardo si Aling Maria
B. Hinalay ni Dominggo ang kapatid ng kaniyang asawa
C. Binabastos ni Andres ang asawa na si Marie sa publiko
D. Hinalikan sa noo ni Gio ang kanyang asawa na si Genieva

10. Alin sa sumsusunod ay halimbawa ng pang-aabusong ekonomik o


pinansyal?
A. Si Juana na pinagbubuhatan ng kamay ng asawa tuwing ito ay
nalalasing.
B. Si Marites na binugbog ng asawa dahil hindi nito inaalagaan ang
kanilang mga anak.
C. Si Marimar ay ayaw pagtatrabahuin ng asawa dahil takot siyang
makahap ng iba ang asawa.
D. Si Edna na binibigyan ng sustento ng kanyang Ex-partner pambili ng
gatas, diaper ng anak at iba pang pangangailangan.

14
11. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng karahasan?
A. Sinuntok ni Menardo ang dingding ng bahay.
B. Itinapon ni Andrino ang isang timba ng basura sa ilog, na siyang dahilan
na hinuli siya ng mga pulis.
C. Nagalit si Hermenia kay Ermano, inihagis niya ang isang baso ng
nakasinding kandila na siyang ikinamatay nito.
D. Mahinang binulongan ni Mario, ang anak na si Julia na huwag magsuot
ng maikling damit, nahiya ito at umiyak buong araw.

12. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng sikolohikal na pang-


aabuso…
A. Itinago ni Eduardo ang pamankin ni Eduarda.
B. Bawat minuto na sinusundan ni Leonardo ang asawa.
C. Dinadalaw ni Ricardo ang kaniyang anak linggo-linggo.
D. Hindi natanggap sa trabaho si Adelaida dahil siya ay naka-wheel chair

13. Ang mga sumusunod ay istatisdika ukol sa karahasan ng mga


kababaihan maliban sa ___________.
A. 36% ang nakaranas na pananakit na pisikal.
B. 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
C. Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng
pananakit na pisikal simula edad 15.
D. Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas
ng emosyonal, pisikal at pananakit na seksuwal mula sa kanilang mga
asawa.

14. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-asawang Fely at


Ramon, dahil sa matinding galit ay nasampal ni Ramon ang kanyang
maybahay. Anong karahasan ang nararanasan ni Fely?
A. Emosyonal o Sikolohikal C. Ekonomiko o Pinansiyal
B. Seksuwal na Pang-aabuso D. Pisikal na Pang-aabuso

15. Alin sa sumusunod na sitwasyon ay halimbawa ng seven deadly sins


against women ng GABRIELA?
A. Nakaramdam ng pananakit sa puson si Jasmin, nais nitong pumunta
ng Health Center ngunit di siya pinayagan ni Ram.
B. Pumunta si Irene sa mall para bumili ng gamut niya, pero sabi ng
botika na out of stock ito kaya umuwi nalang siya sa bahay.
C. Sinabi ni Antonia sa asawa na kailangan niyang magpakunsulta sa
ospital, agad na nagpa-appointment ang asawa sa kanilang doktor.
D. Wala sa nabanggit.

15
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng isang slogan na nagpapakita ng pagtutol sa karahasan


laban sa kababaihan, kalalakihan at LGBTQ+. Gumamit ng isang short size na
bond paper at lagyan ng kaukulang margins. Mamarkahan ang iyong gawain
gamit ang rubrik sa ibaba.

Rubrik para sa pagmamarka ng slogan

Kailangan ng
Napakahusay Mahusay Katamtaman Dagdag ng
Pamantayan (4) (3) (2) Pagsasanay
(1)
Malinaw na Hindi May Malabo ang
Paglalahad nailahad ang gaanong kalabuan ang mensahe
mensahe malinaw ang mensahe
mensahe
Wasto ang May isa o May mga mali Mali ang
Kawastuhan detalye ng dalawang sa mga mensahe
mensahe mali ang detalye ng
detalye ng mensahe
mensahe
Kompleto ang May isang May ilang Maraming
Kompleto detalye ng kulang sa kulang sa kulang sa
mensahe detalye ng detalye ng detalye ng
mensahe mensahe mensahe
Napakamasinin Masining ang Ordinaro ang Magulo ang
Pagkakagaw g ang pagkakagawa pagkakagawa pagkakagawa
a pagkakagawa
Lubhang Nakahihikaya Di gaanong Hindi
Hikayat nakakahikayat t ang nakahihikaya nakahihikaya
ang mensahe mensahe t ang t ang
mensahe mensahe

16
Susi sa Pagwawasto

1. Lalaki, Babae, Gay o Bakla

Panimulang Gawain:

Sanggunian

Mga Aklat:
 Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu. Quezon
City: Rex Printing Company Inc.

 Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng


Edukasyon.

Mga larawan:
 www.slideshare.com
 https://img.lovepik.com/element/40044/3071.png_860.png
 https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSkyQ7G2asgfIRNpFjvMImKgvR-
Exc4hgZLOQ&usqp=CAU
 https://i.ytimg.com/vi/ZFGocQSqbus/maxresdefault.jpg
 http://images.gmanews.tv/webpics/2018/10/640_hinagpis_ni_adan_(1)
_2018_10_11_13_24_23.jpg
 https://encrypted-
tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTX6Mp7sk4z6gA7rQQ_AB0APtR
OWtytCccqnA&usqp=CAU
 https://rizalatsinene.files.wordpress.com/2016/05/abused_woman_124
2331876.jpg?w=620
 https://static.fundrazr.com/campaigns/65881a6f73364ef5a6599b76e2f
1b120.jpg?cb=1508847908

17

You might also like