You are on page 1of 111

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG MGA BATA

Ang mga bata ay nasa sapa. May


dalang banga at tasa ang mga bata.
Kasama pa ng mga bata ang mga alaga.
Masasaya ang mga bata at ang mga
alaga nila na nagtampisaw sa sapa.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nasa sapa?
2. Ano ang dala ng mga bata?
3. Ano ang ginawa ng mga bata sa

sapa?
1
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel

2
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG SAWA

May sawa sa kawa. Mula sa lawa ang


sawa. Dalawa ang sawa sa kawa. Aba, oo
nga dalawa ang sawa sa kawa. Nawala
ang isang sawa. Nasa mama pala ang
sawa.
Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang nasa kawa?


2. Ilan ang sawa sa kawa?
3. Nasaan ang sawa?
4. Kanino ang sawa?

3
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

4
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG MAYA

Ang maya ay kay Aya. Masaya si Aya.


Si Aya ay may yaya. Masaya ang yaya ni
Aya. Kay saya ni Aya na makita ang maya
na malaya.
Sagutin ang mga tanong.
1. Kanino ang maya?

2. Ano ang mayroon si Aya?


3. Bakit masaya si Aya?

5
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

6
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG KUBO

Nakatira si Lito sa kubo. Ang kubo ay

nasa tabi ng puno. Maraming sanga ang


puno. Maraming bunga ang sanga. Ang
ama ni Lito ay si Mang Bino. Ang ina ni Lito
ay si Aling Dina. Sila ay nasa kubo. Masaya
sila sa kubo.
Sagutin ang mga tanong.
1. Saan nakatira si Lito?
2. Ano ang katabi ng kubo?
3. Sino ang kasama ni Lito sa kubo?

7
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

8
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SI LINA

Si Lina ay kalaro ni Lita. Kasama nila si


Bantay. Si Bantay ay isang aso. Ang asong
mabait. Si Lina ay may manika. Nawala
ang manika. Nakita ito ni Bantay.
Masayang naglaro sila Lina at Lita.
Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang kalaro ni Lina?


2. Ano ang alaga ni Lina?
3. Ano ang nangyari sa manika?
4. Sino ang nakakita sa manika?

9
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

10
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

UMALIS ANG NANAY

Sabado noon. Nagbihis ang nanay.


Kinuha niya ang basket. Bumaba siya ng
bahay. Sumakay siya ng dyip papunta sa
palengke. Bumili si nanay ng mga prutas at
gulay.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang umalis?
2. Ano ang kinuha ni nanay?
3. Ano ang sinakyan ni nanay?
4. Saan nagpunta si nanay?

11
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

12
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

BAG NA ABAKA

May regalo si Nita. Ang regalo ay nasa


kahon. Binuksan ni Nita ang kahon. May
laman itong bag. Yari ito sa abaka at
yantok.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang may regalo?
2. Saan nakalagay ang regalo?
3. Ano ang laman ng kahon?
4. Saan yari ang bag?

13
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

14
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

NAGMAMADALI

Nagmamadali si Nilo. Bumaba siya ng

hagdan. May balat ng saging dito sa


hagdan. Hindi ito nakita ni Nilo. Bigla siyang
sumigaw at umiyak.
Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang nagmamadali?


2. Saan siya bumaba?
3. Ano ang nasa hagdan?
4. Ano ang nangyari kay Nilo?

15
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

16
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG MAG-AARAL

Binuksan ni Arding ang kanyang bag.

Kumuha siya ng kuwaderno. Kumuha siya


ng lapis. Binuklat niya ang isang aklat.
Ginawa ni Arding ang kanyang takdang-
aralin.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang kinuha ni Arding?
2. Ano ang binuklat ni Arding?
3. Sino ang gumagawa ng takdang-
aralin?

17
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

18
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

NAPULOT ANG AKLAT

Rises noon. Naglalaro ang mga bata.

Nakapulot ng aklat si Raul. Wala itong


pangalan. Dinala niya ito sa guro.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ginagawa ng mga bata?
2. Sino ang nakapulot ng aklat?
3. Ano ang ginawa niya sa aklat?

19
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

20
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SI ALING ANA

Pinili ni Aling Ana ang mga damit.


Kinuha niya ang sabon. Kinuha niya ang

batya. Kinuha din niya ang palanggana.


Nagpunta siya sa ilog. Kasama ng ibang
mga ale, si Aling Ana ay naglaba sa ilog.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang namili ng mga damit?
2. Ano-ano ang kinuha ni Alin Ana?
3. Saan siya nagpunta?
4. Ano ang ginawa niya sa ilog?

21
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

22
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

NAPAGOD SILA

Takbo nang takbo ang mga bata.

Naghahabulan sila. Mayamaya, tumigil sila.


Pumunta sila sa lilim ng puno. Namahinga
sila at nahiga sa damuhan.
Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang takbo ng takbo?


2. Ano ang kanilang ginawa?
3. Saan sila pumunta?
4. Ano ang ginawa nia sa damuhan?

23
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

24
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG BANDILA

Nagmamadali si Celso. Baka mahuli siya


sa paaralan. Magagalit ang guro niya.
Itinataas na ang bandila nang dumating
siya. Huminto si Celso bilang paggalang sa
pagtataas ng bandila.
Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang nagmamadali?


2. Ano ang itinataas nang siya ay
dumating?
3. Ano ang ginawa ni Celso?
4. Tama ba ang kanyang ginawa?

25
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

26
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

DUMATING ANG TATAY

Naghahabulan ang mga bata.


Dumating ang tatay galing sa trabaho.
Pagod na pagod siya. Sinalubong siya ng
mga bata. Napangiti ang tatay.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang ginagawa ng mga bata?

2. Sino ang dumating?


3. Saan galing ang tatay?
4. Ano ang ginawa ng mga bata?

27
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

28
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG BUTO

Kumakain ng santol si Mila. Matamis ang


santol. Tinipon niya ang mga buto. Ibinaon
niya ito. Dinilig ng ulan ang lupa. Makalipas
ang ilang araw, may tumubong maliit na
halaman mula sa binaon na buto ni Mila.
Tuwang-tuwa si Mila nang makita niya ang
mga ito.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang kumakain?
2. Ano ang kinakain ni Mila?
3. Ano ang ginawa niya sa mga buto?
4. Tumubo ba ang mga buto?
5. Ano ang naramdaman ni Mila?

29
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

30
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

UMAGA NA!

Madilim-dilim pa. “Tiktalaok!” ang sabi


Madilim-dilim
ng manok. Nagising si Aling Anita. Tumayo
sa higaan. Pumunta siya sa kusina. Nagluto
ng almusal si Aling Anita. Ginising na rin niya
ang kanyang mga anak na sina Ada at
Alan. Bumangon na rin si Mang Kardo.
Sabay-sabay silang kumain ng agahan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang naunang nagising?

2.
3. Saan siyakaniyang
Ano ang nagpunta?
ginawa?
4. Sino-sino ang kanyang mga ginising?
5. Ano ang kanilang ginawa?

31
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

32
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SI MELO AT ANG INAHIN

Sumilip si M
Melo
elo sa pugad. May inahin sa

pugad. Nakaupo ito. “Putak-putak,”ang


sigaw ng inahin. Tumayo ito at lumipad.
May nakitang maputi si Melo.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang sumilip sa pugad?
2. Ano ang mayroon sa pugad?
3. Ano ang sinisigaw ng inahin?
4. Ano ang nakita ni Melo?

33
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

34
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

NAGLINIS SI RENE

Naglilinis si Rene. Natabig niya ang


plorera. Bumagsak ito sa sahig. Narinig ng
kanyang nanay ang ingay. Pinuntahan siya
nito at nakita ang nabasag na plorera.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang naglilinis?
2. Ano ang kanyang natabig?
3. Sino ang nakarinig ng ingay?
4. Ano ang nangyari sa plorera?

35
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

36
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SA HALAMANAN

Nasa halamanan si Marina. Nasa

halamanan rin si Ligaya. Namimitas sila ng


rosas. Maya-maya nagtakbuhan sila.
Buzz..Buzz..Buzz..Buzz. Pumasok sila sa
bahay.

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino-sino ang nasa halamanan?
2. Ano ang kanilang pinipitas?
3. Ano ang kanilang nakita?
4. Saan sila pumasok?

37
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

38
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

NASAAN SI MELBA

Nakahiga si Melba at dumaraing. May


tapal ang kanyang noo. May pumasok na
babae sa silid. Nakasuot ito ng puti. May
dala-dala itong bote at baso ng tubig.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nakahiga?
2. Ano ang nasa noo ni Melba?
3. Ano ang suot ng babaeng pumasok sa
silid?
4. Ano ang dala ng babae?

5. Nasaan si Melba?
39
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

40
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANO KAYA ANG NANGYARI

Natutulog ang Nanay isang tanghali.


Naglalaro ang mga bata. Maya maya may
bumagsak. Krass! Biglang tumahimik ang
mga bata. Lumabas ang nanay na may
hawak na tsinelas.
Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang natutulog?


2. Ano ang ginagawa ng mga bata?
3. Ano ang hawak ng nanay?
4. Sa palagay mo, ano ang nangyari?

41
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

42
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANO KAYA ITO

Nasa halamanan si Naty. May nakita


siyang lumilipad. Kay ganda-ganda nito.

Iba’t-iba
Iba’t-iba ang kulay ng kanyang pakpak.
Nagpalipat-lipat ito sa mga bulaklak.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nasa halamanan?
2. Ano ang kaniyang nakita?
3. Saan ito nagpalipat-lipat?

43
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

44
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANO ANG MASAKIT

Umiiyak si Linda. Namamaga ang pisngi


niya. Hindi siya makakain. Masakit
pagnguya niya. Dinala siya ng kanyang
nanay sa dentista. Pag-uwi niya, wala na
siyang nararamdamang sakit.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang umiiyak?
2. Ano ang namamaga sa kaniya?
3. Saan siya dinala ng kaniyang nanay?
4. Ano ang masakit kay Linda?

45
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

46
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SI MANG JUAN

Madilim pa ay bumaba na si Mang


Juan. Nagsuot siya ng malapad na
sambalilo. Sumakay siya sa kalabaw.
Magkasama sila sa paggawa maghapon
sa bukid.
Sagutin ang mga tanong?

1. Sino ang bumaba?


2. Ano ang kaniyang sinoot?
3. Ano ang kaniyang sinakyan?
4. Saan sila gumawa ng kalabaw?

47
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

48
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

LAPIS AT PAPEL

Ako ay may lapis. Ang lapis ko ay bago.

Ang lapis ko ay dilaw.


Ako ay may papel. Ang papel ko ay bago.
Ang papel ko ay puti.
Hawak ko ang lapis. Hawak ko ang papel.
Kaya kong gumuhit. Gamit ko ang lapis.
Gamit ko ang papel.
Ano kaya ang aking iguguhit? Gumuhit ako
ng lapis at papel!

49
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Bilugan ang tamang sagot sa tanong.


1. Ano ang pamagat ng binasa mo?

a. Ang Lapis Ko
b. Ang Guhit Ko
c. Lapis at Papel
2. Ano ang kulay ng lapis?
a. puti b. dilaw c. pula
3. Ano ang kulay ng papel?
a. puti b. dilaw c. pula
4. Alin ang tama?
a. Ang lapis ay bago at ang papel ay
luma.
b. Ang papel ay luma.
c. Ang lapis at papel ay bago.
5. Nasaan ang lapis at papel?
a. Hawak niya.
b. Itinago niya.
c. Ibinigay niya.
6. Ano raw ang kayang gawin ng bata?

a. magsulat b. magbasa c. gumuhit


50
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

7. Ano ang gagamitin niya gawin ito?


a. Lapis at papel
b. Lapis lang
c. Papel lang
8. Ano ang makikita sa papel.
a. Guhit ng laruan niya.
b. Guhit ng mag-anak niya.
c. Guhit ng lapis at papel.

51
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SI ELO
Ako’y pitong taon na

Handa ng pumasok.
Ang baon kong pera
Ay palaging lima.
Heto tingnan ninyo
Nasa aking bulsa.

Sagutin ang mga tanong.


1. Ilang taon na si Elo?
2. Sino ang handa ng pumasok?
3. Ilan ang lagi niyang baong pera?
4. Saan niya inilalagay ang kanyang
baon?

52
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

53
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG MANIKA NI NENE

Si Nene ito. Si Nene ay may bagong

manika. Ito ay bigay ng Ninang niya. Ang


manika ay binili sa Maynila. Pumipikit at
dumidilat ang manika ni Nene. Katabi ni
Nene ang manika niya sa pagtulog.

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang may bagong manika?
2. Sino ang may bigay ng manika?
3. Saan binili ang manika?
4. Sino ang katabi ni Nene sa pagtulog?
5. Ano ang nagagawa ng manika ni

Nene?
54
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

55
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SI LOLO IPE

Ito ay si Lolo Ipe. Siya ay nakatira sa


kubo. Ang kubo ay nasa tabi ng sapa.

Kasama ni Lolo Ipe si Pepe. Si Pepe ay apo


ni Lolo Ipe. Si Lolo Ipe ay isang
mangingisda.
Sagutin ang mga tanong.

1. Saan nakatira si Lolo Ipe?


2. Ano ang katabi ng kubo?
3. Sino ang kasama ni Lolo Ipe?
4. Ano ni Lolo Ipe si Pepe?
5. Ano si Lolo Ipe?

56
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

57
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG PUSA KO

Ako ay may alagang pusa. Ang buntot


niya ay mahaba. Ang kulay niya ay puti at
itim. Masipag ang aking alagang pusa. Siya
ay laging nanghuhuli ng daga. Malalaki
ang nahuhuli niyang daga. Inaalagaan ko

ang aking daga.


Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang aking alaga?
a. pusa b. aso c. pato
2. Ano ang kulay ng pusa ko?

58
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

a. Itim c. puti at pula


b. puti at itim

3. Ano ang lagi niyang hinuhuli?


a. ipis b. daga c. tutubi

59
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

KUNG LINGGO

Tuwing araw ng Linggo lahat kaming

mag-anak ay nagsisimba. Malayo ang


simbahan sa aming bahay, kung kaya’t
sumasakay pa kami sa traysikel. Tahimik
kaming nagdarasal sa loob ng simbahan.
Pagkatapos ng misa kaming mag-anak ay
nagmamano sa aming Lolo at Lola. Ang
pagmamano ay isang ugaling Pilipino na
dapat gawin.

60
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Punan ng tamang sago tang puwang.


1. Ang mag-anak ay nagsisimba tuwing

____________________________________.
2. Sila ay sumasakay sa ________________.
3. Sila ay nagmamano sa kanilang
_______________ at _______________.
4. Ang pagmamano ay isang ugaling
_________________________.

61
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG MAGKAIBIGAN

Si Lino at si Lito ay magkaibigan. Sila ay

kapwa nasa Unang Baitang. Si Lino ay


taga-Alua at si Lito ay taga-bayan. Sila ay
pumapasok sa paaralang sentral ng San
Isidro. Sinunsundo ni Lino si Lito sa
pagpasok. Lagi silang sabay pumasok. Ang
kanilang guro ay si Ginang Alba.

62
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Punan ng si at sila ang mga pangungusap:


1. Si Lino at ________ Lito ay magkaibigan.

2. _______ Lino ay taga-Alua.


3. _______ ay pumapasok sa paaralang
sentral ng San Isidro.
4. _______ Lito ay taga-bayan.
5. _______ ay laging sabay pumasok.

63
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

KAMING MAG-ANAK
Kaysipag ni Tatay.

Kaybait ni Nanay.
Si Ate’t si Kuya’y,
Matulunging tunay.
Kaming mag-anak,

Laging nagsisikap.
Na maging magalang,
Maging matapat.

64
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Anong salita ang naglalarawan kay

Tatay?
a. Kaysipag c. Matulungin
b. Kaybait
2. Anong salita ang naglalarawan kay
Nanay?
a. Nagsisikap c. Kaysipag
b. Kaybait
3. Anong salita ang naglalarawan kay Ate
at Kuya?
a. Matulungin c. Magalang
b. Tamad

65
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SA TAHANAN

Araw ng Sabado. Walang pasok ang


mga bata. Nasa tahanan sina Nilo at Nila.
Tumutulong si Nilo at si Nila sa mga gawain
sa bahay. Marami silang gawain sa bahay.
Si Nilo ay nang-iigib at nagdidilig ng
halaman. Si Nila naman ay naglalaba,
naglalampaso at nagwawalis ng bakuran.

Bilugan ang mga salitang nagsasaad ng


kilos sa kuwento.
1. tahanan, naglalaba, gawain
2. naglalampaso, bahay, halaman
3. araw, nagwawalis, marami
4. nagdidilig, walis, bata
5. bakuran, nag-iigib, bahay
66
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

PO AT OPO

Ang bilin sa akin ng Ama at Ina


I na ko
Maging magalangin, mamumupo ako
Kapag kinakausap ng matandang tao.
Sa lahat ng lugar, sa lahat ng dako
Pag ang kausap ko’y, matanda sa akin
Na dapat igalang at dapat pupuin
Natutuwa ako na bigkas-bigkasin.
Ang Po at Opo ng buong paggiliw.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang bilin ng kanyang ama at ina?
2. Paano sasagot kapag kinakausap ng
matatandang tao?
3. Paano maipakikita ang paggalang sa
matatanda?
4. Ano ang natutuwa niyang bigkas-bigkasin?
5. Sino-sino ang dapat igalang at pupuin?

67
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

68
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

MAY PASOK NA

Araw ng Lunes. May pasok na naman


ang mga bata. Ang magkapatid na Lito at
Lina at tulog na tulog pa.
“Mga anak gising na. Mahuhuli kay sa
klase. Nakaluto na ako. Kain na kayo”, ang

sabi wika
ang ng kanilang ina. “Kayo poumaga
ni Lito. “Magandang pala Inay,”
po”,
ang sabi naman ni Lina. “Magandang
umaga naman”, tugon ng kanilang ina.
Matapos kumain ng magkapatid,
humanda na sila sa pagpasok. “Nay,
papasok na po kami. Paalam na po.”
69
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

“Oo mga anak magpapakabait kayo.


Mag-iingat
Mag-iingat sana kayo sa daan.”

Isulat sa bawat patlang ang magagalang


na pananalita na ginagamit sa:
1. Pagbati sa umaga
_____________________________________
2. Pagpapaalam
_____________________________________
3. Pagbati sa gabi
_____________________________________
4. Pagbati sa tanghali
_____________________________________
5. Pagsagot sa matatanda

_____________________________________

70
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG MGA GAWAIN KO


Bumabasa kung Lunes.

Sumusulat kung Martes.


Kumakanta kung Miyerkules.
Sumasayaw kung Huwebes.
Naglilinis kung Biyernes.

Nagpapahinga kung Sabado.


Nagsisimba kung Linggo.
Iyan ang gawain ko.
Sa buong isang linggo.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ilang araw mayroon sa isang linggo?
2. Ilang araw ang walang pasok?
3. Ano ang unang araw ng linggo?
4. Alin ang ika-apat na araw?
5. Anong araw ang kasunod ng Martes?

71
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

72
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG LASO NI ENA

Si Ena ay nag-aaral sa paaralang


sentral ng Pulo. Siya ay nasa Unang
Baitang. Maganda at maputi si Ena. Lagi
siyang malinis at makinis kung pumasok.
Tahimik din siya sa klase. Isang araw
nagkaroon ng pagbibisita ang nars sa
kanilang paaralan tungkol sa kalinisan. Si
Ena ang napiling pinakamalinis sa kanilang
klase. Bilang gantimpala, si Ena ay
binigyang ng isang lasong pula.

73
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang nag-aaral sa Pulo?

2. Anong baiting na si Ena?


3. Sino ang bumisita sa paaralan nina
Ena?
4. Sino ang napiling pinakamalinis sa
klase?
5. Ano ang kanyang gantimpala?

74
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

75
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

MURANG ISIPAN

Kaming murang isip nang pumunta


Sa paaralan ninyo’y
Himig mga bobo.
Ngayo’y natuto ng bumasa ng libro
Sumulat ng letranf – A – E – I – O – U
Dahil sa tiyaga nitong aming guro

Kami’y marunong ng sumagot ng opo.


Sa lahat ng tao lalo na’t kay Lolo.
Salamat sa inyo mahal naming guro.

76
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Bilugan ang salitang naglalarawan sa


bawat pangungusap.

1. Si Ito ay (bobo, tao, bata).


2. Ako ay (bumasa, natuto, nagbasa) sa
aking guro.
3. Ang (tiyaga, mahal, kapal) ng Tatay ko.
4. (Bobo, Marunong, Masaya) akong
sumagot ng opo.
5. (Matiyaga, Maglakad, Malakas)
magturo an gaming guro.

77
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG PANAGINIP NI ETA

Isang gabi, si Eta ay nakatulog ng


maruming marumi. Nag-usap-sap sina
sipilto, suklay, sabon, bimpo at kolgeyt.
Naku! Si Eta kawawa naman. Nakatulog na
maruming-marumi. Linisin natin siya. At ang
magkakaibigan ay nagtulung-tulong na
linisin si Eta. Pamaya-maya dumating si Roel
na kapatid ni Eta. Kasamang dumating ni

Roel ang kaniyang asong si Buldog. Kung


ako sa inyo ihagis na lang sa ilog iyan ang
sigaw ni Roel. Aba! Huwag! Malulunod ako.
Sa kahihiyaw ni Eta, siya ay nagising. Ay---
Salamat panaginip lang pala. Mula
ngayon hindi na ako matutulog na marumi
ang katawan ang pangako ni Eta.
78
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Alin ang ngalan ng tao?

a. Eta b. suklay c. kolgeyt


2. Alin ang ngalan ng hayop?
a. Roel b. Buldog c. sabon
3. Alin ang ngalan ng bagay?
a. suklay b. buldog c. Eta
4. Alin ang ngalan ng pook?
a. Roel b. bimpo c. ilog
5. Ano ang ipinangako ni Eta sa sarili?
a. Hindi na siya matutulog ng marumi.
b. Hindi na siya maliligo bago matulog.
c. Kakain muna siya bago matulog.

79
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG BATANG MABAIT

Ang batang mabait dangal ng magulang


Dangal ng kapatid, gurong minamahal

Ang batang
Kanyang mabait ay
katangian pag-asa ng bayan
isang tagumpay
Ang batang mabait may sariling isip
Ito’y ginagamit sa tamang matuwid
Ang batang mabait ay walang kagalit
Siya ay tahimik at hindi mapilit
Bilugan ang mga salitang kasing-tunog ng
salitang mabait.
1. bata, napilit, isip
2. kagalit, kapatid, matuwid
3. dangal, mapilit, bayan
4. ginagamit, mapilit, bayan
5. tagumpay, galit, magulang

80
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

MAGBABAKASYON

Ang mag-anak nina Mang Bino ay

magbabakasyon. Sila ay magbabakasyon sa


nayon ng San Mateo. Sila ay tutuloy kina Mang
Ben na kaibigan ng mag-anak. Malamig at
sariwa ang hangin sa nayon. Marami silang
dalang pasalubong kay Mang Ben. Ang mag-
anak ni Mang Bino ay magbabakasyon ng
isang Linggo.

Sagutin
1. Sino ang
ang mga tanong.
magbabakasyon?
2. Saan magbabakasyon ang mag-anak?
3. Saan nakatayo ang bahy ni Mang Ben?
4. Ano ang dala ng mag-anak ni Mang Bin
okay Mang Ben?
5. Ilang araw magbabakasyon ang mag-
anak?

81
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

82
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SA YUNGIB

Masukal ang yungib. Malalago ang


mga talahib. Sa gilid nito ay may bukal ng
tubig. Dito si Pablo umiigib. Sinilaban niya
ang mga talahib. Hindi na ngayon
nakakatakot ang umigib sa yungib.
Nasilaban na ang mga talahib.
Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang nasa loob ng yungib?


2. Saan umiigib si Pablo?
3. Ano ang ginawa ni Pablo sa talahib?
4. Nakakatakot pa bang umigib sa
yungib?

83
Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

84
84

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG PANAGINIP NI NAP

Napaidlip si Nap. Nanaginip siyang


kasama si Pip sa aplaya. Nangunguha daw
sila ng sapsap. Hirap na hirap daw sila
nang biglang may dumating na kapre.
Sumigaw si Nap. Ginising siya ng kaniyang
ina. Muling umidlip si Nap.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang nanaginip?
2. Sino ang kasama sa aplaya?
3. Ano ang kanilang kinukuha?
4. Ano ang dumating sa kanyang
panaginip?

5. Sino ang gumising sa kanya?


85

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.
86

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG MAGKAKABARKADA

Barkada ni Marlo si Karlo. Si Marlo ay


isang sorbetero at kartero naman si Karlo.

Pareho silang may motor. Berde ang kulay


ng motor ni Karlo at asul naman ang kulay
ng motor ni Marlo. Sila ang magkaibigan
nagmula sa Sorsogon.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang magbarkada?


a. Leo at Marlo
b. Marlo at Karlo
c. Karlo at Leo
2. Ano si Marlo?
a. sorbetero b. kartero c. tindero
87

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

3. Ano si Karlo?
a. sorbetero b. kartero c. tindero
4. Ano ang kulay ng motor ni Karlo?
a. asul b. berde c. dilaw
5. Ano ang kulay ng motor ni Karlo?
a. dilaw b. berde c. asul
6. Saan nakatira sina Marlo at Karlo?
a. Maynila

b. Gapan
c. Sorsogon
88

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG MGA INAKAY

Maiigay ang mga inakay. Mataas ang


pugad nila. Nasa sanga sila ng punong-

kahoy. Umuugoy ang mga dahong


malalabay. Gutom na siguro ang mga
inakay. Naghahanap pa ng uod ang
nanay.
89

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Punan ng tamang sago tang patlang.


1. Ang mga inakay ay __________________.

2. _________________ ang pugad nila.


3. Ang mga dahong ____________________
ay umuugoy.
4. Ang mga inakay ay _________________

na.
5. Ang kanilang ina ay naghahanap pa
ng ______________.
90

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SINA ROD, TED, AT ISID

Patungo sa bukid ang magkakapatid


na Ted, Rod at Isid. Ihahatid nila ang
tungkod ni Lolo Amed. Malayo ang
kanilang nilakad. Pagod ang tatlo sa
paglakad. Bumuhos ang malakas na ulan.
Napaluhod sila at nagasgas ang kanilang
mga tuhod.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang patungo sa bukid?
2. Ano ang ihinatid nila kay Lolo Amed?
3. Ano ang nagyari habang sila ay
naglalakad?
4. Ano ang nangyari sa kanilang tuhod?
91

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.
92

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SINA AGNES AT DIGNA

Kambal sina Agnes at Digna. Sila ay


taga-Balagtas. Masisipag ang mga
kambal. Si Agnes ang naglilinis ng sahig. Si
Digna naman ang nagwawalis sa bakuran.
Iniipon at sinusunog niya ang mga tuyong
dahon sa kanilang bakuran.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang kambal?
2. Saan nakatira ang kambal?
3. Ano ang nililinis ni Agnes?
4. Ano ang ginagawa ni Digna?
5. Ano ang ginawa ni Digna sa mga
tuyong dahon?
93

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.
94

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SI PURITA

Si Purita ay pulubi. Siya ay ulila na sa


ama at ina. Siya ay bungi at bingi. Si Purita

ay mayumi. Siya ay nakatira sa tabi ng


mga basura. Kawawa talaga ang mga
batang katulad ni Purita. Dapat
matulungan sila. Kakaibiganin mo ba ang
gaya niya?
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang pulubi?
2. Ano si Purita?
3. Saan siya nakatira?
4. Ano ang dapat gawin kay Purita?
95

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.
96

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG BALABAL

May balabal si Sabel. Ito ay telang


makapal. Asul at itim ang mga ito. Regalo
ito sa kanya ni Raul. Galing ito sa bayan ng
Taal. Mahal na mahal ni Sabel ang
kaniyang mga balabal. Sa malaking baul
itinatago ni Sabel ang kaniyang mga
balabal.

Sagutin ang mga tanong.


1. Sino ang may balabal?
2. Anong kulay ang balabal?
3. Sino ang nagbigay sa kanya nito?
4. Saan ito galing?

5. Saan niya ito itinatago?


97

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.
98

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG HANDAAN

May handaan kina Len. Kaarawan ng

kanyang kuya Dan. Dumating ang mga


pinsan, kalaro at kaibigan nila. Maraming
handa si Dan. May suman, pansit,
dalandan, kanin at ulam sa tanghalian.
Nagkantahan at nagsayawan ang lahat.
Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang mayroon kina Len?


2. Sino ang may kaarawan?
3. Sino-sino ang dumating?
4. Ano-ano ang handa ni Dan?
5. Ano ang ginawa ng lahat?
99

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.
100

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SINA DODI AT DINO

Sina Dodi at Bino ay mga binata. Sila ay


maginoo. Nakatira ang dalawa sa isang
kubo. May mga alaga sila gaya ng aso,
kabayo, at pusa. May puno rin ng upo at
abokado sa tabi ng kubo. Masaya ang
dalawang binata sa pagtira nila sa kubo.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang mga binata?
2. Saan sila nakatira?
3. Ano-ano ang kanilang alaga?
4. Ano-anong puno ang nasa tabi ng
kubo?
101

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.
102

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SI OBET KULOT

Si Obet Kulot ay musmos na paslit. Siya


ay maliit, mabait ngunit makulit. Sarat ang
ilong. Maputi at makinis ang balat niya.
Malikot at layas si Obet. Malimit na makikita
si Obet sa palengke ng Libis.
Isulat ang tamang sagot sa patlang.
1. Si Obet Kuloy ay _____________ na paslit.
2. Siya ay maliit, mabait, ngunit
____________________.
3. Ang kaniyang ilong ay ________________.
4. Ang balat niya ay maputi at
_________________.
5. Si Obet ay isang batang malikot at
_________________.
103

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SINA BAMBI AT PAMPI

Nakatira sa dampa sina Bambi at


Pampi. Si Bambi ay siyam na taong gulang.
Si Pampi ay sampu naman. Kasama ng
dalawa si Impong Doring na isang lumpo.
May anim silang puno ng mangga at
sampagita sa tabi ng kanilang dampa.
Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang mga tauhan sa kwento?


2. Saan sila nakatira?
3. Ilang taon na si Bambi?
4. Ilang taon na si Pampi?
5. Sino ang kasama ng dalawa?
6. Ano ang tanim nila sa tabi ng dampa?
104

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.
105

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

ANG MGA REGALO

Maligaya si Nena. Marami ang regalo


niya. Ibinili siya nina Lolo Belo at Lola Sela
ng baro na may laso. Kapote ang kay Tiya
Loreta. May habonera, manika, lobo at
pera pa mula sa kanyang kuya Selo at ate
Lena. Masayang masaya si Nena.
Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang maligaya?


2. Ano ang meron si Nena?
3. Ano ang binili sa kaniya nina Lolo Belo
at Lola Sela?
4. Sino ang may kapote?
5. Ano naman ang regalo ng kayang ate
at kuya?
6. Bakit masaya si Nena?
106

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.
107

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

SAGING

Maraming tanim na saging si Ingkong sa


aming bakuran. Ang hinog na saging ay
kulay dilaw. Berde naman ang kulay kaag
hilaw. Matamis ang mga bunga ng saging.
Ang saging ay prutas. Ito ay pagkaing
pampalakas.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang may tanim na saging?
2. Saan ito nakatanim?
3. Ano ang kulay ng hinog na saging?
4. Ano ang kulay ng hilaw nasaging?
5. Ano ang klaseng pagkain ang saging?
108

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.
109

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

PALAY NI KUYA TOTOY

Mataba ang tanim na palay ni Kuya


Totoy sa bukid. Hinog na ang palay.
Nagtayo si Kuya Totoy ng bahay sa
katabing palayan upang mabantayan ang
mga palay. Yari ito sa kahoy at kawayan.
May mga puno ng kasoy sa gilid ng bahay.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang tanim ni Kuya Totoy?
2. Saan siya nagtayo ng bahay?
3. Saan yari ang bahay?
4. Ano ang nasa gilid ng bahay?
110

Filipino 1: Mga Maikling Kwento

Sagutang papel.

You might also like