You are on page 1of 3

BUWAN NG WIKA Emcee Script INTRODUCTION B & G: Isang mapagpalang umaga sa ating lahat!

G:

Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malnsang isda: kaya ating pagyamaning kusa,
gaya ng inang sa atin ay nagpala. Ito ay tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si
Gat Jose Rizal na nagbigay kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

B:

Tama. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay dito. Ito ang
nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa. Sa pamamagitan ng
wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

G:

Pagkakataon din natin ito upang iparating sa ating mga kababayan na ang ating Pambansang Wika ay
hindi lamang para sa pakikipagkomunikasyon ngunit siya ring pundasyon ng ating pagkakakilanlan
bilang isang indibidwal at bilang isang bansa.

B:

Bilang pagtangkilik ng ating paaralan sa Buwan ng Wika, ay uumpisahan na natin ang Pagpupugay sa
Wikang Filipino ngayong Buwan ng Wika na may temang:

B & G:

“Filipino: Wika ng Saliksik”

I. G:

PAMBANSANG AWIT at PANALANGIN At bilang pasimula, magsitayo po ang lahat para sa


Pambansang Awit ng Pilipinas sa kumpas ni Bb. Jessabel Bagasol, guro sa Ikalimang Baitang na
susundan ng panalangin ni Gng. Janice Salem, guro sa Ikalawang baitang. [Pambansang Awit ng
Pilipinas] [Panalangin]

III. B:

IV.

PAMBUNGAD NA SALITA Tinatawagan po ang ating butihing Koordinator sa Filipino, Gng. Marilyne
Rabang upang magbigay ng Pambungad na salita. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan!
PALABAS

G:

Maraming Salamat, Gng. Rabang. Sir Jesiemel, alam mo ba na bantog noon ang balagtasan at tula sa mga
Pilipino?

B:

Oo, Maam Jeanette. Aking nabasa sa Noli Me Tangere na isinulat ni Jose Rizal na bahagi sa kanilang
pyestahan ang mga ganoong uri ng palatuntunan.

G:

Tama.. Tunghayan natin ngayon ang isang balagtasan na itatanghal ng mga piling mag-aaral ng
Nagbacalan West Elementary School.

V. B:

VI.

MENSAHE Maraming Salamat sa inyong pagtatanghal. Aba at kahit sa murang edad ay kahanga-hanga
na. Ngayon naman po ay tinatawagan ang punung-guro ng ating paaralan, G. Elpidio C. Cacayorin para
magbigay ng kanyang mensahe. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpakan! PAGPAPAKILALA
NG MGA OPISYALES

G:

Marami pong Salamat sir. Labis po kaming nasisiyahan sa iyong mga pananalita. Naniniwala po kami na
hindi lamang kaming mga guro ang isa sa mga sikreto sa likod ng mga okasyong gaya nito…

B:

Pinakamahalaga siyempre ay ang mga magulang ng mga bata na ginagawa ang lahat para masuportahan
at maibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

G:

VII. B:

Sa puntong ito, tinatawagan ko si Bb. Frennelyn Dumlao, Guro sa Ikaanim na baiting para ipakilala ang
mga opisyales ng ating paaralan. PANUNUMPA NG MGA OPISYALES AT PAGBIBIGAY NG
MENSAHE Para sa panunumpa ng mga opisyales, aking tinatawagan si Hon. Ma. Luisa Pascua, Punong
Barangay ng Nagbacalan, Paoay, Ilocos Norte. Pagkatapos ng panunumpa, ating pakinggan ang kanyang
mensahe.

VIII. PALABAS B:

Maraming Salamat po sa inyong mensahe Hon. Maria Luisa Pascua.

G:

Hindi lang ang mga mag-aaral ng Nagbacalan West Elementary school ang magagaling at may talento.
Maging ang kanilang mga magulang ay mayroong itinatagong talento rin. Atin ngayong tunghayan ang
inihandang presentasyon ng mga PTA officers!

IX. B:

X. G:

XI. B:
PAGBIBIGAY NG PARANGAL Maraming Salamat sa ating mga PTA officers sa inyong presentasyon.
Ngayon, atin nang bigyan ng pagkilala at parangal ang mga mag-aaral na nanalo sa ating mga patimpalak
ngayong Buwan ng Wika. PALABAS Binabati ko ang mag-aaral na nanalo sa mga patimpalak. Hindi
natatapos ang pagbibigay ng aliw ng ating mga mag-aaral. Ating tunghayan ang palabas ng mga mag-
aaral ng Nagbacalan West Elementary School! PANGWAKAS NA PANANALITA Napagaling mga
bata. At ngayon, atin ng pakinggan ang pangwakas na pananalita ni Gng. Winielyn Buduan, pangulo ng
General ParentTeacher’s Association.

G:

Maraming Salamat Gng. Buduan. Binabati namin ang lahat ng nagtaguyod sa Culmination ng Buwan ng
Wika ngayong taon. Gayundin ang mga bata ang mga magulang. Kung hindi dahil sa inyo, hindi
magiging matagumpay ang programang ito.

B:

Dito na nagwawakas ang ating programa.

G:

Ako po si Gng. Jeannete Ortal.

B:

At ako naman po si G. Jesiemel Bacena

B&G:

Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Wika ng saliksik. Maraming Salamat!

You might also like