You are on page 1of 6

NAME:

ARALIN 1: TANKA AT HAIKU (PAHINA 120- 133)

Gawain 1: Nasusuri ang pagkakaiba at ppagkakatulad ng estilo ng pagkakabuo ng Tanka at Haiku. Suriin
ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Tanka at Haiku gamit ang graphic organizer sa ibaba.

TANKA HAIKU

Pagkakaiba
Pagkakatulad

Bilag ng pantig
Bilang ng taludtod
Sukat ng bawat taludtod
Tema o paksa

Gawain 2: Naisusulat ang payak na Tanka at Haiku sa tamang any at sukat. Ngayon ay pagkakataon mo
nang ipakita ang iiyong husay sa pagsusulat ng tulang nagmula sa mgga HApones. Pumili sa kung ano
iyong nais isulat Tanka ba o Haiku at isulat ang iyong tula sa Scroll sa ibaba. Gawing gabay ang bilang ng
pantig at taludtod ng tanka at haiku na iyong napag- aralan.

ARALIN 2: ANG MAG- INANG PALAKANG PUNO (PAHINA 134- 147)


Gawain 1: Basahin ang pabulang Ang Mag- Inang Punong Palaka at sagutin ang sumusunod na tanong.

1. Paano mo ilalarawan ang sumusunod:

a. inang palaka

b. anak na palaka

c. samahan ng mag-inang palaka?

2. Anong ugali ng anak ang kilalang-kilala ng inang palaka? 3. Ano-ano ang mga patunay ng hindi kanais-
nais na ugali ng anak?

4. Paano nakaapekto sa ina ang ganitong ugali ng anak?

5. Nagpabago ba sa anak ang naging kalagayan ng ina? Ipaliwanag ang iyong sagot.

6. Sa iyong palagay, dapat bang sisihin ang anak sa nangyari sa kanyang ina? Pangatwiranan ang sagot.

7. Ano ang inihabilin ng ina sa anak bago siya pumanaw?

8. Ito ba ang talagang nais niyang mangyari? Bakit ito ang ibinilin niya?

9. Ano ang ibinunga ng pagsunod ng anak sa kanyang ina?

10. Anong mensahe ang nais iparating ng pabula sa mga anak?

ARALIN 3: AKO SI JIA LI, ISANG ABAC (PAHINA 148- 163)


Gawain 1: Naipaliliwanag ang pananaw ng may-akda tungkol sa paksa batay sa napakinggan/nabasa
(F9PN-IId-47)

Nasabi ni Jia Li na natuto siyang gumalang at maging higit na bukás sa pagkakaiba-iba ng mga tao
at lahi, tanggapin ang makabubuti at iwaksi ang nakasasama. Magagawa mo rin kaya ito? Isulat ang iyong
gagawin sa sumusunod na mga sitwasyon upang maipakita ang iyong pagiging mo bukás sa pagkakaiba-
iba ng tao, pagtanggap sa nakabubuti af pagwawaksi sa ipinagpapalagay mong nakasasama.

1. Naimbitahan ka sa isang pagdiriwang sa bahay ng kaibigan mong Filipino-Chinese. May mga


seremonya silang isinasagawa na ngayon mo lang nakita at sa tingin mo ay kakaiba sa nakagawian ninyo.
Ano ang gagawin mo?

2. Bahagi rin ng ating kaugalian ang pagkakaroon nang mahigpit na pagkakabuklod ng pamilya. Kaya
naman, tuwing Linggo ay nagpupunta kayo sa bahay ng lolo at lola mo para mananghalian doon. Parang
mas gusto mo na lang sanang manatili sa bahay kapag Linggo para makapagpahinga pero gusto ng
magulang mo na kompleto kayo sa lingguhang pananghalian dahil tradisyon na raw ito ng pamilya ninyo.
Ano ang gagawin mo?

3. Nakagawianngiyong magulang ang maluhong paghahanda kapag may okasyon. Ang problema,
ipinangungutang o gumagamit sila ng credit card para lang makapaghanda nang marami. Dahil sa
pagbabayad ng utang na ito kasama na ang tubo, ang badyet ninyo sa halos buong isang taon ang
apektado kaya pagkatapos ng magarbong handaan ay tipid na tipid kayo sa lahat ng bagay lalo na sa
pagkain. Ano ang gagawin o sasabihin mo sa susunod na magkakaroon na naman ng plano para sa
magarbong paghahanda?

Batay sa mga isinagot mo sa mga sitwasyon sa itaas, bakit mahalagang tanggapin o panatilihin at iwaksi o
iwasan ang ilang kaugaliang nakagisnan?

ARALIN 4: HASHNU, ANG MANLILILOK NG BATO (PAHINA 164- 178)


Gawain 1: Nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento (F9PB-Ile-f-48)

Sa kabila ng ilang hindi kanais-nais na katangian ni Hashnu, mababakas pa rin sa kanya ang
pagsisikap na mapaunlad ang sarili. Wala siyang tigil sa paghahanap ng solusyon upang higitan niya kung
anuman siya sa kasalukuyan. Batay sa pag-uugali, paniniwala, at pamumuhay ni Hashnu, anong kultura
ng mga Tsino ang mahihinuha mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain 2: Naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang
kuwento (F9PS-Ile-f-50)

Balikan ang kulturang nahinuha mo sa pagsasanay B. Pamilyar ba sa iyo ang pag-uugaling ito?
Umisip ng isang karanasang may kaugnayan dito.

ARALIN 5: ANG MANDARAGIT NG IBON SA IMPIYERNO (PAHINA 179- 191)


C. Naipaghahambing ang mga napanood na dula batay sa mga katangian at elemento ng mga ito (F9PD-
IIg-h-48)

Pagkatapos mong punan ang ikalawang hanay ay isipin kung mayroon kang napanood na dulang
nagtataglay ng mga katangian at elemento ng dulang binasa. Kung wala ka pang napanood ay maghanap
ng dula sa YouTube at panoorin. Suriin ang dulang napanood at punan ang ikatlong hanay ng graphic
organizer. Sagutin din ang sumusunod na mga tanong.

Katangian at elemento Ang mandaragit ng ibon sa Isa pang dula


impiyerno ___________________
pamagt
Mga pangunahing tauhan

Tagpuan

Simula

Saglit na kasiglahan

Tunggalian

Kasukdulan

wakas

Paano winakasan ang dula

Bilang ng yugto

Mahalagang eksenang
nakaantig sa iyong puso

PROYEKTO SA FILIPINO:
Panuto: Gumawa ng isang brochure na may pamagat n “Koleksyon ng mga akda”

1. Tanka at Haiku (japan)


- Tungkol sa bansang pingmulan
- Tungkol sa may- akda
- akda
2. Pabula (Korea)
- Tungkol sa bansang pingmulan
- Tungkol sa may- akda
- akda
3. Sanaysay (China)
- Tungkol sa bansang pingmulan
- Tungkol sa may- akda
- akda
4. Maikling Kwento (Philippines)
- Tungkol sa bansang pingmulan
- Tungkol sa may- akda
- akda

You might also like