You are on page 1of 169

Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Antonio Pigafetta
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig
Antonio Pigafetta

Salin ni Phillip Yerro Kimpo

PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KOMISYON SA WIKANG


KULTURA AT MGA SINING FILIPINO

AKLAT NG BAYAN
Metro Manila
2017
Limitado at Eksperimental na Edisyon
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Karapatang-sipi © 2017 ng salin ni Phillip Yerro Kimpo at ng Komisyon sa Wikang Filipino

Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring sipiin o gamitin sa
alinmang paraan nang walang pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

The National Library of the Philippines CIP Data

Recommended entry:

Pigafetta, Antonio.
Unang paglalayag paikot ng daigdig / Antonio
Pigafetta; salin ni Phillip Yerro Kimpo. – Limitado
at Eksperimental na Edisyon. – Maynila: Komisyon
sa Wikang Filipino, Pambansang Komisyon para
sa Kultura at mga Sining, [2017], c2017.
pages : cm

ISBN 978-621-8064-23-2.

1. Magellan, Ferdinand, 1480-1521 – Travel. 2. Voyages


around the world. 3. Pigafetta, Antonio, 1491-1531 -- Biography.
I. Kimpo, Phillip Yerro.II. Title.

910.41 G420.M2 2017 P720170200

Inilathala ng

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO


Gusaling Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel, 1005 Maynila
Tel. Blg. (02) 733-7260 · (02) 736-2525
Email:komisyonsawikangfilipino@gmail.com· Website: www.kwf.gov.ph

sa tulong ng

PAMBANSANG KOMISYON PARA SA KULTURA AT MGA SINING


633 Kalye Heneral Luna, Intramuros, 1002 Maynila
Tel. Blg. 527-2192 to 97 · Fax: 527-2191 to 94
Email: info@ncca.gov.ph · Website: www.ncca.gov.ph

The National Commission for Culture and the Arts is the overall coordination and policymaking government
body that systematizes and streamlines national efforts in promoting culture and the arts. The NCCA
promotes cultural and artistic development: conserves and promotes the nation’s historical and cultural
heritages; ensures the widest dissemination of artistic and cultural products among the greatest number
across the country; preserves and integrates traditional culture and its various expressions as dynamic part
of the national cultural mainstream; and ensures that standards of excellence are pursued in programs and
activities. The NCCA administers the National Endowment Fund for Culture and the Arts (NEFCA).
Nilalaman

Panimula – Carlos Quirino 1

Talâ sa Bibliyograpiya – Mauro Garcia 21

Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig – Antonio Pigafetta 25

Talababa 155

Tungkol sa Tagasalin 161


Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 1

PANIMULA

S
a ilang dosenang aklat at salaysay na isinulat ng mga dayuhan ukol sa
Filipinas, ang kauna-unahan at walang-dudang pinakamahusay ang kay
Kabalyero Antonio Pigafetta, isang katutubo ng Vicenza, isang bayang
may layong mahigit-kumulang isandaang kilometro sa kanluran ng Venice, at
ang kaniyang “Primo Viaggio Intorno al Mondo,” na nagsasalaysay ng marami
at ibá’t ibáng kabanata ng unang paglalayag paikot ng daigdig na isinagawa ni
Ferdinand Magellan, ang pinakamahusay nating pinagbabatayan sa kasaluyan
ng mga kaugalian at gawain ng mga Filipino ng maagang ikalabing-anim na
siglo, sa panahong unang nagkaroon ng ugnayan ang mga taga-Kanluran sa mga
mamamayan nitóng kapuluan.

Sino si Antonio Pigafetta, ang historyador ng unang paglalakbay paikot


ng daigdig? Residente na ng Vicenza ang pamilyang Pigafetta sa loob ng apat o
mahigit pang henerasyon bago ang nasabing paglalakbay. Isinilang si Antonio,
noong isa sa mga taóng nagsara ng ikalabintatlong siglo, kina Giovanni Pigafetta
at Angela Zoga, inapo ng isang mayamang pamilya mula Florence na lumipat sa
Vicenza noong ikalawang hati ng ikalabintatlong siglo. Pinakasalan ng kaniyang
tiyang si Elisabetta, nakababatàng kapatid ni Giovanni, si Valerio Chiericati;
dahil sa ugnayang ito ay nakapasok siyá sa paglilingkod kay Monsignor Francesco
Chiericati, ang sugo ng Santo Papa sa España. Sa edad na tatlumpu’t dalawa,
pinakasalan ni Giovanni ang isang lokal na maharlikang may ngalang Lucia
Muzan noong 1492, ngunit di-nagtagal ay namatay siyá at nagpakasal muli si
Giovanni kay Angela; si Antonio malamáng ang kaniláng panganay na anak.
Nagkaroon silá ng isa pang anak na laláki, si Valentino, at isang anak na babaeng
pinangalanang Isotta. Sa mga hulíng habilin at pagpapasiya ni Giovanni, na
ginawa noong 1532, at ni Angela, noong 1535, walang pagbanggit sa kaniláng
2 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

dalawang anak na laláki; at naniniwala ang isang kontemporaneong Italianong


eskolar, si Giovanni Mantese, na malamáng ay naunang namatay si Antonio sa
kaniyang mga magulang bago niya abútin ang edad na apatnapu.1 Maliban sa
ilang detalyeng kaugnay ng paglalakbay, na siyáng nailahad sa kaniyang salaysay
ng nasabing paglalayag, kaunti lámang ang alam natin tungkol sa kaniya. Ang
dahilan ng masasabi nating hindi niya pagkakakilanlan hábang nabubúhay siyá at
sa ilang taon pagkatapos ng kaniyang pagpanaw: dahil may ibáng manunulat, sa
ngalang Maximilianus Transylvanus, ang naglathala ng salaysay ng paglalakbay
na pinamagatang “De Moluccis Insulis” na nauna kay Pigafetta at siyáng umani
ng katanyagan at mga parangal na sumasabay sa mas mapamaraang mga tao.

Ang alam natin, nanirahan ang pamilya Pigafetta sa paligid ng Venice,


ngunit silá ay may lahing Tuscano na umaábot nang ilang siglo, at dugong
maharlika. Ang escutcheon ng mga Pigafetta ay puti sa taas at itim sa baba, na may
puting transverse bar mula kaliwa pakanan; at sa babang bahagi ay may tatlong
pulang bulaklak, ang isa ay nása nasabing transverse bar. Inulat ng mga Italianong
mananaliksik noong simula nitóng siglo na nakatindig pa din ang lumang bahay
ng pamilya sa Vicenza, na may nakaukit sa mga pader na motto na nagsasabing,
“Il n’est rose sans espine”; ibig sabihin, “walang rosas na walang tinik.” Malamáng
ay ginawa ang ukit na ito noong 1481, noong kinompone ang bahay, na siyá
ring iminumungkahi ng ilang historyador bílang taon ng kapanganakan ni
Pigafetta. Ngunit ang ibá’y naghahakàng isinilang siyá hanggang 1493, na siyá
nating pinapanigan; sapagkat itataon nitó ang kaniyang edad sa panahon ng
sirkumnabegasyon sa mga taon bago siyá mag-trenta anyos, batà at malusog pa
upang malagpasan ang mga hírap at sakit ng paglalakbay, ngunit matanda na rin
upang magkaroon ng mapagmasid na mata sa samot-saring kakaibang bagay na
inilalahad sa kaniya ng bagong mundo.

Sa murang edad, walang-dudang naging matalik siyá sa karagatan,


sapagkat nása rurok ng prestihiyo ang Venice noon bílang isang kapangyarihan
sa dagat. Ayon sa ikalawang linya ng kaniyang salaysay, hindi lámang siyá “isang
maharlika ng Vicentino” kung hindi “isang Kabalyero ng Rhodes,” na ang hulí’y
pangalan para sa orden ng San Juan na nakilála isang dekada ang lumipas bílang
ang mga Kabalyero ng Malta. Noong 1507, inilathala sa Vicenza2 ang isang aklat
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 3

na pinamagatang “Paesi novamente retrovati” ni Francanzano da Montalbaddo”


at maaari nating hakàin na pinaigting ng salaysay ng mga bagong tuklas na lupain
at lahi ang lunggati ni Pigafetta upang makita ang mga dayuhan at bagong bayan
para sa kaniyang sarili.

Dahil natagpuan ni Fernandez de Navarrete, isang Español na historyador


nitóng nakaraang siglo na malalim na nanaliksik sa Mga Artsibo ng Seville, ang
isang nagngangalang “Antonio Lombardo” na nakatalâ sa barko ni Magellan,
nagkaroon ng paniniwala na nanggáling si Pigafetta sa Lombardy sa pinakahilagang
Italia malápit sa Swiss Alps. Siguradong ito ay isang pagkakamali at kailangan
nating sumandig sa sariling isinulat na salaysay ni Pigafetta na nanggáling siyá
sa Vicenza. Marahil ay nag-aral ang batàng Antonio sa mga paham ng kaniyang
panahon, marahil ay pumasok sa isang Italianong unibersidad, at may angking
husay sa pagsusulát, kahit hindi siyá isang napakatalinong paham na babád sa
klasikong panitikan ng kaniyang panahon. Maaari nating ilarawan si Pigafetta
bílang isang edukadong binata ng kaniyang panahon, magalang, mayroong
masugid na pagmakausisa sa mundong nakapaligid sa kaniya, relihiyoso ngunit
hindi panatiko, isang tapat na kaibigan at isang kritikong bukás ang isip, na
may mata para sa mga kakaibang kaugalian—at mga magagandang babae—ng
malalayong lupain at lugar.

Sa simulang bahagi ng taóng 1519, nása Barcelona siyá kabílang sa


pangkat ng nuncio apostolico sa corte real ng España, si Monsignor Francesco
Chiericati, nang nabatid niya ang mga paghahanda para sa magiging paglalayag
ni Magellan. “Pagkatapos matuto ng maraming bagay mula sa marami kong
nabásang aklat,” sabi sa atin ni Pigafetta sa kaniyang talambuhay, “pati mula sa
ibá’t ibáng táong nagbahagi ng mga dakila at kamangha-manghang bagay ng
Karagatang Dagat sa inyong Kamahalan [Mons. Chiericati], nagpasiya ako,
sa mabuting pagbasbas ng kaniyang Cesaryanong Kamahalan [Emperador
Charles V ng Banal na Emperyong Romano o Carlos I ng España] at ng inyong
Kamahalan, na maranasan at tumúngo upang masilayan ang mga bagay na iyon
para sa aking sarili, nang sa gayon ay maaari akong mapanatag kahit papaano, at
nang sa gayon ay maaari kong makamit ang kaunting katanyagan sa mga susunod
na salinlahi.”
4 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Hindi kakaiba ang interes ni Pigafetta sa nalalapit na paglalakbay. Kung


tutuusin, mga dakilang mandaragat at manlalakbay ang mga Italiano lalo ang
mga Venetiano. Nanggáling si Christopher Columbus sa daungan ng Genoa.
Tatlong siglo bago rito, naglakbay ang pinakasikát na Venetianong manlalakbay
sa lahat, si Marco Polo, sa mahiwagang Silangan, sa malayong Cathay at
Malayong Silangan, halos dumampi sa Filipinas sa kaniyang paglalayag pabalik
mula Tsina patúngong India. Hindi ba ganoon din ang mararamdaman ng isang
abenturosong binata kung may pagkakataon siyáng makapaglakbay sa buwan, o
kayâ sa Venus at Mars?

Pagkatapos makuha ang basbas ng hari ng España upang sumali sa


ekspedisyon, sumakay ng bangka si Pigafetta mula Barcelona patúngong Malaga,
pagkatapos ay naglakbay sa lupa sa daan patúngong Seville, kung saan isang araw
noong Hulyo ng 1519 ay inilahad niya ang kaniyang mga kredensiyal at mga liham
ng rekomendasyon sa mga opisyales ng Casa de Contratación, ang tanggapan ng
pamahalaan na humahawak sa mga paglalayag patúngong Indies, at siyempre kay
Magellan mismo. Taglay ang mga natatanging koneksiyon, nagawa ni Pigafetta
na makapasok bílang isa sa mahigit dosenang sobresaliente, o mga sobra sa bílang
na sumali sa ekspedisyon; kadalasan, silá ay mga binata mula sa mga maykayang
pamilya na naglayag dahil sa hilig sa abentura o sa pagnanasàng makasulong sa
serbisyo militar, at ang tanging tungkulin ay ang ipagtanggol ang mga tripulante
at sundalo kapag nakikipagtunggali sa mga kalaban.

Matagal ang mga naging paghahanda para sa paglalayag, at mayroong sari-


saring detalye na inábot ng isa’t kalahating taon upang matapos. Kahit binasbasan
at sinuportahan ni Emperador Charles V ang pakikipagsapalaran, humarap si
Magellan sa maraming nakapapagod na pagkaantala, tulad ng burukratikong
red tape sa Casa de Contratación, ang pagpilì ng mga hepeng tenyente, at higit
sa lahat ang pailalim ngunit aktibong oposisyon ng dati niyang panginoon, si
Dom Manoel ang Hari ng Portugal, at ng Lusitanyong embahador at ahente
sa corte real ng España. Sa wakas, limang barko ang inihanda para sa paglalayag:
ang Trinidad, ang pangunahing barko na may 110 tonelada; ang San Antonio,
bahagyang mas malaki sa 120 tonelada; ang Concepcion, 90 tonelada; ang Victoria,
85 tonelada; at ang Santiago, 75 tonelada.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 5

Mapapansing sa kasalukuyang pamantayan, lahat ng mga barkong ito


ay maliliit, at marami sa ating mga barkong naglalayag ngayon sa pagitan ng
ating mga isla ay mas malaki nang tatlo o apat na beses kaysa pangunahing
barko ni Magellan. Mahigit-kumulang 270 katao ang bumuo sa mga pinunò
at tripulante ng limang barko. Kahit mga Español, karamihan ay mga Basque,
ang nakararami sa mga tripulante, may kinatawan ang maraming bansa, tulad
ng mga Portuges (una sa lahat dahil ang pinunò ay isang Portuges), Frances,
Briton, Fleming, Aleman, Negro, Griego, at Italiano. Sa 30 Italianong sumáma
sa paglalakbay, karamihan ay nanggáling sa Genoa, ang sinilangang-bayan ng
dakilang Christopher Columbus. Matatagpuan ang 101 detalye ng paghahanda
sa limang barko, na may eksaktong halaga ang bawat uri, sa Mga Artsibo ng
Seville; mga imbak ng gamit para sa paglalayag, tulad ng mga pakò, alkitran,
oakum, angkla; mga pagkain, tulad ng pinatuyong karne ng baboy, garbansos, mga
biskuwit at mga bariles ng alak—dahil kailangan nating alalahanin na walang
mga de-latang pagkain at repriherasyon noong panahong iyon; mga kagamitang
yarì sa metal at para sa bodega; mga tsart at instrumentong pangnabegasyon;
at sa hulí’y mga bagay pangkalakal, tulad ng dipa-dipang tela, suklay, pulseras,
salamin, de-kulay na kristal, kampana, at ibá pang abubot upang maakit ang mga
hindi-sibilisadong lahi na makakasalamuha ng mga manlalakbay. May halaga ang
ekspedisyon ng 8,751,125 maravedis, na katumbas ngayon ng mahigit-kumulang
8 milyong piso. Noon pa man ay napakamahal ng mga ganitong tipo ng proyekto.

Sa wakas, noong araw ng Martes, 20 Setyembre 1519, nilisan ng plotilya


ang Sanlucar de Barrameda, ang daungan katabi ng Seville, para sa hindi-kilala
sa karagatan. Ang kapuluan ng Canarias sa Dagat Atlantiko malápit sa baybáyin
ng Africa ang naging unang destinasyon, kung saan nagsakay ang plotilya ng
mga probisyon ng pagkain at tubig. Dito, nararapat na inulit ni Pigafetta ang
pabulosong kuwento ng Isla ng Hierro—antigo na kahit noong panahong iyon,
sapagkat naitalâ na ng Romanong historyador na si Pliny—na kung paanong ang
punò ng lawrel ay walang-hanggang napapalibutan ng ulap kung saan ito sumasala
ng walang-tigil na bukal ng tubig. Nakabatay sa katotohanan ang nasabing alamat,
sapagkat alam natin ngayon na ang mga punò ng Madeira at Canarias na siyáng
makakapal ang mga dahon at laging-lunti ay nag-iipon ng saganang tubig mula
6 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

sa mga araw-araw na hamog, at hindi nabigo ang mapaniwalaing si Pigafetta na


magsáma ng ganoong kuwento mula sa sabi-sabi.

Sinundan ng eskuwadron ang kanlurang baybáyin ng Africa sa mga


sumunod na mahigit-kumulang dalawang buwan hanggang direkta itong
naglayag pakanluran patúngo sa baybáyin ng Timog America. Dito nasilayan
ni Pigafetta sa unang pagkakataon ang maraming pating na, ayon sa kaniya,
“ay malalakíng isda na may nakatatakot na ngipin”; hinúli ang mga ito ng mga
marinero gámit ang mga kawit, ngunit hindi nagustuhan ng kaniláng panlasa
ang karne dahil (tulad ng alam nating lahat) kasingkunat ito ng katad. Sa lahat
ng lahi ng mundo, ang mga Tsino lámang ang nakagamit sa mga pating bílang
mamahaling pagkain sa pamamagitan ng mga palikpik para sa isa sa kaniláng
maraming sopas. Muli, isinalaysay ni Pigafetta ang tanyag na alamat ng mga ibon
ng paraiso na, sa kaniyang talâ, “hindi gumagawa ng pugad dahil wala siláng mga
paa at nangingitlog ang inahin sa likod ng tandang, at doon ito maglilimlim.”

Naganap ang isang maigsing pag-aalsa noong tumangging sumunod


sa utos ni Magellan ang kapitán ng San Antonio, ang Español na si Juan de
Cartagena, at sumubok na udyukan ang buong plota upang sundin siyá. Maagap
na nasupil ng mahusay na si Magellan ang pag-aalsa. Sa unang dalawang linggo
ng Disyembre ng nasabing taon, nakadaong silá sa puwerto ng ngayon ay ang
lungsod ng Rio de Janeiro, kung saan silá nagsakay ng sariwang pagkain, tubig, at
kahoy. Sa sumunod na tatlong buwan, naglayag silá patimog sa silangang baybáyin
ng Latin America, patúngo sa ngayon ay lungsod ng Montevideo hanggang
naratíng nilá ang mga islang nakakumpol sa pinakatimog na dulo ng kontinente,
sa lugar na tinatawag ngayon bílang Kipot ni Magellan. Dahil sa di-katiyakan
ng kaniláng destinasyon at sa malulupit na paghihirap ng katawan na dinanas ng
pangkat, sumiklab ang isang mas organisadong pag-aalsa sa pamumunò ni Luis
de Mendoza, kapitán ng Victoria, Cartagena, Gaspar de Quesada, kapitán ng
Concepcion, Juan Sebastian del Cano3 at ibá pang Español. Muling nagpamalas
ng kamay na bakal si Magellan. Iniwan sa isang malungkot na isla si Cartagena,
kasáma ang isang paring nagngangalang Pedro Sanchez Reina. Hinati sa apat ang
katawan ni Mendoza at tinuhog sa tulos. Pinugutan din si Quesada at hinati sa
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 7

apat ang katawan. Kinailangan ang ganitong pagpapamalas ng kalupitan upang


mapanatili ni Magellan ang kaniyang mga tagasunod at makuha ang kaniláng
pagtalima sa mga susunod na maraming buwan pagkatapos niláng maikot ang
dulo ng Patagonia. Naratíng ng eskuwadron ang kipot—na nakapangalan sa
pinunò nitó—labintatlo’t kalahating buwan pagkatapos lisanin ang Sanlucar
de Barrameda, at sa pamamagitan ng matiyagang eksplorasyon at kamangha-
manghang tapang, naratíng nilá ang Karagatang Pasipiko ilang linggo ang
lumipas. Ngunit bago makalagos ang plota sa kipot, tahimik itong iniwan ng
pinakamalaking barko sa eskuwadron, ang San Antonio, upang bumalik sa Seville.
Sumadsad at nawasak ang Santiago sa baybáyin.

Dalawang taga-Patagonia ang hinúli ng ekspedisyon upang magsilbing


mga bagay ng pagkamangha sa kaniláng pagdatíng sa Europa, sapagkat silá
ang mga tanyag na higanteng katutubo na may taas na walo hanggang siyam
na talampakan sa Tierra del Fuego, na siyáng pinangalanan dahil sa maraming
apoy na nakakalat sa kapatagan na napansin ng mga mandaragat sa mga barko.
Kaagad na naakit ang mausisang si Pigafetta sa mga nasabing katutubo ng Timog
America, at matiyaga niyang isinulat ang maigsing bokabularyo ng wika nitóng
mga bihirang tao na ngayon ay naubos na ang lahi.

Sabi sa atin ni Pigafetta:

“Nakipag-usap ako sa higanteng taga-Patagonia sa aming barko


gámit ang pagsenyas o sa abót ng aking makakáya, at pinapasabi ko sa
kaniya ang mga pangalan ng mga bagay sa kaniyang wika, kung kayâ
nakabuo ako ng bokabularyo. Kapag nakikita niya akong hawákan ang
panulat sa aking kamay, sasabihin niya sa akin ang mga pangalan ng mga
bagay sa paligid namin, o ng isang gawa na maaari niyang gayahin. Nang
naramdaman niyang may lubha siyáng sakit na malaon ay naging sanhi
ng kaniyang pagkamatay, niyakap niya ang Krus at hinagkan ito, at ninais
na maging Kristiyano. Bininyagan namin siyá at binigyan ng pangalang
Pablo.”
8 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Itong masugid na pagkamausisa hinggil sa mga etnolohiko at sosyolohiko


na aspekto ang dahilan kung bakit napakahalaga ni Pigafetta sa atin ngayong
panahon, sapagkat nagbibigay siyá ng makukulay na paglalarawan ng mga lugar
na kaniláng naranasan at ng mga katutubo doon.

Naglayag pahilaga sa baybáying Timog America ang nanliit na plota


ng tatlo—ang Trinidad, ang Concepcion, at ang Victoria—at nakatagpo silá
ng magandang panahon. Noon ay nása pinakamalaking karagatan na silá ng
daigdig—ang Karagatang Pasipiko—at hindi nilá súkat akalain kung gaano
ito kalawak, sapagkat naniniwala lahat ng mga kartograpo at kosmograpo na
mas maliit ang karagatang ito kaysa katunayan; at sa pamamagitan ng pagtawid
nitó ay agarang mararatíng ang maalamat na mga lupain ng Tsina at ng “Spice
Islands,” na siyáng labis na pinahahalagahan ng mga Europeo.

Marahil ay kailangan nating lumigoy sa puntong ito upang ipaliwanag


kung bakit napakataas ng pagtingin ng mga Europeo noong panahong iyon sa mga
spice [mga aromatikong pampalasa ng pagkain—PYK], tulad ng paminta, sinamomo,
nutmeg, at mga klabo. Tulad ng nasabi kanina, hindi pa alam ang repriherasyon
noong mga araw na iyon, kung kayâ madalîng mabulok ang sariwang karne, at ang
natatanging paraan lámang nilá ng pagpreserba ay ang pag-aasin o pagpapatuyô
dito. Ngunit mabilis na nalaman ng mga Europeo pagkatapos ng mga Krusada
na nakatutulong magpreserba ng sariwang karne ang mga spice at ikinukubli ang
lasa ng karne, na siyáng matagal nang nabilad sa mga elemento, na tinatawag
na “hinog.” Nagbigay ng lasa sa pagkain na noon pa lámang natikman ng mga
Europeo ang paggamit ng mga spice, at sa sobrang taas ng pangangailangan ay
nagpaligsahan ang mga nangungunang mandaragat na bansa ng Europa, tulad ng
Portugal at España kasáma ang Venice at Genoa, upang makamit ang malalakíng
bílang nitóng mga spice mula sa Silangan. Ang Moluccas ang pinakamalaking
pinagmumulan ng spice kung saan maaari itong makuha nang mura at madalá sa
Europa upang maibenta sa labis na kaytaas na presyo. Naitalâ ng mga historyador
na ang mga spice na inuwi ng nag-iisang nanumbalik na barko ng plota, ang
Victoria, ay higit pang natumbasan ang buong halaga ng paghahanda sa buong
eskuwadron. Dahil sa malalakíng tubò na maaaring makamit sa pag-aangkat
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 9

ng mga spice, isang masidhing karibalan ang naganap sa pagitan ng España at


Portugal. Ang pahayag ni Magellan na pasók sa hurisdiksiyon ng hari ng España
ang “Spice Islands” ang nagtulak sa hari upang tustusan ang ekspedisyon. Ito ang
dahilan na naging singhalaga ng mga spice noong ika-16 siglo ang ginto at pilak
na namina nina Hernando Cortes, Francisco Pizarro, at ibáng conquistadores sa
Gitna at Timog America.

Tunay ngang walang natagpuang sigwa ang eskuwadron ni Magellan sa


mahabàng paglalakbay pakanluran patawid ng Karagatang Pasipiko, sapagkat
mapalad siláng nakapaglayag nang hindi panahon ng bagyo. Lumipas ang mga
linggo, na humabà bílang mga buwan, ngunit wala siláng matagpuang lugar
kung saan nilá mapapalitan ang mabilis na nauubos na imbak ng pagkain at
sariwang tubig. Naging laganap sa mga tripulante ng plotilya ang kinatatakutang
karamdaman ng mga mandaragat, ang scurvy—o mas kilála natin dito bílang
beriberi. Nagsimulang magmukhang mga balyan ang mga marinero o
lumobo mula sa beriberi. Binawasan ang mga rasyon sa pinakamababa. Isang
kontemporaneong salaysay ang nagsasaad na mayroong “labis na kakulangan sa
tinapay at tubig kung kayâ kinakain nilá ang mga biskuwit bílang iilang gramo
at pinipisil ang mga ilong tuwing iinumin ang tubig dahil sa sangsang nitó.”
Pagka-Pebrero 1521, isang taon at limang buwan pagkatapos lisanin ang España,
bumagsak na ang mga tripulante sa isang nakaaawang katayuan.

“Kinain namin ang mga biskuwit,” salaysay ni Pigafetta, “na hindi na mga
biskuwit, kung hindi pulbos ng mga biskuwit na umaapaw sa mga uod, sapagkat
kinain na nilá ang mga ito. Matapang ang sangsang nitó ng ihi ng mga daga.
Ininom namin ang dilaw na tubig na bulok na nang maraming araw. Kinain
din namin ang ilang katad na balát ng ox na nagsisilbing bubong ng mainyard
upang pigilan ang yarda sa pagkuskos sa mga shroud, at siyáng naging sobrang
tigas dahil sa araw, ulan, at hangin. Ibinabad namin ang mga ito sa dagat nang
apat o limang araw bago ipatong nang ilang sandali sa mga bága, at sakâ namin
kakainin; at madalas naming kainin ang kúsot mula sa mga tabla. Ibinebenta ang
mga daga sa halagang kalahating ducat bawat isa, at kahit ganoon na nga ay hindi
pa rin namin silá makuha.” Labinsiyam na laláki ang namatay sa beriberi at halos
10 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

lahat ay maysakit dahil sa gutom at malnutrisyon. Ang mahalaga, si Pigafetta ang


isa sa iilang hindi bumagsak ang kalusugan, na patunay ng kaniyang napakatibay
na pangangatawan. “Kung hindi kami biniyayaan ng magandang panahon ng
Panginoon at ng kaniyang Mahal na Ina, namatay na kaming lahat sa gútom sa
napakalawak na dagat na iyon,” sabi niya. Sa mabuting palad, noong ika-7 ng
Marso ay dumatíng silá sa isla ng Guam, na una niláng tinawag na “Ladrones”
dahil ang mga katutubong sanay sa mga gawing komyunal—kung saan hindi
umiiral ang konsepto ng pribadong pag-aari—ay pinagkukuha para sa kaniláng
mga sarili ang lahat ng mahawakan sa mga barko ng mga panauhin. Nakakuha
silá ng mga sariwang prutas at gulay sa Guam ngunit hindi nagtagal dahil sa
gulo sa mga katutubo. Direktang nagpatúloy si Magellan pakanluran at sa wakas
noong 17 Marso 1521, isa’t kalahating taon pagkatapos iangat ang angkla sa
Sanlucar de Barrameda, nakakita silá ng lupa sa pinakatimog na dulo ng isla
ng Samar. Maglalakbay ang eskuwadron sa susunod na anim na buwan sa mga
dagat ng Filipinas; at sa isa mga islang ito, Mactan, hahantong ang pinunò ng
ekspedisyon sa kaniyang malagim na katapusan.

Isináma ni Magellan mula sa Malacca ang isang aliping nagngangalang


Enrique na marahil ay sing-edad ni Pigafetta. Bago ang sandaling iyon,
nakikipag-usap ang mga kasapi ng ekspedisyon sa mga katutubo ng ibá’t ibáng
lugar gámit ang wikang pasenyas (sign language), ngunit pagsapit sa maliit na isla
ng Limasawa, nagawang makipag-usap ni Enrique sa mga residente sa paligid.
Sinabi ni Pigafetta sa kaniyang salaysay na si Enrique ay isang katutubo ng
Sumatra at isang “mulatto,” ngunit hinalà natin na bílang isang binata ay marahil
nanggáling siyá mula sa rehiyong Bisaya, sapagkat umiiral noong panahon ang
mga pamayanang Filipino sa Malacca. Naitalâ noong 1513 ni Tomé Pires, isang
Portuges na historyador, na isang malaking pamayanan ng ilang daang migrante
mula sa Luzon ang umiiral sa naturang rehiyon noong mga panahong iyon.4
Hindi imposible na marahil ay dinalá ni Magellan si Enrique para sa mismong
layuning ito, at umiiral ang haka-hakang nakaabót si Magellan sa Palawan o
ibáng bahagi ng kapuluang Filipinas hábang nása naunang serbisyo sa Portuges na
Viceroy Albuquerque. Batay dito sa naunang kaalaman, hinahakang kinumbinsi
ni Magellan si Emperador Charles V sa kaniyang proyektong angkinin ng hari
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 11

ng España ang kapuluan—na sa hulí’y makikilála bílang ang Filipinas—dahil


sa patapóng pagtratong ibinigay sa kaniya ng Hari ng Portugal pagkatapos ng
kaniyang matagal at magiting na serbisyo sa Silangan.

May kasanayan si Pigafetta na italâ ang isang simpleng bokabularyo ng


wika ng rehiyong binibisita niya. Dahil dito, mayroon táyong kauna-unahang
bokabularyo ng mga Bisayang salita na isinulat ng isang Europeo sa kaniyang
talambuhay. Simbalido ang mga salita ngayon tulad noong apat at kalahating siglo
sa nakaraan, na may maliliit na pagbabago sa pagbaybay o pagbigkas. Kailangang
pansinín na pinili ni Magellan si Pigafetta bílang isa sa dalawang kasapi ng
kaniyang pangkat upang tagpuin ang munting hari ng Limawasa. Walang duda,
isang mainit na pagkakaibigang nakasalig sa parehas na respeto sa isa’t isa ang
namuo sa pagitan ng pinunòng Portuges at ang batàng maharlikang Italiano.

Bílang dagdag, tinukoy ni Pigafetta sa kaniyang salaysay ang specie ng


mga megapode na ibon na kilalá sa atin bílang “tabon,” ang parehong ibon na
responsable sa paghukay sa mga yungib ng kanlurang Palawan ng isang piraso
ng bungo ng pinakaunang Filipinong alam natin, na namuhay noong panahong
paleolitiko mahigit-kumulang dalawampung libong taon na ang nakararaan. Sa
mga ganitong salita niya inilarawan ang sayaw at musika ng mga katutubong
Bisaya:

“Nais ng haring maghapunan kami kasáma niya, ngunit sinabi


naming hindi kami maaaring magtagal noon. Pagkatapos naming
makapagpaalam sa kaniya, dinalá kami ng prinsipe sa kaniyang bahay,
kung saan apat na dalaga ang tumutugtog [ng instrumento]—ang isa,
sa dram tulad ng ginagawa natin, ngunit nakapatong sa sahig; ang
pangalawa ay salit-salítang pinapalò ang dalawang nakasabit na gong
gámit ang isang patpat na binalutan sa dulo ng makapal-kapal na tela
ng niyog; ang pangatlo, isang malaking gong sa katulad na paraan; at ang
hulí, dalawang maliliit na gong sa kaniyang kamay, na ibinabangga sa isa’t
isa kayâ nagbibigay ng matamis na tunog. Tumugtog siláng may tunay na
pagkakaisa na maniniwala kang mayroon siláng mahusay na pandamang
12 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

musikal. Napakaganda ng mga dalagang iyon at halos simputi at sinlaki


ng ating mga dalaga. Hubo’t hubad silá maliban sa isang tela ng punò
na nakasabit mula sa baywang at umaábot sa tuhod. Ang ibá ay sadyang
hubo’t hubad at may malalakíng bútas sa kaniláng mga tainga na sinuotan
ng mumunting bilóg na piraso ng kahoy, na siyáng nagpapanatili sa
bútas na bilóg at malaki. Mayroon siláng mahahabàng itim na buhok,
at nagsusuot ng maigsing tela sa kaniláng ulo, at laging nakayapak.
Pinasayaw para sa amin ng prinsipe ang tatlong sadyang hubo’t hubad na
dalaga. Nagmeryenda kami bago bumalik sa mga barko. Yarì sa tansong
dilaw ang mga gong na iyon at ginagawa sa mga rehiyon sa paligid ng
Signio Magno na tinatawag na Tsina. Ginagamit ang mga ito sa mga
nasabing rehiyon kung paano natin ginagamit ang mga kampana at
tinatawag niláng ‘agong.’”

Mayroong mata si Pigafetta para sa kagandahan sa lahat ng anyo, lalo


sa anyo ng kababaihan. Bílang patunay, binanggit niya sa kaniyang salaysay ang
ilang ugaling seksuwal ng kaniyang mga bagong kaibigan na káyang pahiyain
ang ulat ni Kinsey. Sapat nang sabihin na napanatili niya sa buong paglalakbay
ang isang klinikal na mata, na hindi nagpapamalas ng kahit anong bakas ng
pagkagulat o pagiging mapanghusga, di katulad ng ibáng historyador na Español
na malaon ay magtatalâ sa mga ugaling seksuwal na ito bílang “mga abominasyon
mula sa demonyo.” Maaaring nag-uugat ang kaswal na pagtingin ni Pigafetta
sa usaping ito sa kaniyang tinubuang bansa, kung saan ang mga maharlika ay
ipipilit sa kaniláng mga asawa ang kaugaliang kilalá bílang “girdles of chastity”
kapag iniiwanan ang kaniláng mga tahanan sa panahon ng mga krusada.

Sa mga sumunod na linggo, naglakbay pahilaga at pakanluran ang


ekspedisyon, humahabi ng daan palibot ng ibá’t ibáng isla hanggang sa makaratíng
sa Cebu, na dati pa man ay ang pinakamatáong banwa sa gitna ng kapuluan.
Nakipagkaibigan si Magellan kay Haring Humabon ng Cebu na nakumbinsi pa
niyang yakapin ang relihiyong Kristiyano. Humiling ding mabinyagan ang reyna,
na maganda at batà at, sa mga salita ni Pigafetta, “pulang pula ang kaniyang
bibig at mga kuko, at nakasuot siyá ng malaking kupya ng mga dahon ng niyog
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 13

sa kaniyang ulo katulad ng tiara ng Santo Papa.” Humingi siyá ng imahen ng


batàng Hesus upang ipalit sa kaniyang mga idolo at binigyan siyá ni Magellan
ng isa. Ito ang parehong imahen na matatagpuan sa Cebu ng isang Español na
conquistador, si Miguel Lopez de Legazpi, pagkalipas ng kalahating siglo, at siyá
ngayong matatagpuan sa Cebu bílang ang labis na pinagpipitaganang Santo Niño
de Jesus. Itong Batàng Banal ng Cebu sa gayon ang pinakamatandang relikong
Kristiyano sa Filipinas ngayon.

Ngunit magtatapos sa isang trahedya ang paglalakbay ni Magellan.


Noong 28 Abril 1521, namatay si Magellan hábang nakikipaglaban sa isang
pangkat ng mga Cebuano sa isla ng Mactan sa ilalim ni Pinunòng Lapulapu.
Ang krus na kahoy na itinayo ni Magellan sa Cebu “sa taas ng punò ay ginibâ
ng mga katutubo at pinagpipiraso,” ayon kay Transylvanus. Malaking dagok
sa ekspedisyon ang kamatayan ni Magellan, sapagkat nawalan ito ng isang
marunong at matatag na pinunò na matagumpay na makapaggagabay pabalik
dito.5 Ngunit isang mas malalâng sakuna ang magaganap. Tatlong araw
pagkatapos ng kapalpakan sa Mactan, 27 sa mga pinunò at tripulante ng plotilya
ang pataksil na pinaslang sa isang bangkete na idinaos ni Haring Humabon sa
baybay. Sinasabi sa atin ni Pigafetta na si Enrique, na siyáng nagpapagalíng ng
isang maliit na sugat sa punòng barko—marahil ay nagluluksa siyá sa pagpanaw
ng kaniyang panginoon—ay sagarang pinagalitan ng bagong kapuwa-kapitán na
si Duarte Barbosa at pinagbantaang paghahagupitin kung hindi siyá agarang
susunod sa utos na pumunta sa pampang. Ikinubli muna ni Enrique ang kaniyang
gálit at nakipagsabwatan kay Humabon para paslangin ang mga dayuhan. Ilang
historyador ang nagpapahiwatig na natulak ang haring gawin ito dahil sa pagdidiin
ng kaniyang mga basalyo; hábang si Peter Martyr d’Anghiera, isang kagalang-
galang na historyador na inatasan ng Emperador upang siyasatin ang insidente,
ang nagsabing naging sanhi ng pagtataksil ang paggalaw ng mga tripulante sa
mga Cebuanang kababaihan.

Kung anuman ang nangyari, sinugod at pinatay ang mga panauhin hábang
silá ay kumakain. Pagkakita sa naganap sa pampang, agarang nagtaas ng angkla
at nagbaba ng láyag ang mga natiráng kasapi ng ekspedisyon sa tatlong barko, sa
14 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

tákot na bakâ sugurin silá nina Humabon at kaniyang mga tauhan. Nauwi sa wala
ang pagsigaw at pagsumamo ng nag-iisang nakaligtas, ang kapuwa-kapitáng si
Joano Serrano, sa kaniyang kababayang si Joano Carvalho upang iligtas siyá o
kahit na lang tubusin ang kaniyang kalayàan. Ngunit nauwi sa wala ang kaniyang
mga panawagan. Iginigiit ni Pigafetta na tinalikuran ni Carvalho ang kaniyang
compadre na si Serrano dahil ninais nitóng humalili sa kaniya bílang kapitán ng
barko. Ganoon din ang magiging kapalaran ng ating Italianong historyador kung
hindi siyá nasugatan sa mukha ng isang may-lasong palaso sa labanán sa Mactan,
at sa gayon ay kinailangang mamalagi sa barko.

Tumulak na patimog ang tatlong barko patúngong Bohol kung saan nilá
susunugin ang pinakamahirap nang ipiloto sa mga sasakyan, ang Concepcion, dahil
lámang kulang na ang mga tauhan para ipaglayag ito. 115 na lámang mula sa
orihinal na 270 katao ang natirá. Mula sa Bohol ay tumulak pakanluran patúngong
Cagayan de Sulu ang Trinidad at ang Victoria. Naging seryong suliranin ang
pabalik-balik na kakulangan sa mga probisyon, at nang nasagap niláng mayroong
malaking isla sa hilagang-kanluran kung saan marami ang bigas at pagkain,
naglayag silá para sa Palawan patúngo sa ngayon ay ang bayan ng Puerto Princesa,
kung saan silá tinustusan ng mga mababait na katutubo ng kaniláng mga agarang
pangangailangan. Pagkatapos ay tumulak silá patúngong hilagang-silangang
Borneo, ngayon ay kilalá bílang Brunei, at natagpuan ang isang bayang maraming
lawa at may 25,000 pamilya sa ilalim ng isang Sultan. Namalagi silá dito nang
mahigit-kumulang isang buwan, nagsasakay ng mga kagamitan at inaayos ang
mga nabugbog na lawas ng kaniláng mga barko. Pagkatapos ay nakita nilá ang
isang malaking junk na nadakip nilá nang wala masyadong paghihirap. Sakay
nitó ang anak ng Hari ng Luzon, ang kapitán heneral ng Sultan ng Borneo. Ang
binatang ito ba ay si Rajah Matanda na natagpuan ni Miguel Lopez de Legazpi
sa Maynila noong 1571? Ito ang unang pagkakataon na narinig ng mga Español
ang Luzon, at ipinapamalas ng presensiya nitóng batàng prinsipe sa Brunei na
malapít na ang ugnayan ng dalawang bayan noon pa mang mahigit limang siglo
sa nakaraan. Pagkatapos tumanggap ng suhol, pinayagang makatakas ni Kapitan
Carvalho ang prinsipe ng Luzon ngunit ibinilanggo ang lahat, kasáma ang
“tatlong napakagagandang babae” na nakalaan dapat para sa Reyna ng España
ngunit itinago ni Carvalho para sa kaniyang sarili.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 15

Binalikan nilá ang kaniláng ruta sa hilagang baybáyin ng Borneo, sa isang


munting isla malápit sa Banguey, at isinadsad nilá sa dalampasigan ang dalawang
barko para sa pagtatapal at pangkalahatang pagkokompone. Pagkatapos lámang
niláng maglakbay muli pasilangan, tinanggal sa puwesto ang salbaheng si Carvalho,
at si Sebastian del Cano ang namunò sa Victoria. Tíla kakaiba na hindi kailanman
binanggit ni Pigafetta si del Cano sa kaniyang talambuhay, marahil ay dahil hindi
niya napatawad ang Basqueng marinero para sa kaniyang pagganap sa pag-aalsa
laban kay Magellan; sa isang banda, hindi niya ito kailanman binigyang-sala sa
kaniyang isinulat, marahil ay dahil ito ang pinunò ng mga natiráng Español na
pinuri ni Emperador Charles V sa publiko at lubha siyáng magiging bastos kung
pupunahin niya ito—kayâ ginawa ni Pigafetta ang susunod na pinakamainam na
bagay: hindi niya binigyan ng kahit alinmang pansin si del Cano.

Pabalik ng Cagayan de Sulu, natagpuan nilá ang isang junk na sakay


ang hari ng Palawan. Dinakip ng dalawang barko ang katutubong sasakyan at,
kahit naging kaibigan nilá ang haring ito na nagbigay sa kanilá ng mga pagkain,
ibinilanggo nilá ito at ipinatubos kapalit ang malalakíng bílang ng bigas, baboy,
kambing, at manok, na siyáng ikinatwiran nilá bílang tributo sa hari ng España.
Hindi mapapayagan ni Magellan ang ganoong klase ng pandarambong na hindi
nga masyadong naikubli—ngunit nabubulok na sa kaniyang libingan sa isla ng
Mactan ang Portuges na manlalakbay. Nagpatúloy pasilangan ang dalawang
barko, dumaan sa isla ng Basilan at sa ngayon ay bayan ng Zamboanga, at tumulak
patimog-silangan sa baybáyin ng Mindanao, at nagkaroon ng hulíng paghimpil
sa isla ng Sarangani sa dulo ng lalawigan ng Davao noong hulíng linggo ng
Oktubre 1521. Halos pitóng buwan na silá sa kapuluang Filipinas. Mula doon,
tuwid niláng tinúngo patimog ang Moluccas, Ternate, at Tidore, at sa wakas ay
naratíng ang kaniláng tunay na destinasyon—ang tanyag na “Spice Islands” ng
Silangang Dagat.

Sunod na nakasagupa ng natirá sa plotilya ni Magellan ang mga Portuges,


na natural lámang na minasamâ ang pagpasok ng mga ito sa teritoryong
itinuturing nilá bílang kaniláng pribadong likás-yaman. Pagkatapos ng maraming
pakikipagsapalaran at engkuwentro sa parehong mga Portuges at mga taga-
16 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Moluccas, naglayag pauwi ang Victoria ilang araw bago ang Pasko noong 1521.
Tumúngo pasilangan ang Trinidad, na siyáng nása mas marupok na kalagayan
kaysa ang Victoria, at bumalik pagkatapos sa Moluccas, kung saan ikinulong ng
mga Portuges ang mga natitiráng tauhan.

Nagsimula na ang mahabàng paglalakbay pauwi para sa 60 laláking sakay


ng Victoria: 47 Europeo at 13 ng ibá pang lahi. Tinawid nilá ang malawak na
Karagatang Indian at halos dumampi sa Mozambique malápit sa silangang
baybáyin ng Africa, ngunit nagpasiyang hindi magpatúloy sa tákot na mabilanggo
ng mga Portuges. Inikot nilá ang Tangos Buena Esperanza, magiting na sinuong
ang mababangis na hangin at gabundok na mga alon, and matalim na lamig, at ang
kakulangan sa pagkain. Malagim na naningil ang sakít at pagkagutom: eksaktong
isa sa tatlong tao ang namatay. Muli, tíla si Pigafetta lámang ang natatanging
kasapi na hindi masyadong nagdusa, at nanatili sa maganda-gandang kalusugan.
Marahil ay natuklasan niya, o napayuhan, na inumin ang katas ng mga dayap o
limon—hindi natin alam, sapagkat hindi niya inilahad ang dahilan ng kaniyang
pagiging pinakamalusog na kasapi ng ekspedisyon sa loob ng mahabà nitóng
paglalayag. Naratíng nilá sa wakas ang pantalan ng Sanlucar noong 7 Setyembre
1522. Nawala silá nang halos tatlong taon. Sa mahigit-kumulang 270 katao na
lumisan, 22 lámang ang bumalik sakay ang Victoria.6 Labintatlo pa mula sa ibáng
bahagi ng plota ang bumalik sa España sa pamamagitan ng ibá’t ibáng ruta. Sa
hulí, kulang sa 15 porsiyento ng mga kasapi ng ekspedisyon ang nakauwing buháy.

“Pagkaalis ng Seville,” sinulat ni Pigafetta, “nagtúngo ako sa Valladolid


kung saan ko inihandog sa kaniyang banal na kamahalan, Don Carlos, hindi ang
bulawan o ang pilak, kung hindi ang mga bagay na lubos na pinahahalagahan
ng isang hari. Isa sa mga ito ang isang aklat, na sinulat ng aking kamay, tungkol
sa lahat ng pangyayaring naganap araw-araw sa aming paglalakbay. Umalis ako
doon sa abót ng aking makakáya at nagtúngo sa Portugal kung saan ko ibinahagi
kay Haring Juan [ang humalili kay Dom Manoel] ang aking mga nakita. Dumaan
ako ng España at tumúngo sa Francia kung saan naghandog ng regalo ng ilang
bagay mula sa kabilâng hatì ng mundo sa ina ng pinaka-Kristiyanong hari, si
Francis I, ang madam na rehente. Pagkatapos ay nagtúngo ako sa Italia kung
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 17

saan ko itinatag ang permanente kong tahanan at itinuon ang aking mga abang
pagsisikap para sa tanyag at pinakabantog na lakan, si Philip Villierss l’Isle Adam,
ang pinakakarapat-dapat na grand master ng Rhodes.”

Sa ganitong paraan nagtatapos si Antonio Pigafetta sa kaniyang


ipinagbubunying salaysay, ang “Primo Viaggio Intorno al Mondo.”

Mula sa Paris, naglakbay si Pigafetta noong unang bahagi ng 1523


patúngong Mantua kung saan siyá naanyayahang pumunta ng tanyag na padrino
ng mga sining, si Isabella d’Este, at hiningang maghanda ng isang pinahabàng
salaysay ng kaniyang paglalayag. Kayâ naman bumalik siyá ng Vicenza ngunit
ginambala ang kaniyang trabaho sa kaniyang mabilis na pagbisita sa Venice upang
isalaysay ang kaniyang sirkumnabegasyon sa harap ng Doge at mga dignitaryo ng
nasabing republika. Inutusan siyá ni Santo Papa Clement VII, si Giulo de Medici,
na magtúngo sa Roma noong Disyembre ng parehong taon, at masunurin siyáng
lumisan kahit hindi pa tapós ang manuskrito. Papunta sa Eternal na Lungsod,
nakatagpo niya si Filippo, Villiers de l’Isle Adam ng mga Kabalyero ng Rhodes na
nag-udyok din sa kaniyang ilathala ang kaniyang salaysay. Tíla hindi natanggap
ni Pigafetta ang kabayarang ipinangako ng Santo Papa, sapagkat bumalik siyá sa
kaniyang tinubuang bayan ng Vicenza noong tagsibol ng 1524. Noong Agosto
ng taóng iyon, nagsumite siyá para sa lisensiyang makapaglimbag ng kaniyang
aklat sa Seignory ng Venice. Ngunit hindi siyá nakahanap ng magpopondo para
sa publikasyon nitó, sapagkat hindi niya nabuo ang depositong hinihingi ng
tagapaglimbag. Walang dudang nanlamig na ang interes ng mga dapat sana’y
magtutustos dahil sa mga naunang mailimbag na mga salaysay nina Peter Martyr
at Transylvanus. Isang pinaikling Italianong bersiyon, isang salin nitó ni Fabre,
ang nailimbag sa wakas sa Venice noong 1536, malamáng ay pagkatapos nang
mamatay ng may-akda.7

Apat na kopya ng manuskrito ni Pigafetta ang alam natin ngayon: dalawa


sa Bibliothéque Nationale sa Paris, isa sa Ambrosiana Library sa Milan, at ang
kopyang Nancy na dati’y pag-aari ng tanyag na Britanikong kolektor, si Sir
Thomas Phillipps.8 Ibinenta itong hulíng kopya sa mga magkuyang Robinson,
18 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

mga nagbebenta ng libro sa Londres, noong pagkatapos ng digmaan; iniaalok


ito noon sa halagang 75,000 gintong dolyar. Ilang taon sa nakaraan, dumoble
na ang halaga; hindi nagmamadalî ang mga nagbebenta ng aklat na idispatsa
ito sapagkat patuloy lámang na tataas ang halaga nitó sa pagdaan ng mga taon.
Binili ito ng Beinecke Rare Book and Manuscript Library ng Yale University
ilang taon sa nakaraan para sa diumano’y isang napakataas na halaga. Sa tatlong
manuskrito sa Frances, sinasabing ito ang pinakamahusay kung pagbabatayan
ang mga ilustrasyon at ang estilo ng sulat-kamay. Noong 1524, kinomisyon ng
Reyna Regina ang isang pilosopong Frances na may ngalang Jacques Fabre upang
isalin at ipalimbag ang isang pinaikling bersiyon sa Frances sa Paris, at marahil
ay nakabatay sa isa sa mga kopya sa Bibliothéque Nationale. Tunay na pambihira
ang edisyong ito, at mahigit-kumulang sampung taon sa nakaraan ay naibenta
ito sa kamangha-manghang halaga ng 30,000 dolyar sa isang subasta sa Londres.
Hindi nailathala sa kabuoan nitó ang salaysay ni Pigafetta hanggang 1800 kung
kailan inilimbag ito ni Carlo Amoretti sa Italia, “isang kaawa-awa at magulong
adaptasyon ng Italianong manuskrito.”

Sino si Maximilianus Transylanus? Siyá ang natural na anak ng Kardinal


ng Salzburg, isang mag-aaral ng tanyag na paham na si Peter Martyr, na siyáng
nása corte real ng España sa Valladolid noong dumatíng ang mga nalalabí ng
ekspedisyong Magellan noong taglagas ng 1522. Siyá ang nauna sa reporter ng
ating panahon; sinamantala niya ang presensiya ng mga nalalabi ng ekspedisyon,
kinapanayam ang bawat isa at tinipon ang kaniláng mga kuwento sa isang
salaysay ng mga mas mahahalagang pangyayaring naganap sa loob ng paglalakbay.
Isinulat niya ito sa Latin, at noong 24 Oktubre 1522, nagpadalá siyá ng kopya sa
kaniyang ama sa Alemania na malamáng ay responsable sa pagpapalimbag nitó
sa Cologne noong Enero ng sumunod na taon. Isang edisyon sa Paris ang mabilis
na sumunod noong Hulyo, sapagkat nakasulat ito sa isang estilong kawili-wili at
malinaw. Pagkatapos ay sumunod ang dalawang karagdagang edisyon sa Roma
noong Nobyembre 1523 at Pebrero 1524, at nakasulat din sa Latin. Tíla may
karerang namuo sa pagitan nina Transylvanus at Pigafetta sa kung sino ang
makapaghahandog sa publiko ng unang maililimbag na bersiyon ng paglalakbay,
at madalîng nagwagi ang una. Isa pa, direktang isinulat ito ni Transylvanus sa
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 19

Latin, ang wika ng mga edukado at mga paham ng panahon, hábang kailangan
pang isalin ang kay Pigafetta sa Frances, na nangailangan pa ng oras.

Hindi lámang ang mga aklat ni Pigafetta at Transylvanus ang natatanging


salaysay ng paglalakbay ni Magellan. Si Peter Martyr, isang Italianong paham at
pari na kabílang sa mga abay ni Emperador Charles V ang sumulat ng bersiyong
katulad ng kay Transylvanus, ngunit nawala ang orihinal noong nasakop ang
Roma, kung saan ito ipinadalá para mailimbag.9 Natagpuan sa Mga Artsibo ng
Seville ang pang-apat na salaysay, ni Francisco Albo, contramaestre, o boatswain,
ng Trinidad; ngunit ang isang ito ay halos isang aklat-talaan ng piloto na
nagsasaad ng mga longhitud at latitud ng bawat paghimpil nilá. Mayroong
isang panlimang salaysay na isinulat ng diumano’y pilotong mula taga-Genoa;
ngunit ang pagkakasulat ng manuskrito sa wikang Portuges—at ang mahusay
na pagkakagawa—ang nagtulak sa ibáng historyador upang pagdudahan na isa
ngang taga-Genoa ang may-akda. Pinaniniwalaang isinulat ito ni Hernando de
Bustamante na siyáng nagpalista bílang barbero sa punòng barkong Trinidad;
maaari nating idagdag na noong panahong iyon, maituturing na tíla mga siruhano
ang mga barbero. Totoong nakulong siyá nang ilang buwan sa Portugal, ngunit
kaduda-dudang naging bihasa siyá sa wika sa mabilis na panahon—maliban
na lámang siyempre kung isang manunulat na Portuges ang “nagmulto” para sa
kaniya. Dahil sa alinlangan sa awtensidad ng aklat, nagtulak ito sa kasalukuyan
nitóng may-ari, si G. John Galvin, isang Americanong residente ng Santa Barbara,
California, na hindi muna ilabas ang nilalaman para sa paglalathala. Kalakip sa
dulo nitóng aklat ang isang ribyu ng nasabing manuskrito.

Upang palawakin ang kaunti nating kaalaman tungkol kay Pigafetta,


masikap na tinipon ng kaniyang kababayang si Monsignor Agostino Cacciavillan,
kalihim ng papal nuncio sa Maynila at ngayon ay nakadestino sa Madrid, ang
mga Italianong dokumento at sanggunian mula 1522 hanggang 1524, na siyáng
kalakip sa librong ito. Nakakuha din siyá ng mga retrato ng tahanan ng pamilya
Pigafetta at ng monumentong itinayo sa plaza ng Vicenza, at hábang nása
Seville ay naretratuhan ang tabletang itinayo sa alaala ng mga natirá sa Victoria.
Iniwasto din ni Mons. Cacciavillan ang ilang pahayag sa salin ni Robertson ng
20 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

manuskritong Ambrosiana na pakiramdam niya ay makapagbibigay ng mas


totoong bersiyon ng Italianong orihinal.

Napakaunti ng alam pa nating ibá tungkol kay Pigafetta. Isang araw sa


loob ng susunod na anim na taon pagkatapos niyang makuha ang pahintulot ng
pagpapalimbag sa Venice, inihandog niya diumano ang kopya ng kaniyang akda
sa Grand Master ng Rhodes. Wala nang sumunod pang kaalaman tungkol sa
kaniya, ngunit sinasabing lumaban siyá sa mga Turko noong hindi lalagpas sa
1536, hábang ang ibá’y naghahakàng namatay siyá noong 1534 o 1535 sa isla
ng Malta. Nagsulat din si Pigafetta ng isa pang aklat, isang pag-aaral sa sining
ng nabegasyon. Maaari kayâng nakabatay ito sa mga naunang talâ ni Magellan,
kasáma ang karanasang naipon niya sa paglalakbay? Mas pambihira pa nga ang
pag-aaral na ito kaysa Italianong edisyon ng kaniyang talambuhay, at sayang na
hindi pa ito nailimbag sa anyong facsimile upang bigyan táyo ng ideá kung gaano
siyá kahusay na kosmograpo at mandaragat.

Sa iilan at paisa-isang datos na ito nagtatapos ang ating kuwento tungkol


sa búhay ni Pigafetta. Tulad ng nasabi sa kaniyang mga panimulang talata, isinulat
niya ang kaniyang salaysay upang “maaari kong makamit ang kaunting katanyagan
sa mga susunod na salinlahi.” Nakalimutan nang mahigit-kumulang tatlong
daang taon, natuklasan siyáng muli ng mga paham ng siglong ito na nagbunton
sa kaniya ng mga papuri hindi lámang para sa kaniyang nakabibighaning
kapayakan ngunit para sa pagiging matapat ng kaniyang salaysay. Tunay ngang
ginantimpalaan ng mga sumunod na salinlahi si Pigafetta ng pagkilálang talagang
nararapat sa kaniya.

CARLOS QUIRINO
Tagapangulo
Filipiniana Book Guild
Maynila
1 Hunyo 1968
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 21

TALÂNG BIBLIYOGRAPIKO

S
a pamamagitan nitóng tomo, muling inihahandog ng Guild sa publikong
mambabasá ang isang dalawa-sa-isang akda: “Unang Paglalayag Paikot ng
Daigdig,” ni Antonio Pigafetta, at “De Moluccis Insulis” ni Maximilianus
Transylvanus. Itinuturing ng mga historyador ang parehong akda bílang mga
pangunahing sanggunian tungkol sa dakilang paglalayag ni Ferdinand Magellan
na nagdulot sa pagtuklas ng mga Europeo sa Filipinas noong 1521.

Ang una ay isang salaysay ni Pigafetta bílang saksi at kasapi ng ekspedisyon


mula sa simula nitó sa San Lucar noong 20 Setyembre 1519, hanggang sa pagbalik
nitó sa Seville sakay ang 18 nailigtas noong 7 Setyembre 1522. Bílang opisyal na
historyador, nagpanatili si Pigafetta ng isang talaarawan ng ekspedisyon na siyáng
naging batayan ng mas buong salaysay ng paglalayag na ginawa niya kinalaunan.

Pagdatíng sa Europa, inihandog ni Pigafetta ang mga kopya ng kaniyang


salaysay sa ilang matataas na tao, kabílang sina Santo Papa Clement VII, Philippe
de Villiers l’Isle-Adam, grand master ng mga Kabalyero ng Rhodes o Malta, at si
Louise ng Savoy, ang ina ni Haring Francis I ng Francia. Nawala ang kaniyang
orihinal na talaarawan, at hindi alam kung sa aling wika ito isinulat. Subalit ilang
paham ang naniniwalang nakasulat ang mas buong salaysay sa Frances, sapagkat
inialay ito kay Villiers l’Isle-Adam, isang Frances, at ang Frances ang wika ng mga
Kabalyero ng Rhodes na kinabibilangan ni Pigafetta. Bílang dagdag, nakasulat
sa Frances ang tatlo sa apat na kontemporaneong manuskrito ni Pigafetta na
umiiral ngayon. Matatagpuan sa Bibliothéque Nationale sa Paris ang dalawa dito,
na kinikilála bílang Mss. Blg. 5650 at Blg. 242224, hábang matatagpuan sa Yale
University Library sa New Haven ang pangatlo, na kilalá bílang ang kopyang
Nancy (kalaunan ay Phillipps).

Nakasulat sa pinaghalòng Italiano, Español, at Venetian ang pang-apat


na manuskrito, at matatagpuan sa Ambrosiana Library sa Milan. Kilalá bílang
ang Ambrosian Codex, natuklasan ito sa naturang aklatan ni Carlo Amoretti
22 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

na naglathala ng bersiyong Italiano nitó sa Milan noong 1800, at kalaunan ay


isang bersiyong Frances, sa Paris noong 1801. Isang salin sa Ingles ang ginawa
ni Pinkerton noong 1819, batay sa bersiyon ni Amoretti. Noong 1905, gumawa
si James A. Robertson ng sarili niyang salin mula sa orihinal na Ambrosian, at
inilathala ito (bawat isang pahina kasáma ang tekstong Italiano) sa The Philippine
Islands, na pinamatnugutan ni Emma H. Blair at kaniyang sarili. Ang nasabing
salin ang ginamit, na may kaunting pagwawasto, sa tomong ito.

Hindi katulad ng kay Pigafetta, hindi isang salaysay ng saksi sa


paglalayag ni Magellan ang “De Moluccis Insulis” ni Transylvanus. Nakasulat
sa anyong paliham at may petsang 24 Oktubre 1522 sa Valladolid, nakabatay
ito sa mga panayam sa mga natirá sa ekspedisyon pagbalik nilá sa Sevilla noong
8 Setyembre 1522. Tulad ng nabanggit sa naunang Panimula, inilathala ang
liham ni Transylvanus sa tatlong edisyon noong sumunod na taon, noong Enero
(Cologne), noong Hulyo (Paris), at noong Nobyembre (Rome).

Isang bersiyong Ingles ng kay Transylvanus ang nása publikasyon ng


Hakluyt Society, tomo 52 (1874), bílang salin ni J. Baynes Jago. Subalit ang
bersiyong ginamit sa tomong ito ay ang kay Henry Stevens ng Vermont, na
lumabas sa kaniyang Johann Schoner (Londres, 1888), kung saan kalakip nitó
ang isang phototypographic facsimile ng orihinal na publikasyon, at siyáng ginamit
nina Blair at Robinson sa kaniláng mga akda.

Sa pamamagitan ng pagsanib ng mga akda ni Pigafetta at ni Transylvanus


sa tomong ito, umaasa ang Guild na mapupunan ang pangangailangan ng mga
paham at mga mambabasá sa pangkalahatan para dito sa dalawang mahahalagang
salaysay, na sa ngayon ay bumubuo ng pinakamahuhusay na sanggunian hindi
lámang ukol sa pagtuklas ng mga Europeo sa Filipinas kung hindi pati sa mga
búhay at mga kaugalian ng mga Filipino noong panahon ng pagdatíng ng mga
Español.

MAURO GARCIA
Tagapangulo, Lupon ng mga Patnugot
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 23

U
NANG PAGLALAYAG
PAIKOT NG DAIGDIG
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 25

UNANG PAGLALAYAG PAIKOT NG DAIGDIG


ni Antonio Pigafetta

A
NTONIO PIGAFETTA, maharlika ng Vicenza1 at kabalyero ng Rhodi, sa
lubos na ipinagbubunyi at mahusay na Kamahalan, Philipo de Lisleadam,
tanyag na grand master ng Rhoddi ang kaniyang pinakamarangal na
kamahalan.2

Sapagkat, lubos na ipinagbubunyi at mahusay na Kamahalan, maraming


kuryosong tao na hindi lámang nasisiyahang mabatid at marinig ang mga dakila at ka-
mangha-manghang bagay na pinahintulutan ako ng Panginoon na makita at mapag-
dusahan sa loob ng aking mahabà at mapanganib na paglalakbay, na siyáng nakalakip
dito, ngunit nais ding maláman ang mga pamamaraan at mga gawi at mga landas kong
tinahak sa pagsasakatuparan nitóng paglalakbay, at hindi naglalaan ng buong pananalig
sa wakas kung hindi silá magkakaroon ng perpektong katiyakan sa simula; sa gayon, kail-
angang mabatid ng inyong lubos na ipinagbubunying Kamahalan na, sa taon ng pagkas-
ilang ng ating Tagapagligtas MCCCCCXIX, natagpuan ko ang aking sarili sa España,
sa corte real ng pinakabanayad na hari ng mga Romano, kasáma ang kagalang-galang na
Monsignor, Francesco Chieregato, na noon ay ang nuncio3 at protonotaryo apostolico
ni Santo Papa Leo X ng banal na alaala (na dahil sa kaniyang birtud ay naging obispo
ng Aprutino at prinsipe ng Teramo), at pagkatapos matuto nang marami tungkol sa
mga dakila at kamangha-manghang bagay ng Karagatang Dagat mula sa marami kong
nabásang aklat, pati mula sa ibá’t ibáng tao, na pamilyar sa inyong Kamahalan, nagpa-
siya ako, sa mabuting pagbasbas ng kaniyang Cesaryanong Kamahalan, at ng inyong
Kamahalan, na maranasan at tumúngo upang masilayan ang mga bagay na iyon para
sa aking sarili, nang sa gayon ay maaari akong mapanatag kahit papaano, at nang sa
gayon ay maaari kong makamit ang kaunting katanyagan sa mga susunod na salinlahi.
Pagkatapos mabatid na isang plotang binubuo ng limang sasakyan ang naihanda na sa
lungsod ng Siviglia na may layuning tumúngo upang tuklasin ang mga spice sa mga isla
26 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

ng Maluco, sa ilalim ng pamumunò ni kapitán-heneral Fernando de Magallianes, isang


ginoong Portuges, comendador ng [Orden ng] Santo Jacobo de la Spada, na maraming
beses nang nilakbay ang Karagatang Dagat sa ibá’t ibáng direksiyon, na kaniyang naging
bukal ng dakilang papuri, umalis ako sa lungsod ng Barsalonna, kung saan nakatirá noon
ang Hari, dalá-dalá ang maraming liham ng pagbabasbas sa akin.

Sumakay ako ng barko patúngong Malega, kung saan ko naman tinahak


ang mataas na daan patúngong Siviglia. Pagkatapos mamalagi doon ng mahigit-
kumulang tatlong buong buwan, sa pag-aantay na maihanda ang nasabing
plota para sa paglisan, sa wakas, tulad ng malaláman ng inyong pinakamahusay
na Kamahalan sa ibaba, sinimulan namin ang aming paglalayag sa ilalim ng
pinakamasasayang pangitain. At sapagkat noong nása Ytalia ako at tatagpuin
ang kaniyang Kabanalan, si Santo Papa Clement, kayo sa inyong grasya ay
nagpamalas kung gaano kayo kabuti at kabait sa akin sa Monteroso, at sinabihan
akong labis kayong matutuwa kung maisusulat ko para sa inyo ang lahat ng
bagay na aking nakita at napagdusahan sa loob ng aking paglalakbay; at kahit
kaunti lámang ang aking naging pagkakataon, sinubukan ko pa ring mapunan
ang inyong nais na naaayon sa aking abang kakayahan; sa gayon, inihahandog
ko sa inyo, dito sa munti kong aklat, ang lahat ng aking pagpupuyat, paghihirap,
at paglilibot, at nagsusumamo sa inyo, kapag nakalayà na kayo mula sa walang-
humpay na pangangalaga sa Rhodes, na marapating pasadahan ito, na siyáng
magpapahintulot sa aking makatanggap ng hindi maliit na kabayaran mula sa
inyong pinakabantog na Kamahalan, na sa inyong basbas ko ipinagkakatiwala at
inihahabilin ang aking sarili.

Pagkatapos magpasiyang simulan ang kayhabàng paglalayag patawid ng


Karagatang Dagat, kung saan laging naghahari ang mababangis na hangin at
malalaking bagyo, ngunit ayaw ipaalam sa kahit sino sa kaniyang mga tauhan
ang gagawin niyang paglalakbay, nang sa gayon ay hindi silá mapanghinaan
ng loob sa pag-iisip ng pagpapatupad ng isang napakadakila at pambihirang
gawain, na kaniya ngang naisakatuparan sa tulong ng Panginoon (labis siyáng
kinamumuhian ng mga kapitáng sumáma sa kaniya, hindi ko alam kung bakit,
maliban na lámang kung dahil isa siyáng Portuges at silá’y mga Español), na may
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 27

pagnanais na matapos ang kaniyang ipinangako sa panunumpa sa emperador,


Don Carlo, hari ng España, inatas ng kapitán-heneral ang mga sumunod na utos
at binigay ang mga ito sa lahat ng piloto at master ng kani-kaniyang mga barko,
nang sa gayon ay hindi magkakahiwalay ang mga barko mula sa isa’t isa hábang
may bagyo at gabí. Ang mga ito’y upang lagi siyáng nangunguna sa ibáng barko
kapag gabí, at dapat siláng sumunod sa kaniyang barko na mayroong malaking
kahoy na sulo, na tinatawag niláng farol. Lagi niyang dalá ang farol na ito na
nakalagay sa dulo ng kaniyang barko bílang senyas upang lagi siláng makasunod
sa kaniya. Isa pang ilaw ang ginawa sa pamamagitan ng lampara o sa pamamagitan
ng isang piraso ng mitsang gawa sa halamang rush at tinatawag na lubid na sparto,
na maiging pinupukpok sa tubig at pagkatapos ay pinapatuyo sa araw o sa usok—
isang napakainam na materyal para sa gayong paggamit. Dapat siláng tumugon
sa kaniya nang sa gayon ay maláman niya mula sa senyas kung nagtitipon na ba
ang lahat ng barko.

Kapag nagpakita siyá ng dalawang ilaw na bukod pa sa farol, dapat siláng


pumaling o tumahak ng ibáng landas, [at ginagawa ito] kapag hindi maganda
ang hangin o hindi ito nakatutulong sa aming pagpapatuloy ng landas, o kapag
nais niyang maglayag nang mabagal. Kapag nagpakita siyá ng tatlong ilaw, dapat
niláng ibaba ang bonnet-sail, na siyáng bahagi ng layag na nakatali sa ilalim ng
pangunahing layag, kapag maganda ang panahon upang mapabilis ang takbo.
Ibinababa ito nang sa gayon ay mas madalîng irolyo ang pangunahing layag kapag
kailangan itong ibaba nang mabilisan sa harap ng isang biglaang bagyo. Kapag
nagpakita siyá ng apat na ilaw, dapat niláng ibaba lahat ng layag; pagkatapos
nitó ay magpapakita siyá ng senyas gámit ang isang ilaw, [na nangangahulugan]
na hindi siyá gumagalaw. Kapag nagpakita siyá ng mas madaming bílang ng
ilaw, o nagpaputok ng kanyon, senyas iyon ng lupain o ng bahura. Pagkatapos ay
nagpakita naman siyá ng apat na ilaw kapag nais niyang itaas ang lahat ng layag,
nang sa gayon ay lagi siláng makapaglalayag kasunod ng kaniyang landas gámit
ang sulo sa dulo ng barko. Kapag nais niyang itaas ang bonnet-sail, nagpakita siyá
ng tatlong ilaw. Kapag nais niyang mag-ibá ng landas, nagpakita siyá ng dalawa;
at kapag nais naman niyang maláman kung sumusunod ba ang lahat ng barko at
kung nagtitipon ba ang mga ito, nagpapakita siyá ng isang ilaw, nang sa gayon ay
gawin din ito ng bawat isa sa mga barko at tumugon sa kaniya.
28 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Tatlong bantay ang itinatalaga bawat gabí; ang una’y sa simula ng gabí;
ang ikalawa, na tinatawag na modora, sa gitna [ng gabí], at ang ikatlo’y sa dulo
[ng gabí]. Hinati sa tatlong bahagi ang lahat ng tauhan sa mga barko: ang una ay
ang dibisyon ng kapitán o ng boatswain; nagpapalit-palit ang dalawang ito bawat
gabí; ang ikalawa, ng katuwang ng piloto o katuwang ng boatswain; at ang ikatlo,
ng master. Sa ganitong paraan inatasan ng kapitán-heneral ang lahat ng barko na
sumunod na mga nasabing senyas at pagbabantay, upang maging mas mapalad
ang kaniláng paglalayag.

Noong umaga ng Lunes, 10 Agosto, araw ni San Lorenzo, sa nasaad


nang taon, pagkatapos malagyan ng lahat ng kagamitang kakailanganin para sa
dagat at sakay ang mga tao ng bawat bansa (dalawang daan at tatlumpu’t pitóng
tao kami noon), naghandang lisanin ng plota ang pantalan ng Siviglia. Itinaas
ng mga barko ang kaniláng mga forestaysail sa hangin hábang nagpapaputok
ng maraming kanyon, at bumaba ng ilog Betis na tinatawag ngayon bílang
Gadalcavir, kung saan nadaanan nilá ang isang nayong nagngangalang Gioan dal
Farax, na isa dáting malaking pamayanang Moro. Dáting may tulay na tumatawid
sa naturang ilog patúngong Siviglia. Nananatili magpahanggang ngayon sa ilalim
ng tubig ang dalawang haligi ng nasabing tulay, at kapag naglalayag doon ang
mga barko, kailangan nilá ng mga tauhan na alam na alam ang kinalalagyan
ng mga haligi, upang hindi ito mabangga ng mga barko. Kailangan din siláng
daanan kapag pinakamataas ang ilog kasabay ng pagtaas ng dagat, tulad ng ibá
pang maraming nayon sa pampang ng ilog, na siyáng hindi sapat ang [kaniyang]
lalim para sa mga barkong may karga at kailangang hindi ganoon kalaki ang
mga barko upang makaraan silá. Pagkatapos ay naratíng ng mga barko ang isa
pang nayong tinatawag na Coria, at nadaanan ang ibá pang maraming nayon
sa pampang ng ilog hanggang makaratíng silá sa kastilyo ng duke ng Medina
Cidonia, na tinatawag na San Lucar, na isang pantalan kung saan makapapasok sa
Karagatang Dagat. Ito ay nása isang silangan at kanlurang direksiyon ng tangos ng
Sanct Vincent, na matatagpuan sa latitud na 37 digri, at 10 liga mula sa nasabing
daungan.4 May 17 hanggang 20 liga pababa ng ilog mula sa Siviglia hanggang
sa puntong ito [na siyáng ang San Lucar]. Pagkatapos ng ilang araw, naglayag
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 29

pababa ng ilog ang kapitán-heneral, kasáma ang ibá niyang kapitán, sakay sa
maliliit na bangka ng kaniláng mga barko. Namalagi kami doon ng marami-rami
ring araw upang tapusin ang [pagtutustos ng] plota ng ilang mga kailangang
kagamitan. Pumapanaog kami sa pampang bawat araw upang makinig ng misa
sa isang nayong tinatawag na Nosta Doña de Baremeda [Birhen ng Barrameda]
malápit sa San Lucar. Bago ang aming paglisan, hiniling ng kapitán-heneral na
mangumpisal lahat ng tauhan, at hindi nagpahintulot na maglayag sa plota ang
kahit sinong babae para sa mga pinakamainam na pagsasaalang-alang.

Nilisan namin ang naturang nayon, na may ngalang San Lucar, noong
Martes, 20 Setyembre ng parehong taon, at tumahak ng isang timog-kanlurang
landas. Noong ika-26 ng nasabing buwan, naratíng namin ang isang isla ng Gran
Canaria, na may ngalang Teneriphe, na siyáng matatagpuan sa latitud na 28 digri,
[at dumaong doon] upang kumuha ng karne, tubig, at kahoy. Namalagi kami
doon nang tatlo at kalahating araw upang matustusan ang plota ng mga nasabing
kagamitan. Pagkatapos ay nagtúngo kami sa isang pantalan ng parehong isla, na
tinatawag na Monte Rosso, upang kumuha ng pitch, at namalagi [doon] nang
dalawang araw. Kailangang mabatid ng inyong pinakabantog na Kamahalan na
may natatanging isla sa Gran Canaria kung saan hindi ka makahahanap ng kahit
isang patak ng tubig na umuusbong [mula sa bukal]; ngunit sa tanghali, may
ulap na bumababa mula sa kalangitan at pumapalibot sa isang malaking punò
na tumutubo sa nasabing isla, at siyáng may mga dahon at sanga na sumasala ng
madaming tubig. Mayroong hukay sa paanan ng nasabing punò na mistulang
bukal, kung saan nahuhulog lahat ng tubig, at kung saan lubos na nagpapapawi
araw-araw sa tubig na ito at wala nang ibá ang mga táong naninirahan doon, pati
ang mga hayop, parehong ang domestikado at ang ilahas.

Noong hatinggabi ng Lunes, 3 Oktubre, itinama ang mga layag


patúngong timog, at lumusong kami sa lawak ng dagat, at dumaan sa pagitan ng
Tangos ng Verde at mga isla nitó sa 14 at kalahating digri. Sa gayon ay naglayag
kami nang maraming araw sa baybáyin ng Ghinea, o Ethiopia, kung saan may
bundok na tinatawag na Siera Leona, na matatagpuan sa latitud na 8 digri, na
may mga sumasalungat na hangin, mga panahong walang hangin, at mga ulang
30 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

walang hangin, hanggang sa naratíng namin ang linyang equinoctial, pagkatapos


makaranas ng animnapung araw ng patuloy na pag-ulan, salungat sa palagay
ng mga sinauna. Bago namin naratíng ang linya, hinampas kami nang harap-
harápan sa 14 digri ng mababagsik na bagyo ng hangin at alon. Dahil hindi kami
makausad, at upang hindi mawasak ang mga barko, agad na ibinaba ang mga
layag; at sa ganitong paraan kami nagpaligoy-ligoy paroon at parito sa dagat,
nag-aantay na tumigil ang bagyo, sapagkat napakabagsik nitó. Walang hangin
kapag umuulan. Matiwasay kapag umaaraw. Lumapit sa tagiliran ng mga barko
ang ilang malalakíng isdang tinatawag na tiburoni [mga pating]. Mayroon siláng
mga nakatatakot na ngipin, at tuwing nakakatagpo silá ng mga tao sa dagat ay
kinakain nilá silá. Nahúli namin ang marami sa kanilá gámit ang mga bakal na
kawit, ngunit hindi silá masarap kainin maliban na lang kung maliit silá, at kahit
ganoon pa man ay hindi pa rin silá ganoon kasarap. Hábang binabagyo kami,
maraming beses na nagpakita sa amin sa liwanag ang banal na katawan, ang ibig
sabihin ang Santelmo5—tulad noong isang napakadilim na gabí, na may liwanag
ng isang nag-aalab na sulo, sa tuktok ng barko, kung saan siyá namalagi ng
mahigit-kumulang dalawang oras, na siyáng nagpalubag ng aming loob, sapagkat
tumatangis kami. Nang lilisanin na kami ng naturang pinagpalang liwanag, labis
na nakasisilaw ang liwanag na tumatak ito sa aming mga mata, kayâ nanatili
kaming bulag sa loob ng saikawalo nang isang oras at humihingi ng awa. Siyanga,
nang akala namin ay mamamatay na kami, sakâ biglang kumalma ang dagat.

Marami akong nakitang uri ng ibon, tulad ng isang walang bútas ng


puwit; at isa pa, [na] kapag nais nang mangitlog ng babae, gagawin niya ito sa
likod ng laláki at doon silá mapipisâ.6 Walang mga paa ang ikalawang ibon, at
laging namumuhay sa dagat. [Mayroong] isa pang uri ang kumakain ng dumi
ng ibáng ibon, at wala nang ibá; sapagkat lagi kong nakikita ang ibong ito, na
tinatawag na Cagasella, na lumilipad kasunod ng ibáng ibon, hanggang ang
mga ito’y mapilitan nang ihulog ang kaniláng dumi, na siyá namang dadakmain
kaagad ng naunang ibon at iiwanan na niya ang ikalawang ibon. Marami din
akong nakitang lumilipad na isda, at marami sa mga ito ang nagtitipon, kung
kayâ nagmimistula siláng isang isla.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 31

Pagkatapos naming malampasan ang linyang equinoctial patimog, hindi


na namin makita ang hilagang bituin, at kung kayâ naglayag kami patimog
timog-kanluran hanggang [maratíng namin] ang lupaing tinatawag na Verzin
na matatagpuan sa 23 at kalahating digri ng polong Antarctico [timog latitud].
Ito ang lupaing pahabâ mula sa tangos ng Santo Augustino, na matatagpuan sa
8 digri ng parehong polo. Doon kami nakakuha ng maraming imbak ng manok,
patatas, maraming matatamis na pinya—sa totoo’y ang pinakamasasarap na
prutas na maaaring matagpuan—ang karne ng anta [tapir], na kahalintulad ng
karne ng báka, tubó, at ibá pang di-mabilang na bagay, na hindi ko na babanggitin
upang maiwasan ang pagiging madaldal. Para sa isang pamingwit na kalawit o
isang kutsilyo, bibigyan kami ng mga táong iyon ng 5 o 6 na manok; para sa
isang suklay, isang pares ng gansa; para sa isang salamin o isang pares ng gunting,
kayraming isdang sasapat sa 10 katao; para sa isang kampana o isang balát na
lace, isang basket na punô ng patatas. Kalasa ng kastanyas ang mga patatas na ito,
at singhabà ng mga singkamas. Para sa isang hari ng mga diyamante, na isang
baraha, binigyan nilá kami ng 6 na manok at inisip pang nalamangan nilá kami.
Pumasok kami sa nasabing pantalan noong araw ni Santa Lucia, kung kailan
naroon ang araw sa kaniyang tugatog; at dumanas kami ng mas matinding init
sa araw na iyon at ibá pang araw kung kailan nása tugatog ang araw, kaysa kapag
nása ilalim kami ng linyang equinoctial.

Mas mayaman at mas malaki ang lupaing iyon ng Verzin kaysa


pinagsámang España, Francia, at Italia, at pag-mamay-ari ng hari ng Portugalo.
Hindi Kristiyano ang mga tao ng lupaing iyon, at wala siláng uri ng pagsamba.
Namumuhay silá ayon sa mga dikta ng kalikasan, at umaabot ng edad na isandaan
at dalawampu’t lima at isandaan at apatnapu.7 Hubo’t hubad silá, pareho ang
laláki at babae. Nakatirá silá sa mga mahahabàng bahay na tinatawag niláng boii,
at natutulog sa mga bulak na lambat na tinatawag na amache. Isang apoy ang
ginagawa sa lupa sa ilalim ng mga naturang duyan. Sa bawat isang boii, mayroong
isandaang laláki kasáma ang kaniláng mga asawa at anak, at napakaingay nilá. May
mga bangka siláng tinatawag na kanowa na gawa mula sa isang malaking punò,
at hinalungkag gámit ang mga batong palathaw. Kinakasangkapan ng mga táong
iyon ang bato kung paano natin ginagamit ang bakal, sapagkat wala siláng bakal.
32 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Tatlumpu o apatnapung laláki ang nagkakasiya sa isa sa mga naturang bangka.


Nagsasagwan silá gámit ang mga espadang mistulang pála ng horno, at bílang
maitim, hubo’t hubad, at nakaahit, kahawig nilá ang mga mamamayan ng pinak
ng Ilog Styx hábang nagsasagwan. Tulad natin, maganda ang pangangatawan ng
mga laláki at babae.

Kumakain silá ng laman ng tao ng kaniláng mga kaaway, hindi dahil


masarap ito, kung hindi dahil isa itong matibay na kaugalian. Ang kaugaliang
ito, na siyáng ginagawa ng kapuwa panig, ay sinimulan ng isang matandang
babae, na mayroon lámang isang anak na laláki na siyáng pinaslang ng kaniyang
mga kaaway. Bílang ganti, ilang araw ang lumipas, dinakip ng mga kaibigan ng
naturang matandang babae ang isa sa pangkat na pumatay sa kaniyang anak, at
dinalá ito sa kaniyang tinitirhan. Nang nakita niya ito at naalala ang kaniyang
anak, sinugod niya ito tulad ng isang galít na galít na ásong babae at kinagat ito
sa isang balikat. Hindi malaon ay tumakas siyá pabalik sa kaniyang kababayan,
at sinabi niya sa kaniláng sinubukan siyáng kainin at ipinakita [bílang patunay]
ang mga marka sa kaniyang balikat. Mula sa sandaling iyon, tuwing nakadadakip
ang hulíng pangkat sa nauna, kumakain silá, at ganoon din ang ginawa ng nauna
sa hulí, at sa gayon umusbong ang ganitong kaugalian. Hindi nilá kinakain ang
mga katawan nang buo sa isang bagsakan, ngunit humihiwa ang bawat isa ng
isang piraso, at iniuuwi ito, kung saan niya ito papausukan. Pagkatapos, hihiwa
siyá nang munting piraso bawat linggo, at kakainin itong pinausukan kasabay ng
ibá pa niyang pagkain bílang paalala ng kaniyang mga kaaway. Ang nása itaas
ay ibinahagi sa akin ng pilotong si Johane Carnagio, na sumáma sa amin, at
siyáng tumirá nang apat na taon sa lupaing iyon.8 Pinipintahan ng mga táong
iyon ang kaniláng katawan at mukha sa ibá’t ibáng kamangha-manghang paraan
gámit ang apoy, at ganoon din ang mga babae. Malinis ang pagkakaahit ng mga
laláki at wala siláng balbas, sapagkat hinihila nilá ito. Nagsusuot silá ng damit
na yari sa mga balahibo ng loro, na may mga malalakí at bilóg na kasuotan sa
kaniláng puwit na gawa sa pinakamalalakíng balahibo, at katawa-tawa itong
makita. Halos lahat ng tao, maliban ang mga babae at batà, ay may tatlong bútas
sa ibabang labì, kung saan nilá isinasabit ang mga bilóg na bato, na singhabà
ng mahigit-kumulang isang daliri at nakalambitin sa labas. Hindi lubusang itim
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 33

ang mga táong iyon kung hindi malalim na kayumanggi. Tinatakpan nilá ang
maseselang bahagi, at walang buhok ang kaniláng katawan, hábang hubo’t hubad
ang parehong kalalakihan at kababaihan. Cacich [cacique] ang tawag sa kaniláng
hari. Mayroon siláng walang katapusang bílang ng mga loro, at binigyan kami
ng 8 o 10 para sa isang salamin; at maliliit na unggoy na mukhang mga leon,
ang pagkakaiba lámang ay dilaw [silá], at napakaganda. Gumagawa silá ng puti
at bilóg na mga hiwa ng tinapay mula sa mala-bulalong nilalaman ng mga punò,
at hindi masyadong masarap, at natatagpuan sa gitna ng kahoy at balakbak at
kamukha ng mga korta ng gatas mula sa mantikilya. Mayroon siláng mga baboy
na may mga pusod sa kaniláng likod, at malalakíng ibon na may mga tuka na
mukhang kutsara at walang mga dila.

Binigay sa amin ng mga laláki ang isa o dalawa sa kaniláng mga dalagang
anak bílang alipin kapalit ng isang palathaw o isang malaking kutsilyo, ngunit
hindi nilá ibinibigay sa amin ang kaniláng mga asawa kapalit ng kahit ano pang
bagay. Hindi bibigyang-hiya ng mga babae ang kaniláng mga esposo para sa
alinmang dahilan, at tulad ng sabi sa amin, tinatanggihan nilá ang kaniláng mga
esposo sa araw, at sa gabí lámang papayag. Nililinang ng mga babae ang mga
bukid, at dinadalá ang lahat ng kaniláng pagkain mula sa mga bundok gámit
ang mga pannier o basket na nakapatong o nakatali sa kaniláng ulo. Ngunit lagi
siláng sinasamahan ng kaniláng mga esposo, na siyáng armado lámang ng búsog
ng kahoy-brazil o ng itim na kahoy-palma, at isang bungkos ng mga tangkay
na palaso, at ginagawa nilá ito dahil pinagseselosan nilá [ang kaniláng mga
asawa]. Dalá-dalá ng mga babae ang kaniláng mga anak gámit ang bulak na
lambat na nakasabit sa leeg. Hindi ko na isináma ang ibáng detalye, upang hindi
masyadong maging nakapapagod. Dalawang beses idinadaos ang Misa sa baybay,
kung kailan nananatiling nakaluhod ang mga tao sa lubos niláng pagsisisi at
nakataas ang magkahawak na kamay, na siyáng labis na nakatutuwang panoorin.
Ginawan nilá kami ng isang bahay sapagkat inakala niláng mamamalagi kami
sa kanilá nang mahabâ-habâng panahon, at sa aming paglisan ay pinutulan nilá
kami ng napakadaming kahoy-brazil9 upang ibigay sa amin. Mahigit-kumulang
dalawang buwan na mula noong umulan sa lupaing iyon, at nang dumatíng kami
sa naturang pantalan, nagkataon namang umulan, at kayâ sinabi nilá na dumatíng
34 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

kami mula sa kalangitan at na kami ang tagapaghatid ng ulan. Madalîng baguhin


ang mga táong iyon túngo sa pananampalataya kay Hesukristo.

Noong simula, inakala ng mga táong iyon na ang maliliit na bangka ay


anak ng mga barko, at isinilang ng hulí ang mga ito nang ibinaba silá sa dagat
mula sa mga barko, at noong nakahimpil silá katabi ng mga barko (tulad nang
nakasanayan), naniwala siláng pinasusúso silá ng mga barko. Isang araw, isang
magandang dalaga ang pumanhik sa punòng barko kung nasaan ako, upang
makita lámang kung ano ang maihahandog ng pagkakataon. Hábang naroon
at nag-aantay, nadatnan niya ang silid ng master, at nakakita ng isang pakòng
mas mahabà sa daliri. Tuwang-tuwa at maayos niya itong pinulot at ipinasok sa
pagitan ng mga labì ng kaniyang puki, at pagkayukong mababa ay kaagad-agad
umalis, at nasaksihan namin ng kapitán-heneral ang naganap.

Ilang salita ng mga taga-Verzin:

para sa Millet maiz


para sa Arina hui
para sa Pamingwit na Kuwit pinda
para sa Kutsilyo tacse
para sa Suklay chigap
para sa Gunting pirame
para sa Kampana itanmaraca
Mabuti, mas mabuti tum maragathum

Namalagi kami sa lupaing iyon nang 13 araw. Pagkatapos muling


maglayag, nakaratíng kami sa sinlayo nang 34 at sangkatlong digri patúngong
Polong Antarctico, kung saan namin natagpuan ang mga tao sa isang ilog na
tubig-tabang, na tinatawag na Canibali at kumakain ng laman ng tao. Pumanhik
sa punòng barko ang isa sa kanilá, na sa pangangatawan ay halos isang higante,
upang mapanatag ang [kaligtasan ng] ibá, ang mga kaibigan niya. Mayroon siyáng
tinig ng tulad ng isang toro. Hábang nása barko siyá, dinalá ng ibá ang kaniláng
mga ari-arian mula sa lugar na tinitirhan nilá patúngo sa looban, sapagkat
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 35

natakot silá sa amin. Pagkakita nitó, nagdaong kami ng isandaang tauhan upang
makipag-usap sa kanilá, o kayâ’y sapilitang dakpin ang isa sa kanilá. Tumakas
silá, at sa kaniláng pagtakas ay humakbang nang kaylalakí na hindi namin silá
mahabol, kahit tumatakbo na kami. Mayroong pitóng isla sa naturang ilog, at
matatagpuan ang mamahaling bato sa pinakamalaki. Tinatawag na tangos ng
Santa Maria ang lugar na iyon, at inakala dati na lumalagos mula doon patúngong
dagat ng Sur, ang ibig sabihin, ang Dagat Timog, ngunit wala nang natuklasan
mula noon. Ngayon ang pangalan ay hindi [ibinigay] sa tangos, kung hindi [sa]
isang ilog, na may bungangang 17 liga ang lápad. Isang kapitáng Español na may
ngalang Johan de Solis at animnapung tauhan, na tulad namin ay tumutuklas ng
mga lupain, ang nakain dati sa ilog na iyon ng mga kanibal dahil sa matinding
kumpiyansa.

Pagkatapos maglayag sa parehong landas patúngong Polong Antarctico,


sinusundan ang baybáyin, ibinaba namin ang angkla sa dalawang islang punô ng
mga gansa at mga dagat-lobo.10 Tunay ngang hindi mabibilang ang napakadaming
gansang iyon; napunô namin ang limang barko [ng mga ito] sa loob ng isang
oras. Itim ang mga gansang iyon at mayroong mga balahibo sa parehong katawan
at mga pakpak. Hindi silá lumilipad, at namumuhay sa isda. Napakataba nilá na
hindi na kailangang bunutan ng balahibo bagkus ay babalatan na lámang. Katulad
ng sa uwak ang kaniláng tuka. Ibá’t ibá ang kulay ng mga naturang dagat-lobo,
singlaki ng isang batàng báka, may ulo tulad ng sa isang batàng báka, maliliit at
bilóg ang mga tenga, at malalakí ang ngipin. Wala siláng mga binti bagkus ay
mga paa lámang na may maliliit na kuko at nakadikit sa katawan, tulad ng ating
mga kamay, at sa pagitan ng kaniláng daliri ay balát na katulad ng sa mga gansa.
Napakabangis sana nilá kung makatatakbo lámang silá. Nakalalangoy silá, at
namumuhay sa isda. Nakaranas ang mga barko ng napakalakas na bagyo sa lugar
na iyon, kung kailan maraming beses na nagpakita sa amin ang tatlong banal na
lawas; sina San Elmo, San Nicolas, at Santa Clara, pagkatapos ay agarang tumigil
ang sigwa.
36 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Paglisan sa naturang lugar, naratíng din namin sa wakas ang 49 at


kalahating digri patúngong Polong Antarctico. Dahil taglamig noon, dumaong
muna ang mga barko sa isang ligtas na pantalan upang magpalipas. Namalagi
kami nang dalawang buwan sa naturang lugar nang walang nakikitang tao.
Isang araw, bigla kaming nakakita ng laláking hubo’t hubad at may higanteng
pangangatawan sa pampang ng pantalan, nagsasayaw, umaawit, at naghahaboy
ng alikabok sa kaniyang ulo. Isinugo ng kapitán-heneral sa higante ang isa sa
aming mga tauhan upang maaari niyang gawin ang parehong paggalaw bílang
tanda ng kapayapaan. Pagkagawa nitó, dinalá ng tauhan ang higante sa isang
maliit na isla sa presensiya ng kapitán-heneral. Nang nakaratíng ang higante sa
harapán namin ng kapitán-heneral, lubha siyáng namangha, at sumenyas gámit
ang isang daliri at nakaturo sa itaas, naniniwalang nanggáling kami sa kalangitan.
Sa sobra niyang taas ay umábot lámang kami sa kaniyang baywang, at maganda
ang kaniyang pangangatawan. Malaki ang kaniyang mukha at pintadong buo
ng pula hábang pintadong dilaw ang kaniyang mga mata; at mayroon siyáng
pinta ng dalawang puso sa gitna ng kaniyang mga pisngi. Pintadong puti ang
kakaunti niyang buhok. Nakadamit siyá ng mga balát ng mga hayop na mahusay
na pinaghabi. Ang naturang hayop ay may buhok at mga tenga na sinlaki ng sa
asno, leeg at katawan tulad ng sa kamelyo, mga binti ng usa, at buntot ng kabayo,
na tulad niya ay humahalinghing, at napakaraming ganoon sa naturang lupain.
Nakadamit ang kaniyang mga paa ng mga balát na tulad sa sapatos. May hawak
siyáng maigsi at mabigat na búsog, na may kuwerdas na bahagyang mas makapal
kaysa ng sa lute, at gawa sa bituka ng parehong hayop, at isang bungkos ng mga
tangkay na palasong may balahibong tulad ng sa atin, at may mga dulo ng puti
at itim na batong pingkian katulad ng mga palasong Turko, sa halip na bakal.
Inestilo ang mga dulong iyon gámit ang isa pang bato. Pinabigyan ng kapitán-
heneral ang higante ng makakain at maiinom, at kabílang sa mga ipinakita sa
kaniya ng kapitán-heneral ang isang malaking bakal na salamin. Pagkakita sa
kaniyang mukha, lubha siyáng natakot, at napatalon patalikod kayâ napatilapon
sa lupa ang tatlo o apat sa aming mga tauhan. Pagkatapos nitó, binigyan siyá
ng kapitán-heneral ng ilang kampana, isang salamin, isang suklay, at ilang Ama
Namin. Ipinadalá siyá ng kapitán-heneral sa pampang kasáma ang 4 na armadong
tauhan. Nang nakita ng isa sa mga kasamahan ng higante, na ayaw sumáma sa
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 37

mga barko, na paratíng na ang hulí kasáma ang mga tauhan namin, tumakbo siyá
patúngo kung nasaan ang ibá pa niyang mga kasáma, na siyáng sunod-sunod
na pumunta [panaog sa pampang] na hubo’t hubad. Pagtagpo sa kanilá ng mga
tauhan namin, nagsimula siláng sumayaw at umawit, itinuturo ang isang daliri sa
kalangitan. Ipinakita nilá sa mga tauhan namin ang ilang puting pulbos na gawa
sa mga ugat ng isang yerba, na siyáng isinisilid nilá sa mga palayok, at kinakain
nilá sapagkat wala na siláng ibá pa.

Sumenyas ang mga tauhan namin ng pag-anyaya sa kanilá upang


pumanhik sa mga barko, at na tutulungan nilá siláng dalhin ang kaniláng mga
ari-arian. Ang kaniláng mga búsog lámang ang agad na binitbit ng mga laláki,
hábang ang kaniláng mga babae ay kinarga lahat na tíla mga asno. Hindi sintaas
ng mga laláki ang mga babae ngunit malayos mas mataba. Lubha kaming nagulat
pagkakita sa kanilá. Kalahating dipa ang habà ng kaniláng mga súso, at pintado at
nakadamit silá tulad ng kaniláng mga esposo, maliban na lámang na may nakatakip
na munting balát sa kaniláng mga maseselang bahagi. Giniya nilá ang apat sa mga
naturang batàng hayop, na nakatali ng mga kuwerdas tulad ng isang halter. Kapag
nais ng mga táong iyon na hulihin ang ilan sa mga naturang hayop, itinatali
nilá ang isa sa mga batàng hayop sa isang matinik na palumpong. Pagkatapos ay
makikipaglaro ang malalakíng hayop sa maliliit; at papaslangin na silá ng mga
tao mula sa kaniláng pinagtataguan gámit ang mga palaso. Dinalá ng mga tauhan
namin sa mga barko ang labinwalo sa mga naturang tao, magkasáma ang mga
laláki at babae, at ikinalat sa dalawang panig ng pantalan upang makapanghúli
silá ng ilan sa mga naturang hayop.

Anim na araw pagkatapos nang nása itaas, nakita ng ilan [sa aming mga
tauhan] na nagpupútol ng kahoy ang isang higanteng pintado at nakadamit
kapareho ng ibá. May hawak siyáng búsog at mga palaso. Pagkalapit ng mga
tauhan namin sa kaniya, hinawakan muna niya ang kaniyang ulo, mukha, at
katawan, at pagkatapos ay ginawa ang parehas sa mga tauhan namin, bago iangat
ang mga kamay patúngong kalangitan. Nang naiulat ito sa kapitán-heneral, inutos
niyang dalhin ang higante sakay ang maliit na bangka. Dinalá siyá sa naturang
isla sa pantalan kung saan nakapagtayo ng bahay ang mga tauhan namin para
38 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

sa mga panday at bílang imbakan ng ilang kagamitan mula sa mga barko. Mas
matangkad pa nga at mas maganda ang pangangatawan ng laláking iyon kaysa ibá
at sindalîng kausap at singbait. Tumalon-talon siyá, sumayaw siyá, at sa kaniyang
pagsasayaw, sa bawat lukso, ay lumulubog sa lupa nang isang palad ang kaniyang
mga paa. Namalagi siyá sa amin nang marami-raming araw, sa sobrang tagal ay
bininyagan namin siyá, at tinawag na Johanni. Nabigkas niya [ang mga salitâng]
“Jesu,” “Pater Noster,” “Ave Maria,” at “Jovani” na sinlinaw ng pagbigkas namin,
ngunit nang may napakalakas na tinig. Pagkatapos ay binigyan siyá ng kapitán-
heneral ng isang kamiseta, de-lanang jaket, telang salawal, kupya, salamin, suklay,
mga kampana, at ibá pang bagay, at sakâ ipinabalik sa kaniyang mga kasamahan.
Nilisan niya kaming tuwang-tuwa at masaya. Kinaumagahan, dinalhan niya ang
kapitán-heneral ng isa mga naturang malalakíng hayop, bílang ganti sa maraming
bagay na ibinigay sa kaniya, upang maaari pa siyáng makapagdalá ng ilan pa sa
amin; ngunit hindi na namin siyá nakitang muli. Inisip naming pinaslang siyá ng
mga kasáma dahil nakipag-usap siyá sa amin.

Dalawang linggo ang lumipas nang nadatnan namin ang apat sa mga
naturang higante na walang daláng armas, sapagkat itinago na nilá ang mga ito
sa ilang palumpong tulad ng itinuro sa amin ng dalawang higanteng nadakip
namin noon. Ibá-ibá ang pinta ng bawat isa. Itinago ng kapitán-heneral ang
dalawa sa kanilá—ang pinakabatà at may pinakamagandang pangangatawan—sa
pamamagitan ng isang napakatusong panlilinlang, nang sa gayon ay madalá silá
sa España. Kung gumamit siyá ng ibáng paraan [na ibá sa kaniyang ginawa],
maaaring madalî lámang niláng mapapaslang ang ilan sa amin. Ganito ang
ginamit niyang panlilinlang upang maitago silá. Binigyan niya silá ng maraming
kutsilyo, gunting, salamin, kampana, at salaming butil; at dahil punông-punô na
ang mga kamay ng dalawa sa mga nasabing bagay-bagay, nagpalabas ang kapitán-
heneral ng dalawang pares ng bakal na tanikala, iyong tipong ikinakabit sa paa.
Umakto siyáng ibibigay niya ang mga ito sa mga higante, na siyáng lubhang
nagpasaya sa kanilá dahil yari sa bakal ang mga tanikala, ngunit hindi nilá alam
kung paano dadalhin ang mga ito. Ipagluluksa nilá kung iiwanan ang mga ito,
ngunit wala na siláng paglalagyan ng mga naturang handog; sapagkat kailangan
niláng hawákan ang balát na nakabalot sa kanilá. Nais siláng tulungan ng dalawa
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 39

pang higante, ngunit tumanggi ang kapitán. Pagkakitang namumuhi siláng


iwanan ang mga naturang tanikala, sumenyas ang kapitán na ilalagay niya ang
mga ito sa kaniláng mga paa, at na maaari niláng kunin ang mga ito. Tumango
silá sa pagsang-ayon. Agad na ipinakabit ng kapitán ang mga tanikala sa kanilá
nang sabay. Nang papalapít na ang mga tauhan naming may dalá ng cross bolt,
nagsimulang maghinala ang mga higante, ngunit nanatiling nakatayô dahil sa
pagpapanatag ng kapitán. Nang pagkatapos ay napagtanto niláng nalinlang
silá, nagwala siláng parang mga toro, sumisigaw upang tulungan silá ni Setebos.
Nahirapan kaming igapos ang mga kamay ng dalawa pang higante, na siyáng
ipinadalá namin sa baybay kasáma ang siyam sa aming mga tauhan, upang maaari
siláng gabayan ng mga higante patúngo sa lugar kung nasaan ang asawa ng isa sa
dalawang dinakip namin; sapagkat nagpamalas ng lubhang pagluluksa ang hulí
sa kaniyang paglisan sa babae gámit ng pagsenyas kung kayâ naintindihan namin
na [tinutukoy ng higante ang] asawa. Hábang nása daan, nakakalas ang isa sa
mga higante, at sa bilis ng kaniyang pagtakbo ay hindi na siyá nahabol ng mga
tauhan namin. Pumunta siyá sa pinaroroonan ng mga kasamahan niya, ngunit
hindi niya nakita [doon] kahit isa sa kanilá, na siyáng nanatili kasáma ang mga
babae, at siyáng nangangaso noon. Agad niyang hinanap ang hulí, at ibinahagi
sa kaniya ang lahat ng nangyari. Lubhang nagsikap ang isa pang higante upang
makakalas sa kaniyang mga tanikala, at kinailangan siyáng hampasin ng isa sa
aming tauhan, kung kayâ nagkaroon siyá ng kaunting sugat sa ulo, at pagkatapos
ay nagwawalang itinuro kung nasaan ang mga babae. Tumanggi si Gioan Cavagio,
ang piloto at pinunò ng mga tauhang iyon, na dalhin ang babae noong gabíng
iyon, at nagpasiyang matulog doon, sapagkat pasapit na ang gabí. Dumatíng ang
dalawang ibáng higante, at nag-alinlangan pagkakitang sugatán ang kaniláng
kasáma, ngunit wala namang siláng imik. Ngunit pagkabukang-liwayway,
kinausap nilá ang mga babae, [kung kailan] kaagad siláng nagtakbuhan (at mas
mabilis na tumakbo ang mas maliliit kaysa mas matatangkad), at iniwan ang lahat
ng kaniláng ari-arian. Lumingon ang dalawa sa kanilá upang tiráhin ng palaso
ang mga tauhan namin. Ang isa ay ginagabayan palayo ang kaniláng mga maliliit
na hayop upang mangaso. Sa ganitong laban, natamaan ng palaso ng isa sa kanilá
ang hita ng isa sa aming tauhan, na siyáng agad na namatay. Pagkakita nitó, mabilis
na tumakbo palayo ang mga higante. Mayroong mga musket at crossbow ang mga
40 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

tauhan namin, ngunit hindi nilá matamaan kahit isang higante, [sapagkat] kapag
lumalaban ang hulí, hindi silá humihimpil, bagkus ay lumulukso paroon at parito.
Inilibing ng mga tauhan namin ang kaniláng namatay na kasáma, at sinunog
lahat ng mga ari-ariang naiwan ng mga higante. Ang totoo, mas mabilis tumakbo
kaysa mga kabayo ang mga higanteng iyon, at napakaseloso para sa kaniláng mga
asawa.

Kapag sumasakit ang kaniláng tiyan, sa halip na pinupurga nilá ang mga
sarili ay nagsasaksak silá ng palaso pababa sa kaniláng lalamunan sa hábang
dalawang palad o higit pa at sumusúka ng [isang likido ng] kulay lunting may
halong dugo, sapagkat kumakain silá ng isang uri ng thistle. Kapag sumasakit ang
kaniláng ulo, hinihiwa nilá ang kaniláng noo; at ginagawa din nilá dito sa mga
braso o sa mga binti at sa kahit anong bahagi ng katawan, upang magpalabas ng
kaunting dugo. Sinabi ng isa sa mga dinakip namin, at siyáng itinago namin sa
aming barko, na ayaw mamalagi doon ng dugo [sa kinaroroonan ng sakit], na
siyáng nagdudulot sa kanilá ng pagdurusa. Ginugupitan nilá ang kaniláng buhok
na may tonsure, tulad ng sa mga prayle, ngunit iniiwan itong mas mahabà; at
mayroon siláng bulak lubid na nakabalot sa ulo, kung saan nilá ikinakabit ang
kaniláng mga palaso kapag nangangaso. Mahigpit niláng binibigkis ang kaniláng
maseselang bahagi dahil sa napakatinding lamig. Kapag namamatayan silá, 10 o
labindalawang demonyong pintado lahat ang nagpapakita sa kanilá at masayang
sumasayaw sa paligid ng bangkay. Mapapansin niláng mas matangkad ang isang
demonyo kaysa ibá, at sisigaw itong higit pang magdiriwang. Pipintahan nilá
ang mga sarili katulad na katulad ng kung paano nagpapakita sa kanilá ang
pintadong demonyo. Tinatawag nilá ang mas malaking demonyo bílang Setebos,
at ang isa ay si Cheleulle. Sinabi din sa amin ng naturang higante gámit ang mga
senyas na nakita na niya ang mga demonyong may dalawang sungay sa ulo, at
mahabàng buhok na umaabot sa paa, at bumubuga ng apoy mula sa bunganga
at puwit. Tinawag ng kapitán-heneral ang mga táong iyon bílang ang Patagoni.
Nagdadamit silá gámit ang mga balát ng mga nasabing hayop; at wala siláng mga
bahay maliban sa mga gawa sa balát ng parehong hayop, at gumagala silá paroon
at parito dalá ang mga bahay na iyon tulad ng mga Cingani. Ang bawat isa sa
dalawang dinakip namin ay káyang kumain ng isang basket na punô ng biskuwit,
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 41

at káyang uminom ng kalahating timba ng tubig sa isang lagok. Kumakain din


silá ng mga daga nang hindi binabalatan ang mga ito.

Namalagi kami nang mahigit-kumulang limang buwan sa naturang


pantalan na tinawag naming puerto ng Santo Julianno. Maraming nangyari
doon. Upang mabatid ng inyong pinakabantog na Kamahalan ang ilan sa mga ito,
nangyari na pagkapasok pa lámang namin sa pantalan, nagbalák ang mga kapitán
ng kabilâng apat na barko ng pagtataksil upang mapaslang nilá ang kapitán-
heneral. Binubuo ang mga nagkuntsaba ng tagapangasiwa ng plota, si Johan de
Cartagena, ang ingat-yaman, si Alouise de Mendosa, ang accountant, si Anthonio
Cocha, at si Gaspar de Cazada. Sapagkat natuklasan ang kataksilan, pinatay ang
ingat-yaman sa mga saksak ng punyal pagkatapos hatiin sa apat ang katawan ng
tagapangasiwa. Ilang araw ang lumipas nang ipinatapon kasáma ng isang pari sa
lupaing iyon ng Patagonia si Gaspar de Cazada, sapagkat ninais niyang gumawa ng
isa pang kataksilan. Ayaw siyáng ipapatay ng kapitán-heneral sapagkat iniluklok
siyáng kapitán ng emperador, si Don Carlo.11 Isang barkong may ngalang “Sancto
Jacobo” ang nawasak sa isang ekspedisyong gumagalugad ng baybáyin. Tíla
himalang nailigtas ang lahat ng mga laláki, na hindi man lámang nabasâ. Dalawa
sa kanilá ang pumunta sa mga barko pagkatapos dumanas ng matinding hírap, at
iniulat sa amin ang buong pangyayari. Dahil dito, nagpadalá ang kapitán-heneral
ng ilang tauhang may kasámang sisidlang punô ng biskuwit. Kinailangan naming
dalhan silá ng pagkain sa loob ng dalawang buwan, sapagkat araw-araw ay may
natatagpuang piraso ng barko[ng nawasak]. Mahabà ang landas patúngo doon,
[na] 24 liga o isandaang milya, at napakasamâ ng daan at hitik sa tinik. Apat na
araw sa daan ang mga laláki, at natutulog sa gabí sa mga palumpong. Wala siláng
natagpuang tubig upang inumín, kung hindi yelo lámang, na siyáng nagdulot
ng pinakamatinding hírap sa kanilá. Napakaraming mahahabàng shellfish na
tinatawag na missiglioni sa naturang pantalan [ng Santo Julianno]. May perlas
ang mga ito, subalit maliliit sa gitna, ngunit hindi makakain. Natagpuan din ang
insenso, mga ostrich, tumanggong, maya, at kuneho na lubhang mas maliit kaysa
sa atin. Nagtayô kami ng krus sa tuktok ng pinakamataas na bundok doon, bílang
tanda na pag-aari ng hari ng España ang lupaing iyon; at tinawag namin ang
bundok bílang Monte de Christo.
42 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Paglisan namin sa naturang lugar, natagpuan namin ang isang ilog ng


tubig-tabang sa 51 digri menos sangkatlong digri patúngong Polong Antarctico.
Muntik nang mapahamak ang mga barko doon dulot ng mababagsik na hangin;
ngunit tinulungan silá ng Panginoon at ng mga banal na lawas. Nanatili kami
sa ilog nang mahigit-kumulang dalawang buwan upang matustusan ang mga
barko ng tubig, kahoy, at isda, [ang hulí ay] isang dipa o higit ang habà, at
balót sa kaliskis. Napakasarap ng mga ito kahit mumunti. Bago umalis ng ilog,
nagkumpisal at tumanggap ng komunyon bílang mga tunay na Kristiyano ang
kapitán-heneral at kaming lahat.

Pagkatapos pumunta sa limampu’t dalawang digri patúngo sa parehong


polo, natagpuan namin ang isang kipot sa araw ng [Pista ng] Labing-isang
Libong Birhen [21 Oktubre], na ang pinunò’y tinatawag na Capo de le Undici
Millia Vergine dahil sa nasabing napakadakilang himala. Isandaan at sampung
liga o 440 milya ang habà ng naturang kipot, at may lápad na mahigit-kumulang
kalahating liga. Lumalagos ito sa isa pang dagat na tinatawag na Dagat Pasipiko,
at pinalilibutan ng mga kaytataas na bundok na kinukumutan ng niyebe.
Imposibleng mahanap ang ilalim doon [para sa pagbababa ng angkla], ngunit
[kinakailangang ikabit] ang mga pangdaong sa lupaing may layong 25 o 30 dipa.
Kung hindi dahil sa kapitán-heneral, hindi namin mahahanap ang naturang
kipot, sapagkat inakala naming sarado ito sa lahat ng panig. Ngunit ang kapitán-
heneral na batid kung saan maglalayag upang hanapin ang kubling-kubling kipot,
na nakita niyang inilarawan sa mapa sa kabang-yaman ng hari ng Portugal at
ginawa ninyong mahusay na tao, si Martin de Boemia, ay nagpadalá ng dalawang
barko, ang “Sancto Anthonio” at ang “Conceptione” (na siyáng tawag sa kanilá),
upang tuklasin kung ano ang nása loob ng Tangos de la Baia. Nanatili kami,
kasáma ang kabilâng dalawang barko, [na siyáng] ang punòng barkong tinatawag
na “Trinitade,” at ang isa pa, ang “Victoria,” sa loob ng look upang antayin silá.
Tinamaan kami ng isang malakas na sigwa noong gabíng iyon, na tumagal
hanggang tanghali ng sumunod na araw, at kinailangan naming magtaas ng angkla
at bayaan ang aming mga sarili na maanod paroon at parito sa look. Nagtamo ang
kabilâng dalawang barko ng pasalungat na hangin at hindi kinayang makaliko sa
isang tangos na binubuo ng look sa halos dulo nitó, sapagkat sinusubukan niláng
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 43

bumalik upang samáhan kami; kayâ inakala niláng kinailangan niláng sumadsad
sa dalampasigan. Subalit sa kaniláng paglapit sa dulo ng look, at sa pag-aakalang
naliligaw na silá, nakakita silá ng maliit na bukana na hindi mukhang bukana,
kung hindi ay isang biglang liko. Tulad ng mga desperadong tao, lumiko silá
papasók, at sa gayon ay aksidenteng natuklasan ang kipot. Pagkakitang hindi
ito isang biglang liko kung hindi ay isang kipot na may lupain, sumulong silá
at nakatagpo ng look. At sa unahán pa ay nakakita uli ng isa pang kipot at isa
pang look na mas malaki kaysa naunang dalawa. Napakasaya niláng agarang
bumalik upang mag-ulat sa kapitán-heneral. Inakala naming wala na silá: una,
dahil sa isang marahas na sigwa; at ikalawa, dahil lumipas na ang dalawang araw
at hindi pa rin silá lumilitaw, at dahil din sa ilang [senyas ng] usok na ginawa
ng dalawa sa kaniláng mga tauhan na ipinadalá sa pampang upang abisuhan
kami. At kayâ naman, hábang nása sandali ng pananabik, nadatnan namin ang
dalawang barkong punô ang mga layag at lumilipad sa hangin ang mga bandera,
papunta sa amin. Nang nakalapit na silá sa amin sa ganitong paraan, bigla siláng
nagpaputok ng ilang kanyon, at sumabog sa palakpakan. Pagkatapos naming
lahat magpasalamat sa Panginoon at kay Birheng Maria, naglayag na kami upang
tumuklas [ng kipot] sa unahán.

Pagkatapos pumasok sa naturang kipot, natagpuan namin ang dalawang


bukana, isa sa timog-silangan at isa sa timog-kanluran. Ipinadalá ng kapitán-
heneral ang barkong “Sancto Anthonio” kasáma ng “Conceptione” upang alamin
kung lumalagos patúngong Dagat Pasipiko ang bukáng pa-timog-silangan. Hindi
na maaantay ng barkong “Sancto Anthonio” ang “Conceptione,” dahil balak
nitóng tumakas at bumalik ng España—na nagawa nga nitó. Isang nagngangalang
Stefan Gomes ang piloto ng naturang barko at labis niyang kinamumuhian
ang kapitán-heneral, dahil bago pa maihanda ang plotang iyon, pumunta siyá
sa emperador upang kumuha ng ilang caravel na gagamitin upang tumuklas ng
mga lupain, ngunit hindi siyá pinagbigyan ng Kamahalan dahil sa pagdatíng ng
kapitán-heneral. Dahil dito ay kinuntsaba niya ang ilang Español, at sa sumunod
na gabí ay dinakip ang kapitán ng kaniláng barko, na pinsan ng kapitán-heneral,
isang nagngangalang Alvaro de Meschita, na kaniláng sinugatan at ibinilanggo,
at ganitong kalagayan naglayag patúngong España.
44 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Sakay ng barkong iyon ang isang higanteng dinakip namin, ngunit namatay
siyá nang sumapit ang init. Dahil hindi nitó káyang sundan ang naturang barko,
inantay ito ng “Conceptione,” na naglayag paroon at parito. Bumalik ang “Sancto
Anthonio” pagkagabi at tumakas gámit ang parehong kipot. Nagtúngo naman
kami upang galugarin ang kabilâng bukanang pa-timog-kanluran. Pagkatapos
matuklasang tuwid at tuloy-tuloy ito, natagpuan namin ang isang ilog na tinawag
naming ilog ng Sardine, dahil maraming sardinas malápit dito. Kayâ namalagi
kami doon nang apat na araw upang antayin ang dalawang barko. Hábang naroon,
nagpadalá kami ng isang bangkang may sapat na kagamitan upang galugarin
ang tangos ng kabilâng dagat. Bumalik ang mga tauhan sa loob ng tatlong araw,
at iniulat na nakita nilá ang tangos at ang malawak na dagat. Naiyak sa tuwa
ang kapitán-heneral, at tinawag ang naturang tangos bílang Tangos Dezeado,
sapagkat matagal na namin itong hinahangad. Bumalik kami upang hanapin ang
dalawang barko, ngunit natagpuan lámang ang “Conceptione.” Nang natanong
silá kung nasaan ang isang barko, tumugon si Johan Serrano, na siyáng kapitán
at piloto ng naunang barko (at ng nawasak na barko rin), na hindi niya alam, at
na hindi niya ito nakita pagkatapos pumasok sa bukana. Hinanap namin ito sa
lahat ng bahagi ng kipot, sinlayo sa naturang bukana kung saan ito tumakas, at
ipinadalá ng kapitán-heneral ang barkong “Victoria” pabalik sa pasukan ng kipot
upang alamin kung naroon ang barko. Binigyan silá ng utos na, kung hindi nilá
ito mahahanap, magtanim ng bandera sa tuktok ng isang munting buról na may
liham sa isang palayok na ililibing sa lupa malápit sa bandera, nang sa gayon ay
mahahanap ang liham kapag madatnan ang bandera at maaaring mabatid ng
barko ang landas naming tinatahak. Dahil ito ang usapan sa pagitan namin kung
sakaling mahihiwalay kami sa isa’t isa. Dalawang bandera ang itinanim kasáma
ang kaniláng mga liham—isa sa isang munting mataas na lugar sa unang look, at
ang isa sa isang munting isla sa ikatlong look kung saan maraming dagat-lobo at
malalakíng ibon. Inantay ng kapitán-heneral ang barko gámit ang isa pa niyang
barko malápit sa ilog ng Isleo, at nagpatayô siyá ng krus sa isang munting isla
malápit sa naturang ilog, na siyáng umaagos sa pagitan ng matataas na bundok
na kinukumutan ng niyebe at bumubuhos sa dagat malápit sa ilog ng Sardine.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 45

Kung hindi namin natuklasan ang naturang kipot, desidido ang kapitán-
heneral na maglayag nang sinlayo ng pitumpu’t limang digri patúngong Polong
Antarctico. Sa ganoong latitud, sa panahon ng tag-init, walang gabí, o kung
mayroon mang gabí ay napakaikli, at ganoon din kapag araw sa taglamig. Upang
maniwala ang inyong pinakabantog na Kamahalan, noong naroon kami sa
naturang kipot, tatlong oras lámang ang mga gabí, at buwan noon ng Oktubre.
Mababa at nakaharap patúngong timog-silangan ang lupain sa kaliwang panig
ng naturang kipot. Tinawag namin ang kipot na iyon bílang kipot ng Patagonia.
Matatagpuan doon ang mga pinakaligtas na daungan bawat kalahating liga,
tubig, ang pinakamainam na kahoy (ngunit hindi ang cedar), isda, sardinas, at
missiglioni, hábang tumutubo naman sa paligid ng mga bukal ang smallage, isang
matamis na yerba (ngunit mayroong ilan na mapait). Kinain namin ito nang ilang
araw sapagkat wala na kaming ibá. Naniniwala akong wala nang mas gaganda
pa o mas mainam na kipot sa buong mundo kaysa iyon. Sa naturang Dagat
Karagatan, makikita kung paano mangaso ang isang labis na nakatutuwang isda.
Tatlong uri ang mga isda[ng nangangaso], at may hábang isang dipa at mahigit,
at tinatawag na dorado, albacore, at bonito. Sinusundan ng mga naturang isda ang
lumilipad na isdang tinatawag na colondrini na may habàng isang palad at mahigit
at napakasarap kainin. Kapag natatagpuan ng nasabing tatlong uri [ng isda] ang
kahit ano sa mga naturang lumilipad na isda, agarang lulukso mula sa tubig ang
hulí at lilipad hábang basâ pa ang kaniláng mga pakpak—mas matagal kaysa
lipad ng isang crossbow. Hábang lumilipad silá, susundan ng ibá sa ilalim ng tubig
ang anino ng lumilipad na isda. Pagkahulog ng hulí sa tubig ay mabilis siláng
dadakmain at kakainin ng ibá. Labis itong nakatutuwang panoorin.

Salita ng mga higanteng taga-Patagonia

Para sa Ulo her


para sa Mata other
para sa Ilong or
para sa mga Kilay occhechel
46 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

para sa mga Talukap ng mata sechechiel


para sa mga Bútas ng ilong oresche
para sa Bibig xiam
para sa mga Labì schiahame
para sa mga Ngipin phor
para sa Dila schial
para sa Babà sechen
para sa Buhok archiz
para sa Mukha cogechel
para sa Lalamunan ohumez
para sa Kukote schialeschin
para sa mga Balikat pelles
para sa Siko cotel
para sa Kamay chene
para sa Palad ng kamay caimeghin
para sa Daliri cori
para sa mga Tainga sane
para sa Kilikili salischin
para sa Utong othen
para sa Dibdib ng babae ochij
para sa Katawan gechel
para sa Titi sachet
para sa mga Bayag sacancas
para sa Puki isse
para sa Pakikipagtalik
sa mga babae jo hoi
para sa mga Hita chiane
para sa Tuhod tepin
para sa Puwitan schiaguen
para sa Puwit hoij
para sa Braso maz
para sa Pulso holion
para sa mga Binti coss
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 47

para sa Paa thee


para sa Sakong tere
para sa Bukong-bukong perchi
para sa Talampakan caotscheni
para sa mga Kuko colim
para sa Puso thol
para sa Kamutin gechare
para sa Duling na tao calischen
para sa Batàng tao calemi
para sa Tubig holi
para sa Apoy ghialeme
para sa Usok giaiche
para sa Hindi ehen
para sa Oo rey
para sa Bulawan pelpeli
para sa Lapis lazuli secheg
para sa Araw calexcheni
para sa mga Bituin settere
para sa Dagat aro
para sa Hangin oni
para sa Bagyo ohone
para sa Isda hoi
para sa Kainin mechiere
para sa Mangkok elo
para sa Palayok aschanie
para sa Tanungin ghelhe
para sa Halika dito hai si
para sa Tingnan chonne
para sa Maglakad rey
para sa Labánan oamaghce
para sa mga Palaso sethe
para sa Áso holl
para sa Lobo [wolf] ani
48 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

para sa Maglakbay nang


malayo schien
para sa Gabay anti
para sa Niyebe theu
para sa Takpan hiani
para sa Ostrich, isang ibon hoihoi
para sa mga Itlog nitó jani
para sa pulbos ng yerbang
kinakain nilá capac
para sa Amuyin os
para sa Loro cheche
para sa Kanaway, isang ibon cleo
para sa Missiglioni siameni
para sa Pulang Tela terechae
para sa Kupya aichel
para sa Itim ainel
para sa Pula taiche
para sa Dilaw peperi
para sa Lutuin yrocoles
para sa Sinturon catechin
para sa Gansa cache
para sa kaniláng malaking
Demonyo Setebos
para sa kaniláng maliliit na
Demonyo Cheleule

Binibigkas lahat ng salita sa itaas sa lalamunan, sapagkat iyon ang kaniláng


paraan ng pakikipag-usap.

Sinabi sa akin ang mga salitâng iyon ng higanteng isinakay namin sa


aming barko; sapagkat nang nakita niya—pagkahingi niya sa akin ng capac, ibig
sabihin, tinapay, na tawag nilá sa ugat na ginagamit nilá bílang tinapay, at oli, ibig
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 49

sabihin, tubig—akong mabilisang isulat ang mga salitâng iyon, at pagkaraan nang
hiningan ko siyá ng ibá pang salita hábang may hawak na panulat, naintindihan
niya ako. Noong isang beses ay nag-antanda ako, at pagkakita sa kaniya ng krus
ay hinalikan niya ito. Agad niyang sumigaw ng “Setebos,” at sumenyas na kapag
muli akong nag-antanda, papasok si Setebos sa katawan ko at papasabugin
ito. Nang nagkasakit ang higanteng iyon, hiningi niya ang krus, at pagkatapos
yakapin at halikan ito nang maraming beses, hinangad na maging Kristiyano
bago mamatay. Tinawag namin siyang Paulo. Kapag gustong lumikha ng apoy ng
mga táong iyon, kinakaskas nilá ang isang hinasàng piraso ng kahoy sa isa pang
piraso hanggang umusbong ang apoy sa ubod ng isang uri ng punò, na siyáng
inilalagay sa pagitan ng dalawang naturang patpat.

Araw ng Miyerkoles, 28 Nobyembe 1520 nang lumabas kami mula sa


naturang kipot, at nilulon kami ng Dagat Pasipiko.Tatlong buwan at dalawampung
araw na kami noong walang nakukuhang kahit anong sariwang pagkain. Kinain
namin ang mga biskuwit na hindi na mga biskuwit, kung hindi pulbos ng mga
biskuwit na umaapaw sa mga uod, sapagkat kinain na nilá ang mga ito. Matapang
ang sangsang nitó ng ihi ng mga daga. Ininom namin ang dilaw na tubig na bulok
na nang maraming araw. Kinain din namin ang ilang katad na balát ng ox na
nagsisilbing bubong ng mainyard upang pigilan ang yarda sa pagkuskos sa mga
shroud, at siyáng naging sobrang tigas dahil sa araw, ulan, at hangin. Ibinabad
namin ang mga ito sa dagat nang apat o limang araw bago ipatong nang ilang
sandali sa mga bága, at sakâ namin kakainin; at madalas naming kainin ang kúsot
mula sa mga tabla. Ibinebenta ang mga daga sa halagang kalahating ducat bawat
isa, at kahit ganoon na nga ay hindi pa rin namin silá makuha. Ngunit higit
sa lahat, pinakamalalâ ang sumusunod. Namaga ang mga gilagid ng parehong
ibaba at itaas na mga ngipin ng ilan sa mga tauhan namin, kung kayâ hindi silá
makakain kahit anong pilit at pagkatapos ay namatay.12 Labinsiyam na laláki
ang namatay sa naturang karamdaman, at ang higante kasáma ang Indian mula
sa bayan ng Verzin. Dalawampu’t lima o tatlumpung laláki ang nagkasakit [sa
panahong iyon], sa mga braso, binti, o ibáng bahagi, kung kayâ kaunti lámang
ang nanatiling magalíng. Subalit hindi ako nagkasakit, sa biyaya ng Panginoon.
Naglayag kami nang mahigit-kumulang apat na libong liga sa loob ng naturang
50 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

tatlong buwan at dalawampung araw patawid sa kalawakan ng nasabing Dagat


Pasipiko. Ang totoo, napakabanayad nitó, sapagkat hindi kami nakaranas ng
sigwa sa loob ng panahong iyon. Wala kaming nakitang lupain maliban sa
dalawang munting islang disyerto, kung saan wala kaming nadatnan kung hindi
mga ibon at punò, kung kayâ tinawag namin ang mga itong Ysolle Infortunate,
o ang mga Islang Hindi-Pinalad. May pagitan siláng dalawang daang liga. Wala
kaming natagpuang maaaring daungan, [ngunit] may nakitang mga pating
malápit sa mga ito. Matatagpuan ang unang munting isla sa labinlimang digri ng
timog latitud, at ang kabila sa siyam. Araw-araw, sumulong kami ng limampu,
animnapu, o pitumpung liga sa catena o likuran ng barko.13 Kung hindi kami
biniyayaan ng magandang panahon ng Panginoon at ng kaniyang Mahal na Ina,
namatay na kaming lahat sa gutom sa napakalawak na dagat na iyon. Naniniwala
akong tunay na wala nang ganoong paglalakbay ang magagawa[ng muli].

Paglisan namin sa naturang kipot, kung tuloy-tuloy kaming naglayag


pakanluran ay maiiikot na namin ang daigdig nang hindi nakatatagpo ng ibáng
lupain maliban sa tangos ng Labing-isang Libong Birhen. Ang hulí ay isang
tangos ng naturang kipot sa Karagatang Dagat, deretsong silangan at kanluran
kasáma ng Tangos Deseado ng Dagat Pasipiko. Matatagpuan ang parehong
tangos sa latitud na eksaktong limampu’t dalawang digri patúngong Polong
Antarctico.

Hindi sintigib ng bituin ang Polong Antarctico kung ihahambing sa


Arctico. Maraming maliliit na kumpol ng talà ang makikita, na kahawig ng
dalawang ulap ng ulop. Kapiranggot lámang ang pagitan ng mga ito, at bahagya
siláng madilim. Nása gitna nilá ang dalawang napakalaki at hindi ganoong
kaliwanag na mga bituin, na bahagya lámang ang paggalaw. Ang dalawang
bituing iyon ang Polong Antarctico. Kahit gumagalaw ito paroon at parito, laging
nakaturo sa sarili nitóng Polong Arctico ang aming batubalani, ngunit hindi ito
ganoon kalakas kaysa kapag nása sariling panig. Sa dahilang ito, noong naroon
kami sa naturang kalawakan, tinanong ng kapitán-heneral ang lahat ng piloto
kung lagi ba siláng naglalayag pasulong sa landas na nilatag namin sa mga mapa,
at tumugon siláng lahat: “Eksakto sa pagkakalatag sa iyong landas.” Sinagot niya
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 51

siláng nakaturo silá sa malîng direksiyon—na siyáng tunay—at kailangang isaayos


ang karayom ng nabegasyon, sapagkat hindi ito nakatatanggap ng malakas na
puwersa mula sa panig nitó. Noong naroon kami sa gitna ng naturang kalawakan,
may nakita kaming krus ng limang napakaliwanag na mga bituin deretso patúngo
sa kanluran, na eksakto ang pagkakalagay ng mga bituin sa bawat isa.

Sa mga araw na iyon, naglayag kami pakanluran hilagang-kanluran,


hilagang-kanluran sa kanluran, at hilagang-kanluran, hanggang sa maratíng
namin ang linyang equinoctial sa layong isandaan at dalawampu’t dalawang digri
mula sa guhit ng demarkasyon. Tatlumpung digri mula sa meridian ang guhit
ng demarkasyon, at tatlong digri pasilangan mula sa Capo Verde ang meridian.
Hábang nása naturang landas, dumaan kami malápit sa dalawang napakayamang
isla, isa sa dalawampung digri ng latitud ng Polong Antarctico, na may ngalang
Cipangu, at ang kabila ay nása labinlimang digri, na may ngalang Sumbdit Pradit.
Pagkatapos naming lagpasan ang linyang equinoctial naglayag kami pakanluran
hilagang-kanluran, at kanluran sa hilaga, at pagkatapos ay dalawandaang liga
pakanluran, at nagbago ng landas pakanluran sa timog hanggang sa maratíng
namin ang labintatlong digri patúngong Polong Arctico upang maaari kaming
mas makalapit sa lupain ng Tangos ng Gaticara. Hindi matatagpuan ang nasabing
tangos (nang may paumanhin sa mga kosmograpo, sapagkat hindi pa nilá ito
nakikita) kung saan ito kinukuro, at sa bagkus ay nása hilaga ng labindalawang
digri o malápit doon.

Mahigit-kumulang pitumpung liga sa nasabing landas, at matatagpuan


sa labindalawang digri ng latitud at 146 ng longhitud, natuklasan namin sa
araw ng Miyerkoles, 6 Marso, ang isang maliit na isla sa hilagang-kanluran, at
dalawa pang ibá patimog-kanluran, na ang isa ay mas mataas at mas malaki kaysa
kabilâng dalawa. Ninais ng kapitán-heneral na tumigil sa malaking isla upang
kumuha ng sariwang pagkain, ngunit hindi niya ito magawa dahil pinasok ng
mga mamamayan ng naturang isla ang mga barko at nagnakaw ng isang bagay
pagkatapos ng isa kung kayâ hindi namin maipagtanggol ang aming mga sarili.
Agarang ibababa na dapat ng mga tauhan ang mga layag upang makapanaog kami
sa baybay, ngunit napakahusay na ninakaw ng mga katutubo mula sa amin ang
52 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

isang maliit na bangkang nakatali malápit sa dulo ng punòng barko. Sa gálit, agad
na pumunta sa pampang ang kapitán-heneral kasáma ang apatnapung armadong
tauhan na siyáng tumupok ng mahigit-kumulang apatnapu o limampung bahay
kasáma ang maraming bangka at pumatay ng pitóng tao. Nabawi niya ang maliit
na bangka at kaagad kaming umalis na sinusundan ang parehong landas. Bago
kami dumaong, nagmakaawa ang ilan sa aming mga maysakit na dalhin sa kanilá
ang mga lamanloob ng sinumang laláki o babaeng papaslangin namin, nang sa
gayon ay mabilis siláng gagalíng.

Kapag nasusugatan namin ang sinuman sa mga táong iyon gámit ang
aming mga bala ng crossbow, na siyáng lubusang tumatagos sa kaniláng mga lomo
mula sa isang panig palagos sa isa, titingnan nilá ito, hihilahin ang bala sa isang
dulo at pagkatapos ay sa kabilâng dulo, at pagkatapos ay bubunutin ito, nang may
lubos na pagkamangha, at sa ganoon mamamatay. Ganoon din ang ginawa ng
ibáng nasugatan sa dibdib, na siyáng lubhang nagpahabag sa amin. Pagkakita sa
aming paglisan, sinundan kami ng mga táong iyon sakay sa mahigit isandaang
bangka nang mahigit isang liga. Lumapit silá mga barko at pinakikitaan kami
ng mga isda, nagkukunwang ibibigay ang mga ito sa amin; ngunit pagkatapos ay
hinagisan kami ng mga bato at tumakas. At kahit punô ang layag ng mga barko,
napakahusay niláng nakalusot sa pagitan ng mga ito at ng maliliit na bangka, na
nakakabit sa may dulo, sakay sa kaniláng mga maliliit na bangka. Nakita namin
ang ilang babae sa kaniláng mga bangka na humihiyaw at sinasabunutan ang mga
sarili, na sa aking paniwala ay dahil sa pagmamahal sa mga napaslang namin.

Namumuhay ang bawat isa sa mga táong iyon ayon sa kaniláng sariling
kusa, sapagkat wala siláng señor. Hubo’t hubad silá, at may balbas ang ilan at
nakatali ang itim na buhok na umaabot sa baywang. Nagsusuot silá ng maliliit na
kupya na gawa sa dahon ng niyog, tulad ng mga taga-Albania. Sintangkad natin
silá, at maganda ang pangangatawan. Wala siláng sinasamba. Kayumanggi silá,
ngunit isinisilang na puti. Pula at itim ang ngipin nilá, sapagkat maganda iyon
sa paningin nilá. Hubo’t hubad ang mga babae nilá maliban sa isang makitid na
piraso ng balakbak na singnipis ng papel, na siyáng tumutubo sa pagitan ng punò
at ng balakbak ng niyog, sa harap ng maseselan niláng bahagi. Magaganda silá
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 53

at mayumi ang pangangatawan, at mas maputi kaysa mga laláki; at may buhok
na napakaitim, hindi nakatali at umaabot na halos sa lupa. Hindi nagtatrabaho
ang mga babae sa mga bukid kung hindi nananatili sa bahay, naghahabi ng mga
banig, basket, at ibá pang kagamitang kailangan sa kaniláng mga bahay, gawa sa
mga dahon ng niyog. Kumakain silá ng mga buko, kamote, ibon, mga bungang
may habàng isang palad [mga saging], tubó, at lumilipad na isda, bukod sa ibá
pa. Binabasbasan nilá ang katawan at buhok ng langis mula sa niyog at beneseed.
Gawa lahat ng mga bahay nilá sa kahoy na binalutan ng mga tabla at may atip
ng mga dahon ng punòng may bunga [punò ng saging] na may habàng dalawang
dipa; at may mga sahig at bintana. Pinalalamutian ang lahat ng mga silid at kama
ng pinakamagagandang banig gawa sa dahon ng niyog. Natutulog silá sa dayami
ng palma na siyáng napakalambot at pino. Hindi silá gumagamit ng sandata,
maliban sa isang uri ng sibat na may dulo ng buto ng isda. Mahirap ang mga
táong iyon, ngunit ingenious at napakamapangnakaw, kung kayâ tinawag namin
ang tatlong islang iyon bílang mga isla ng Ladroni. Libangan nilá, ng parehong
kalalakihan at kababaihan, ang araruhin ang mga dagat gámit iyong maliliit
niláng bangka. Kahawig ng fucelere ang mga bangkang iyon, ngunit mas makitid,
at itim ang ilan, puti [ang ilan], at pula ang ibá. Sa panig na katapat ng layag,
mayroon siláng malaking piraso ng kahoy na patusok sa itaas, na pinatungan ng
mga poste at nakahiga sa tubig, nang sa gayon ay mas ligtas na makapaglayag ang
mga bangka. Gawa sa mga itinahing dahon ng niyog ang layag at kaanyo ng isang
lateen na layag. Gumagamit silá ng isang uri ng espada na kamukha ng isang
pála ng horno na may piraso ng kahoy sa dulo bílang mga timon. Káya niláng
magpalit ng dulo at ulo sa nais nilá, at kahalintulad ng mga bangkang iyon ang
mga delfin na lumulukso sa tubig sa bawat alon. Inakala ng mga Ladroni, batay
sa mga senyas na ginawa nilá, na wala nang ibáng tao sa daigdig kung hindi silá
lámang.

Bukang-liwayway ng Sabado, ika-labing-anim ng Marso, 1521, sumapit


kami sa isang mataas na lupaing may layong tatlong daang liga mula sa mga isla
ng Ladroni—ang islang may ngalang Zamal [Samar]. Kinabukasan, ninais ng
kapitán-heneral na dumaong sa isa pang islang walang tao at nása kanan ng nasabi
nang isla, upang mas maging ligtas, at makakuha ng tubig at kaunting pahinga.
54 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Nagpatindig siyá sa dalampasigan ng dalawang tolda para sa mga maysakit, at


nagpakatay ng inahing baboy para sa kanilá. Noong hápon ng Lunes, 18 Marso,
nadatnan naming papalapit sa amin ang isang bangkang may lulang siyam na
laláki. Dahil dito, iniutos ng kapitán-heneral na walang maaaring gumalaw o
magsalita nang hindi niya pinahihintulutan. Pagdaong ng mga laláki, kaagad
pinuntahan ng kaniláng pinunò ang kapitán-heneral, at nagpapamalas ng ligaya
sa aming pagdatíng. Nanatili sa amin ang lima sa pinaka-may-gayak sa kanilá,
hábang sinundo ng ibá ang mga kasámang nangingisda, at sa gayon ay dumatíng
siláng lahat. Sapagkat nakita niyang rasonable siláng mga laláki, iniutos ng
kapitán-heneral na paghainan silá ng pagkain, at binigyan niya ng mga pulang
kupya, salamin, suklay, kampana, garing, bocasine, at ibá pang bagay. Nang nakita
nilá ang kagandahang loob ng kapitán-heneral, naghain silá ng isda, isang bangâ
ng alak mula sa punò ng niyog na tinawag niláng uraca [arrack], mga bungang
mas mahabà sa isang palad [saging], at ibá pang mas maliliit at mas maseselan, at
dalawang buko. Wala na siláng ibáng dalá ngunit sumenyas gámit ang kaniláng
mga kamay na magdadalá silá ng umay o kanin, at mga buko at ibá pang uri ng
pagkain sa loob ng apat na araw.

Mga bunga ng punò ng niyog ang buko. Kung paano táyo mayroong
tinapay, alak, mantika, at sukà, ganoon din kinukuha ng mga táong iyon ang lahat
mula sa nasabing punò. Sa ganitong paraan nilá kinukuha ang alak. Bubutasan
nilá ang puso ng nasabing niyog sa tuktok na tinatawag na palmito, kung mula
saan masasalà ang isang inuming katulad ng puting ulop. Matamis ngunit may
tapang ang nasabing inumin, at [iniipon] sa mga túbo [ng kawayan] na singkapal
ng binti at mas makapal. Itinatali nilá ang kawayan sa punò sa gabí para sa umaga,
at sa umaga para sa gabí. Nagbubunga ang niyog ng prutas, na siyáng tinatawag
na buko, na sinlaki ng ulo o kalapit nitó. Lunti ang panlabas nitóng balát at
mas makapal sa dalawang daliri. May mga himaymay na nakapaloob sa nasabing
balát, na siyáng ginagawang tali upang ipangbigkis sa kaniláng mga bangka. May
matigas na talukab sa ilalim ng nasabing balát, mas makapal sa talukab ng walnut,
at siyá namang sinusunog nilá upang gawing pulbos na may silbi para sa kanilá.
Sa ilalim ng nasabing talukab ay may mala-bulalóng laman na singkapal ng isang
daliri, at kinakain niláng hilaw kasabay ng karne at isda tulad ng pagkain natin
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 55

ng tinapay; at kalasa nitó ang almendras. Maaari itong ibilad sa araw at gawing
tinapay. May malinaw, matamis na tubig sa gitna nitóng mala-bulalóng laman
na talagang nakapapawi ng pagod. Kapag pansamantalang iniwan ang naturang
tubig pagkatapos makolekta, namumuo ito at nagiging parang isang mansanas.
Kapag nais gumawa ng mantika ng mga katutubo, kinukuha nilá ang buko, at
hinahayaang mabulok ang mala-bulalóng laman at ang tubig. Pagkatapos ay
pakukuluin nilá ito at magiging mala-mantikilyang mantika. Kapag gusto niláng
gumawa ng sukà, ang tubig lámang ang hinahayaan niláng mabulok, pagkatapos
ay ibinibilad na sa araw, at ang resulta ay sukà na parang [iyong ginawa mula
sa] puting alak. Maaaring gumawa ng gatas mula dito, sapagkat nakagawa kami
ng kaunti. Kinayod namin ang mala-bulalóng laman at sakâ inihalo ang mga
nakudkod sa sarili nitóng tubig na siyáng sinalà namin sa tela, at sa gayon ay
nakakuha ng gatas tulad ng gatas ng kambing. Katulad ang mga punòng iyon ng
mga palma ng datiles, at kahit hindi silá makinis ay di-kasing mabuko tulad ng
hulí. Káyang suportahan ng dalawang punò ang isang pamilya ng sampung katao,
sa pamamagitan ng paggamit ng isang punò sa loob ng isang linggo at ang isa pa
sa susunod na walong araw para sa alak; sapagkat kung hindi nilá ito gagawin,
matutuyo ang mga punò. Tumatagal ang mga ito ng isang siglo.

Lubos naming nakilála ang mga táong iyon. Marami siláng sinabi sa amin,
ang mga pangalan nilá at ng ilan sa mga islang makikita mula sa lugar na iyon.
Zuluan14 ang tawag sa sarili niláng isla at hindi ito kalakihan. Talaga namang
natuwa kami sa kanilá, sapagkat sadya siláng mabuti at madalîng makausap.
Upang higit siláng parangalan, dinalá silá ng kapitán-heneral sa kaniyang barko
at ipinakita sa kanilá ang lahat ng kaniyang kargamento—klabo, kanela, paminta,
luya, nutmeg, mace, ginto, at lahat ng bagay sa barko. Nagpaputok siyá ng ilang
kanyon para sa kanilá, at nagpamalas silá sa puntong iyon ng lubhang pagkatakot,
at sinubukang tumalon mula sa barko. Sumenyas silá sa amin na tumutubò ang
mga nasabing bagay sa lugar na pupuntahan namin. Nang kailangan na niláng
magpahinga, lumisan siláng kayrangal at kaylinis, at nagsabing babalik silá
tulad nang naipangako. Humunu [Homonhon ngayon] ang tawag sa islang
kinalalagyan namin; ngunit dahil natagpuan namin doon ang dalawang bukal ng
pinakamalinaw na tubig, tinawag namin itong Acquada da li buoni Segnialli (“ang
56 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Pinagbubukalan ng Magagandang Pangitain”), sapagkat doon namin nakita ang


mga unang senyales ng ginto sa mga distritong iyon. Natagpuan namin doon ang
maraming puting korales, at malalakíng punòng may prutas na bahagyang mas
maliit sa almendras at katulad ng mga bunga ng punòng pino. Marami ding mga
palma, ang ilan ay maayos at ilan ay bulok. Maraming isla sa distritong iyon, at
kayâ naman tinawag namin ang mga ito bílang kapuluan ni San Lazaro, sapagkat
natuklasan namin ang mga ito sa Linggo ni San Lazaro. Matatagpuan silá sa
sampung digri ng latitud patúngong Polong Arctico, at sa longhitud na isang
daan at animnapu’t isang digri mula sa guhit ng demarkasyon.

Pagsapit ng tanghali ng Biyernes, 22 Marso, bumalik ang mga laláki,


tulad nang kaniláng naipangako, sa dalawang bangkang may mga lulang buko,
matatamis na kahel, isang garapon ng alak ng niyog, at isang tandang, upang
ipakita sa amin na may mga manok sa distritong iyon. Nagpamalas silá ng
matinding sayá sa pagkakakita sa amin. Binili namin ang lahat ng mga bagay
na ito. Pintado [de-tatô] ang kaniláng pinunò. Suot niya ang dalawang hikaw, at
ang ibá ay may gintong pulseras sa braso at bandana sa ulo. Nanatili kami doon
nang isang linggo, at sa panahong iyon, dumadaong ang aming kapitán bawat
araw upang dalawin ang mga maysakit, at bawat umaga ay binibigyan niya silá
mula sa sariling niyang kamay ng katas ng buko, na siyá namang nagdulot sa
kanilá ng malaking ginhawa. May mga táong naninirahan malápit sa islang iyon
na maysuot na mga hikaw na sa laki ay maaaring paglusutan ng kaniláng mga
braso. Ang mga táong iyon ay caphri, ibig sabihin, pagano. Hubo’t hubad silá,
at tinatakpan ang mga ari ng telang hinabi mula sa balát ng punò, maliban sa
ilang pinunò na nagsusuot ng telang bulak na binurdahan ng seda sa mga dulo
gámit ang isang karayom. Silá ay maitim, mataba, at pintado. Binabasbasan nilá
ang mga sarili ng langis ng buko at beneseed, bílang pananggalang sa araw at
hangin. Mayroon siláng napakaitim na buhok na hanggang baywang ang habà,
at gumagamit ng mga punyal, kutsilyo, at sibat na dekorado ng ginto, malalakíng
kalasag, fascine,15 habalina, at mga lambat-pangingisda na katulad ng rizali, at
ang mga bangka nilá ay katulad nang sa atin.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 57

Noong hápon ng Banal na Lunes, ang araw ng ating Mahal na Ina, ika-
dalawampu’t lima ng Marso, hábang nagtataas kami ng angkla, nagtúngo ako
sa gilid ng barko upang mangisda, at pagkaapak sa kahoy papunta ng bodega,
nadulas ako, sapagkat maulan noon, at tumuloy akong mahulog sa dagat kayâ
walang nakakita sa akin. Nang halos lubog na ako, nagkataóng nahagip ng
kaliwang kamay ko ang isa mga tali ng pangunahing layag na nakalawit sa
tubig. Kumapit ako nang mahigpit, at nagsimulang sumigaw nang malakas kayâ
nailigtas ng maliit na bangka. Tunay na naniniwala akong tinulungan ako hindi
ng aking kakayahan kung hindi ng habag ng bukal ng awa [ang Birhen]. Sa araw
ding iyon, hinubog namin ang aming daan patúngong kanluran timog-kanluran
sa pagitan ng apat na isla, ang Cenalo, Hiunanghan, Ibusson, at Abarien.16

Pagka-Huwebes nang umaga, ika-dalawampu’t walo ng Marso, dumaong


kami malápit sa isang isla pagkatapos madatnang may apoy doon noong nakaraang
gabí. May nakita kaming maliit na bangka na tinatawag na boloto [baroto] ng
mga katutubo at may lulang walong kalalakihan na papalapít sa pangunahin
naming barko. Kinausap silá ng isang alipin na pagmamay-ari ng kapitán-heneral,
isang katutubo ng Zamatra [Sumatra] na may dáting pangalan na Taprobana.
Mabilis nilá siyáng naintindihan at lumapit sa barko, nag-aalangang pumasok
ngunit pumuwesto sa di kalayuan. Pagtantong hindi nilá kami pagkakatiwalaan,
hinagisan silá ng kapitán ng pulang kupya at ibá pang bagay na nakatali sa piraso
ng kahoy. Napakalugod niláng tinanggap ang mga ito, at agad na lumisan upang
magbigay-alam sa kaniláng hari. Pagkatapos ng mahigit-kumulang dalawang
oras, nakita naming papalapít ang dalawang balanghai. Malalakí itong bangka
at ganoon tinatawag [ng mga táong iyon]. Punô ang mga ito ng kalalakihan, at
naroon ang kaniláng hari sa mas malaki sa dalawa, nakaupo sa ilalim ng silong
ng mga banig. Nang lumapit ang hari sa pangunahin naming barko, kinausap
siyá ng alipin. Naintindihan siyá ng hari, sapagkat mas maraming alam na wika
ang mga hari kaysa ibáng tao sa mga distritong iyon. Inutusan niya ang ilan sa
kaniyang tauhan na pumasok sa mga barko, ngunit hindi siyá kailanman lumisan
sa kaniyang balanghai, di kalayuan sa barko hanggang bumalik ang mga tauhan
niya; at umalis na siyá pagkabalik na pagkabalik nilá. Lubos na pinarangalan ng
kapitán-heneral ang mga laláking pumasok sa barko, at binigyan niya ng mga
58 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

regalo, kung kayâ’t ninais ng hari, bago siyá lumisan, na bigyan ang kapitán ng
malaking bareta ng ginto at isang basket na punô ng luya. Masiglang nagpasalamat
ang hulí sa hari ngunit hindi tinanggap ang regalo. Pagkahapon, pumasok kami
sa mga barko [at umangkla] karatig ng tiráhan ng hari.

Kinaumagahan, Biyernes Santo, sinugo ng kapitán-heneral ang kaniyang


alipin, na siyáng nagsilbi bílang tagasalin namin, papunta sa baybay sa isang maliit
na bangka upang tanungin ang hari kung mayroon siyáng kahit anong pagkain
upang madalá ang mga ito sa mga barko; at upang sabihin na magagalak silá sa
amin, dahil siyá [at ang mga tauhan niya] ay sumapit sa isla bílang mga kaibigan
at hindi mga kaaway. Dumatíng ang hari kasáma ang anim o walong laláki lulan
ng parehong bangka at pumasok sa barko. Niyakap niya ang kapitán-heneral
na binigyan niya ng tatlong bangang porselana na tinatakipan ng mga dahon
at punô ng bigas, dalawang napakalaking dorado at ibá pang bagay. Binigyan ng
kapitán-heneral ang hari ng kasuotang yari sa pula at dilaw na tela at sa modang
Turko, at isang pinong pulang kupya; at sa ibá (mga tauhan ng hari), ilang
kutsilyo at sa ibá, mga salamin. Pagkatapos ay nagpakalat ang kapitán-heneral ng
kolasyon para sa kanilá, at ipinasabi sa hari sa pamamagitan ng alipin na ninanais
niyang maging casi casi sa kaniya, ibig sabihin, kapatid. Tumugon ng hari na nais
din niyang magkaroon ng ganitong ugnayan sa kapitán-heneral. Pagkatapos ay
pinakitaan siyá ng kapitán-heneral ng mga tela ng ibá’t ibáng kulay, linen, korales
[na palamuti], at ibá pang bagay pangkalakal, at lahat ng artilyeriya, na ang ibá ay
pinaputok niya para sa hari, at na siyáng lubos na nagbigay-tákot sa mga katutubo.

Pagkatapos, pinasuotan ng kapitán-heneral ang isang laláki bílang isang


sundalo, at inilagay sa gitna ng tatlong tauhang armado ng mga espada at punyal
na sinugod ang naunang laláki sa lahat ng bahagi ng katawan. Sa ganitong paraan
naiwang halos hindi makapagsalita ang hari. Sinabi sa kaniya ng kapitán-heneral
sa pamamagitan ng alipin na ang isa sa mga armadong tauhan ay katumbas ng
isandaan sa kaniyang mga tauhan. Pinatotohanan ito ng hari. Sinabi ng kapitán-
heneral na mayroon siyáng dalawandaang laláking armado tulad nitó sa bawat
barko.17 Pinakitáhan niya ang hari ng mga cuirass, espada, at kalasag, at nagpahanda
ng ribyu (seremonya militar) para sa kaniya. Pagkatapos ay dinalá niya ang hari
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 59

sa plataporma ng barko, na siyáng matatagpuan sa taas sa dulo nitó; at ipinahatid


ang kaniyang mapang panlayag at kompas. Sa pamamagitan ng tagasalin, sinabi
niya sa hari kung paano niya natagpuan ang kipot upang makapaglakbay sa lugar
na iyon at kung gaano karaming buwan ang ginugol niya nang walang nakikitang
lupain, at namangha ang hari dito. Panghulí, sinabi niya sa hari na gusto niya,
kung papayag ito, na ipasáma sa hari ang dalawa sa kaniyang mga tauhan upang
maipakita sa kanilá ng hari ang ilan sa mga kagamitan nitó. Sumagot ang hari na
pumapayag siyá, at pumunta ako kasáma ang isa sa mga tauhan.

Pagkadaong, inalay ng hari ang mga kamay niya sa kalangitan at humarap


sa aming dalawa. Ginaya namin ito túngo sa kaniya at ganoon din ang ginawa
ng mga ibá. Hinawakan ako sa kamay ng hari; hinawakan ang kasáma ko ng isa
mga pinunò ng hari: at sa gayon ay dinalá nilá kami sa ilalim ng isang silungang
kawayan, kung saan mayroong balanghai, singhabà ng walumpu sa aking mga
palad, at kahambing ng isang fusta. Umupo kami sa dulo ng naturang balanghai,
walang-tigil na nakikipag-usap gámit ang pagsenyas. Nakapaligid sa amin ang
mga tauhan ng hari, armado ng mga espada, punyal, sibat, at kalasag. Nagpahatid
ang hari ng isang plato ng baboy at isang malaking bangâ na punô ng alak. Sa
bawat subo, tumungga kami ng isang kopa ng alak. Ang anumang nalabing alak
[sa kopa] sa kahit anong sandali ay ibinabalik sa banga, ngunit madalang lámang
itong nangyari. Laging nakatakip ang kopa ng hari at walang ibáng maaaring
uminom mula dito kundi siyá at ako. Bago hawákan ng hari ang kopa upang
uminom, iniaalay niya ang magkahawak na mga kamay sa kalangitan, at sa amin;
at bago siyá tumungga, iniaabot niya ang kamao ng kaliwang kamay sa akin (akala
ko noong una ay umaakma siyáng suntukin ako) at sakâ iinom. Ginawa ko ang
parehas túngo sa hari. Ginagawa niláng lahat ang mga senyas na ito sa isa’t isa
hábang umiinom. Kumain kami nang may mga ganitong seremonyas at ibá pang
tanda ng pagkakaibigan. Kumain ako ng karne noong Biyernes Santo, sapagkat
hindi ko maipagkait sa sarili. Bago sumapit ang oras ng hapunan, inihandog ko
sa hari ang maraming bagay na dinalá ko.

Itinalâ ko ang mga pangalan ng maraming bagay sa kaniláng wika.


Nang makita akong nagsusulát ng hari at ibá pa, at nang sinabi ko sa kanilá ang
60 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

kaniláng mga salita, namangha silá. Ipinahayag ang oras ng hapunan hábang
ginagawa ko ito. Inihatid ang dalawang platong porselana, ang isa ay punô ng
kanin at ang isa ay baboy kasáma ang sarsa nitó. Kumain kaming ginagawa ang
mga nasabing senyas at seremonyas, at pagkatapos nitó ay pumunta kami sa
palasyo ng hari na itinayô na parang isang kamalig at binubungan ng mga dahon
ng niyog. Nakatindig itong mataas mula sa lupa at nakapatong sa malalakíng
haligi ng kahoy, at kailangan itong panhikin gámit ang hagdan. Pinaupo kami ng
hari doon sa isang banig na kawayan, at nakaayos ang mga binti namin tulad sa
isang sastre. Pagkaraan ng kalahating oras, dumatíng ang isang plato ng inihaw
at hiwa-hiwang isda, at luyang kakapitas lámang, at alak. Lumapit sa amin ang
anak ng hari, na siyáng prinsipe; sinabihan siyá ng hari sa sandaling iyon na
umupo malápit sa amin, at tumalima ito. Pagkatapos ay dumatíng ang dalawang
plato (ang isa ay isda at ang sarsa nitó, at ang isa ay kanin), upang makakain
kami kasáma ang prinsipe. Nalasing ang kasáma ko dahil sa naparaming inom at
kain. Para sa liwanag, ginamit nilá ang dagta ng punòng tinatawag na anime na
nakabalot sa dahon ng palma. Sumenyas sa amin ang hari na matutulog na siyá.
Iniwan niya ang prinsipe kasáma namin, at natulog sa banig na kawayan na may
mga unan na gawa sa dahon. Pagsapit ng bukang-liwayway, dumatíng ang hari at
kinuha ang aking kamay, at sa gayon ay pumunta sa kung saan kami naghapunan,
upang magsalo sa minindal, ngunit dumatíng ang bangka upang sunduin kami.
Bago kami lumisan, napakalugod na hinalikan ng hari ang mga kamay namin, at
kami ang sa kaniya. Sumáma sa amin ang isa sa kaniyang mga kapatid, na siyáng
hari ng isa pang isla, at tatlong laláki. Ipinamalagi siyá ng kapitán-heneral upang
kumain kasáma namin, at binigyan niya ito ng maraming bagay.

Mga piraso ng ginto, sinlaki ng mga walnut at itlog, ang matatagpuan sa


pamamagitan ng pagsasalà ng lupa sa isla ng naturang hari na dinalá ko sa mga
barko namin. Yari sa ginto ang lahat ng plato ng naturang hari at ilang bahagi
ng kaniyang bahay, tulad ng sinabi sa amin ng mismong haring iyon. Naaayon
sa kaniláng nakasanayan, punông-punô siyá ng gayak, at siyá ang pinakamaayos
na laláking nakita namin sa mga táong iyon. Napakaitim ng kaniyang buhok at
nakakapit sa kaniyang mga balikat. May pantakip siyáng seda sa ulo, at dalawang
malalakí at gintong hikaw. May suot siyáng telang bulak na may bordang seda at
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 61

dinadamitan siyá mula baywang hanggang tuhod. Nakasabit ang isang punyal sa
kaniyang tagiliran, may kahabàan at gawa lahat sa ginto ang hawakán, at gawa sa
inukit na kahoy ang sisidlan. Mayroon siyáng tatlong tuldok ng ginto sa bawat
ipin, at tíla itinali ng ginto ang lahat ng kaniyang ngipin. Pinabanguhan siyá ng
storax at benzoin. Kayumanggi ang kaniyang kulay at pintado ang buong katawan.
Butuan at Calagan18 ang tawag sa kaniyang isla. Kapag nais ng mga haring iyong
makipagkita sa isa’t isa, pareho siláng mangangaso sa islang iyon kung nasaan
kami. Raia Colambu ang pangalan ng naunang hari, at Raia Siaui ang isa.

Pagkaaga ng Linggo, ikahulí ng Marso at Pasko ng Pagkabuhay, ipinadalá


ng kapitán-heneral ang pari at ilang tauhan upang ihanda ang lugar kung saan
ipagdiriwang ang Misa; kasáma nilá ang tagasalin upang ipaalam sa hari na
dadaong kami hindi upang makisalo sa kaniya kundi upang ipagdiwang ang Misa.
Sa gayon, pinadalhan kami ng hari ng dalawang baboy na kaniyang ipinakatay.
Pagsapit ng oras ng Misa, dumaong kaming may kasámang mahigit-kumulang
limampung katao, walang baluti ngunit armado at suot ang pinakamaayos naming
mga damit. Nagpaputok muna ng anim na piraso bílang tanda ng kapayapaan
bago dumaong ang aming bangka. Dumaong kami; niyakap ng dalawang
hari ang kapitán-heneral, at inilagay siyá sa pagitan niláng dalawa. Nagmartsa
kami sa lugar na inilaan sa Panginoon, na siyáng di kalayuan sa baybáyin. Bago
magsimula ang Misa, binasbasan ng kapitán-heneral ang buong katawan ng
dalawang hari gámit ang tubig musko. Nag-alay kami sa Misa. Pumaharap ang
mga hari upang halikán ang krus ngunit hindi nag-alay. Pagkataas ng katawan
ng ating Panginoon, nanatili siláng nakaluhod at sinamba Siyá na magkahawak
ang sari-sariling kamay. Pagkataas na pagkataas sa katawan ni Kristo, sabay-sabay
ipinutok ng mga barko ang kaniláng mga artilyeriya, sa hudyat ng mga baril mula
sa pampang. Pagkatapos ng Misa, nagkomunyon ang ilan sa mga tauhan namin.

Naghanda ang kapitán-heneral ng paligsahan ng eskrima, na siyáng lubos


na ikinatuwa ng mga hari. Pagkaraan ay nagpahatid siyá ng krus at mga pakò at
isang korona, na siyáng kaagad binigyang-galang ng mga hari. Ipinaalam niya sa
mga hari sa pamamagitan ng tagasalin na ang mga ito ay sagisag na ibinigay sa
kaniya ng emperador, ang kaniyang pinakamataas na pinunò, upang itindig niya
62 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

ang mga simbolong ito kung saan man siyá mapapadpad. [Sinabi niyang] nais
niyang itindig ang mga ito sa lugar na iyon para sa kaniláng pakinabang, upang
kapag dumatíng ang kahit alin sa mga barko namin, mababatid niláng nanggáling
na kami doon sa pamamagitan ng krus na iyon, at wala siláng gagawing hindi
ikatutuwa ng mga katutubo o ikapipinsala ng kaniláng mga pag-aari. Kung
madadakip ang kahit sino sa kaniláng mga tauhan, agad-agad itong palalayain
kapag naipakita ang simbolong iyon. Kinailangang itindig ang krus na iyon sa
rurok ng pinakamataas na bundok, upang pagkakita nitó bawat umaga, maaari
nilá itong sambahin; at kung gagawin nilá ito, hindi silá pipinsalain ng kulog,
kidlat, at bagyo. Masigla siyáng pinasalamatan ng mga hari at [sinabing] kusa
nilá itong gagawin lahat. Ipinatanong din sa kanilá ng kapitán-heneral kung silá
ay Muslim o pagano, o kung ano ang kaniláng pinaniniwalaan. Sumagot silá na
wala siláng ibáng sinasamba kundi ang pag-alay ng kaniláng magkakabuklod
na kamay at kaniláng mukha sa kalangitan; at na tinatawag niláng “Abba” ang
kaniláng panginoon. Ikinalugod ito ng kapitán, at pagkakita nitó, itinaas ng
unang hari ang mga kamay sa kalangitan at sinabing nais niyang maging posible
para sa kaniya na ipamalas sa kapitán ang pagmahahal niya para hulí. Tinanong
ng tagasalin ang hari kung bakit napakakaunti ng maaaring kainin sa lugar
na iyon. Sumagot ang hulí na hindi siyá naninirahan sa lugar na iyon maliban
kung siyá ay nangangaso at kung makikipagkita sa kaniyang kapatid, at sa halip
ay nakatirá sa kabilâng isla kung saan naroon ang lahat ng kaniyang pamilya.
Ipinatanong sa kaniya ng kapitán-heneral kung mayroon siyáng mga kalaban,
nang sa gayon ay maaari siyáng sumáma sa kaniyang mga barko upang lipulin
ang mga ito at gawing masunurin sa kaniya. Nagpasalamat sa kaniya ang hari at
nagsabing mayroon nga siyáng dalawang islang lumalaban sa kaniya, ngunit hindi
iyon ang akmang panahon upang magtúngo doon. Sinabi sa kaniya ng kapitán na
kung papahintulutan ulit siyá ng Panginoon na bumalik sa mga distritong iyon,
magdadalá siyá ng kayraming tauhan upang puwersahin ang mga kalaban ng hari
na mapasailalim sa kaniya. Sinabi niyang maghahapunan na siyá, at na babalik
siyá pagkatapos upang ipatindig ang krus sa tuktok ng bundok. Sumagot ang mga
hari na masaya silá dito, at pagkatapos humilera bílang batalyon at pagkaputok
ng mga baril at pagkayakap ng kapitán sa dalawang hari, lumisan na kami.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 63

Pagkatapos ng hapunan, bumalik kaming nakadamit sa aming mga doublet,


at noong hápong iyon ay sumáma sa dalawang hari sa tuktok ng pinakamataas
na bundok doon. Pagdatíng sa rurok, sinabi sa kanilá ng kapitán-heneral na labis
niyang pinahahalagahang nakapagpapawis para sa kanilá, sapagkat ngayong
naroon ang krus, magkakaroon ito ng malaking pakinabang para sa kanilá.
Pagkatanong sa kanilá kung aling pantalan ang pinakamagandang pagkuhanan
ng pagkain, sumagot silá na mayroong tatlo, ang Ceylon, Zubu, at Calaghann,19
ngunit pinakamalaki ang Zubu at siyáng may pinakamaraming kalakal. Nagkusa
siláng alukin kami ng mga pilotong magsisilbing gabay. Nagpasalamat sa kanilá
ang kapitán-heneral at nagpasiyang pupunta doon, na siyáng itinakda ng
kaniyang malungkot na kapalaran. Pagkatindig ng krus, inulit ng bawat isa sa
amin ang isang Ama Namin at isang Ave Maria, at sumamba sa krus; at tumulad
ang mga hari. Pagkatapos ay bumaba kami sa kaniláng mga nilinang na parang, at
tumúngo sa lugar kung nasaan ang balanghai. Nagpahatid ang mga hari ng ilang
buko upang makapagmeryenda kami. Hiningi ng kapitán sa mga hari ang mga
piloto, sapagkat ninais niyang lumisan kinaumagahan, at [sinabing] tatratuhin
niya ang mga ito na parang ang mga hari mismo, at iiwan niya ang isa sa amin
bílang prenda. Sumagot ang mga hari na maaari niyang utusan ang mga piloto
sa bawat oras niyang nanaisin, ngunit nagbago ang isip ng unang hari noong
gabíng iyon, at pagkaumaga nang lilisan na dapat kami ay nagpadalá ng mensahe
sa kapitán-heneral, nakikiusap kung maaaring makapag-antay ng dalawang
araw hanggang maani na ang kaniyang palay, at ibá pang gawain. Humingi siyá
sa kapitán-heneral na magpadalá ng ilang tauhan upang tulungan siyá, nang
sa gayon ay mas maagang matapos ang gawain; at nagsabing nais niyang siyá
mismo ang magiging piloto namin. Pinadalhan siyá ng kapitán-heneral ng ilang
tauhan, ngunit kayraming nainom at nakain ng mga hari kung kayâ’t tulog silá
buong araw. Ang ibá ay nagpaumanhin na may bahagya siláng karamdaman.
Walang ginawa ang mga tauhan namin sa araw na iyon, ngunit nagtrabaho silá sa
sumunod na dalawang araw.

Nagdalá ang isa sa kanilá sa barko namin ng mangkok na punô ng kanin


pati walo o sampung bungang ibinuklod upang ipagpalit ang mga ito sa isang
kutsilyo na may halagang tatlong catrini20 kung isasagad. Pagkakita na kutsilyo
64 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

lámang ang gusto ng katutubo at wala nang ibá, tinawag siyá ng kapitán upang
tingnan ang ibá pang bagay. Isinilid niya ang kamay niya sa pitaka at ninais na
bigyan ang katutubo ng isang real para sa mga bagay nitó, ngunit tumanggi
ang hulí. Pinakitahan siyá ng kapitán ng isang ducat ngunit ayaw din niya
itong tanggapin sa hulí, sinubukan siyáng bigyan ng kapitán ng isang doppione
na katumbas ng dalawang ducat, ngunit wala siyáng ibáng tatanggapin kundi
kutsilyo; kung kayâ naman pinabigyan na siyá ng kapitán ng isa. Nang dumaong
sa kanilá ang isa sa mga tauhan namin upang kumuha ng tubig, nais siyáng alukin
ng isa sa mga katutubo ng isang tusok-tusok na korona ng malaking ginto, na
sinlaki ng isang colona, para sa anim na kuwintas ng mga salaming butil, ngunit
pinagbawalan siyáng makipagpalit ng kapitán, nang sa gayon ay matuto ang mga
katutubo sa simula’t sapul na pinahahalagahan namin ang aming mga kalakal
kaysa ginto nilá.

Mga pagano ang mga táong iyon, at pintado at hubo’t hubad. May tapis
silá sa mga maseselang bahagi na yarì sa piraso ng telang hinabi mula sa punò.
Napakalakas niláng uminom. Nakadamit ang kaniláng kababaihan ng tela ng
punò mula sa baywang pababa, at itim ang kaniláng buhok na umaabot sa lupa.
Binutasan ang kaniláng mga tainga at punô ng ginto. Lagi siláng ngumunguya
ng prutas na tinatawag niláng areca at kahambing ng peras. Hinihiwa nilá ang
nasabing prutas sa apat na bahagi bago ibalot sa mga dahon ng kaniláng punòng
tinatawag niláng betre [betel]. Kamukha ng mga dahong iyon ang mga dahon ng
moras. Hinahalo nilá ito sa kaunting apog, at kapag lubos na nilá itong nanguya,
idinudura nilá ito. Lubos nitóng pinapupula ang bibig. Ginagamit ito ng lahat ng
tao sa mga bahaging iyon ng mundo, sapagkat lubos itong nagpapalamig ng puso,
at mamamatay silá kapag itinigil nilá itong gamitin. May mga áso, pusa, baboy,
manok, kambing, palay, luya, buko, bunga, kahel, limon, millet, panicum, batad,
pagkit, at halaga ng ginto sa islang iyon. Matatagpuan ito sa latitud na siyam at
dalawang-sangkatlong digri túngo sa Polong Arctico, at sa longhitud na isang
daan at animnapu’t dalawang digri mula sa guhit ng demarkasyon. Dalawampu’t
limang liga ito mula sa Acquada, at ang tawag dito ay Mazaua.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 65

Nanatili kami doon ng pitóng araw, at pagkaraan ay naglayag patúngong


hilagang-kanluran, nadaanan ang limang isla; ang Ceylon, Bohol, Canighan,
Baybai, at Gatighan.21 Sa hulíng isla ng Gatighan, may mga paniking sinlaki ng
agila. Dahil maggagabi na, pinaslang namin ang isa sa mga ito, na kalasa ng manok.
May mga kalapati, tukmol, loro, at mga itim na ibong sinlaki ng domestikadong
manok, at may mahahabàng buntot. Nangingitlog ang mga hulíng-nabanggit
na ibon ng mga itlog na sinlaki ng gansa, at ibinabaón nilá sa lupa, na siyáng
nagbibigay ng labis na init upang pisain ang mga itlog.22 Pagkapanganak ng mga
sisiw, lumalabas silá mula sa mga buhangin. Napakasarap kainin ng mga itlog na ito.
May layong dalawampung liga ang Mazaua patúngong Gatighan. Naglayag kami
pakanluran mula sa Gatighan, ngunit hindi kami masundan [nang malapítan]
ng hari ng Mazaua, kung kayâ naman inantay namin siyá malápit sa tatlong isla;
ang Polo, Ticobon, at Pozon.23 Nang nahabol niya kami, lubos siyáng namangha
sa bilis ng aming paglalayag. Pinaakyat siyá ng kapitán-heneral sa barko kasáma
ang ilan sa kaniyang mga pinunò, na siyáng ikinatuwa nilá. Sa ganitong paraan
kami pumunta sa Zubu mula sa Gatighan, na may layong labinlimang liga mula
sa Zubu.

Tanghali ng Linggo, ikapito ng Abril, pumasok kami sa pantalan ng


Zubu, at dumaan sa maraming nayon kung saan namin nakita ang maraming
bahay na itinayô sa mga troso. Hábang papalapít sa lungsod, inutusan ng kapitán-
heneral ang mga barko na iwagayway ang kaniláng mga bandera. Ibinaba ang
mga layag at iniayos na parang sasabak sa laban, at pinaputok lahat ng artilyeriya,
na siyáng nakapagdulot ng labis na tákot sa mga tao roon. Ipinadalá ng kapitán
ang isa niyang ampong anak na laláki bílang embahador sa hari ng Zubu, kasáma
ang tagasalin. Pagdatíng nilá sa lungsod, nadatnan nilá ang napakalaking madlâ
kasáma ang hari, at lahat silá ay natakot ng mga kanyon. Ipinaalam sa kanilá ng
tagasalin na iyon ang aming nakasanayan kapag pumapasok sa mga ganoong
lugar, bílang tanda ng kapayapaan at pakikipagkaibigan, at na pinaputok namin
ang lahat ng kanyon bílang pagpupugay sa hari ng nayon. Napanatag ang loob ng
hari at ng lahat ng kaniyang tauhan, at tinanong kami ng hari sa pamamagitan ng
kaniyang gobernador kung ano ang kailangan namin. Sumagot ang tagasalin na
ang kaniyang panginoon ay kapitán ng pinakadakilang hari at prinsipe sa buong
66 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

mundo, at na tutuklasin niya ang Maluco; ngunit dumatíng siyá para lámang
dalawin ang hari dahil sa magandang ulat tungkol dito na narinig ng kapitán
mula sa hari ng Mazaua, at upang bumili ng pagkain gámit ang daláng kalakal.
Sinabi ng hari sa kapitán na tanggap siyá sa lugar na iyon, ngunit nakasanayan
niláng pagbayarin ng buwis ang lahat ng barko na pumapasok sa kaniláng mga
pantalan, at na apat na araw pa lámang ang lumipas mula noong nagbayad sa
kaniya ng buwis ang isang junk mula sa Ciama [Siam] na may lulang ginto at
mga alipin. Bílang pagpapatunay sa kaniyang pahayag, itinuro ng hari sa tagasalin
ang isang mangangalakal mula sa Ciama, na siyáng naiwan upang ikalakal ang
ginto at mga alipin. Sinabi ng tagasalin sa hari na dahil ang kaniyang panginoon
ay kapitán ng isang napakadakilang hari, hindi ito nagbabayad ng buwis sa kahit
sinong pinunò sa mundo, at kung gusto ng hari ang kapayaan ay makakamit
niya ang kapayapaan, ngunit kung sa halip ay digmaan—digmaan. Sa sandaling
iyon, sinabi ng mangangalakal na Muslim sa hari, “cata raia chita”; ibig sabihin,
“Pagmasdang mabuti, ginoo. Ang mga táong ito ang siyá ring sumakop sa Calicut,
Malaca, at ang lahat ng India Magiore. Kapag nakatanggap silá ng maayos na
pagtrato, magbibigay din silá nang maayos na pagtrato, ngunit kung tatratuhin
silá nang malupit, malupit at mas masamâ pang pagtrato, tulad ng ginawa nilá sa
Calicut at Malaca.” Naintindihan itong lahat ng tagasalin at sinabi sa hari na ang
hari ng kaniyang panginoon ay mas makapangyarihan sa bílang ng mga tauhan
at mga barko kaysa hari ng Portugal, na siyá ang hari ng España at emperador ng
lahat ng Kristiyano, at kung walang pakialam ang hari sa pakikipagkaibigan sa
kaniya ay magpapadalá siyá sa susunod ng napakaraming tauhan upang wasakin
ito. Ibinahagi itong lahat ng Muslim sa hari, na nagsabing pag-uusapan nilá
ito ng kaniyang mga tauhan at tutugon sa kapitán kinabukasan. Pagkatapos ay
nagpahatid siyá nang maraming meryenda, lahat ay gáling sa karne at nakalagay
sa mga porselanang plato, bukod pa sa maraming banga ng alak. Pagkatapos
makapagminindal ng mga tauhan namin, bumalik silá at sinabi sa amin ang lahat.
Dumaong ang hari ng Mazaua, na siyáng pinakaimpluwensiyal pagkatapos ng
nasabing hari at pinunò ng maraming isla, upang makipag-usap sa haring iyon
tungkol sa lubos na paggalang ng aming kapitán-heneral.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 67

Pagka-Lunes, pumunta ang aming notaryo kasáma ang ilang tagasalin


sa Zubu. Pumunta sa liwasan ang hari, kasáma ang kaniyang mga pinunò, at
pinaupo malápit sa kaniya ang mga tauhan namin. Tinanong niya ang notaryo
kung mayroon bang mahigit sa isang kapitán sa aming pangkat, at kung nais ba
ng kapitán na magbayad siyá ng buwis sa emperador na panginoon nitó. Sumagot
sa negatibo ang notaryo, at sinabing nais lámang ng kapitán na makipagkalakal
sa kaniya at wala nang ibá. Sinabi ng hari na masaya siyá dito, at na kung nais
ng kapitán na makipagkaibigan sa kaniya, kailangan nitóng magpadalá sa
kaniya ng isang patak ng dugo mula sa kanang braso, at tutularan din niya ito
[para sa kapitán] bílang tanda ng pinakasinserong pakikipagkaibigan. Sumagot
ang notaryo na gagawin ito ng kapitán. Sa sandaling ito, sinabi sa kaniya ng
hari na lahat ng kapitán na dumaratíng sa lugar na iyon ay nakasanayan nang
maghandog ng regalo sa isa’t isa, at tinanong niya kung siyá ba o ang aming
kapitán ang mauuna. Sinabi ng tagasalin na dahil nais ng hari na ipagpatuloy ang
nakasanayan, siyá dapat ang mauna, na kaniya namang ginawa.

Umaga ng Martes, pumunta sa mga barko ang hari ng Mazaua kasáma


ang Muslim. Sumaludo siyá sa kapitán-heneral sa ngalan ng hari [ng Zubu], at
sinabing nagtitipon ang hari ng Zubu ng pinakamaraming pagkain na kakayanin
upang ibigay sa amin, at na ipadadalá niya ang isa sa kaniyang mga pamangking
laláki at dalawa sa kaniyang mga pangunahing tauhan pagkatapos ng hapunan
upang makipag-ayos ng kapayapaan. Pinaarmahan ng kapitán-heneral ang isa sa
kaniyang mga tauhan ng sarili niyang mga armas, at pinasabi sa Muslim na lahat
kami ay lumalaban sa ganitong paraan. Lubos na natakot ang Muslim, ngunit
sinabihan siyá ng kapitán na wala siyáng dapat ipangamba dahil malambot
ang mga armas namin sa mga kaibigan at malupit sa aming mga kalaban; at
kung paano pinupunasan ng panyo ang pawis ay ganoon ding pinababagsak at
winawasak ng mga armas namin ang lahat ng kalaban namin, at iyong nagpopoot
sa aming pananampalataya. Ginawa iyon ng kapitán upang sabihin ito sa hari ng
Muslim, na tíla mas matalino kaysa ibá.
68 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Pagkatapos ng hapunan, pumunta sa mga barko ang pamangkin ng hari,


na siyáng prinsipe, kasáma ang hari ng Mazaua, ang Muslim, ang gobernador, at
punòng pulis, at walong pinunò, upang makipag-ayos ng kapayapaan sa amin.
Nakaupo ang kapitán-heneral sa pulang pelus na silya, ang mga pangunahing
tauhan sa mga balát na silya, at ang ibá sa mga banig sa sahig. Tinanong silá
ng kapitán-heneral sa pamamagitan ng tagasalin kung nakasanayan ba niláng
magsalita nang lihim o lantad, at kung may kapangyarihan ba ang prinsipe na
makipag-ayos ng kapayapaan. Sumagot siláng nagsasalita silá nang lantad, at na
binigyan silá ng kapangyarihan upang makipag-ayos ng kapayapaan. Nagsabi
ang kapitán-heneral nang maraming bagay tungkol sa kapayapaan, at na
nagdasal siyá sa Panginoon na pagtibayin ito sa langit. Sinabi niláng hindi pa
silá nakaririnig ng sinuman na nakapagsambit ng mga ganitong salita, ngunit
labis siláng natutuwang marinig ang mga ito. Pagkakitang kusa siláng nakikinig
at sumasagot, nagsimulang magsulong ang kapitán ng mga katwiran upang
himukin siláng tanggapin ang pananampalataya. Pagtanong niya kung sino ang
aakyat sa puwesto pagkatapos ng kamatayan ng hari, sinagot siyáng walang mga
anak na laláki ang hari kundi puro babae, at ang pinakamatanda sa mga ito ang
asawa ng naturang pamangkin, kung kayâ siyá ang prinsipe. [Sinabi niláng]
kapag tumatanda ang mga ama at ina, wala na siláng tinatanggap na dagdag na
karangalan, ngunit napapasailalim na sa kaniláng mga anak.

Sinabihan silá ng kapitán na ginawa ng Panginoon ang kalangitan,


lupa, dagat, at lahat ng ibá pa, at na inutusan Niya táyong magbigay-galang sa
ating mga ama at ina, at kung sino man ang sumalungat dito ay isinusumpa sa
eternal na apoy; na lahat táyo ay nanggáling kina Adan at Eba, ang una nating
mga magulang; na mayroon táyong inmortal na kaluluwa; at marami pang
bagay tungkol sa pananampalataya. Lahat silá ay masayang pinakiusapan ang
kapitán na mag-iwan ng dalawang tauhan, o kahit isa lámang, upang turuan silá
sa pananampalataya, at [sinabing] bibigyan nilá silá ng malaking karangalan.
Sinagot silá ng kapitán na hindi siyá maaaring mag-iwan ng tauhan sa panahong
iyon, ngunit kung nais niláng maging mga Kristiyano, bibinyagan silá ng aming
pari, at sa susunod na pagkakataon ay magdadalá siyá ng mga pari at prayle na
magtuturo sa kanilá ng pananampalataya namin. Sumagot silá na kakausapin
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 69

muna nilá ang kaniláng hari, at pagkatapos nitó ay magiging Kristiyano siláng
lahat, [at dito ay] tumangis kaming lahat sa matinding saya. Sinabi sa kanilá
ng kapitán-heneral na hindi dapat silá maging Kristiyano dahil sa pangamba o
upang paligayahin kami, ngunit dahil sa sarili niláng pagkukusa; at na hindi siyá
gagawa ng hakbang na ikasasamâ ng loob ng ninumang nagnanais na mabuhay
ayon sa sarili niláng batas, ngunit na mas mainam ang pagkilala at pagtrato sa
mga Kristiyano kaysa ibá. Lahat silá ay sumigaw sa iisang tinig na hindi silá
magiging Kristiyano dahil sa pangamba o upang paligayahin kami, ngunit dahil
sa sarili niláng pagkukusa. Pagkatapos ay sinabihan silá ng kapitán na kung
magiging Kristiyano silá, sapagkat iyon ang utos sa kaniya ng kaniyang hari; na
hindi siyá maaaring makipagtalik sa kaniláng kababaihan nang hindi nagkakasala
nang malaki, sapagkat silá [ang kababaihan] ay nanatiling mga pagano; at tiniyak
ng kapitán sa kanilá na kung magiging Kristiyano silá, hindi na silá kailanman
dadalawin ng demonyo maliban sa hulíng sandali sa kaniláng kamatayan. Sinabi
niláng hindi nilá matugunan ang magagandang salita ng kapitán, ngunit na
inilalagay nilá ang kaniláng mga sarili sa kaniyang kamay, at na dapat niya siláng
ituring bílang kaniyang pinakamatatapat na tagapaglingkod. Niyakap silá ng
kapitán na umiiyak, at hábang hinahawakan ang isa sa mga kamay ng prinsipe at
isa sa mga kamay ng hari sa pagitan ng sarili niyang mga kamay, sinabi sa kanilá
na sa ngalan ng kaniyang pananampalataya sa Panginoon at sa kaniyang pinunò,
ang emperador, at sa ngalan ng abito na kaniyang suot, ipinapangako niya sa
kanilá na gagawaran niya silá ng panghabambuhay na kapayapaan sa hari ng
España. Tumugon silá ng katumbas na pangako.

Pagkatapos maayos ang kapayapaan, nagpahanda ang kapitán ng meryenda


para sa kanilá. Pagkatapos ay naghandog sa kapitán-heneral ang prinsipe at hari
[ng Mazaua] ng ilang basket ng kanin, baboy, kambing, at manok sa ngalan ng
kaniláng hari, at humingi ng paumanhin mula sa kapitán, sapagkat ang mga
bagay na iyon ay maliit lámang [upang ibigay] sa tulad niya. Binigyan ng kapitán
ang prinsipe ng puting tela ng pinakapinong linen, isang pulang kupya, ilang
kuwintas ng mga salaming butil, at isang dinuradong kopang pang-inom na gawa
sa salamin. Lubos na pinahahalagahan ang mga salaming iyon sa mga distritong
iyon. Hindi na siyá nagbigay ng regalo sa hari ng Mazaua, sapagkat nabigyan
70 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

niya na ito ng balabal na Cambaya at ibá pang gamit. Ang ibá ay binigyan niya
ng isang bagay at isa pang bagay. Pagkatapos ay nagpadalá siyá sa hari ng Zubu,
sa pamamagitan ko at ng isa pa, ng pula at lilang balabal na gawa sa seda at sa
estilong Turko, isang magandang pulang kupya, ilang kuwintas ng mga salaming
butil, lahat sa isang platong pilak, at dalawang dinuradong kopang pang-inom sa
aming mga kamay.

Pagdatíng namin sa lungsod, natagpuan namin ang hari sa kaniyang


palasyo at pinalilibutan ng maraming tao. Nakaupo siyá sa banig na niyog sa sahig,
at mayroon lámang telang bulak na pantakip sa kaniyang maseselang bahagi at
isang bandanang binurdahan ng karayom sa kaniyang ulo, isang napakamahal na
kuwintas na nakasabit sa kaniyang leeg, at dalawang malalakí at gintong hikaw na
pinalamutian ng mamahaling bato. Mataba siyá at maliit, at pintado ng apoy sa
ibá’t ibáng disenyo. Mula sa isa pang banig sa sahig, kumakain siyá ng mga itlog
ng pagong na nakalagay sa dalawang platong porselana, at sa kaniyang harapán
ay mayroon siyáng apat na garapong punô ng alak ng niyog na tinatakpan ng
mababangong yerba at nakaayos na may apat na maliliit na tambo sa bawat
garapon na siyáng ipinapang-inom niya. Pagkatapos magbigay ng nararapat na
paggalang, ipinaalam ng tagasalin sa hari na malugod siyáng pinasasalamatan
ng kaniyang panginoon para sa handog nitó, at na ipinapadalá niya itong regalo
hindi bílang pantumbas sa handog nitó kundi para sa tunay na pagmamahal na
mayroon siyá para dito. Isinuot namin sa kaniya ang balabal, ipinatong ang kupya
sa kaniyang ulo, at ibinigay sa kaniya ang ibá pang bagay; at, pagkatapos halikán
ang mga butil at ipinatong ang mga ito sa kaniyang ulo, inihandog ko ang mga
ito sa kaniya. Tinanggap niya ang mga ito pagkatapos gawin ang pareho [ibig
sabihin, halikán ang mga ito]. Pagkatapos ay pinakain niya sa amin ang ilan sa
mga naturang itlog at pinainom sa maninipis na tambong iyon. Sinabi sa kaniya
ng ibá, na mga tauhan niya, sa lugar na iyon ang mga salita ng kapitán ukol
sa kapayapaan at ang panghihikayat nitó sa kaniláng maging Kristiyano. Nais
ng haring maghapunan kami kasáma niya, ngunit sinabi naming hindi kami
maaaring magtagal noon. Pagkatapos naming makapagpaalam sa kaniya, dinalá
kami ng prinsipe sa kaniyang bahay, kung saan apat na dalaga ang tumutugtog [ng
instrumento]—ang isa, sa dram tulad ng ginagawa natin, ngunit nakapatong sa
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 71

sahig; ang pangalawa ay salit-salítang pinapalò ang dalawang nakasabit na gong


gámit ang isang patpat na binalutan sa dulo ng makapal-kapal na tela ng niyog;
ang pangatlo, isang malaking gong sa katulad na paraan; at ang hulí, dalawang
maliliit na gong sa kaniyang kamay, na ibinabangga sa isa’t isa kayâ nagbibigay
ng matamis na tunog. Tumugtog siláng may tunay na pagkakaisa na maniniwala
kang mayroon siláng mahusay na pandamang musikal. Napakaganda ng mga
dalagang iyon at halos simputi at sinlaki ng ating mga dalaga. Hubo’t hubad silá
maliban sa isang tela ng punò na nakasabit mula sa baywang at umaabot sa tuhod.
Ang ibá ay sadyang hubo’t hubad at may malalakíng bútas sa kaniláng mga tainga
na sinuotan ng mumunting bilóg na piraso ng kahoy, na siyáng nagpapanatili
sa bútas na bilóg at malaki. Mayroon siláng mahahabàng itim na buhok, at
nagsusuot ng maigsing tela sa kaniláng ulo, at laging nakayapak. Pinasayaw ng
prinsipe para sa amin ang tatlong sadyang hubo’t hubad na dalaga. Nagminindal
kami bago bumalik sa mga barko. Gawa sa tansong dilaw ang mga naturang gong
at ginagawa sa mga rehiyon sa paligid ng Signio Magno na tinatawag na Tsina.
Ginagamit ang mga ito sa mga nasabing rehiyon kung paano natin ginagamit
ang mga kampana at tinatawag niláng “agong.”

Pagkaumaga ng Miyerkoles, sapagkat namatay ang isa sa mga tauhan


namin noong nakaraang gabí, pinuntahan namin ng tagasalin ang hari upang
tanungin kung saan kami maaaring maglibing. Natagpuan namin ang hari na
pinalilibutan nang maraming tauhan, at tinanong ko siyá pagkatapos magbigay
ng nararapat na paggalang. Tumugon siyáng, “Kung ako at ang mga kampon ko
ay nása ilalim ng inyong pinunò, paano pa ang lupain.” Ipinaalam ko sa hari na
nais naming gawing banal ang lupa at magtanim ng krus doon. Tumugon siyáng
masaya siyá dito at nais niyang sambahin ang krus tulad namin. Inilibing ang
namatay sa liwasan sa pinakamarangyang paraang posible, upang magpakita ng
magandang halimbawa. Pagkatapos ay binasbasan namin ang lugar at naglibing
ng isa pang tauhan kinagabihan. Nagdalá kami ng mga kalakal sa aming pagdaong
at itinago sa isang bahay. Iningatan ito ng hari pati na rin ang apat na tauhang
naiwan upang ikalakal nang maramihan ang mga bagay. Namumuhay sang-ayon
sa katarungan ang mga táong iyon, at mayroong mga pantimbang at panukat. Ibig
nilá ang payapa, luwag, at tahimik. Mayroon siláng mga kahoy na pantimbang,
72 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

at ang bareta nitó ay mayroong tali sa gitna kung saan ito hinahawakan. Sa isang
dulo ay isang piraso ng tinggâ, at sa isa ay mga marka ng sangkapat na pound,
sangkatlong pound, at isang pound. Kapag gusto niláng magtimbang, kinukuha
nilá ang mga eskala na may tatlong alambre tulad nang sa atin, at inilalagay sa
taas ng mga marka, at sa gayon ay nakapagtitimbang nang eksakto. Mayroon
siláng malalakíng panukat na walang ilalim. Naglalaro ang kabataan sa mga
túbong gawa tulad nang sa atin at tinatawag niláng subin. Gawa sa kahoy ang
kaniláng mga bahay at binubuo ng mga tabla at kawayan, at mataas mula sa lupa
ang pagkakapatong sa malalakíng troso, at kailangang gumamit ng hagdanan ang
sinumang nais pumasok. Mayroon siláng mga silid na katulad sa atin; at itinatago
nilá sa ilalim ng bahay ang kaniláng mga baboy, kambing, at manok. Matatagpuan
doon ang malalakíng susóng pandagat, maganda sa paningin at pumapatay ng
mga balyena; sapagkat kapag nilulon siláng buháy ng balyena, at nása loob na silá
ng katawan nitó, lumalabas silá sa kaniláng mga kabibi at kinakain ang puso ng
balyena. Pagkatapos ay matatagpuan silá ng mga táong iyon na buháy malápit sa
puso ng patay na balyena. Mayroong ngipin, itim na balát, puting kabibi, at laman
na masarap kainin ang mga hayop na ito at tinatawag na laghan.24

Pagka-Biyernes, pinakita namin sa mga táong iyon ang tindahan na punô


ng aming kalakal, at labis siláng nagulat dito. Para sa mga metal, bakal, at ibá
pang malalakíng kalakal, binigyan nilá kami ng ginto. Para sa ibáng mas maliliit
na bagay, binigyan nilá kami ng bigas, baboy, kambing, at ibá pang pagkain.
Binigyan kami ng mga táong iyon ng 10 piraso ng ginto para sa 14 pound ng
bakal (ang isang piraso ay katumbas ng mahigit-kumulang isa’t kalahating ducat).
Hindi nais ng kapitán-heneral na kumuha kami ng masyadong maraming ginto,
sapagkat may mga mandaragat na isusuko ang lahat ng mayroon silá para sa
katiting na ginto, at ikasisira ng kalakaran hábang panahon. Pagsapit ng Sabado,
dahil ipinangako ng hari sa kapitán na magiging Kristiyano siyá sa Linggo,
isang plataporma ang itinayô sa binasbasang liwasan, na siyáng pinalamutian ng
mga nakasabit at mga sanga ng niyog para sa kaniyang binyag. Nagpadalá ang
kapitán-heneral ng mga tauhan upang sabihan ang hari na huwag matakot sa
mga kanyong puputok sa umaga, sapagkat tradisyon naming paputukin silá sa
mga dakila naming pagdiriwang nang hindi silá kinakargahan ng bato.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 73

Noong umaga ng Linggo, ikalabing-apat ng Abril, dumaong kaming


apatnapung laláki, na ang dalawa sa amin ay kompleto sa armas at nanguna sa
bandera real. Pinaputok lahat ng artilyeriya pagkaratíng namin sa lupa. Sinundan
kami ng mga táong iyon paroon at parito. Nagyakap ang kapitán at ang hari.
Sinabi ng kapitán sa hari na hindi dinadalá sa dalampasigan ang bandera real
maliban na lámang kung kasáma ang limampung tauhan na sing-armado nitóng
dalawa, at kasáma ang limampung mosketero; ngunit napakalaki ng pagmamahal
niya sa hari kung kayâ dinalá niya ang bandera. Pagkatapos ay lumapit na kaming
masaya sa plataporma. Umupo ang kapitán at ang hari sa mga silya ng pula at lilang
pelus, ang mga pinunò sa mga unan, at ang ibá sa mga banig. Sinabi ng kapitán
sa hari sa pamamagitan ng tagasalin na nagpapasalamat siyá sa Panginoon sa
pagbibigay-inspirasyon sa kaniya upang maging Kristiyano; at na [ngayon] mas
madalî niyang nasasakop ang mga kalaban kaysa dati. Tumugon ang hari na nais
niyang maging Kristiyano, ngunit ayaw sumunod ng ilan sa kaniyang mga pinunò,
dahil sabi nilá ay simbuti siláng tao tulad niya. Pagkatapos, ipinatawag ng kapitán
ang lahat ng pinunò ng hari, at sinabihan siláng kung hindi nilá susundin ang hari
bílang kaniláng hari, ipapapatay niya silá, at ibibigay ang kaniláng mga pag-aari
sa hari. Tumugon siláng tatalima silá sa kaniya. Sinabihan ng kapitán ang hari
na pupunta siyá ng España, ngunit babalik siyáng muli kasáma ang kayraming
puwersa upang iluklok siyáng pinakadakilang hari ng mga rehiyong iyon, sapagkat
siyá ang kauna-unahang nagpamalas ng determinasyong maging isang Kristiyano.
Itinaas ng hari ang mga kamay niya sa kalangitan at nagpasalamat sa kapitán, at
ipinakiusap na payagang manatili ang ilan sa mga tauhan nitó [sa kaniya], upang
mas maging maalam siyá at ang kaniyang mga mamamayan sa pananampalataya.
Sumagot ang kapitán na mag-iiwan siyá ng dalawang tauhan upang masiyahan
ang hari, ngunit nais niyang dalhin ang dalawa sa mga anak ng mga pinunò,
upang matuto silá ng aming wika, na pagkatapos sa kaniláng pagbalik ay masasabi
sa ibáng tao ang mga kamangha-manghang bagay sa España. Isang malaking
krus ang itinindig sa gitna ng liwasan. Sinabihan silá ng kapitán na kung nais
niláng maging Kristiyano tulad ng kaniláng ipinahayag noong mga nakaraang
araw, dapat niláng sunugin ang lahat ng kaniláng mga idolo at magtayô ng krus
sa kinatitirikan nilá. Dapat niláng sambahin ang naturang krus bawat araw na
magkahawak ang mga kamay, at bawat umaga ayon sa kaniláng nakasanayan,
74 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

dapat siláng mag-antanda (na siyáng ipinakita sa kanilá ng kapitán kung paano
gawin); at dapat siláng dumatíng bawat oras, kahit sa umaga lámang, sa naturang
krus, at sambahin itong nakaluhod. Dapat niláng pagtibayin ng magagandang
gawain ang intensiyong ipinahayag nilá. Nais itong pagtibayin nang lubos ng hari
at ng lahat ng ibá. Sinabi ng kapitán-heneral na buo siyáng nakadamit ng puti
upang ipamalas ang sinsero niyang pagmamahal para sa kanilá. Sumagot siláng
hindi silá makatugon sa matatamis niyang salita. Hawak-kamay na dinalá ng
kapitán ang hari sa plataporma hábang sinasambit itong mga mabubuting salita
upang binyagan siyá. Sinabi niya sa hari na tatawagin niya siyáng Don Carlo,
pagkatapos sa kaniyang pinunò ang emperador; ang prinsipe, Don Fernando,
pagkatapos sa kapatid ng emperador; ang hari ng Mazaua, Johanni; ang isang
pinunò, Fernando, pagkatapos sa pinunò namin, ibig sabihin, ang kapitán; ang
Muslim, Christoforo; at sumunod ang ibá, ngayon isang pangalan, pagkatapos
ay isa pa. Limandaang tao ang bininyagan bago ang Misa. Pagkatapos ng Misa,
inanyayahang maghapunan ng kapitán ang hari at ilan sa ibáng pinunò, ngunit
tumanggi silá, at sa halip ay sinamahan kami sa pampang. Pinaputok ng mga
barko ang lahat ng kanyon; at pagkatapos magyakapan, nagpaalam sa isa’t isa ang
hari, mga pinunò, at ang kapitán.

Pagkatapos ng hapunan, dumaong ang pari at ibá pa upang binyagan ang


reyna, na dumatíng kasáma ang apatnapung kababaihan. Dinalá namin siyá sa
plataporma, at pinaupo siyá sa isang unan, at ang ibáng babae malápit sa kaniya,
hanggang maging handa ang pari. Ipinakita ko sa kaniya ang imahen ng Birhen,
isang napakagandang kahoy na batàng Hesus, at isang krus. Dito, nanaig sa
kaniya ang paghingi ng kapatawaran, at humingi ng binyag sa gitna ng kaniyang
mga luha. Pinangalanan namin siyáng Johanna, pagkatapos ng ina ng emperador;
ang anak niya, ang asawa ng prinsipe, Catherina; ang reyna ng Mazaua, Lisabeta;
at ang ibá, may kani-kaniyang [natatanging] pangalan. Kabílang ang kalalakihan,
kababaihan, at kabataan, bininyagan namin ang walong daang kaluluwa. Batà
at maganda ang reyna, at natatakpang buo ng ng puti at itim na tela. Pulang-
pula ang kaniyang bibig at mga kuko, at nakasuot siyá ng malaking kupya ng
mga dahon ng niyog sa kaniyang ulo katulad ng tiara ng Santo Papa; at hindi
siyá pumupunta kahit saan nang wala iyon. Pinakiusapan niya kaming ibigay
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 75

sa kaniya ang munting batàng Hesus upang ihalili sa kaniyang mga idolo; at
pagkatapos ay lumisan siyá. Pagkahapon, dumatíng sa dalampasigan ang hari at
ang reyna kasáma ang maraming tao. Sa sandaling ito, pinaputok ng kapitán ang
maraming malalakíng kanyon, na siyáng labis na nagpasaya sa kanilá. Tinawag
ng kapitán at hari ang isa’t isa biláng magkapatid. Raia Humabon ang pangalan
ng haring iyon. Bago matapos ang linggong iyon, nabinyagan na lahat ng tao
sa islang iyon, pati ang mga nagmula sa ibáng isla. Sinunog namin ang isang
pamayanan sa karatig na isla, sapagkat tumanggi itong tumalima sa hari o sa
amin. Itinayô namin ang krus doon dahil mga pagano ang mga tao doon. Kung
mga Muslim silá, magtitirik kami ng haligi doon bílang sagisag na mas nahirapan
kami, sapagkat mas mahirap ipagbalik-loob ang mga Muslim kaysa mga pagano.

Dumadaong araw-araw ang kapitán-heneral noong panahong iyon


upang makinig ng Misa, at nagbahagi sa hari nang mas maraming bagay tungkol
sa pananampalataya. Isang araw, dumatíng upang makinig ng Misa ang reyna
nang may malaking karangyaan. Tatlong dalaga ang nauna sa kaniya at may
tatlong kupya sa kaniláng mga kamay. Nakadamit siyá ng itim at puti at may
malaking sedang bandera, may kurus-kurus na gintong guhit sa kaniyang ulo, na
nakatakip sa kaniyang mga balikat; at nakasuot siyá ng kupya. Kasáma niya ang
maraming babae at hubo’t hubad at nakayapak siláng lahat, maliban sa maliit
na tela ng punò ng niyog na tumatakip sa kaniláng maseselang bahagi, at isang
maliit na bandera sa ulo, at nakalugay ang buong buhok. Pagkatapos magbigay ng
nararapat na paggalang sa altar, umupo ang reyna sa unan na binurdahan ng seda.
Bago magsimula ang Misa, winiwisikan siyá at ibá pang babae ng kapitán ng
musk ng tubig-rosas, sapagkat labis siláng naliligayahan sa mga ganoong pabango.
Dahil alam niyang sadyang natutuwa ang reyna sa batàng Hesus, ibinigay ito sa
kaniya ng kapitán, at sinabing ito ang itago sa halip na ang kaniyang mga idolo,
sapagkat alaala ito ng anak ng Panginoon. Tinanggap niya itong may malugod
na pasasalamat.

Bago ang Misa isang araw, pinapunta ng kapitán-heneral ang hari na


suot ang kaniyang sedang balabal, at ang mga pangunahing tao sa lungsod, [na
siyáng] ang kapatid ng hari at tatay ng prinsipe, na may ngalang Bendara; ang
76 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

isa sa mga kapatid ng hari, si Cadaio; at ilan pang tinatawag na Simiut, Sibuaia,
Sisacai, Maghalibe, at marami pang ibáng hindi ko na pangangalanan upang
hindi maging nakapapagod. Pinasumpa siláng lahat ng kapitán na maging
masunurin sa kaniláng hari, at hinalikan nilá ang kamay ng hulí. Pagkatapos ay
pinapahayag ng kapitán ang hari na lagi siyáng magiging masunurin at matapat
sa hari ng España, at sumumpa naman ang hari. Sa sandaling iyon, binunot ng
kapitan ang kaniyang espada sa harap ng imahen ng Birhen, at sinabi sa hari na
kapag sumumpa ang isang tao, dapat niyang piliing mamatay kaysa baliin ang
sumpa; kayâ nanumpa siyá sa imaheng iyon, sa búhay ng emperador ang kaniyang
pinunò, at sa kaniyang abito na lagi siyáng magiging matapat. Pagkatapos nitó,
binigyan ng kapitán ang hari ng isang silya ng pulang pelus, at sinabing kahit saan
siyá magpunta, lagi dapat itong buhatin bago sa kaniya ng isa sa pinakamalapit
na kaanak; at ipinakita ng kapitán kung paano dapat ito buhatin. Tumugon ang
hari na kusa niya itong gagawin dahil sa kaniyang pagmamahal para sa kaniya, at
sinabi sa kapitán na gumagawa siyá ng hiyas upang ibigay sa kaniya; ang mga ito
ay dalawang malalaking hikaw na ginto, dalawang pulseras sa braso, sa taas ng siko,
at dalawa pang ibáng singsing para sa paa sa taas ng bukong-bukong, at ibá pang
mamahaling bato para palamutian ang mga tenga. Iyon ang pinakamagagandang
palamuti na maaaring isuot ng mga hari ng mga distritong iyon. Lagi siláng
nakayapak, at nakasuot ng telang damit na nakasabit mula sa baywang hanggang
sa tuhod.

Isang araw, tinanong ng kapitán-heneral ang hari at ibá pang tao kung
bakit hindi pa nilá sinusunog ang kaniláng mga idolo samantalang nangako
siláng gagawin ito noong naging Kristiyano silá; at kung bakit silá nag-aalay
ng kayraming karne sa kanilá. Sumagot siláng ginagawa nilá ito hindi para sa
kanilá kundi para sa isang laláking maysakit na hindi na nakapagsasalita nitóng
hulíng apat na araw, upang gawaran siyá ng magandang kalusugan ng mga idolo.
Kapatid siyá ng prinsipe, at ang pinakamatapang at pinakamadunong na tao sa
isla. Sinabihan silá ng kapitán na sunugin ang mga idolo nilá at na maniwala kay
Kristo, at kapag nabinyagan ang laláking maysakit, mabilis siyáng gagalíng; at
kung hindi iyon mangyari, maaari nilá siyáng [ang kapitán] pugutan sa mismong
sandaling iyon. Kaagad sumagot ang hari na gagawin niya ito, sapagkat tunay
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 77

siyáng naniniwala kay Kristo. Gumawa kami ng prusisyon mula sa liwasan


hanggang sa bahay ng laláking maysakit nang may pinakamalaking rangyang
posible. Doon, natagpuan namin siyá sa kalagayang hindi na makapagsalita o
makagalaw. Bininyagan namin siyá at ang dalawa niyang asawa, at sampung
dalaga. Pagkatapos, tinanong siyá ng kapitán kung kamusta ang pakiramdam
niya. Kaagad siyáng nagsalita at sinabing sa biyaya ng Panginoon ay napakaganda
ng pakiramdam niya. Iyon ang pinakahayag na himala[ng nangyari] sa aming
panahong iyon. Nang narinig siyáng nagsalita ng kapitán, marubdob siyáng
nagpasalamat sa Panginoon. Pagkatapos, pinainom niya ng kaunting gatas ng
almendras ang laláking maysakit, na bago pa man ay napahanda na niya para sa
kaniya. Pagkatapos, pinadalhan niya siyá ng kutson, pares ng kumot, kubrekama
ng telang dilaw, at unan. Hanggang mabawi niya ang kalusugan, araw-araw
siyáng pinadalhan ng kapitán ng gatas ng almendras, tubig-rosas, langis ng rosas,
at matatamis na preserba. Bago matapos ang limang araw, nagsimulang maglakad
ang laláking maysakit. Sa harap ng hari at lahat ng tao, pinasunog niya ang isang
idolo na ikinubli ng ilang matatandang babae. Pinawasak niya ang maraming
dambana sa baybáyin, kung saan kinain ang binasbasang karne. Ang mga tao
mismo ang sumigaw ng “Castiglia! Castiglia!” at nagwasak sa mga dambanang
iyon. Sinabi niláng kung pahihiramin silá ng Panginoon ng búhay, susunugin nilá
lahat ng idolong makikita nilá, kahit pa nása loob ang mga ito ng bahay ng hari.
Yari sa kahoy ang mga idolo, hungkag, at walang mga likurang bahagi. Bukás ang
mga braso ng mga ito at sa ilalim ay nakaikot pataas ang mga paa na bukás ang
mga binti. Mayroong malalakíng mukha ang mga ito na may apat na malalakíng
pangil tulad ng sa baboy-damo; at pintado ang kabuoan.

Maraming nayon sa islang iyon. Narito ang kaniláng mga pangalan at


ng mga pinunò nilá: Cinghapola, at ang mga pinunò nitó, Cilaton, Ciguibucan,
Cimaningha, Cimatichat, at Cicanbul; ang isa, Mandaui, at ang pinunò nitó,
Apanoaan; isa, Lalan, at ang pinunò nitó, Theteu; ang isa, Lalutan, at ang pinunò
nit, Tapan; ang isa, Cilumai; at ang isa, Lubucun.25 Nagpamalas ng pagsunod sa
amin ang lahat ng nayong ito, at nagbigay sa amin ng pagkain at buwis. Malápit sa
isla ng Zubu, mayroong isla ng Matan, na siyáng bumubuo ng pantalan kung saan
kami nakaangkla. Matan ang pangalan ng nayon nitó, at sina Zula at Cilapulapu
78 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

ang mga pinunò nitó. Matatagpuan sa naturang isla ang nayong sinunog namin
at tinatawag na Bulaia.

Upang mabatid ng inyong pinakabantog na Kamahalan ang mga


seremonyang ginagamit ng mga táong iyon upang gawing banal ang baboy,
pinatutunog muna nilá ang malalakíng gong. Pagkatapos, ipapasok ang tatlong
malalakíng plato, dalawa ang may rosas at kakanin ng kanin at millet, hinurno at
binalot sa mga dahon, at inihaw na isda; ang isa ay tela ng Cambaia at dalawang
sagisag na gawa sa tela ng punò ng palma. Nakalatag sa sahig ang isang piraso
ng tela ng Cambaia. Pagkatapos ay daratíng ang dalawang napakatandang babae,
ang bawat isa ay may kawayang trumpeta sa kamay. Pagkaapak nilá sa tela,
magbibigay-galang silá sa araw. Pagkatapos ay ibabalot nilá ang tela sa kaniláng
katawan. Maglalagay ang isa sa kanilá ng panyo na may dalawang sungay sa
kaniyang noo, at hahawakan ang isa pang panyo, at hábang sumasayaw at umiihip
sa kaniyang trumpeta, sakâ niya tatawagin ang araw. Ang isa ay kukunin ang
isa sa mga sagisag at sasayaw at iihip sa kaniyang trumpeta. Sasayaw silá at sa
gayon ay hihingi ng kaunting puwang, nagsasambit ng mararaming bagay sa
pagitan nilá at ng araw. Kukunin ng siyáng may panyo ang isa pang sagisag,
at pababayaang mahulog ang panyo, at hábang umiihip ang pareho sa kaniláng
mga trumpeta nang may katagalan, sumasayaw silá paikot sa nakataling baboy.
Pakubling kakausapin ng siyáng may mga sungay ang araw, at sasagutin siyá ng
isa. Ihahandog ang isang kopa ng alak sa siyáng may mga sungay, at sasayaw
siyá at paulit-ulit na sasambitin ang ilang salita, hábang sinasagot siyá ng isa, at
pagkatapos kunwang iinumin ang alak nang apat o limang beses ay iwiwisik ito
sa puso ng baboy. Pagkatapos ay agad-agad siyáng sasayaw muli. Bibigyan ng
isang sayaw ang nasabing babae. Pagkatapos niyang ipaspas ang sibat at inuulit-
ulit sambitin ang ilang salita hábang patuloy siláng nagsasayaw at umaakmang
tutuhugin ang sibat patagos sa puso ng baboy nang apat o limang beses, bigla at
mabilis niya itong itutuhog patagos mula sa isang panig hanggang kabila. Agad na
pipigilan ang sugat gámit ng damo. Kukunin ng siyáng pumaslang sa baboy ang
isang nag-aalab na sulo, na siyáng nagliliyab sa loob ng buong seremonyang iyon,
gámit ang kaniyang bibig bago papatayin ang apoy. Ang isa, pagkatapos isawsaw
ang dulo ng kaniyang trumpeta sa dugo ng baboy, ay iikot upang markahan ng
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 79

dugo, gámit ang kaniyang daliri, una ang mga noo ng kaniláng asawa bago ang
ibá; ngunit hindi silá lumapit sa amin. Pagkatapos ay magtatanggal na silá ng
mga gamit at kakainin ang nilalaman ng mga plato, at aanyayahan ang mga babae
lámang [na kumain kasáma nilá]. Tatanggalan ng balahibo ang baboy gámit ang
apoy. Sa gayon ay mga matatandang babae lámang ang nakapagpapabanal sa
laman ng baboy, at hindi nilá ito kakainin kung hindi papatayin sa ganitong
paraan.

Hubo’t hubad ang mga táong ito, at nakasuot lámang ng isang piraso ng
tela ng punò ng niyog sa kaniláng maseselang bahagi. Pinatutusukan ng mga
laláki, malaki man o maliit, ang kaniláng mga titi mula sa isang gilid patagos sa
kabila malápit sa ulo gámit ang isang tornilyong ginto o tinggâ na sinlaki ng pluma
ng gansa. Sa parehong dulo ng nasabing tornilyo, ang ibá ay mayroong kahawig
ng spur, na may tusok-tusok sa mga dulo; ang ibá ay kamukha ng ulo ng pako
ng kariton. Napakadalas kong pinakikiusapan ang marami, parehong matanda at
batà, na ipakita ang kaniláng titi, sapagkat hindi ko ito makilála. May bútas sa
gitna ng tornilyo kung saan silá maaaring makaihi. Hindi kailanman natatanggal
ang tornilyo at mga spur. Ayon sa kanilá ay gusto ito ng kaniláng kababaihan, at
kung hindi nilá ito gagawin ay hindi makikipagtalik ang mga ito sa kanilá. Kapag
nais ng mga laláki na makipagtalik sa kaniláng mga babae, ang mga hulí mismo
ang hahawak sa titi hindi sa regular na paraan at marahang sisimulang ipasok ito
[sa kaniláng puki], na nása taas muna ang spur, bago ang isa pang bahagi. Babalik
ito sa regular na posisyon kapag nása loob na ito; at sa gayon ay nása loob lagi ang
titi hanggang sa lumambot ito, sapagkat kung hindi ay hindi nilá ito mabubunot.
Kailangan gumamit ng mga táong iyon ng naturang kasangkapan dahil mahihina
silá. Mayroon siláng kayraming asawa na hahangarin nilá, ngunit isa sa kanilá
ang pangunahing asawa. Kapag dumadaong ang sinumang tauhan namin, araw
man o gabí, inaanyayahan siyá ng lahat na kumain at uminom. Medyo hilaw at
napakaalat ng kaniláng mga ulam. Lagi at marami siláng uminom mula sa mga
garapon gámit ang maliliit na tambo, at tumatagal ng lima o anim na oras ang
isa sa mga kainan nilá. Mas higit kaming naibigan ng kaniláng kababaihan kaysa
naibigan nilá ang sarili niláng kalalakihan. Paunti-unting bumubuka ang mga
puki ng lahat ng babae mula anim na taon pataas dahil sa mga titi ng mga laláki.
80 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Ganito ang kaniláng mga seremonyas kapag namamatay ang isa sa mga
pinunò nilá. Una, pumupunta sa bahay ng pumanaw ang lahat ng pangunahing
kababaihan. Inilalagay ang namatay sa isang kahon sa gitna ng bahay.
Pinaliligaran ang kahon ng mga tali tulad ng isang palisada, na kinakabitan ng
maraming sanga ng punò. Nakasabit ang isang telang bulak sa gitna ng isang
sanga na parang kortinang tabing. Umuupo sa ilalim nitóng mga nakasabit ang
pinakapangunahing mga babae, at lahat ay nakabalot sa puting telang bulak,
bawat isa sa tabi ng isang dalagang pinapaypayan siyá ng pamaypay na gawa sa
dahon ng niyog. Nakaupong malungkot ang ibáng babae sa silid. Pagkatapos
ay mayroong isang babae na napakabagal na gugupitin ang buhok ng namatay
gámit ang kutsilyo. Ang isa pa, na siyáng pangunahing asawa ng namatay, ang
papatong sa hulí, at ilalagay ang kaniyang bibig, kamay, at paa sa parehong bahagi
ng namatay. Hábang gumugupit ng buhok ang nauna, tumatangis ang hulí;
kapag natapos nang gumupit ang nauna, aawit ang hulí. Nakapalibot sa silid ang
maraming porselanang banga na naglalaman ng apoy, at sinusunog ang myrrh,
storax, at benzoin, na siyáng lumilikha ng matapang na amoy sa buong bahay.
Ilalagi nilá ang katawan sa bahay nang lima o anim na araw sa loob ng mga
naturang seremonya. Sa tingin ko ay binabasbasan ang katawan ng alkampor.
Pagkatapos ay inililibing nilá ang katawan at ang nasabing kahon na isinasara sa
isang troso sa pamamagitan ng mga pakòng kahoy at tinatakpan at pinalilibutan
ng mga kahoy na troso. Bandang hatinggabi ng bawat gabí sa lungsod na iyon,
madalas na dumaratíng ang isang sadyang maitim na ibong sinlaki ng uwak, at
kararatíng pa lámang nitó sa mga bahay nang magsisimula itong sumigaw nang
matinis, na magpapaalulong sa lahat ng mga aso, ngunit ayaw sabihin sa amin ng
mga táong iyon ang dahilan para dito.

Araw ng Biyernes, ikadalawampu’t anim ng Abril, ipinadalá ni Zula, isang


pinunò sa isla ng Matan, ang isa sa mga anak niyang laláki upang maghandog
ng dalawang kambing sa kapitán-heneral, at upang sabihing ipadadalá ang lahat
ng kaniyang ipinangako, ngunit hindi niya ito naipadalá sa kaniya dahil ayaw
sundin ng isa pang pinunò, si Cilapulapu, ang hari ng España. Ipinakiusap niya
sa kapitán na padalhan siyá ng isang bangka lámang na punô ng mga tauhan sa
susunod na gabí upang matulungan nilá siyáng labánan ang kabilâng pinunò.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 81

Nagpasiya ang kapitán-heneral na pumunta doon na may tatlong bangka.


Nagmakaawa kami sa kaniyang huwag nang pumunta, ngunit para siyáng
mabuting pastol na ayaw pabayaan ang kaniyang mga tupa. Pagkahatinggabi,
animnapu sa amin ang naglakbay, armado ng mga corselet at helmet, kasáma ang
haring Kristiyano, ang prinsipe, ilan sa mga pangunahing laláki, at dalawampu o
tatlumpung balanghai. Dumatíng kami sa Matan tatlong oras bago ang bukang-
liwayway. Ayaw noong lumaban ng kapitán, ngunit nagpadalá ng mensahe sa
mga katutubo sa pamamagitan ng Muslim na, sa madalîng sabi, kapag sumunod
silá sa hari ng España, kilalanin ang haring Kristiyano bílang kaniláng pinunò, at
magbayad sa amin ng buwis, magiging kaibigan nilá siyá; ngunit kung hangad nilá
ang kasalungat, dapat siláng mag-antay upang makita kung paano sumugat ang
aming mga sibat. Sumagot siláng kung mayroon kaming mga sibat ay mayroon
siláng mga sibat ng kawayan at mga tulos na pinatigas ng apoy. [Hiningi nilá sa
aming] huwag siláng suguring kaagad-agad, at bagkus ay mag-antay sa umaga,
upang magkaroon silá ng mas maraming tao. Sinabi nilá iyon upang akitin
kaming hanapin silá; sapagkat naghukay silá ng ilang bútas sa lupa sa pagitan ng
mga bahay upang mahulog kami sa mga ito. Pagkaumaga, tumalon sa tubig na
hanggang hita ang apatnapu at siyam sa amin, at naglakad sa tubig sa habà na
higit sa dalawang lipad ng crossbow bago namin maratíng ang pampang. Hindi
na makalapit ang mga bangka dahil sa ilang bato sa tubig. Naiwan ang natiráng
labing-isang laláki upang bantayan ang mga bangka. Pagkaratíng namin sa lupa,
nakaayos na ang mga naturang kalalakihan sa tatlong dibisyon na may bílang
na mahigit isanglibo at limang daang katao. Pagkakita sa amin, sinugod nilá
kaming sumisigaw nang napakalakas, dalawang dibisyon sa tagiliran namin at
isa sa aming harapán. Pagkakita nitó ng kapitán, inayos niya kami sa dalawang
dibisyon, at sa ganito nagsimulang lumaban. Bumaril mula sa malayo ang mga
mosketero at crossbowmen sa loob ng kalahating oras, ngunit walang saysay;
sapagkat tumatagos lámang ang mga bala sa mga kalasag, na gawa sa manipis na
kahoy, at mga armas [ng mga may suot]. Sumigaw sa kanilá ang kapitán, “Itigil
ang pagputok! Itigil ang pagputok!” ngunit hindi na nasunod ang kaniyang utos.
Nang nakita ng mga katutubo na pinuputok namin ang aming mga musket nang
walang saysay, sumigaw siláng determinadong hindi matitinag, at pinaigting pa
ang kaniláng mga sigaw. Nang naubos na ang putok ng aming mga musket, hindi
82 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

humihimpil ang mga katutubo, bagkus ay lumukso paroon at parito, tinatakpan


ang mga sarili ng kaniláng mga kalasag. Tiníra nilá kami ng napakaraming palaso
at hinagisan ng maraming kawayang sibat (ang ilan ay may bakal na dulo) ang
kapitán-heneral, dagdag pa sa mga patusok na tulos na pinatigas ng apoy, bato, at
putik, kung kayâ halos hindi na namin maipagtanggol ang mga sarili. Pagkakita
nitó, nagpadalá ang kapitán-heneral ng ilang tao upang sunugin ang kaniláng
mga bahay nang sa gayon ay takutin silá. Pagkakitang nasusunog ang mga bahay
nilá, lalo lámang siláng nagalit. Napatay malápit sa mga naturang bahay ang
dalawa sa mga tauhan namin, samantalang nakasunog kami ng dalawampu o
tatlumpung bahay.

Napakarami niláng sumugod sa amin na natamaan nilá ng panàng may


lason ang kapitán sa kanang binti. Dahil dito, inutusan niya kaming paunti-
unting umurong, ngunit tumakbo ang mga tauhan, maliban sa aming anim o
walong nanatili sa kapitán. Tiníra lámang kami ng mga katutubo sa aming mga
binti, sapagkat hubad ang mga ito; at napakarami ng mga sibat at batong inihagis
sa amin na hindi na kami makalaban. Hindi kami matulungan ng mga kanyon
sa mga bangka dahil napakalayo nilá. Kung kayâ patuloy kaming umatras sa loob
nang mahigit isang lipad ng crossbow mula sa pampang, laging lumalabang may
tubig hanggang sa tuhod. Patuloy kaming tinugis ng mga katutubo, at pagkapulot
ng parehong sibat, apat o limang beses ay inihahagis ito sa amin nang paulit-ulit.
Pagkakilála sa kapitán, napakarami sa kanilá ang bumaling sa kaniya na dalawang
beses niláng natanggal ang kaniyang helmet, ngunit nanatili siyáng nakatindig
nang matatag tulad ng isang mabuting kabalyero, kasáma ng ibá pa. Sa gayon ay
lumaban kami sa loob nang mahigit isang oras, hindi pumapayag na umurong pa.
Isang Indio ang naghagis ng kawayang sibat sa mukha ng kapitán, ngunit agad
siyáng pinatay ng hulí gámit ang kaniyang sibat, na iniwan niya sa katawan ng
Indio. Pagkatapos, sinubukan niyang hawákan ang espada, ngunit kinaya lámang
na bunutin ito nang kalahati, sapagkat nasugatan na siyá sa braso ng isang kawayang
sibat. Pagkakita nitó ng mga katutubo, sinugod siyá niláng lahat. Sinugatan siyá
ng isa sa kanilá sa kaliwang binti gámit ang isang malaking cutlass, na kamukha
ng isang scimitar, ngunit mas malaki. Dahil dito ay natumba ang kapitán, una ang
mukha, at agad-agad nilá siyáng sinugod gámit ang mga bakal at kawayang sibat
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 83

at ng kaniláng mga espada, hanggang napatay nilá ang aming salamin, aming
liwanag, aming ginhawa, at ang aming tunay na gabay. Nang nasugatan nilá siyá,
maraming beses siyáng lumingon upang siguraduhing nakasakay na kami sa lahat
sa mga bangka. Pagkakitang napaslang na siyá, sugatán kaming umatras sa abót
ng makakaya sa mga bangkang nagsimula nang umalis. Tutulungan dapat kami
ng Kristiyanong hari, ngunit inutusan siyá ng kapitán bago kami dumaong na
huwag lisanin ang kaniyang ngunit maiwan upang makita kung paano kami
lumaban. Pagkaalam na patay na ang kapitán, umiyak ang hari. Kung hindi dahil
sa nasawimpalad na kapitán, walang isa sa amin ang maililigtas sa mga bangka,
dahil hábang nakikipaglaban siyá, umatras na ang ibá sa mga bangka.

Umaasa akong sa [pamamagitan ng] inyong pinakabantog na Kamahalan


na hindi malilimas sa ating panahon ang kasikatan ng kayrangal na kapitán.
Bukod sa ibá pa niyang katangian, mas matatag siyá kaysa lahat ng ibá sa harap
ng kasakunaan. Mas mahusay niyang natiis ang gutom kaysa lahat ng ibá, at
mas naintindihan niya kaysa sinumang tao sa mundo ang mga mapa ng dagat at
nabegasyon. At na siyáng lantad ang katotohanang ito, sapagkat wala nang ibáng
may angking husay o katapangan na matuto kung paano ikutin ang mundo, tulad
ng kaniyang nagawa. Nangyari ang labanáng iyon noong Sabado, ikadalawampu’t
pitó ng Abril, 1521. Ninais ng kapitáng lumaban sa Sabado, sapagkat napakabanal
ng araw na ito para sa kaniya. Walo sa mga tao namin ang namatay kasáma niya
sa labanáng iyon, at apat na Indio, na siyáng naging Kristiyano at na humabol
upang tulungan kami, ang napatay ng mga kanyon ng mga bangka. Sa kalaban,
labinlima lámang ang namatay, hábang marami sa amin ang sugatán.

Pagkahapon, at sa aming pagpayag, nagpadalá ng mensahe ang


Kristiyanong hari sa mga tao ng Matan na tipong kung ibibigay nilá sa amin ang
kapitán at ibá pang tauhang namatay, bibigyan namin silá ng kayraming kalakal
na nanaisin nilá. Tumugon siláng hindi nilá isusuko ang ganoong tao, tulad ng
aming inasahan [na gagawin nilá], at na hindi nilá siyá ibibigay para sa lahat ng
yaman sa mundo, at sa halip ay balak nilá siyáng itago bílang memoryal.
84 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Noong Sabado, sa araw na napatay ang kapitán, pinakarga ng apat na


tauhang nanatili sa lungsod upang makipagpalitan ang mga kalakal namin pabalik
sa mga barko. Pagkatapos ay namilì kami ng dalawang komandante; sina Duante
Barboza, isang Portuges at kamag-anak ng kapitán, at si Johan Serrano, isang
Español. Dahil bahagyang nasugatan ang aming tagasalin, na nagngangalang
Henrich, hindi na siyá dumadaong upang asikasuhin ang mga kailangan naming
gawain, at sa halip ay laging nása kama. Dahil dito, sinigawan siyá ni Duante
Barboza, ang komandante ng pangunahing barko, at pinagsabihan siyá na kahit
patay na ang panginoon nitó, ang kapitán, hindi pa rin siyá malayà; bagkus
titiyakin niya [si Barboza] na pagdatíng namin sa España, mananatili pa rin itong
alipin ni Doña Beatrice, ang asawa ng kapitán-heneral.26 At pagkatakot sa alipin
na lalatiguhin siyá kung hindi pupunta sa lupa, bumangon ang alipin, kunwang
hindi pinansin ang mga salitâng iyon, at dumaong upang ipaalam sa Kristiyanong
hari na malápit na malápit na kaming lumisan, ngunit kung susundin nitó ang
kaniyang payo, maaari niyang makuha ang mga barko at lahat ng aming kalakal.
Sa gayon ay nagkuntsabahan silá, at bumalik ang alipin sa barko, kung saan niya
ipinakita na mas tuso na siyá kaysa dati.

Pagsapit nang umaga ng Miyerkoles, unang araw ng Mayo, nagpadalá ng


mensahe ang Kristiyanong hari sa mga komandante na handa na ang mga hiyas
na ipinangako niyang ipapadalá sa hari ng España, at na nagmamakaawa siyá sa
kanilá at ibá pa niláng kasamahan na samáhan siyáng kumain noong umagang
iyon, kung kailan niya ibibigay ang mga hiyas sa kanilá. Dalawampu at apat na
tauhan ang dumaong, kabílang ang aming astrologong si San Martin de Sivilla.
Hindi ako nakasáma dahil namamaga ang buong katawan dahil sa sugat na natamo
sa mukha sa isang panang may lason. Bumalik si Johan Carvaio at ang pulis at
sinabihan kaming nakita nilá ang laláking ginamot ng isang himala na dinalá ang
pari sa kaniyang bahay. Dahil dito, nilisan nilá ang lugar dahil naghinala siláng
mayroong kasamaan. Pagkasabi pa lámang nilá ng mga salitâng ito nang narinig
namin ang malalakas na sigaw at panaghoy. Kaagad kaming nagtaas ng angkla at
lumapit sa dalampasigan hábang nagpapaputok ng maraming kanyon. Hábang
ginagawa ito, nakita namin si Johan Serrano sa kaniyang kamisetang nakatali at
sugatán, sumisigaw sa aming huwag nang magpaputok, kung hindi ay papatayin
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 85

siyá ng mga katutubo. Tinanong namin siyá kung patay na ang lahat ng ibá at
ang tagasalin. Sinabi niyang patay na siláng lahat maliban sa tagasalin. Marubdob
siyáng nagmakaawa sa aming tubusin siyá gamit ang ilan sa mga kalakal; ngunit
ayaw nang payagan ni Johan Carvaio, ang kaniyang matalik na kaibigan, [at ibá
pa] na dumaong ang bangka upang manatili siláng mga pinunò ng mga barko.
Ngunit kahit tumatangis na nakiusap sa amin si Johan Serrano na huwag kaming
maglayag kaagad, sapagkat papatayin nilá siyá, at sinabing ipinagdasal niya sa
Panginoon na iligtas ang kaluluwa ni Johan Carvaio, ang kaniyang kaibigan, sa
araw ng paghahatol, kaagad kaming umalis. Hindi ko alam kung patay na siyá o
buháy pa.

Matatagpuan sa islang iyon ang mga áso, pusa, palay, millet, panicum,
batad, luya, bunga, kahel, limon, tubo, bawang, pulut-pukyutan, buko, nangka,
gourd, maraming uri ng laman, alak ng niyog, at bulawan. Malaki itong isla at
mayroong mainam na pantalan na may dalawang bukana—isa sa kanluran at
ang kabila sa silangan hilagang-silangan. Matatagpuan ito sa latitud na 10 digri
patúngong Polong Arctico, at sa longhitud na isandaan at animnapu at apat mula
sa guhit ng demarkasyon. Zubu ang pangalan nitó. Narinig namin ang tungkol sa
Maluco doon bago ang pagpanaw ng kapitán-heneral. Tumutugtog ang mga tao
nitó ng isang biyolin na may mga kuwerdas na copper.

Salita ng mga paganong táong iyon

Para sa Laláki lac


para sa Babae paranpaon
para sa Dalaga beni beni
para sa Ginang babay
para sa Buhok boho
para sa Mukha guay
para sa mga Talukap ng mata pilac
para sa mga Kilay chilei
para sa Mata matta
para sa Ilong ilon
86 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

para sa mga Panga apin


para sa mga Labì olol
para sa Bibig baba
para sa mga Ngipin nipin
para sa mga Gilagid leghex
para sa Dila dilla
para sa mga Tainga delengan
para sa Lalamunan liogh
para sa Leeg tangip
para sa Babà queilan
para sa Balbas bonghot
para sa mga Balikat bagha
para sa Gulugod licud
para sa Dibdib dughan
para sa Katawan tiam
para sa Kilikili ilot
para sa Braso botchen
para sa Siko sico
para sa Pulso molanghai
para sa Kamay camat
para sa Palad ng kamay palan
para sa Daliri dudlo
para sa Kuko coco
para sa Pusod pusut
para sa Titi utin
para sa mga Bayag boto
para sa Puki billat
para sa Pakikipagtalik
sa mga babae jiam
para sa Puwit samput
para sa Hita paha
para sa Tuhod tuhud
para sa Lulod bassag bassag
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 87

para sa Alak-alakan ng binti bitis


para sa Bukong-bukong bolbol
para sa Sakong tiochid
para sa Talampakan lapa lapa
para sa Bulawan balaoan
para sa Pilak pilla
para sa Tanso concach
para sa Bakal butan
para sa Túbo tube
para sa Kutsara gandan
para sa Bigas bughax baras
para sa Pulut-pukyutan deghex
para sa Pagkit talho
para sa Asin acin
para sa Alak tuba nio nipa
para sa Uminom minuncubil
para sa Kumain macan
para sa Baboy babui
para sa Kambing candin
para sa Manok monoch
para sa Millet humas
para sa Batad batbat
para sa Panicum dana
para sa Paminta manissa
para sa mga Klabo chianche
para sa Sinamomo mana
para sa Luya luia
para sa Bawang laxuna
para sa mga Kahel acsua
para sa Itlog silog
para sa Buko [o Niyog?—PYK] lubi
para sa Sukà zlucha
para sa Tubig tubin
88 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

para sa Apoy clayo


para sa Usok assu
para sa Hipan tigban
para sa Panimbang tinban
para sa Bigat tahil
para sa Perlas mutiara
para sa Madre Perla tipay
para sa Pipa [isang
instrumentong musikal] subin
para sa Sakit ni San Job alupalan
para sa Dalhin sa Akin palatin comorica
para sa ilang uri ng keyk
na gawa sa Kanin tinapai
Mabuti main
Hindi tidale
para sa Kutsilyo capol, sundan
para sa Gunting catle
para sa Ahitin chunthinch
para sa isang Laláking
angkop ang palamuti pixao
para sa Linen balandan
para sa Telang ipinapantakip
nilá sa kaniláng sarili abaca
para sa Hawk’s hell coloncolon
para sa mga Ama Namin
ng lahat ng uri tacle
para sa Suklay cutlei, missamis
para sa Suklayin monssughud
para sa Kamiseta sabun
para sa Karayom daghu
para sa Tahiin mamis
para sa Porselana mobuluc
para sa Áso aian, ydo
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 89

para sa Pusa epos


para sa kaniláng mga
Bandana gapas
para sa mga Salaming Butil balus
para sa Halika dito marica
para sa Bahay ilaga, balai
para sa Troso tatamue
para sa mga Banig na
tinutulugan nilá tagichan
para sa mga Banig na niyog bani
para sa kaniláng mga unan
na gawa sa mga dahon uliman
para sa mga Kahoy na plato dulan
para sa kaniláng Panginoon abba
para sa Araw adlo
para sa Buwan songhot
para sa Bituin bolan, bunthun
para sa Bukang-liwayway mene
para sa Umaga uema
para sa Kopa tagha
para sa Larga bassal
para sa Búsog bossugh
para sa Palaso oghon
para sa Kalasag calassan
para sa mga tinahing Kasuotang
ginagamit sa laban baluti
para sa mga punyal calix, baladao
para sa kaniláng mga Cutlass campilan
para sa Sibat bancan
para sa Gusto tuan
para sa mga Bunga
[mga saging] saghin
para sa mga Gourd baghin
90 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

para sa mga Kuwerdas ng


kaniláng mga biyolin gotzap
para sa Ilog tau
para sa Lambat na pangisda pucat, laia
para sa maliit na Bangka sampan
para sa malalakíng Tungkod cauaghan
para sa maliliit nitó bonbon
para sa malalakí nilang Bangka balanghai
para sa maliliit niláng Bangka boloto
para sa mga Alimango cuban
para sa Isda icam, yssida
para sa isang Isda na
balót sa kulay panapsapan
para sa isa pang pula[ng timuan
Isda]
para sa isa pa[ng uri ng Isda] pilax
para sa isa pa[ng uri ng Isda] emaluan
Parehas lahat siama siama
para sa isang Alipin bonsul
para sa Gallows bolle
para sa Barko benaoa
para sa isang Hari o isang
Kapitán-heneral raia

Mga Bílang

Isa uzza
Dalawa dua
Tatlo tolo
Apat upat
Lima lima
Anim onom
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 91

Pito pitto
Walo gualu
Siyam ciam
Sampu polo

Sa gitna ng naturang kapuluan, sa layong labinwalong liga mula sa islang


iyon ng Zubu, sa ulo ng isa pang islang tinatawag na Bohol, sinunog namin ang
barkong “Conceptione,” sapagkat napakaunti na lámang naming táong natirá
[upang paandarin iyon]. Itinago namin ang pinakamainam sa mga laman nitó sa
kabilâng dalawang barko, bago tumulak patimog timog-kanluran, binabaybay ang
islang tinatawag na Panilongon, kung saan naninirahan ang mga táong itim tulad
ng nása Etiopia. Pagkatapos ay dumatíng kami sa isang malaking isla [Mindanao],
na ang hari nitó, upang makipag-ayos ng kapayapaan sa amin, ay kumuha ng
dugo mula sa kaniyang kaliwang kamay, at gámit ito ay minarkahan ang kaniyang
katawan, mukha, at dulo ng kaniyang dila bílang sagisag ng pinakamalapit na
pagkakaibigan, at tumulad kami sa kaniya. Dumaong akong mag-isa kasáma ang
hari upang makita ang naturang isla. Pagkapasok pa lámang namin sa isang ilog
ay madami nang mangingisdang nag-alok ng isda sa hari. Hinubad pagkatapos ng
hari ang mga telang nakatakip sa kaniyang maseselang bahagi, at ganoon din ang
ilan sa kaniyang mga pinunò; at nagsimula siláng magsagwan hábang umaawit at
dinaanan ang maraming kabahayan na nása ilog. Naratíng namin ang bahay ng
hari dalawang oras pagkatapos ng takipsilim. Dalawang liga ang layo sa bahay ng
hari ng simula ng ilog kung nasaan ang mga barko namin. Pagkapasok namin sa
bahay, nadatnan namin ang maraming sulô ng mga dahon ng cane at niyog, na gawa
sa anime, at na siyáng nabanggit na sa itaas. Hanggang maihatid ang hapunan,
ininom ng hari at ng dalawa sa mga pinunò niya at dalawa sa magagandang
babae niya ang nilalaman ng isang malaking banga ng alak ng niyog nang walang
anumang kinakain. Isang beses lámang akong uminom sapagkat nagpaumanhin
nang nakapaghapunan. Sumusunod silá sa mga parehong seremonya ng pag-
inom na ginawa ng hari ng Mazaua.

Pagkatapos ay inihatid na ang hapunan, na binubuo ng kanin at


napakaalat na isda at na siyáng nakalagay sa mga porselanang pinggan. Kinain
92 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

nilá ang kaniláng kanin na para itong tinapay, at niluto ito sa sumusunod na
paraan. Nilalagay muna nilá sa isang palayok tulad ng ating mga banga ang isang
malaking dahon na tinatakpan ang pinalolooban ang buong banga. Pagkatapos ay
naglalagay silá ng tubig at ng bigas, at pagkatapos itong takpan ay pinababayaan
itong kumulo hanggang maging kasintigas ng kanin ang tinapay, kapag kinuha ito
nang pira-piraso. Pare-parehas ang pagluluto ng kanin sa lahat ng mga distritong
iyon. Nang nakakain na kami, nagpahatid ng isang banig ng tambo at isa pa ng
niyog, at isang unan ng mga dahon upang matulugan ko ang mga ito. Umalis sa
ibáng lugar upang matulog ang hari at ang dalawa niyang babae, hábang natulog
ako kasáma ng isa sa kaniyang mga pinunò. Pagsapit ng umaga at hanggang
maihatid ang hapunan, naglakad-lakad ako sa naturang isla. Marami akong
nakitang gintong kagamitan sa mga naturang kabahayan ngunit kakaunting
pagkain. Pagkatapos ay naghapunan kami ng kanin at isda, at pagkatapos ng
hapunan, tinanong ko sa hari kung maaari ko bang makita ang reyna. Tumugon
siyáng pumapayag siyá, at sabay kaming pumunta sa tuktok ng isang mataas na
buról kung nasaan ang bahay ng reyna. Pagpasok ko sa bahay, yumuko ako sa
reyna at tinumbasan niya ito sa akin, at pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya.
Gumagawa siyá noon ng isang banig pantulog na gawa sa mga dahon ng niyog.
Sa bahay na iyon, may nakasabit na ilang bangang porselana at apat na bakal na
gong—mas malaki ang isa kaysa ikalawa, hábang mas maliit pa ang dalawang
ibá—upang tugtugin. Maraming laláki at babaeng alipin doong pinagsisilbihan
siyá. Tulad ng mga nabanggit na ang pagkakagawa ng mga bahay na iyon.

Pagkatapos naming magpaalam, bumalik kami sa bahay ng hari, kung


saan nagpahatid kaagad sa amin ang hari ng meryenda na tubó. Bulawan
ang pinakamaraming produkto ng islang iyon. Pinakita nilá sa akin ang ilang
malalakíng lambak, at sumenyas na sinrami ng mga buhok sa kaniláng ulo ang
ginto doon, subalit wala siláng bakal na magamit upang hukayin ito, at wala
siláng pakialam na pagpaguran [na kunin] ito. Kabílang sa parehong lupain tulad
ng Butuan at Calaghan ang bahagi ng naturang isla, at matatagpuan patúngong
Bohol, at pinaliligiran ng Mazaua. Sapagkat babalikan natin ang islang iyon,
wala muna akong ibáng sasabihin [sa ngayon]. Pagkalipas ng hápon, ninais kong
bumalik sa mga barko. Nais ng hari ang ibáng pinunò na samáhan ako, kung kayâ
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 93

sumakay kami sa iisang balanghai. Hábang nása ilog kami at pabalik, nadatnan
ko sa tuktok ng isang buról sa kanan ang tatlong laláking nakabitay mula sa isang
punò, na siyáng tinabasan ng lahat ng sanga. Tinanong ko sa hari kung sino ang
mga táong iyon at sumagot siyáng mga masasamâng-loob at magnanakaw silá.
Hubo’t hubad ang mga táong iyon tulad ng ibá pang nabanggit na sa itaas. Raia
Calanao ang pangalan ng hari. Napakainam ng pantalan. Matatagpuan doon
ang bigas, luya, baboy, kambing, manok, at ibá pang bagay. Matatagpuan ang
pantalan sa latitud na walong digri patúngong Polong Arctico, at sa longhitud
na isandaan at animnapu at pitóng digri mula sa guhit ng demarkasyon. May
layo itong limampung liga sa Zubu, at tinatawag na Chippit. Matatagpuan
pahilagang-kanluran mula doon pagkatapos ng dalawang araw na paglalayag ang
isang malaking islang tinatawag na Lozon, kung saan taunang pumupunta ang
anim o walong junk ng mga táong Lequian.27

Pag-alis doon at pagtahak nang pakanluran timog-kanluran na landas,


nagbaba kami ng angkla sa isang di kalakihan at halos walang nakatiráng isla.
Muslim ang mga tao ng naturang isla na itinapon mula sa isang islang tinatawag
na Burne. Hubo’t hubad silá tulad ng ibá. Mayroon siláng mga sumpit at maliliit
na kalubang punô ng mga palaso at isang nakalalasong yerba sa kaniláng tagiliran.
Mayroon siláng mga sibat, kalasag, maliliit na cuirass na gawa sa sungay ng
kalabaw, at punyal na pinalamutian ng ginto at mamahaling bato ang hawakan.
Tinawag nilá kaming mga banal na nilaláng. Kaunting pagkain ang matatagpuan
sa naturang isla, ngunit [mayroong] mga dambuhalang punò. Matatagpuan ito
sa latitud na pitó at kalahating digri patúngong Polong Arctico, at may layong
apatnapu at tatlong liga mula sa Chippit. Caghaian [sa Dagat Sulu] ang ngalan
nitó.

Mahigit-kumulang dalawampu at limang liga pakanluran hilagang-


kanluran mula sa isla sa itaas, natagpuan namin ang isang malaking isla, kung
saan matatagpuan ang bigas, luya, baboy, kambing, manok, bungang may habàng
kalahating dipa at singkapal ng braso (nakapainam ng mga ito; at ang ilan ay
may habàng isang palad at ang ibá ay kulang, at higit na mas mainam kaysa
ibáng lahat), buko, kamote, tubó, at mga ugat na sinlasa ng singkamas. Niluluto
94 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

doon ang kanin sa loob ng mga kawayan o kahoy gámit ang apoy; at mas
tumatagal ito kaysa yaong niluluto sa mga palayok. Matatawag natin ang lupaing
iyon bílang lupang pangako, sapagkat nagdusa kami sa matinding gutom bago
nahanap iyon. Nása punto na kaming tatalikuran ang mga barko at manaog sa
lupa upang hindi kami mamatay sa gutom. Nakipag-ayos ng kapayapaan sa amin
ang hari sa pamamagitan ng munting pagsugat sa kaniyang dibdib gámit ang isa
sa aming mga kutsilyo, at pagkadugo ay idinampi sa dulo ng kaniyang dila at sa
kaniyang noo bílang sagisag ng pinakatunay na kapayapaan, at ginawa din namin
ang pareho. Matatagpuan ang naturang isla sa latitud na siyam at sangkatlong
digri patúngong Polong Arctico, at sa longhitud na isandaan at pitumpu at isa
at sangkatlong digri mula sa guhit ng demarkasyon. [Tinatawag itong] Pulaoan.

Hubo’t hubad ang mga tao ng Pulaoan tulad ng ibá. Halos lahat silá
ay nililinang ang kaniláng mga parang. Mayroon siláng mga sumpit na may
makakapal na kahoy na palaso na may habàng mahigit isang palad, na may mga
dulong tarapang, at ang ibá ay may dulo ng mga buto ng isda, at may lason ng
isang yerba; hábang ang ibá ay may dulo ng patulis na kawayan tulad ng mga
tarapang at may lason. Nagkakabit silá ng isang munting piraso ng malambot
na kahoy, sa halip na mga balahibo, sa dulo ng palaso. Sa dulo ng kaniláng mga
sumpit, nagtatali silá ng kaunting bakal tulad ng ulo ng sibat; at nakikipaglaban
silá gámit ito kapag naitíra na nilá lahat ng kaniláng palaso. Pinahahalagahan
nilá ang mga tansong singsing at kadena, kampana, kutsilyo, at mas higit pa sa
alambre ng copper na ginagamit niláng pantali ng kaniláng mga kuwit pamingwit.
Mayroon siláng malalakí at napakaaamong tandang, na hindi nilá kinakain dahil
may taglay siláng paggalang para sa mga ito. Pinapagsabong nilá ang mga ito
minsan, at naglalagay ang bawat isa ng isang halaga sa kaniyang tandang, at
napupunta ang premyo sa may-ari ng matagumpay na tandang. Mayroon siláng
dinestilang alak ng kanin na mas matapang at mas masarap kaysa gawa sa niyog.

Sampung liga sa timog-kanluran ng naturang isla, natagpuan namin


ang isang isla na tíla pumapailanlang hábang binabaybay namin. Pagkatapos
pumasok sa pantalan, nagpakita sa amin sa gitna nang malalim na kadiliman ang
banal na lawas [na siyáng Santelmo]. May layong limampung liga mula sa simula
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 95

ng naturang isla hanggang sa pantalan. Kinaumagahan, ikasiyam ng Hulyo,


nagpadalá sa amin ang hari ng naturang isla ng isang napakagandang prau, na may
ginintuang ulo at dulo. Sa ulo ay may lumilipad na puti at bughaw na banderang
may tuktok ng mga balahibo ng pabo real. Tumutugtog ng mga instrumentong
musikal at mga tambol ang ilang kalalakihan. Dalawang almaldie ang dumatíng
kasabay ng prau. Kahawig ng mga fusta ang mga prau, samantalang ang mga
almaldie ang kaniláng maliliit na bangkang pangisda. Walong matandang laláki,
na siyáng mga pinunò, ang pumasok sa mga barko at umupo sa isang karpet sa
dulo. Naghandog silá sa amin ng isang pintadong kahoy na banga na punô ng
betel at areca (ang prutas na tuloy-tuloy niláng nginunguya), at mga hasmin at
bulaklak ng kahel, isang panakip na dilaw na telang seda, dalawang hawlang punô
ng manok, isang pares ng kambing, tatlong banga ng dinestilang alak ng kanin, at
ilang bungkos ng tubó. Ginawa din nilá ito sa kabilâng barko at umalis pagkatapos
kaming yakapin. Sinlinaw ng tubig ang alak ng kanin, subalit napakatapang na
nilasing nitó ang marami sa mga tauhan namin. Tinatawag itong arach.

Pagkaraan ng anim na araw, nagpadalá muli ang hari ng tatlong prau nang
may dakilang karangyaan, na pinalibutan ang mga barko hábang tumutugtog
ang mga instrumentong musikal at tumatambol ang mga dram at tansong gong.
Sumaludo silá sa amin gámit ang kakaiba niláng mga telang kupya na tumatakip
lámang sa uluhan ng kaniláng kamay. Sinaludo namin silá sa pamamagitan
ng pagpapaputok ng aming mga kanyon nang walang [ikinargang] mga bato.
Pagkatapos ay binigyan nilá kami ng regalo nang ibá’t ibáng uri ng pagkain,
gawa mula lámang sa bigas. Nakabalot ang ibá sa dahon at ginawa bílang mga
medyo pahabâng piraso, ang ibá ay kahawig ng mga tinapay na asukal, hábang
ang ibá pa ay ginawa tulad ng mga tart na may itlog at pulut-pukyutan. Sinabi
nilá sa aming payag ang kaniláng hari na makakuha kami ng tubig at kahoy, at
na makapagkalakal kami sa abot ng aming nais. Pagkarinig nitó, pumasok sa
kaniláng prau ang pitó sa aming may daláng handog para sa kaniláng hari, na
binubuo ng isang lunting pelus na báta na yari sa estilong Turko, isang lilang
pelus na upùan, limang dipa ng pulang tela, isang kupya, isang dinuradong baso,
isang maytakip na salaming plorera, tatlong sulatíng-aklat ng papel, at isang
dinuradong kaha para sa pagsusulát. Para sa reyna ay [nagdalá kami ng] dilaw
96 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

na telang may habàng tatlong dipa, isang pares ng pinilakang sapatos, at isang
pinilakang kaha ng karayom na punô ng karayom. [Nagdalá kami ng] tatlong dipa
ng pulang tela, isang kupya, at isang dinuradong baso sa gobernador. Nagbigay
kami sa tagapangunang pumasok sa prau ng isang báta ng pula at lunting tela na
yarì sa estilong Turko, isang kupya, at isang sulatíng-aklat ng papel; at sa ibá pang
pitóng pinunò, sa isa ay piraso ng tela, at sa isa pa ay isang kupya, at sa kaniláng
lahat ay isang sulatíng-aklat ng papel. Pagkatapos ay madalî kaming lumisan
[para sa lupain].

Nang naratíng namin ang lungsod,28 nanatili kami nang mahigit-


kumulang dalawang oras sa prau, hanggang sa pagdatíng ng dalawang elepanteng
may mga sedang palamuti, at labindalawang tauhan, na bawat isa ay may daláng
porselanang banga na may takip na seda upang sisidlan ng aming mga handog.
Pagkatapos, sumakay kami sa mga elepante samantalang nauna sa aming naglakad
ang naturang labindalawang tauhan na dalá ang mga handog sa loob ng mga
banga. Sa ganitong paraan kami pumunta sa bahay ng gobernador, kung saan kami
binigyan ng hapunan nang maraming uri ng pagkain. Noong gabí, natulog kami
sa mga bulak na kutson, na may panloob na taffeta, at mga kumot ng Cambaia.
Kinaumagahan, nanatili kami sa bahay hanggang tanghalian. Pagkatapos ay
pumunta kami sa palasyo ng hari sakay ng mga elepante, at nása harap ang mga
handog namin tulad noong nakaraang araw. Punô ng mga tauhang may espada,
sibat, at kalasag ang lahat ng lansangan mula sa bahay ng gobernador hanggang sa
bahay ng hari, sapagkat iyon ang utos ng hari. Pumasok kami sa patyo ng palasyo
na nakasakay sa mga elepante. Sinamahan kami ng gobernador at ibáng pinunò sa
pag-akyat sa isang hagdanan, at pumasok sa isang malaking bulwagang punô ng
maraming lakan, kung saan kami umupo sa isang karpet hábang malápit sa amin
ang mga handog sa loob ng mga banga. Sa dulo ng naturang bulwagan, may isa
pang mas mataas subalit bahagyang mas maliit na bulwagan. Pinalamutian ito ng
mga sedang nakasabit, at bumubukas mula dito ang dalawang bintana, kung saan
lumalagos ang liwanag sa bulwagan at sinabitan ng dalawang kortinang brokado.
Mayroong tatlong daang kawal na may mga nakalantad na rapier sa kaniláng
mga hita ang naroon sa naturang bulwagan upang ipagtanggol ang hari. Sa dulo
ng maliit na bulwagan ay may malaking bintana na may kortinang brokado na
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 97

nakahawi upang makita namin sa loob ang haring nakaupo sa tabi ng isang hapag
kasáma ang isa sa kaniyang mga batàng anak na ngumunguya ng betel. Walang
ibá kung hindi mga babae ang nása likuran niya. Pagkatapos ay sinabi sa amin ng
isang pinunò na hindi namin maaaring makausap ang hari, at kung may anuman
kaming nais hilingin, kailangan namin itong sabihin sa kaniya, nang sa gayon ay
maihatid niya ito sa isang nása loob kasáma ng hari sa pamamagitan ng isang
túbong pansalita na tumatagos sa isang bútas sa dingding. Tinuruan kami ng
pinunò ng paraan ng paggawa ng tatlong paggalang sa hari gámit ang mga kamay
naming magkahawak sa itaas ng ulo, itinataas ang isang paa bago ang kabila at
pagkatapos ay hinahalikan ang mga kamay patúngo sa kaniya, at ginawa nga
namin, sapagkat iyon ang paraan ng pagbibigay-galang sa hari.

Sinabi namin sa hari na nanggáling kami sa hari ng España at hangad


lámang ng hulí na makipag-ayos ng kapayapaan sa kaniya at humihingi lámang
ng pahintulot na makipagkalakal. Sinabi sa amin ng hari na dahil nais ng hari
ng España na maging kaibigan niya, payag na payag siyáng maging kaibigan
nitó, at sinabing maaari kaming kumuha ng tubig at kahoy, at makipagkalakal sa
abot ng aming nais. Pagkatapos ay ibinigay namin sa kaniya ang mga regalo, at
sa pagtanggap ng bawat isa ay bahagya siyáng tumatango. Binigyan ang bawat
isa sa amin ng ilang brokado at gintong tela at seda, na siyáng ipinatong sa mga
kaliwang balikat namin, kung saan sandaling naiwan ang mga ito. Naghandog
silá sa amin ng mga minindal ng mga klabo at sinamomo bago isinara ang mga
kortina at bintana. Nakasuot lahat ng tauhan sa palasyo ng tela ng ginto at seda na
tinatakpan ang lahat ng kaniláng maseselang bahagi, at may mga daláng punyal
na may bulawang hawakan na pinalamutian ng mga perlas at mamahaling bato,
at marami siláng mga singsing sa mga kamay nilá. Bumalik kami sa bahay ng
gobernador sakay ng mga elepante, at laging nauuna sa amin ang pitóng tauhang
nagdadalá ng mga handog ng hari sa amin. Pagkaratíng namin sa bahay, binigay
nilá sa bawat isa sa amin ang kaniyang regalo, at ipinatong ang mga ito sa kaliwang
balikat namin. Binigyan namin ang bawat isa sa mga naturang tauhan ng pares ng
kutsilyo para sa kaniyang pag-abalá. Siyam na tauhan ang dumatíng sa bahay ng
gobernador na may ganoon ding bílang ng malalakíng kahoy na bandehang mula
sa hari. May nakalagay sa bawat bandehang sampu o labindalawang porselanang
98 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

plato na punô ng karne ng guya, mga capon, manok, pabo real, at ibáng hayop, at
isda. Naghapunan kami sa isang banig na niyog sa sahig ng tatlumpu o tatlumpu
at dalawang ibá’t ibáng uri ng karne bukod sa isda at ibá pa. Sa bawat subo ng
pagkain, uminom kami ng isang maliit na kopa ng kaniláng dinestilang alak mula
sa isang porselanang kopa na sinlaki ng itlog. Kumain kami ng kanin at ibá pang
matamis na pagkain gámit ang mga gintong kutsara tulad ng sa atin.

Sa aming silid tulugán doon sa loob ng dalawang gabíng iyon, dalawang


sulô ng puting pagkit ang laging nakasindi sa dalawang may kataasang pinilakang
kandelabra, at dalawang malaking lampara na punô ng langis at may tig-apat na
mitsa at dalawang tauhan upang patayin lagi ang mga ito. Sumakay kami ng
elepante papunta sa dalampasigan, kung saan namin natagpuan ang dalawang
prau na naghatid sa amin pabalik sa mga barko. Itinayô ang buong lungsod na
iyon sa tubig-alat, maliban sa mga bahay ng hari at ng ilang pinunò. Gawa sa
kahoy ang lahat ng bahay at nakatayô sa lupa gámit ang matataas na haligi. Kapag
mataas ang dagat, namamangka ang mga kababaihan sa loob ng pamayanan at
naglalako ng mga kagamitang kailangan sa pang-araw-araw na búhay. Mayroong
malaking dingding na gawa sa ladrilyo sa harap ng bahay ng hari na may mga
barbican tulad ng isang moog, kung saan nakalagay ang limampu at anim na
tansong kanyon, at anim na bakal. Sa loob ng dalawang araw naming pamamalagi
doon, maraming kanyon ang pinaputok. Muslim ang haring iyon at may ngalang
Raia Siripada. Apatnapung taóng gulang siyá at mataba. Walang nagsisilbi
sa kaniya kung hindi mga babae lámang na siyáng mga anak ng mga pinunò.
Hindi siyá lumalabas sa kaniyang palasyo, maliban kapag mangangaso, at walang
maaaring makipag-usap sa kaniya maliban sa pamamagitan ng túbong pansalit.
Mayroon siyáng 10 tagasulat, na tinatawag na mga Xiritoles, na isinusulat ang
mga kaniyang mga gawa sa isang napakanipis na balakbak ng punò.

Noong umaga ng Lunes, ika-dalawampu at siyam ng Hulyo, nadatnan


naming patúngo sa amin ang mahigit isandaang prau na nakahati sa tatlong
eskuwadron at parehong bílang ng tunguli (na mga maliliit niláng bangka).
Pagkakita sa kanilá, at iniisip na mayroong panlilinlang na nagaganap, mabilis
naming itinaas ang mga layag sa abót ng aming makakaya, at nakaiwan ng isang
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 99

angkla sa aming pagmamadalî. Inasahan lalo namin na madadakip kami sa gitna ng


ilang junk na nagbaba ng angkla sa likuran namin noong nakaraang araw. Kaagad
kaming lumiko pabalik sa hulí, at nakadakip ng apat sa kanilá at nakapaslang ng
maraming tao. Sinikap tumakas ng tatlo o apat sa mga junk sa pamamagitan ng
pagsadsad sa dalampasigan. Nadakip namin sa isa sa mga junk ang anak ng hari
ng isla ng Lozon. Siyá ang kapitán-heneral ng hari ng Burne, at dumatíng sakay
ng mga naturang junk mula sa isang malaking lungsod na may ngalang Laoe, na
matatagpuan sa dulo ng naturang isla [Borneo] patúngong Java Major. Winasak
at dinambong niya ang naturang lungsod dahil tumanggi itong sundin ang hari
[ng Burne], at sa halip ay ang hari ng Java Major. Nalaman namin pagkaraan
na pinayagang makaalis ng aming pilotong si Giovan Carvaio ang kapitán at
mga junk nang walang pahintulot sa amin kapalit ng ilang ginto. Kung hindi
pinakawalan ng piloto ang kapitán sa hari, ibibigay sa amin ng hulí ang lahat ng
aming hihilingin, sapagkat labis na kinatatakutan ang naturang kapitán sa mga
rehiyong iyon, lalo ng mga pagano, dahil labis na palabán ang hulí sa naturang
haring Muslim. Sa parehong pantalan matatagpuan ang isa pang lungsod na
tinitirhan ng mga pagano, na mas malaki sa banwa ng mga Muslim, at tulad
ng hulí at itinayô sa tubig-alat. Dahil dito, araw-araw naglalaban ang dalawang
lahi sa parehong daungan. Singkapangyarihan ng haring Muslim ang haring
pagano, ngunit hindi kasing mapagmataas, at maaaring madalîng mabago túngo
sa pananampalatayang Kristiyano. Pagkarinig ng haring Muslim kung paano
namin tinrato ang mga junk, nagpadalá siyá ng mensahe sa pamamagitan ng isa
sa mga tauhan namin na nása pampang, na ang punò’t dulo ay dumatíng ang mga
prau hindi upang saktan kami kung hindi upang lusubin ang mga pagano. Bílang
patunay ng pahayag na iyon, ipinakita sa kaniya ng mga Muslim ang ilang ulo ng
mga táong napatay, na siyáng tinukoy nilá bílang ulo ng mga pagano. Nagpadalá
kami ng mensahe sa hari na hinihiling siyáng pakipakawalan sa amin ang dalawa
sa mga tauhan naming naroon sa lungsod upang makipagkalakal at ang anak ni
Johan Carvaio, na isinilang sa bayan ng Verzin, ngunit tumanggi ang hari. Iyon
ang kinalabasan ng pagpapakawala ni Johan Carvaio ng kapitán. Tinago namin
ang labing-anim sa mga pinakapinunòng laláki [ng mga dinakip na junk] upang
dalhin sa España, at tatlong babae sa ngalan ng reyna, ngunit kinamkam ni Johan
Carvaio ang hulí para sa kaniyang sarili.
100 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Ang mga junk ang kaniláng mga barko at binubuo sa ganitong paraan:
ginagawa ang ilalim na bahagi sa taas na mahigit-kumulang dalawang palad mula
sa tubig at binubuo ng mga tablang itinali gámit ang mga tornilyong kahoy, na
napakahusay ng pagkakagawa; sa taas nitó ay gawa na lahat sa napakalalaking
kawayan. Mayroon siláng kawayan bílang kontratimbang. May lulang sindami
ng karga ng isang barko ang isa sa mga naturang junk. Yarì sa kawayan ang mga
mast, at sa balakbak ng mga punò ang mga layag. Ang kaniláng porselana ay isang
uri ng napakaputing lupa na iniiwan sa ilalim ng lupa sa loob ng limampung taon
bago ito gamitin, sapagkat kung hindi ay hindi ito magiging mainam. Inililibing
ito ng ama para sa anak na laláki. Kapag nilagyan [ng lason] ang isang pinggang
yari sa pinong porselana, kaagad itong mabibiyak. Ang salaping gawa ng mga
Muslim sa mga naturang rehiyon ay yari sa tansong binutasan sa gitna upang
maitali ito. Sa isang mukha lámang nitó mayroong apat na karakter, na siyáng
mga titik ng dakilang hari ng Tsina. Picis29 ang tawag nilá sa nasabing salapi.
Binigyan nilá kami ng anim na porselanang pinggan para sa isang cathil30 (na
katumbas ng dalawa sa mga pound natin ng asoge; isandaang picis para sa isang
aklat ng sulatíng papel; isang maliit na porselanang plorera para sa isandaan at
animnapung cathil ng tanso; isang porselanang plorera para sa tatlong kutsilyo;
isang bahar (na katumbas ng dalawandaan at tatlong cathil) ng pagkit para sa
160 cathil ng tanso; isang bahar ng asin para sa walumpung cathil ng tanso;
isang bahar ng anime na pantapal ng mga barko (dahil walang matatagpuang
alkitran sa mga rehiyong iyon) para sa apatnapung cathil ng tanso. Binubuo ng
dalawampung tahil ang isang cathil. Sa lugar na iyon, labis na pinahahalagahan ng
mga tao ang tanso, asoge, salamin, cinnabar, tela ng tupa, linen, at lahat ng ibá pa
naming kalakal, ngunit higit ang bakal at antipara kaysa ang ibáng lahat. Hubo’t
hubad ang mga naturang Muslim tulad ng ibá pang lahi [ng mga rehiyong iyon].
Umiinom silá ng asoge—iniinom ito ng isang maysakit upang linisin ang sarili,
at ang malusog upang panatilihin ang kaniyang kalusugan.

Mayroong dalawang perlas na sinlaki ng dalawang itlog ng inahin ang


hari ng Burne. Napakabilog ng mga ito na hindi silá tatayô sa isang mesa. Alam
ko itong tunay, sapagkat noong dinalá namin ang mga handog ng hari sa kaniya,
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 101

may mga ginawang senyas upang ipakita niya ang mga ito sa amin, ngunit sinabi
niyang ipapakita niya ang mga ito kinabukasan. Pagkaraan, sinabi sa amin ng
ilang pinunò na nakita nilá ang mga ito.

Sinasamba ng mga naturang Muslim si Mahomet at kaniyang batas:


bawal kumain ng karne ng baboy; bawal hugasan ang puwit gámit ang kaliwang
kamay; bawal gamitin ang nasabing kamay sa pagkain; bawal humiwa ng kahit
ano gámit ang kanang kamay; kailangang umupo kapag umiihi; bawal pumatay
ng manok o kambing nang hindi muna magpanambitan sa araw; kailangang
tagpasin ang mga tuktok ng mga pakpak na may maliliit na piraso ng balát na
lumalabas mula sa ilalim, at ang mga paa ng manok; at pagkatapos ay kailangang
hatiin ito sa dalawa; kailangang maghilamos gámit ang kanang kamay, ngunit
bawal linisin ang ngipin gámit ang mga daliri; at bawal kumain ng kahit anong
pinatay maliban kung silá mismo ang pumatay. Tulî silá tulad ng mga Hudyo.

Ginagawa sa islang iyon ang alkampor, isang uri ng balsamo. Tumatagas


ito mula sa gitna ng kahoy at ng balakbak, at ang mga patak ay sinliit ng [mga
butil] ng bran ng trigo. Paunti-unti itong matutuyo kapag nabilad. Tinatawag
itong capor ng mga táong iyon. Matatagpuan doon ang mga sinamomo, luya,
mirabolan, kahel, limon, nangka, pakwan, pipino, gourd, singkamas, sibuyas,
murang sibuyas, báka, kalabaw, baboy, kambing, manok, gansa, usa, elepante,
kabayo, at ibá pa. Napakalaki ng islang iyon na kailangan ng tatlong buwan
upang maglayag paikot nitó sa isang prau. Matatagpuan ito sa latitud na lima
at sangkapat na digri patúngong Polong Arctico, at sa longhitud na isandaan at
pitumpu at anim at dalawang sangkatlong digri mula sa guhit ng demarkasyon,
at may ngalan itong Burne.

Paglisan sa naturang isla, bumalik kami ng landas upang makahanap ng


mainam na lugar upang i-caulk ang mga barko, sapagkat tinatagasan silá. Isang
barko ang sumadsad sa ilang bahura sa islang tinatawag na Bibalon,31 dahil sa
kapabayaan ng piloto nitó, subalit naikalas namin ito sa tulong ng Panginoon.
Isang mandaragat ng naturang barko ang walang-ingat na nagpatay ng kandila sa
isang bariles na punô ng pulbura, ngunit kaagad niya itong nahablot nang walang
102 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

pinsala. Pagkatapos sundan ang aming landas, nadakip namin ang isang prau na
may lulang mga buko papunta sa Burne. Naghanap ng mapagtataguan ang mga
tripulante nitó. Bago namin ito madakip, tatlo pang ibang prau ang nakatakas sa
likod ng ilang munting isla.

Sa ulo ng Burne, sa pagitan nitó at ng islang tinatawag na Cimbonbon,32


na matatagpuan sa [latitud na] walong digri at pitóng minuto, mayroong
perpektong pantalan para sa pagkokompone ng mga barko. Dahil dito, pinasok
namin ito; ngunit dahil kulang kami sa mga kagamitang pang-ayos ng mga barko,
naantala kami doon nang apatnapu at dalawang araw. Sa loob ng panahong
iyon, mabigat na nagtrabaho ang bawat isa sa amin, ang isa sa isang bagay at
ang isa sa ibá. Subalit ang pinakapágod namin ay ang pagsuong sa gubat nang
nakayapak para sa kahoy. Mayroong mga baboy-damo sa naturang isla, at pinatay
namin ang isa na tumatawid sa tubig mula sa isang isla patúngo sa kabila [sa
pamamagitan ng paghabol nitó] gámit ang maliit na bangka. Matatagpuan ang
mga malalakíng buwaya, pareho sa lupa at sa dagat, at ibá’t ibáng uri ng talaba
at shellfish. Nakahanap kami ng dalawang kabílang sa hulí, na ang laman ng isa
ay may timbang na dalawampu at anim na pound, at ang kabila ay apatnapu at
apat. Nakahúli kami ng isda na may ulong kahawig ng sa baboy at may dalawang
sungay. Binubuo lámang ng isang buto ang katawan nitó, at sa likod nitó kahawig
ng isang síya; at maliit ito. Matatagpuan din doon ang mga punòng gumagawa
ng dahon na buháy kapag nalagas silá, at naglalakad.33 Katulad ng mga dahong
iyon ang dahon ng moras, ngunit hindi singhabà. Sa parehong panig malápit sa
tangkay, na maiksi at patusok, ay mayroon siláng dalawang paa. Wala siláng dugo,
subalit kapag nahawakan ay tumatakbo palayo. Nagtago ako sa isang kahon ng
isa sa kanilá sa loob ng siyam na araw. Pagbukás ko ng kahon, umikot-ikot sa
loob ang dahong iyon. Sa tingin ko ay namumuhay lámang sa hangin ang mga
naturang dahon.

Paglisan sa naturang isla—ibig sabihin, ang pantalan—nakatagpo namin


sa ulo ng isla ng Pulaoan ang isang junk na nanggáling sa Burne, at lulan ang
gobernador ng Pulaoan. Humudyat kami sa kanilá na batakin ang kaniláng mga
layag, at dahil tumanggi siláng batakin ang mga ito, puwersahan naming dinakip
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 103

ang junk at dinambong ito. Upang makamit ang kaniyang kalayàan, binigyan
kami ng gobernador sa loob ng pitóng araw ng apat na daang súkat ng bigas,
dalawampung baboy, dalawampung kambing, at isandaan at limampung manok.
Pagkatapos nitó ay hinandugan niya kami ng mga buko, bunga, tubó, bangang
punô ng alak ng niyog, at ibá pa. Pagkakita sa kaniyang pagiging mapagbigay,
ibinalik namin sa kaniya ang ilan sa kaniyang mga punyal at arquebus, at
dinagdagan ito ng isang watawat, isang dilaw na bátang damasko, at telang may
habàng 15 dipa; sa kaniyang anak, isang lambong ng telang bughaw; sa isang
kapatid na laláki ng gobernador, isang báta ng telang lunti at ibá pang bagay; at
namaalam kami sa kanilá bílang mga kaibigan. Bumalik kami sa landas sa gitna
ng isla ng Cagaian at daungan ng Chippit, at tumahak ng landas pasilangan sa
timog upang maaari naming mahanap ang mga isla ng Maluco.

Dinaanan namin ang ilang tangrib kung saan malápit dito ay punông-
punô ng damo ang dagat, ngunit napakalalim. Pagkatawid namin sa mga ito,
mistulang pumapasok kami sa ibáng dagat. Paglisan sa Chippit sa silangan,
nadatnan namin ang dalawang isla, ang Zolo at Taghima,34 na matatagpuan
patúngong kanluran, at malápit sa mga ito ay makahahanap ng mga perlas. Doon
nahanap ang dalawang perlas ng hari ng Burne at nakuha ito ng hari, ayon sa
pagkakasabi sa amin, sa ganitong paraan. Inasawa ng naturang hari ang anak ng
hari ng Zolo, na nagsabi sa kaniyang nása ama niya ang naturang dalawang perlas.
Nagpasiya ang hari na makuha ang mga ito sa kahit anong paraan. Naglayag siyá
isang gabí kasáma ang limandaang prau, dinakip ang hari at dalawa sa mga anak
nitóng laláki, at dinalá silá sa Burne kasáma niya. Upang makalayà, kinailangang
isuko sa kaniya ng hari ng Zolo ang dalawang perlas.

Pagkatapos ay tinahak namin ang landas pasilangan sa hilaga sa gitna ng


dalawang pamayanang tinatawag na Cavit at Subanin, at isang maytáong islang
tinatawag na Monoripa, na matatagpuan 10 liga mula sa mga tangrib. Ang mga
tao ng islang iyon ay nakatirá sa mga bangka at hindi namumuhay sa ibáng paraan.
Matatagpuan sa naturang dalawang pamayanan ng Cavit at Subanin, na nása isla
ng Butuan at Calaghan, ang pinakamainam na tumutubong sinamomo. Kung
namalagi kami doon nang dalawang araw, pinunô sana ng mga táong iyon para
104 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

sa amin ang mga barko namin, subalit dahil mayroon kaming magandang hangin
upang daanan ang isang punto at ilang maliliit na isla malápit sa islang iyon,
hindi na namin ninais na maantala. Hábang naglalayag, nakipagpalit kami ng
dalawang malalakíng kutsilyo na kinuha namin mula sa gobernador ng Pulaoan
para sa labinpitong pound [ng sinamomo]. Lumalaki ang punò ng sinamomo
sa taas na tatlo o apat na kubito, at singkapal ng mga daliri ng kamay. Mayroon
lámang itong tatlo o apat na maliliit na sanga at kahawig ng mga dahon nitó ang
dahon ng lawrel. Ang balakbak nitó ang sinamomo, at tinitipon ito dalawang
beses sa isang taon. Sintibay ng kahoy at mga dahon ang sinamomo kapag lunti
silá. Tinatawag itong caiu mana ng mga táong iyon. Kahoy ang ibig sabihin ng
caiu, at matamis ang mana, sa gayon, “matamis na kahoy.”

Pagtahak ng landas patúngong hilagang-silangan, at pagpunta sa isang


malaking lungsod na tinatawag na Magindanao, na matatagpuan sa isla ng
Butuan at Calaghan, puwersahan naming dinakip ang isang bigniday, isang
sasakyang kahawig ng prau, upang maaari kaming makatipon ng kaalaman ukol
sa Maluco, at nakapaslang ng pitóng tao. Mayroon lámang iyong labinwalong
tao, at singganda ang kaniláng pangangatawan ng kahit sinumang nakita
namin sa mga rehiyong iyon. Lahat silá ay mga pinunò ng Magindanao, at
isa sa kanilá ang nagsabi sa aming kapatid siyá ng hari ng Magindanao, at na
alam niya ang lokasyon ng Maluco. Gámit ang kaniyang mga direksiyon, hindi
namin ipinagpatuloy ang aming landas patúngong hilagang-silangan, at kinuha
iyong patúngong timog-silangan. Matatagpuan sa isang tangos ng naturang isla
ng Butuan at Calaghan, malápit sa isang ilog, ang mga mabubuhok na tao na
napakahuhusay na mandirigma at tagapana. Gumagamit silá ng mga espadang
may habàng isang palad, at kumakain lámang ng mga hilaw na puso ng tao kasáma
ang katas ng mga kahel o limon. Tinatawag na Benaian35 ang mabubuhok na
táong iyon. Noong tinahak namin ang aming landas patimog-silangan, naroon
kami sa latitud na anim na digri at pitóng minuto patúngong Polong Arctico, at
tatlumpung liga mula sa Cavit.

Paglayag namin patimog-silangan, natagpuan namin ang apat na isla,


[na siyáng] ang Ciboco, Birahan Batolach, Sarangani, at Candighar.36 Isang
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 105

Sabadong gabí, ika-dalawampu at anim ng Oktubre, nakatagpo namin ang isang


napakabagsik na bagyo hábang binabaybay ang Birahan Batolach. Dahil dito,
nagdasal kami sa Panginoon at ibinaba lahat ng layag. Kaagad nagpakita sa amin
ang tatlo naming santo at nilusaw ang karimlan. Nanatili si San Elmo sa maintop
nang mahigit dalawang oras, mistulang isang sulô; si San Nicolas sa mizzentop;
at si Santa Clara sa foretop. Nangako kami ng alipin kay San Elmo, San Nicolas,
at Santa Clara, at nagbigay ng limos sa bawat isa. Pagkatapos ipagpatuloy ang
aming paglalayag, pumasok kami sa isang daungan sa pagitan ng dalawang isla ng
Sarangani at Candighar, at nagbaba ng angkla pasilangan malápit sa pamayanan
ng Sarangani, kung saan matatagpuan ang bulawan at mga perlas. Mga pagano
ang mga táong iyon at hubo’t hubad tulad ng ibá. Matatagpuan ang naturang
daungan sa latitud na limang digri at siyam na minuto, at may layong limampung
liga mula sa Cavit.

Sa aming pamamalagi ng isang araw sa nasabing daungan, puwersahan


kaming dumakip ng dalawang piloto, nang sa gayon ay maaari niláng ituro sa
amin kung nasaan ang Maluco. Pagkatapos tahakin ang landas patimog timog-
kanluran, dumaan kami sa walong may-tao at disyertong isla, na nakaayos na
tíla isang lansangan. Chaeua, Cauiao, Cabiao, Camanuca, Cabaluzao, Cheai,
Lipan, at Nuza37 ang mga pangalan nilá. Sa hulí ay sumapit kami sa isang isla
sa dulo ng mga ito, na siyáng napakagandang tingnan. Dahil mayroon kaming
pasalungat na hangin, kung kayâ hindi kami makaliko sa punto ng naturang isla,
naglayag kami paroon at parito malápit dito. Dahil dito, tumakas kinagabihan sa
pamamagitan ng paglangoy sa islang iyon ang isa sa mga laláking dinakip namin
sa Sarangani, at ang kapatid ng hari ng Magindanao na dinalá ang maliit niyang
anak na laláki. Subalit nalunod ang batà, sapagkat hindi niya nagawang kumapit
nang maigi sa balikat ng kaniyang ama. Dahil hindi kami makaliko sa nasabing
punto, dumaan kami sa ilalim ng isla kung saan maraming maliliit na isla. May
apat na hari ang islang iyon, [na siyáng] sina Raia Matandatu, Raia Lalagha, Raia
Bapti, at Raia Parabu. Mga pagano ang mga tao. Matatagpuan ang isla sa latitud
na tatlo at kalahating digri patúngong Polong Arctico at may layong 27 liga mula
sa Sarangani. Sanghir ang ngalan nitó.
106 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Nagpatúloy kami sa parehong landas at dumaan malápit sa anim na isla,


[na siyáng] ang Cheama, Carachita, Para, Zanghalura, Ciáu (na may layong
sampung liga mula sa Sanghir, at may mataas ngunit hindi malaking bundok,
at may haring tinatawag na Raia Ponto), at Paghinzara. Ang hulí ay may layong
walong liga mula sa Ciau, at may tatlong matataas na bundok. Raia Babintana
ang pangalan ng hari nitó. [Pagkatapos ay natagpuan namin ang isang isla, ang]
Talaut; at natagpuan namin ang dalawang isla labindalawang liga sa silangan
ng Paghinzara, hindi kalakihan, ngunit matao, na tinatawag na Zoar at Meau.
Pagkatapos daanan ang dalawang islang iyon, natuklasan namin noong araw ng
Miyerkoles, ikaanim ng Nobyembre, ang apat na matataas na isla labing-apat
na liga sa silangan ng dalawa[ng naunang nabanggit na isla]. Sinabi sa amin ng
pilotong nanatili sa amin na ang apat na islang iyon ang Maluco. Dahil dito,
nagpasalamat kami sa Panginoon at bílang pagpapahayag ng ligaya namin,
pinaputok namin ang lahat ng kanyon. Hindi nakapagtataka na napakasaya
namin, sapagkat lumagpas na kami ng dalawampu at pitóng buwan bawas ng
dalawang araw sa paghahanap namin para sa Maluco. Sa lahat ng islang iyon,
kabílang ang Maluco, ang pinakamababaw naming nahanap na ilalim ng tubig
ay may lalim na isa o dalawandaang dipa, bukod pa sa paninindigan ng mga
Portuges na imposible ang nabegasyon sa rehiyon dahil sa maraming bahura at sa
madilim na kalangitang ipinapalagay nilá.

Tatlong oras bago ang takipsilim noong araw ng Biyernes, ikawalo ng


Nobyembre, 1521, pumasok kami sa daungan ng isang islang tinatawag na
Tadore, at pagkababa ng angkla sa dalawampung dipa malápit sa pampang,
pinaputok namin ang lahat ng kanyon. Kinabukasan, pumunta ang hari sa mga
barko sakay ng isang prau, at isang beses inikutan ang mga ito. Agad kaming
pumunta upang kitahin siyá gámit ang maliit na bangka, upang parangalan
siyá. Pinapasok niya kami sa kaniyang prau at pinaupo kami malápit sa kaniya.
Nakaupo siyá sa ilalim ng isang sedang lilim na nagbibigay-silong sa kaniya sa
lahat ng panig. Nása harapán niya ang isa sa mga anak niyang laláki na may
setro real, at dalawang tao na may daláng dalawang gintong banga upang
buhusan ng tubig ang kaniyang mga kamay, at dalawa pang ibá na may daláng
dalawang dinuradong ataul na punô ng kanilang betel. Sinabi sa amin ng hari na
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 107

tanggap kami doon, at na napanaginipan niya dati na paratíng ang ilang barko sa
Maluco mula sa malalayong lugar; at upang mas mapanatag ay nagpasiya siyáng
sumangguni sa buwan, at pagkatapos niyon ay nakita niyang paparatíng ang mga
barko, at kami ang mga iyon. Pagkapasok ng hari sa mga barko namin, humalik
ang lahat sa kaniyang kamay, at pagkatapos ay hinatid namin siyá sa dulo. Noong
pumasok siyá doon, ayaw niyang yumuko, at sa halip ay pumasok mula sa itaas.
Pagkatapos siyáng paupuin sa isang upuan ng pulang pelus, sinuotan namin siyá
ng isang dilaw na pelus na báta na gawa sa estilong Turko. Upang higit pa siyáng
parangalan, umupo kami sa sahig malápit sa kaniya. Noong nakaupo na ang lahat,
nagsimulang magsalita ang hari at sinabing hangad niya at ng lahat ng kaniyang
mga tao na maging pinakamatapat na mga kaibigan at basalyo sa aming hari ng
España. Tinanggap niya kami bílang mga anak, at maaari kaming dumaong sa
pampang na tulad ng sa sarili naming mga bahay, sapagkat mula sa panahong
iyon, hindi na tatawaging Tadore ang kaniyang isla at sa halip ay Castiglia, dahil
sa matinding pagmamahal niya para sa aming hari, ang kaniyang soberanya.

Ginawan namin siyá ng isang handog na binubuo ng nasabing báta,


upùan, isang piraso ng maselang linen, pulang telang may habàng apat na dipa,
isang piraso ng sedang brokado, isang piraso ng damaskong dilaw, ilang tela
mula Indiang bordado ng bulawan at seda, isang piraso ng berania (ang puting
linen ng Cambaia), dalawang kupya, anim na kuwerdas ng salaming butil,
labindalawang kutsilyo, tatlong malalakíng salamin, anim na pares ng gunting,
anim na suklay, ilang dinuradong baso at ibá pang kagamitan. Binigyan namin
ang kaniyang anak na laláki ng isang tela mula India na gawa sa bulawan at seda,
isang malaking salamin, isang kupya, at dalawang kutsilyo; at sa bawat isa ng
siyam na ibá—lahat silá ay mga pinunò niya—isang telang seda, mga kupya, at
dalawang kutsilyo; at sa marami pang ibá, mga kupya o kutsilyo. Patuloy kaming
namigay ng mga regalo hanggang pinahinto ng hari. Pagkatapos nitó, ipinahayag
niya sa amin na wala na siyáng ibáng ipapadalá sa hari, ang kaniyang soberanya,
kung hindi ang kaniyang sariling búhay. Dapat kaming lumapit sa lungsod, at
dapat naming paslangin gámit ang mga musket namin ang sinumang pumunta
sa mga barko sa gabí. Sa pag-alis sa dulo ng barko, hindi kailanman yumuko ang
hari. Pinaputok namin lahat ng kanyon sa kaniyang pamamaalam. Muslim ang
108 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

haring iyon at mahigit-kumulang apatnapu at limang taóng gulang. Maganda


ang kaniyang pangangatawan at may presensiya ng isang maharlika, at isang
napakahusay na astrologo. Noong panahong iyon, nakadamit siyá ng kamisetang
gawa sa pinakamaselang puting materyal na bordado ng bulawan ang dulo ng
mga manggas, at sa isang tela na umaábot sa lupa mula sa kaniyang baywang.
Nakayapak siyá, at may sedang bandanang nakabalot sa kaniyang ulo, at sa taas
nitó ay isang kuwintas ng mga bulaklak. Raia Sultan Manzor ang pangalan niya.

Noong araw ng Linggo, Nobyembre 10, hiniling sa amin ng hari na


sabihin sa kaniya kung gaano na katagal mula nang umalis kami ng España,
at magkanong sahod o quintalada38 ang ibinigay ng hari sa bawat isa sa amin.
Hiniling niya sa amin na bigyan siyá ng lagda ng hari at isang bandera real,
sapagkat mula sa sandaling iyon, ipagtitibay niya na ang kaniyang isla at isa pang
tinatawag na Tarenate (kung at kapag magawa niyang iluklok ang isa sa kaniyang
mga laláking apo, na nagngangalang Calonaghapi) ay parehas na mapapasailalim
sa hari ng España; at para sa dangal ng kaniyang hari ay handa siyáng lumaban
hanggang kamatayan, at kapag hindi na niya káyang pigilan ang sarili, pupunta
siyá ng España kasáma ng kaniyang buong pamilya sakay ng isang bagong junk
na siyáng pinagagawa niya, dalá-dalá ang lagda at bandera real; at sa gayon ay
magiging alipin ng hari sa mahabàng panahon. Nakiusap siyá sa aming iwanan
siyá ng ilang tauhan upang lagi niyang maalala ang hari ng España. Hindi siyá
humingi ng kalakal sapagkat hindi mananatili sa kaniya ang hulí. Sinabi niya sa
aming pupunta siyá sa isang islang tinatawag na Bachian, upang mas mabilis na
matustusan ang mga barko ng mga klabo, sapagkat hindi sapat ang bílang ng
tuyong mga klabo sa kaniyang isla upang kargahan ang dalawang barko. Dahil
araw noon ng Linggo, napagpasiyahang hindi kami mangangalakal. Ang pistang
araw ng mga táong iyon ay ang Biyernes natin.

Upang mabatid ng inyong pinakabantog na Kamahalan kung saan


tumutubo ang mga mga klabo, lima ang mga ito, [na siyáng] ang Tarenate, Tadore,
Mutir, Machian, at Bachian. Ang Tarenate ang pangunahing isla at noong buháy
pa ang hari nitó ay pinamunuan niya ang halos lahat ng ibá pa. Ang Tadore, kung
nasaan kami noon, ay may hari. Walang hari ang Mutir at Machian at sa halip ay
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 109

pinamumunuan ng mga mamamayan, at kapag makikipagdigma ang dalawang


hari ng Tarenate at ng Tadore, tinutustusan silá ng naturang dalawang isla ng mga
tauhan. Ang Bachian ang hulíng isla, at may hari ito. Iyong buong lalawigan kung
saan tumutubo ang mga mga klabo ang tinatawag na Maluco. Noong panahong
iyon, hindi pa lumilipas ang walong buwan mula noong namatay sa Tarenate
ang isang nagngangalang Francesco Serrano. [Siyá ay] isang Portuges at ang
kapitán-heneral ng hari ng Tarenate at lumaban sa hari ng Tadore. Napakahusay
niya kung kayâ napilitan ang hari ng Tadore na ibigay ang isa sa kaniyang mga
babaeng anak bílang asawa ng hari ng Tarenate, at halos lahat ng mga laláking
anak ng mga pinunò bílang mga hostage. Isinilang ng naturang babaeng anak
ang nabanggit na laláking apo ng hari ng Tadore. Nagkaayos ng kapayapaan sa
pagitan ng dalawang hari, at noong dumatíng sa Tadore isang araw si Francesco
Serrano upang makipagkalakal ng mga klabo, ipinalason siyá ng hari ng Tadore
gámit ang mga nasabing dahon ng betel. Nabuhay lámang siyá nang apat na araw.
Ninais ng haring ilibing siyá ayon sa kaniyang batas, ngunit hindi pumayag dito
ang tatlong Kristiyanong kaniyang mga alipin. Iniwan niya ang isang laláking
anak at isang babaeng anak, parehong batà, na isinilang ng isang babae na inasawa
niya sa Java Major, at dalawandaang bahar ng mga klabo. Malapít siyáng kaibigan
at kamag-anak ng aming matapat na kapitán-heneral, at siyáng dahilan upang
maudyok ang hulí na isagawa ang naturang paglalakbay, sapagkat noong nása
Malacha ang aming kapitán, ilang beses siyáng sinulatan ng una na nása Tarenate
siyá. Sapagkat tumangging itaas ni Don Manuel, dáting hari ng Portugal, ang
pensiyon ng aming kapitán-heneral sa halagang isang testoon lámang bawat
buwan para sa kaniyang mga kakayahan, pumunta ang hulí sa España, kung
saan nakamit niya ang lahat ng hiniling mula sa kaniyang sagradong Kamahalan.
Sampung araw pagkatapos ng kamatayan ni Francesco Serrano, nilason ang
hari ng Tarenate na nagngangalang Raya Abuleis, pagkatapos nitóng patalsikin
ang kaniyang manugang na hari ng Bachian, ng sarili niyang babaeng anak, ang
asawa ng hulíng hari, sa kadahilanang magdulot ng kapayapaan sa pagitan ng
dalawang hari. Namalagi lámang ang hari ng dalawang hari at iniwan ang siyam
na pangunahing anak na laláki na nagngangalang Chechili Momuli, Jadore
Vunighi, Chechili de Roix, Cili Manzur, Cili Pagi, Chialin, Chechilin Cathara,
Vaiechu Serich, at Calano Ghapi.
110 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Noong araw ng Lunes, 11 Nobyembre, pumunta sa mga barko na


nakadamit ng pulang pelus ang isa sa mga anak ng hari ng Tarenate, [na siyáng]
si Chechili de Roix. Mayroon siyáng dalawang prau at tinutugtog ng kaniyang
mga tauhan ang mga nabanggit na gong. Tumanggi siyáng pumasok sa barko
noong sandaling iyon. Nása kaniyang pangangalaga ang asawa at mga anak
at ibáng pag-aari ni Francesco Serrano. Nang nalaman namin kung sino siyá,
nagpadalá kami ng mensahe sa hari na tinatanong siyá kung dapat ba naming
tanggapin si Chechili de Roix, sapagkat nása pantalan niya kami, at tumugon
siyáng maaari naming gawin ang nais namin. Subalit pagkakitang nag-aalangan
kami, bahagyang lumayo mula sa mga barko ang anak ng hari. Pinuntahan namin
siyá lulan ng bangka upang ihandog sa kaniya ang isang tela mula India na yarì
sa bulawan at seda, at ilang kutsilyo, salamin, at gunting. Tinanggap niya itong
may bahagyang pagmamataas, at agad umalis. May kasáma siyáng Kristiyanong
taga-India na nagngangalang Manuel, ang alipin ng isang nagngangalang Pietro
Alfonso de Larosa, isang Portuges na pumunta mula sa Bandan patúngong
Tarenate, pagkatapos ang pagkamatay ni Francesco Serrano. Dahil marunong
magsalita ng Portuges ang alipin, pumanhik siyá sa aming barko at sinabi sa
aming kahit magkaaway ang mga laláking anak ng hari ng Tarenate at ang hari
ng Tadore, lagi pa rin siláng nása ilalim ng hari ng España. Nagpadalá kami
ng liham kay Pietro Alfonso de Lorosa sa pamamagitan ng kaniyang alipin, [at
sinabihan siyá] na maaari siyáng pumunta nang walang pag-aalinlangan.

Maaaring kumuha ng kayraming babaeng nais nilá ang mga haring iyon,
ngunit isa lámang na pangunahing asawa, na siyáng susundin ng lahat ng ibá.
Mayroong malaking bahay sa labas ng lungsod ang nabanggit nang hari ng
Tadore kung saan nakatirá ang dalawandaan sa mga pangunahing asawa niya
kasáma ng sindaming babae upang magsilbi sa kanilá. Kapag kumakain ang hari,
mag-isa siyáng umuupo o kasáma ang kaniyang pangunahing asawa sa isang
mataas na lugar tulad ng isang galeriya mula kung saan ay makikita niya ang
lahat ng ibáng babae na nakaupo sa loob ng galeriya; at uutusan niya ang babaeng
pinakakinatutuwaan niya na samáhan siyáng matulog sa gabíng iyon. Pagkatapos
kumain ng hari, kapag inutusan niya ang mga naturang babaeng magkasámang
kumain, gagawin nilá, ngunit kung hindi, pupunta ang bawat isa sa kaniyang
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 111

sariling silid upang kumain. Walang maaaring makakita sa mga naturang babae
nang walang pahintulot mula sa hari, at sinumang matagpuang malápit sa bahay
ng hari, sa araw o sa gabí, ay papatayin. Kailangang ibigay sa hari ng bawat
pamilya ang isa o dalawa sa mga babaeng anak nitó. Mayroong dalawampu at
anim na anak ang naturang hari, walo ang laláki, at ang ibá ay babae. Karatig
ng islang iyon ang isang napakalaking islang tinatawag na Giailolo [Gilolo], na
siyáng tinitirhan ng mga Muslim at mga pagano. Dalawang hari ang matatagpuan
doon sa mga Muslim; ang isa sa kanilá ay may anim na daang anak, at ang isa
ay limandaan at dalawampu at lima, ayon sa pagkakasabi sa amin ng hari. Hindi
ganoon karami ang mga babae ng mga pagano; at hindi silá namumuhay sa
ilalim ng napakadaming pamahiin, at sa halip ay sinasamba sa buong araw ang
unang bagay niláng makita sa umaga pagkalabas nilá ng kaniláng mga bahay.
Napakayaman sa bulawan ang hari ng mga paganong iyon, na tinatawag na Raia
Papua, at naninirahan sa looban ng naturang isla. Tumutubo sa matitigas na bato
sa isla ng Giailolo ang mga tambong singkapal at simbilog ng binti at punô ng
tubig na napakasarap inumín. Bumili kami ng marami sa mga ito mula sa mga
táong iyon.

Noong araw ng Martes, ikalabindalawa ng Nobyembre, pinagawan kami


ng hari ng isang bahay sa lungsod para sa mga kalakal namin. Dinalá namin doon
ang halos lahat ng mga kalakal namin, at nag-iwan ng tatlo sa aming mga tauhan
upang bantayan ang mga ito. Kaagad kaming nagsimulang makipagkalakal sa
ganitong paraan. Para sa 10 dipa ng pulang tela ng napakataas na kalidad, binigyan
nilá kami ng isang bahar ng mga klabo, na katumbas ng apat na quintal at anim
na pound; para sa labinlimang dipa ng telang hindi ganoon kataas ang kalidad,
isang quintal at isandaang pound; para sa labinlimang palathaw, isang bahar; para
sa tatlumpu at limang salaming baso, isang bahar (kinuha ng hari ang lahat ng
ito); para sa labimpitong cathil ng cinnabar, isang bahar; para sa pitóng cathil ng
asoge, isang bahar; para sa dalawampu at anim na dipa ng linen, isang bahar; para
sa dalawampu at limang dipa ng mas pinong linen, isang bahar; para sa isangdaan
at limampung kutsilyo, isang bahar; para sa limampung pares ng gunting,
isang bahar; para sa apatnapung kupya, isang bahar; para sa 10 piraso ng telang
Guzerat, isang bahar; para sa tatlo ng mga gong niláng iyon, dalawang bahar; para
112 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

sa isang quinta ng tanso, isang bahar. Basag ang [halos] lahat ng mga salamin,
at ninais ng hari para sa kaniyang sarili ang iilang natiráng maayos. Nagmula sa
mga nabanggit nang junk na nadakip namin ang marami sa mga naturang bagay
[na ikinalakal namin]. Sa pagmamadalî naming makabalik sa España, dinespatsa
namin ang aming kalakal sa mas murang halaga [sa mga katutubo] kaysa dapat
naming ginawa. Ikinagulat namin ang araw-araw na pagpasok sa mga barko
ng ilang bangkang halaga ng kambing, manok, bunga, buko, at ibá pang uri ng
pagkain. Tinustusan namin ang mga barko ng mainam na tubig, na bumubukal
na mainit [mula sa lupa], ngunit kapag naiwan sa labas ng bukal nitó sa loob ng
isang oras ay nagiging napakalamig, sapagkat nagmumula ito mula sa bundok ng
mga klabo. Tiyak itong salungat sa paggigiit sa España na kailangang dalhin ang
tubig sa Maluco mula sa malalayong lugar.

Noong araw ng Miyerkoles, ipinadalá ng hari ang anak niyang laláki, na


may ngalang Mossahap, sa Murtir para sa mga klabo, nang sa gayon ay mas
mabilis kaming matustusan. Noong araw na iyon, sinabi namin sa hari na
nakadakip kami ng ilang taga-India. Malugod na nagpasalamat sa Panginoon
ang hari, at hiniling sa amin ang kabaitang ibigay sa kaniya ang mga bihag, nang
sa gayon ay maaari niya siláng ipadalá pabalik sa kaniláng lupain, kasáma ng lima
sa kaniyang mga tauhan, upang maaari niláng maibahagi ang hari ng España at
ang katanyagan nitó. Pagkatapos ay ibinigay namin sa kaniya ang tatlong babae
na nauna naming dinakip sa ngalan ng reyna para sa mga nasabi nang dahilan.
Kinabukasan, ibinigay namin sa hari ang lahat ng bihag, maliban sa mga nagmula
sa Burne, na siyáng mainit na ipinagpasalamat ng hari. Pagkatapos ay hiniling
niya sa amin, upang maipakita namin ang pagmamahal namin sa kaniya, na
patayin lahat ng baboy naming lulan ng mga barko, at bílang ganti ay bibigyan
niya kami ng sindaming kambing at manok. Pinatay namin ang mga ito upang
matuwa siyá, at ibinitay ang mga ito sa ilalim ng kubyerta. Kapag nakakakita ang
mga táong iyon ng kahit anong baboy, tinatakpan nilá ang mga mukha nilá upang
hindi masilayan ang mga ito at malanghap ang kaniláng amoy.

Noong hápon ng parehong araw na iyon, dumatíng sakay ng isang prau


si Pietro Alfonso, ang Portuges. Bago siyá pumanaog ay ipinatawag siyá ng hari
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 113

at patuksong sinabihan na matapat niyang sagutin ang kahit anong itatanong


namin sa kaniya, kahit nanggáling pa siyá ng Tarenate. Sinabi niya sa aming
namalagi siyá ng labing-anim na taon sa India, ngunit sampu sa Maluco, sapagkat
palihim na natuklasan ang Maluco noong panahong iyon. Isang taon na bawas ng
dalawang linggo mula noong dumatíng sa lugar na iyon mula sa Malaca ang isang
malaking barko, at umalis na punô ng mga klabo, ngunit napilitang manatili sa
Bandan nang ilang buwan dahil sa masamâng panahon. Si Tristan de Meneses,
isang Portuges, ang kapitán nitó. Nang tinanong niya ang hulí kung ano ang
balita mula sa Kakristiyanuhan, nalaman niyang isang plota ng limang barko ang
umalis ng Siviglia upang tuklasin ang Maluco sa ngalan ng hari ng España sa
ilalim ng pamumunò ni Fernando de Magallianes, isang Portuges; na ang hari ng
Portugalo, galít dahil isang Portuges ang sumasalungat sa kaniya, ay nagpadalá ng
ilang barko sa tangos ng Bonna Speransa at sindaming barko sa tangos ng Sancta
Maria, kung saan nakatirá ang mga kanibal, upang hadlangan ang pagdaan
namin, ngunit hindi siyá natagpuan. Pagkatapos ay narinig ng hari ng Portugalo
na lumagos sa ibáng dagat ang naturang kapitán, at papunta na siyá sa Maluco.
Kaagad siyáng sumulat at inuutusan ang kaniyang punòng kapitán ng India,
isang nagngangalang Diego Lopes de Sichera, na magpadalá ng anim na barko sa
Maluco. Ngunit hindi silá ipinadalá ng hulí sapagkat paparatíng ang Grand Turk
sa Malacha, at napilitan siyáng magpadalá ng animnapung barko upang labánan
siyá sa kipot ng Mecha sa lupain ng Juda.39 Ilang galera lámang na sumadsad sa
dalampasigan ang natagpuan nilá sa malakas at magandang lungsod ng Aden, at
sinuong niláng lahat ito. Pagkatapos nitó, nagpadalá ang punòng kapitán ng isang
malaking galyon na may dalawang hilera ng kanyon upang labánan kami, ngunit
hindi ito nakapagpatúloy, at bumalik dahil sa ilang bahura at mga agos ng tubig
malápit sa Malaca, at mga salungat na hangin. Si Francesco Faria, isang Portuges,
ang kapitán ng naturang galyon. Ilang araw lámang ang nakaraan mula noong
may isang caravel na may kasámang dalawang junk ang nása lugar na iyon upang
makasagap ng balita ukol sa amin. Pumunta sa Bachian ang dalawang junk para
sa kargo ng mga klabo at may lulang pitóng Portuges. Dahil hindi iginalang ng
mga naturang Portuges ang mga babae ng hari at ng kaniyang mga tagasunod,
kahit madalas siláng sabihan ng hari na huwag ganoon umasta, at dahil ayaw
niláng tumigil, ipinapatay silá.
114 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Pagkarinig dito ng mga laláki sa caravel, mabilis siláng bumalik sa Malaca,


at iniwan ang mga junk na may apatnadaang bahar ng mga klabo, at sapat na
kalakal upang bumili ng isandaan pang bahar. Bawat taon, may mga junk na
naglalayag mula sa Malaca patúngong Bandan para sa mace at nutmeg, at mula
Bandan patúngong Maluco para sa mga klabo. Naglalayag ang mga táong iyon
nang tatlong araw mula Bandan patúngong Malaca. Palihim nang nagpasasà
nang sampung taon sa Malaca ang hari ng Portugalo, upang hindi ito mabatid
ng hari ng España. Nanatili sa amin ang naturang Portuges hanggang alas-tres
ng umaga, at nagsabi sa amin nang marami pang bagay. Inalagaan namin siyáng
napakabuti, at pinangakuan ng magandang sahod na nangako siyáng bumalik
España kasáma namin.

Noong araw ng Biyernes, ikalabinlima ng Nobyembre, sinabihan kami ng


hari na pupunta siyá ng Bachian upang kunin ang mga mga klabo na iniwanan
doon ng mga Portuges. Hiningan niya kami ng dalawang handog upang maibigay
niya ang mga ito sa dalawang gobernador ng Mutir sa ngalan ng hari ng España.
Dumaan siyá sa pagitan ng mga barko at ninais na makita kung paano namin
paputukin ang aming mga musket, crossbow, at culverin, na siyáng mas malaki
kaysa arquebus. Tatlong beses siyáng tumíra gámit ang crossbow, sapagkat mas
natuwa siyá dito kaysa sa mga musket. Pagka-Sabado, dumatíng sa mga barko ang
haring Muslim ng Giailolo kasáma ang marami-raming prau. Binigyan namin
siyá ng báta na yari sa lunting sedang damasko, dalawang dipa ng pulang tela,
mga salamin, gunting, kutsilyo, suklay, at dalawang dinuradong baso. Sinabihan
kami ng haring iyon na dahil mga kaibigan kami ng hari ng Tadore, kaibigan niya
rin kami, sapagkat mahal niya ang naturang hari na parang isa sa kaniyang mga
anak; at kapag pupunta sa kaniyang lupain ang sinuman sa aming mga tauhan,
papakitahan niya ito ng pinakamalaking karangalan. Napakatanda na ng haring
iyon at kinatatakutan sa lahat ng isla doon, sapagkat lubos siyáng makapangyarihan.
Raia Jessu ang ngalan niya. Napakalaki ng islang iyon ng Giailolo na aabutin
ng apat na buwan ang isang prau upang libutin ito. Kinaumagahan ng Linggo,
pumunta sa mga barko ang parehong hari at ninais makita kung paano kami
lumaban at kung paano namin paputukin ang mga kanyon namin. Labis siyáng
natuwa dito. Kaagad siyáng umalis pagkatapos itong mapaputok. Nasabi sa amin
na dakila siyáng mandirigma noong kabataan niya.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 115

Noong araw na iyon, pumunta ako sa baybay upang makita kung paano
tumutubo ang klabo. Mataas ang punò ng klabo at mahigit-kumulang singkapal
ng katawan ng isang laláki. May kalaparan ang pagkalat ng mga sanga nitó sa
gitna, ngunit kahugis ng tuktok ng bundok sa itaas. Kahawig ng mga dahon nitó
ang sa lawrel, at madilim ang kulay ng balakbak. Tumutubo ang mga klabo sa
dulo ng mga maliliit na sanga, sampu o dalawampu sa isang kumpol. Madalas na
mas maraming klabo sa isang panig ng mga punòng iyon kaysa kabila, naaayon
sa panahon. Puti ang mga klabo pag-usbong nilá, pula pagkahinog, at itim
pagkatuyot. Dalawang beses siláng tinitipon bawat taon, una sa kapanganakan
ng ating Tagapagligtas, at ang pangalawa ay sa kapanganakan ni San Juan de
Bautista; sapagkat mas katamtaman ang klima sa dalawang panahong iyon, ngunit
higit sa panahon ng kapanganakan ng ating Tagapagligtas. Kapag napakainit ng
taon at wala gaanong ulan, tinitipon ng mga táong iyon ang tatlo o apatnadaang
bahar [ng klabo] sa bawat isa sa mga islang iyon. Tumutubo lámang ang mga
naturang punò sa kabundukan, at hindi silá nabubuhay kapag itinatanim sa
mabababang lugar malápit sa mga bundok. Sintigas ng mga klabo ang mga
dahon, balakbak, at lunting kahoy. Kung hindi maaani ang una kapag nahinog
na, lumalaki silá at napakatigas na kung kayâ ang upak lámang nilá ang mainam.
Walang tumutubong mga klabo sa daigdig kung hindi sa limang bundok niyong
limang isla, maliban sa ilang matatagpuan sa Giailolo at sa isang munting isla
sa pagitan ng Tadore at Mutir, na may ngalang Mare, ngunit hindi silá mainam.
Halos bawat araw ay may nasisilayan kaming ulop na bumababa at pumapalibot
sa isa at pagkatapos ay sa isa pa sa mga bundok na iyon, at dahil dito ay nagiging
perpekto ang mga naturang klabo. Mayroong mga punò ng klabo ang bawat isa
sa mga táong iyon, at binabantayan ng bawat isa ang kaniyang mga punò ngunit
hindi niya ito nililinang. Matatagpuan sa naturang isla ang ilang punò ng nutmeg.
Kahawig ng punò ang ating punò ng walnut at may mga katulad na dahon.
Kapag tinipon ang mani, sinlaki ito ng isang maliit na quince at singkulay nitó.
Singkapal ng lunting balát ng ating walnut ang unang balát nitó. May manipis
na layer sa ilalim niyon, at sa ilalim pa nitó matatagpuan ang mace. Ang hulí ay
matingkad na pula at nakabalot sa balát ng mani, at nása loob nitó ang nutmeg.
Katulad ng pagkakagawa ng sa ibá ang bahay ng mga táong iyon, ngunit hindi
ganoon kataas ang pagkakatindig mula sa lupa, at pinalilibutan ng mga kawayan
116 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

tulad ng isang halamang-bakod. Pangit ang mga babae doon at hubo’t hubad
tulad ng ibá, at mayroong [lámang na pantakip na] mga naturang telang gawa
mula sa balakbak ng punò. Ganito ginagawa ang mga telang iyon: kumukuha
silá ng piraso ng balakbak at binababad ito sa tubig hanggang sa lumambot ito;
pagkatapos ay pinupukpok nilá ito gámit ang mga piraso ng kahoy at [sa gayon]
nagagawang pahabàin at palaparin ayon sa nais nilá. Nagiging katulad ito ng
belo ng sedang hilaw, ay may ilang hibla sa loob nitó na nagmumukhang hinabi.
Kumakain silá ng kahoy na tinapay na gawa sa isang punòng kahawig ng palma,
na ganito ginagawa: kumukuha silá ng isang piraso ng naturang malambot na
kahoy na siyáng pagkukunan nilá ng ilang mahahabàng itim na tinik; pagkatapos
ay pupukpukin nilá ang kahoy, at sa gayon magagawa ang tinapay. Ginagamit nilá
ang naturang tinapay, na tinatawag niláng saghu [sago], bílang ang halos nag-iisa
niláng pagkain sa dagat. Hubo’t hubad ang mga laláki doon tulad ng ibá [ng mga
rehiyong iyon] ngunit napakaseloso nilá para sa kaniláng mga asawa kung kayâ
ayaw niláng manaog kami sa baybay nang nakalantad ang mga kalsonsilyo namin;
sapagkat iginigiit niláng pinapantasya ng kaniláng mga babaeng lagi kaming nása
kahandaan.

Araw-araw na dumaratíng ang ilang bangka mula sa Tarenate na punô ng


mga mga klabo ngunit, dahil inaantay namin ang hari, hindi kami nakipagkalakal
para sa anuman maliban sa pagkain. Napakalungkot ng mga laláki mula Tarenate
dahil tumanggi kaming makipagkalakal sa kanilá. Kinagabihan ng Linggo,
ikadalawampu’t apat ng Nobyembre, at pasapit na ng Lunes, dumatíng ang hari
nang tumutugtog ang mga gong, at dumaan sa pagitan ng mga barko, [kung
kailan] nagpaputok kami ng maraming kanyon. Sinabi niya sa aming maramihang
ihahatid ang mga mga klabo sa loob ng apat na araw. Pagka-Lunes, pinadalhan
kami ng hari ng pitóng daan at siyamnapu at isang cathil ng mga klabo, nang
hindi isinasaalang-alang ang tare. Ang tare ay upang tanggapin ang mga spice
nang bawas sa kaniláng timbang, sapagkat natutuyo silá sa paglipas ng mga araw.
Dahil iyon ang mga unang mga klabo na naisakay namin sa mga barko namin,
nagpaputok kami ng maraming kanyon. Tinatawag na ghomode ang mga klabo
doon; sa Sarangani, kung saan namin dinakip ang dalawang piloto, bongalauan;
at sa Malaca, chinache.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 117

Noong araw ng Martes, ikadalawampu at anim ng Nobyembre, sinabi sa


amin ng hari na hindi nakagawian ng kahit sinong hari na iwanan ang kaniyang
isla, ngunit na nilisan niya [ang kaniya] para sa pagmamahal na mayroon siyá
para sa hari ng Castiglia, at upang maaari kaming makapunta nang mas maaga sa
España at makabalik kasáma ang kayraming barko na maipaghihiganti namin ang
pagpaslang sa kaniyang ama na pinatay sa isang islang tinatawag na Buru bago
itapon sa dagat. Sinabi niya sa aming kaugaliang maghanda ng pista ang hari para
sa mga tripulante ng mga barko kapag isinasakay sa unang pagkakataon ang mga
klabo sa mga barko o sa mga junk, at na magdasal sa kaniláng Panginoon na ligtas
Niyang gagabayan ang mga barkong iyon patúngo sa kaniláng pantalan. Nais din
niyang gawin iyon dahil paratíng ang hari ng Bachian at isa sa kaniyang mga
laláking kapatid upang dumalaw. Pinalinisan niya ang mga lansangan. Naghinala
ang ilan sa amin na may kataksilang isinasagawa, dahil pinatay sa lugar kung saan
kami tinagasan ng tubig ang tatlong Portuges na kasáma ni Francesco Serrano,
sa kamay ng mga táong iyon na nagkubli sa mga makakapal na palumpong, at
dahil nakita namin ang mga taga-India na iyon na nakikipagbulungan sa aming
mga bihag, kung kayâ nagpahayag silá, salungat sa ilang nais pumunta sa pista, na
hindi dapat kami pumunta sa dalampasigan para sa mga pista, sapagkat naalala
namin ang isa pang kasamaang palad [sa Cebu]. Labis kaming hindi mapakali
kung kayâ napagpasiyahang magpadalá ng mensahe sa hari upang hilingin siyáng
pumunta kaagad sa mga barko, sapagkat paalis na kami, at na ibibigay namin sa
kaniya ang apat na tauhang ipinangako namin bukod pa sa ilang kalakal. Dali-
daling pumunta ang hari at pumasok sa mga barko. Sinabihan niya ang ilan sa
mga tauhan niya na pumasok siyá sa mga ito nang may parehong panatag sa
pagpasok sa sarili niyang mga bahay. Sinabi niya sa aming lubha niyang ikinagulat
ang hangárin naming umalis kaagad, sapagkat tatlumpung araw ang hanggahan
ng oras para sa pagkakarga sa mga barko; at na hindi niya nilisan ang isla upang
gawan kami ng masamâ, at sa halip ay upang mas mabilis na tustusan ng mga
klabo ang mga barko. Sinabi niyang hindi dapat kami lumisan ngayon, sapagkat
hindi iyon ang panahon para sa paglalayag sa mga islang iyon, parehong dahil sa
maraming bahura na matatagpuan sa paligid ng Bandan at dahil maaari naming
madalîng makatagpo ang ilang barkong Portuges [sa mga dagat na iyon].
118 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Subalit kung determinado na kaming umalis ngayon, dapat naming dalhin


ang lahat ng aming kalakal, sapagkat sasabihin ng lahat ng hari sa kapiligiran na
tumanggap ng kayraming regalo ang hari ng Tadore mula sa isang kaydakilang
hari, at walang itinumbas na handog; at na iisipin niláng pumanaw lámang kami
dahil sa tákot ng kung anong kataksilan, at lagi nilá siyáng tatawaging traidor.
Pagkatapos ay ipinahatid niya ang kaniyang Koran, at pagkatapos halikán ito
at ipatong nang apat o limang beses sa kaniyang ulo, at pagkatapos sumambit
ng ilang salita sa kaniyang sarili tulad ng ginawa niya (na tinatawag niláng
zambahean), ipinahayag niya sa harap ng lahat, at sumusumpa sa ngalan ni Allah
at ng Koran na hawak niya, na lagi siyáng magiging matapat na kaibigan sa hari
ng España. Sinambit niya ang lahat ng salitâng iyon nang halos maiiyak. Bílang
tumbas sa kaniyang mabubuting salita, nangako kaming mag-aantay ng dalawa
pang linggo. Pagkatapos nitó ay binigyan namin siyá ng lagda ng hari at ng bandera
real. Gayunman, nasagap namin pagkaraan mula sa isang mabuting awtoridad na
nagpanukala sa hari ang ilang pinunò ng mga islang iyon na paslangin kami, at
na bibigyan nitó ng labis na kasiyahan ang mga Portuges, at na papatawarin ng
hulí ang mga taga-Bachian. Ngunit tumugon daw ang hari na hindi niya ito
gagawin para sa alinmang dahilan, sapagkat kinilala na niya ang hari ng España
at nakipag-ayos na ng kapayapaan sa kaniya.

Pagkatapos ng hapunan noong Miyerkoles, ikadalawampu at pitó


ng Nobyembre, naglabas ng kautusan ang hari na lahat ng may mga klabo ay
maaari itong dalhin sa mga barko. Lahat ng iyon at noong sumunod na araw ay
nagkalakal kami para sa mga klabo sa sukdulan ng aming makakaya. Pagkahapon
ng Biyernes, dumatíng ang gobernador ng Machian kasáma ang marami-raming
prau. Tumanggi siyáng pumanaog, sapagkat naninirahan sa Tadore ang kaniyang
ama at isa sa mga laláking kapatid na itinapon mula sa Machian. Kinabukasan,
pumasok sa mga barko ang aming hari at kaniyang laláking pamangkin, ang
gobernador. Dahil wala na kaming tela, nagpahatid ang hari ng tatlong dipa ng
kaniyang tela at ibinigay sa amin, at ibinigay namin ito kasáma ng ibáng bagay sa
gobernador. Nagpaputok kami ng maraming kanyon paglisan niya. Pagkatapos
ay pinahatiran kami ng hari ng anim na habà ng pulang tela, nang sa gayon ay
maibigay namin ito sa gobernador. Kaagad namin itong inihandog sa hulí, at
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 119

malugod niya itong pinagpasalamatan sa amin, at sinabing magpapadalá siyá ng


maraming bílang ng mga klabo. Humar ang pangalan ng naturang gobernador,
at mahigit-kumulang dalawampu at limang gulang siyá.

Noong araw ng Linggo, ikauna ng Disyembre, lumisan ang naturang


gobernador. Sinabihan kaming binigyan siyá ng hari ng Tadore ng ilang telang
seda at ilan sa mga nasabing gong upang mas mabilis niyang maipadalá ang mga
mga klabo. Noong araw ng Lunes, lumabas ng isla ang hari upang makakuha
ng mga klabo. Pagka-umaga ng Miyerkoles, dahil araw noon ni Santa Barbara,
at dahil dumatíng ang hari, pinaputok ang lahat ng kanyon. Dumatíng ang
hari sa dalampasigan kinagabihan, at humiling [na mapakitahan] kung paano
namin pinapaputok ang aming mga kuwitis at apoy na bomba, na siyáng labis na
nagpaligaya sa kaniya. Noong mga araw ng Huwebes at Biyernes, bumili kami
ng maraming mga klabo parehong sa lungsod at sa mga barko. Para sa apat na
dipa ng laso, binigyan nilá kami ng isang bahar ng mga klabo; para sa dalawang
kadenang tanso, na may halagang isang marcello, binigyan nilá kami ng isandaang
pound ng mga klabo. Nang sa hulí ay naubusan na kami ng kalakal, nagbigay ang
isang laláki ng kaniyang lambong, ang isa ay kaniyang doublet, at ang isa pa ay
kaniyang kamiseta, bukod pa sa ibáng uri ng damit, nang sa gayon ay magkaroon
silá ng hati sa kargamento. Noong araw ng Sabado, pumunta sa mga barko ang
tatlo sa mga laláking anak ng hari ng Tarenate at ang tatlo niláng asawa, mga
babaeng anak ng aming hari, at ang Portuges na si Pietro Alfonso. Binigyan
namin ang bawat isa sa mga laláking magkakapatid ng isang dinuradong baso, at
mga gunting at ibá pang bagay sa mga babae. Nagpaputok ng maraming kanyon
sa kaniláng paglisan. Pagkatapos ay nagpadalá kami sa baybay nang maraming
bagay para sa babaeng anak ng hari, ang dáting asawa ng hari ng Tarenate,
sapagkat tumanggi siyáng pumanhik sa mga barko kasáma ang mga ibá. Laging
nakayapak ang lahat ng táong iyon, laláki at babae.

Noong araw ng Linggo, ikawalo ng Disyembre, nagpaputok kami ng


maraming kanyon, kuwitis, at apoy na bomba dahil araw noon ng Konsepsiyon.
Pagkahapon ng Lunes, pumunta ang hari sa mga barko kasáma ang tatlong babae,
na mga tagadalá niya ng kaniyang betel. Walang ibá maliban sa hari ang maaaring
120 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

magdalá ng babae kasáma niya. Pagkatapos, dumatíng ang hari ng Giailolo at


humiling na makita ulit kaming magkasámang lumaban. Ilang araw ang lumipas
nang sinabi sa amin ng hari na para siyáng isang sumusúsong musmos na kilála
ang mahal niyang ina, na siyáng iiwanan ang una sa pag-alis niya. Lalo siyáng
mawawalan ng sigla, dahil nakilála niya na kami, at natikman ang ilan sa mga
produkto ng España. Sapagkat matagal pa sa hinaharap ang pagbalik namin,
marubdob siyáng nagsumamo sa amin na iwanan siyá ng ilan sa mga culverin
namin para sa kaniyang pagtatanggol. Pinayuhan niya kaming maglayag lámang
sa araw kapag lumisan na kami, sapagkat marami ang mga bahura sa mga naturang
isla. Tumugon kami sa kaniyang kailangan naming maglayag sa parehong araw
at gabí kung nais naming makaratíng sa España. Dahil dito, sinabi niya sa aming
araw-araw siyáng magdadasal sa kaniyang Panginoon para sa amin, at hihilingin
sa Kaniya na ligtas kaming gabayan. Sinabi niya sa aming paratíng na ang hari
ng Bachian upang ipakasal ang isa sa mga kapatid niyang laláki sa isa sa kaniyang
[ang hari ng Tidore] mga babaeng anak, at hiniling sa aming umimbento ng uri
ng libangan bílang sagisag ng ligaya; ngunit hindi dapat namin paputukin ang
malalakíng kanyon, sapagkat malubha niláng pipinsalain ang mga barko dahil
punô silá. Noong panahong iyon, dumatíng upang manatili sa mga barko ang
Portuges na si Pietro Alfonso kasáma ang kaniyang asawa at lahat ng ibá niyang
pagmamay-ari. Dalawang araw ang lumipas nang dumatíng sa mga barko sakay
ng isang prau na punò ng tauhan si Chechili de Roix, laláking anak ng hari ng
Tarenate, at hiniling niya sa Portuges na pumanaog sa prau para sa ilang sandali.
Sumagot ang Portuges na hindi siyá bababa, dahil papunta siyáng España kasáma
namin, at sa sandaling ito sinubukang pumasok sa barko ang anak ng hari, ngunit
tumanggi kaming pasakayin siyá, sapagkat malápit siyáng kaibigan ng kapitáng
Portuges ng Malaca, at dumatíng upang dakpin ang Portuges. Labis niyang
pinagalitan ang mga táong nakatirá malápit sa Portuges dahil pinayagan nilá ang
hulí na makaalis nang walang pahintulot niya.

Pagka-hapon ng Linggo, ikalabinlima ng Disyembre, dumatíng ang hari


ng Bachian at kapatid niyang laláki sakay ng isang prau na may tatlong hilera
ng mga tagasagwan sa magkabilâng panig. Lahat-lahat ay mayroong isandaan
at dalawampung tagasagwan, at marami siláng daláng bandera na gawa sa puti,
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 121

dilaw, at pulang balahibo ng loro. Napakaraming pagtambol sa mga nasabing


gong, sapagkat isinasabay ng mga tagasagwan ang kaniláng pagsasagwan sa mga
tunog na iyon. Nagdalá siyá ng dalawa pang prau na punô ng mga babae upang
ihandog sa kaniyang mapapangasawa. Pagkaraan nilá malápit sa mga barko,
sumaludo kami sa kanilá gámit ang pagpapaputok ng mga kanyon, at pinaikutan
ang mga barko at ang pantalan upang sumaludo silá amin. Dumatíng ang hari
namin upang batiin siyá sapagkat hindi gawi ng kahit sinong hari na pumanaog
sa lupain ng isa pang hari. Pagkakita ng hari ng Bachian na paparatíng ang hari
namin, tumayô silá mula sa karpet na kinauupuan niya, at lumugar sa isang
gilid nitó. Tumanggi ang hari naming umupo sa karpet, at sa halip ay umupo sa
kabilâng gilid, nang sa gayon ay walang umupo sa karpet. Binigyan ng hari ng
Bachian ang hari namin ng limandaang patol, dahil ibibigay ng hulí ang kaniyang
babaeng anak bílang asawa ng laláking kapatid ng una. Mga tela ng bulawan
at seda na gawa sa Tsina ang mga nasabing patol, at labis na pinahahalagahan
ng mga táong iyon. Kapag namamatay ang isa sa mga naturang tao, nagsusuot
ng ganoong tela ang kaniyang mga kaanak upang bigyan siyá ng dagdag na
karangalan. Nagbibigay silá ng tatlong bahar ng mga klabo para sa isa sa mga
naturang báta o malápit doon, ayon sa [halaga ng] báta.

Noong araw ng Lunes, nagpadalá ang hari namin ng isang bangkete sa


hari ng Bachian sa pamamagitan ng limampung babaeng nakasuot lahat ng mga
sedang damit mula baywang hanggang binti. Dumatíng siláng dala-dalawa na may
laláki sa gitna ng bawat pares. May dalá ang bawat isa ng isang malaking bandeha
na punô ng ibá pang maliliit na pinggang may lamáng ibá’t ibáng uri ng pagkain.
Walang dalá ang mga laláki kung hindi alak sa malalakíng banga. Nagsilbing mga
tagapagdalá ng mace ang sampu sa pinakamatatandang kababaihan. Sa ganitong
paraan silá pumunta sa prau kung saan nilá inihandog ang lahat sa hari na siyáng
nakaupo sa karpet sa ilalim ng isang pula at dilaw na silungan. Hábang pabalik
silá, dinakip ng mga babaeng iyon ang ilan sa aming kalalakihan at kinailangan
siláng bigyan ng kaunting abubot upang makamit ng mga laláki ang kaniláng
kalayàan. Pagkatapos nitó, nagpadalá sa amin ng hari namin ng mga kambing,
buko, alak, at ibá pang bagay. Itinali namin ang mga layag sa mga barko noong
araw na iyon. Mayroong siláng krus ni Santiago ng Galitia, na may kasámang
inskripsiyong nagsasabing: “Ito ang tanda ng aming magandang kapalaran.”
122 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Noong araw ng Martes, binigyan namin ang hari namin ng ilang piraso
ng mga kanyon na kahawig ng mga arquebus, na nasamsam namin sa mga islang
iyon, at ilan sa aming mga culverin kasáma ang apat na bariles ng pulbura.
Isinakay namin sa lugar na iyon ang walumpung bariles ng tubig sa bawat barko.
Limang araw bago dito, nagpadalá ang hari ng isandaang tauhan upang pumutol
ng kahoy para sa amin sa isla ng Mare, na siyáng daraanan namin. Noong araw
na iyon, pumunta sa dalampasigan ang hari ng Bachian at marami sa mga tauhan
niya upang makipag-ayos ng kapayapaan sa amin. Naglakad sa harap ng hari ang
apat na tauhan na may hawak na mga nakalabas na punyal. Sa harap ng aming
hari at sa lahat ng ibá pa, sinabi niyang lagi siyáng mananatili sa paglilingkod sa
hari ng España, at ititirá niya sa kaniyang ngalan ang mga klabong iniwan ng mga
Portuges para sa pagdatíng ng isa sa aming mga plota, at na hindi niya kailanman
ibibigay ang mga ito sa mga Portuges nang walang pahintulot namin. Nagpadalá
siyá bílang handog sa hari ng España ng isang alipin, dalawang bahar ng klabo
(nagpadalá siyá ng sampu, ngunit hindi na silá maikarga ng mga barko dahil
punông-punô na silá), at dalawang napakagandang patay na ibon. Sinlaki ng mga
thrush ang mga naturang ibon, at mayroong maliliit na ulo at mahahabàng tuka.
Isang palad ang habà ng kaniláng mga binti at singnipis ng isang pluma, at wala
siláng mga pakpak, at sa halip ay mayroong mahahabàng balahibo ng ibá’t ibáng
kulay, tulad ng malalakíng plumahe. Kahawig ng buntot ng thrush ang sa kanilá.
May dilawang kayumangging kulay ang lahat ng mga balahibo maliban sa mga
pakpak. Hindi silá lumilipad maliban na lámang kapag may hangin. Sinabi sa
amin ng mga tao na nanggáling sa isang lupaing paraiso ang mga ibong iyon, at
tinatawag niláng bolon diuata, na ang ibig sabihin ay “mga ibon ng Panginoon.”
Noong araw na iyon, nagsulát ang bawat isa sa mga hari ng Maluco sa hari ng
España [upang sabihin] na hangad niláng laging maging kaniyang matatapat na
tagasunod. Mahigit-kumulang pitumpung taon ang hari ng Bachian. Sinusunod
niya ang sumusunod na gawi: na siyáng tuwing makikidigma siyá o may kahit
anong gagawing ibáng mahalagang bagay, ipapagawa muna niya ito nang dalawa
o tatlong beses ng isa sa mga alipin niya na itinatago niya para sa wala nang ibá
pang silbi.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 123

Isang araw, nagpahatid ng mensahe ang aming hari sa mga tauhan


naming nakatirá sa bahay ng mga kalakal na huwag lumabas ng bahay sa gabí,
dahil sa ilan niyang tauhang binabasbasan ang kaniláng mga sarili at gumagala
sa labas kinagabihan. Tíla wala siláng pinunò, at kapag nakatatagpo ang kahit
sino sa kanilá sa ibá pang tao, dadampian niya ang kamay ng hulí, at papahiran
ito ng kaunting ungguwento. Mabilis na magkakasakit ang tao, at mamamatay
sa loob ng tatlo o apat na araw. Kapag nakatatagpo ang mga táong iyon ng
magkakasámang tatlo o apat, wala siláng ibáng gagawin kung hindi tanggalan
silá ng kaniláng pandamá. [Sinabi ng hari] na pinabitay niya ang marami sa mga
ito. Kapag nagpapatayô ng bagong bahay ang mga táong iyon, gumagawa silá ng
apoy sa palibot nitó at nagdaraos ng maraming pista bago silá manirahan doon.
Pagkatapos ay ikinakabit nilá sa bubong ng bahay ang kung ano-anong bagay
mula sa lahat ng matatagpuan sa isla, nang sa gayon ay hindi kailanman magiging
kulang ang mga bagay na iyon para sa mga nakatirá. Matatagpuan ang luya sa
kalakhan ng mga islang iyon. Kinain namin itong lunti tulad ng tinapay. Hindi
isang punò ang luya, ngunit isang maliit na halaman na nagpapausbong sa lupa
ng mga talbos na may habàng isang palad, na kahawig ng mga talbos ng mga
tambo at mayroong mga kaparehong dahon tulad ng sa mga tambo, maliban na
mas makitid ang mga ito. Walang halaga ang mga talbos na iyon, ngunit binubuo
ng mga ugat ang luya. Hindi ito sintibay kung lunti kaysa tuyo. Pinapatuyo ito ng
mga táong iyon sa dayap, sapagkat kung hindi ay mabubulok ito.

Kinaumagahan ng Miyerkoles, ayon sa hangad naming lisanin ang Maluco,


pumunta ang lahat ng hari ng Tadore, hari ng Giailolo, hari ng Bachian, at isang
laláking anak ng hari ng Tarenate upang samáhan kami sa isla ng Mare. Naglayag
ang barkong “Victoria” at bahagyang nakaagaw ng pansin hábang inaantay ang
barkong “Trinitade.” Ngunit biglang nagsimulang tagusán sa ilalim ang hulí at
hindi naitaas ang angkla. Dali-daling bumalik sa pagkakadaong ang “Victoria”
at kaagad naming pinagaan ang “Trinitade” upang makita kung káya ba namin
itong ayusin. Nakita naming pumapasok ang tubig na tíla lumalagos sa isang
tubo, ngunit hindi namin mahanap kung saan ito nanggagaling. Lahat ng iyon at
kinabukasan ay wala kaming ginawa kung hindi trabahuhin ang bomba ng tubig,
ngunit wala kaming napalâ. Nang nabatid ito ng aming hari, dali-dali siyáng
124 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

pumunta sa barko, at talagang nag-abalá sa kaniyang pagsisikap na mahanap ang


tagas. Pinadalá niya ang lima sa kaniyang mga tauhan sa ilalim ng tubig upang
makita kung matutuklasan nilá ang bútas. Kalahating oras siláng namalagi sa
ilalim ng tubig, ngunit hindi nagawang mahanap ang tagas. Pagkakita ng hari
na hindi nilá kami matulungan at dumadagdag ang tubig bawat oras, halos
mangiyak niyang sinabi sa amin na ipapasundo niya sa ulo ng isla ang tatlong
laláki na káyang manatili sa ilalim ng tubig nang matagal na panahon. Dumatíng
ang hari namin kasáma ang tatlong laláki pagkaaga nang umaga ng Biyernes.
Kaagad niya siláng ipinadalá sa ilalim ng tubig na nakalugay ang buhok nang
sa gayon ay mahanap ang tagas sa pamamagitan nitó. Nanatili silá sa ilalim ng
tubig nang isang buong oras ngunit hindi nagawang hanapin ito. Pagkakita ng
hari na wala siyáng maitutulong, tumatangis niyang tinanong sa amin kung sino
sa amin ang pupunta “sa España sa aking hari, at ipababatid sa kaniya ang balita
tungkol sa akin.” Sinagot namin siyá na ang “Victoria” ang pupunta doon upang
hindi masayang ang mga silangang hanging nagsisimula nang umihip, hábang
ang kabilâng barko, hábang isinasaayos ay aantayin ang mga kanlurang hangin at
pagkatapos ay tutúngo sa Darien na siyáng matatagpuan sa kabilâng bahagi ng
dagat sa bayan ng Diucatan [Yucatan]. Sinabi sa amin ng hari na kakailanganin
niya ng isandaan at dalawampu at limang anluwage na gagawa ng lahat ng trabaho,
at na ituturing niyang mga anak niya ang lahat ng mananatili dito. Hindi silá
dadanas ng kahit anumang pagod maliban sa dalawa sa kanilá na magmamando
sa mga karpintero sa kaniláng trabaho. Sinambit niya ang nga salitâng iyon nang
may matinding rubdob na pinaiyak niya kaming lahat. Dahil kaming sa barkong
“Victoria” ay hindi tiyak kung mabibiyak ang barko dahil napakadami nitóng
kargamento, pinagaan namin ito ng animnapung quintal ng mga klabo, na siyáng
dinalá namin sa bahay kung saan nakatago ang ibá pang mga klabo. Hinangad
ng ibá sa mga tauhan ng barko namin na manatili doon, sapagkat nangangamba
siláng hindi matatagalan ng barko ang paglalayag patúngong España, ngunit mas
higit dahil sa pangambang mamamatay silá sa gutom.

Noong araw ni Santo Tomas, Sabado, ika-dalawampu at isa ng Disyembre,


dumatíng sa mga barko ang hari namin, at itinalaga sa amin ang dalawang piloto
na binayaran namin dati upang gabayan kami palabas ng mga islang iyon. Sinabi
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 125

niláng iyon ang tamang panahon upang lumisan noon, ngunit dahil ang mga
tauhan namin[g nagpaiwan] ay sumusúlat ng mga liham para sa España, hindi
kami umalis hanggang tanghali. Pagsapit ng oras na iyon, nagpaalam ang mga
barko sa isa’t isa hábang pinapaputok ang mga kanyon, at mistulang itinataghoy
nilá ang kaniláng hulíng paglisan. Sinamahan kami ng mga tauhan namin[g
magpapaiwan] sakay ng kaniláng mga bangka nang hindi kalayuan, at pagkatapos
ng maraming luha at yakap ay lumisan na kami. Sinamahan kami ng gobernador
ng hari hanggang sa isla ng Mare. Kakaratíng pa lámang namin sa islang iyon
nang nakakita kami ng apat na prau na may lulang mga kahoy, at sa loob ng isang
oras ay naisakay namin ang mga ito sa barko at pagkatapos ay kaagad tumahak
ng landas patúngong timog-kanluran. Nanatili doon si Johan Carvaio kasáma
ang limampu at tatlo sa mga tauhan namin, samantalang binubuo kami ng
apatnapu at pitóng laláki at labintatlong Indio. Mayroong obispo ang nasabing
isla ng Tadore, at siyáng may katungkulang iyon ay mayroong apatnapung asawa
at maraming anak.

Matatagpuan sa mga islang iyon ng Maluco ang mga klabo, luya, sago (na
siyáng kaniláng tinapay na kahoy), palay, kambing, gansa, manok, buko, bunga,
almendras na mas malalakí kaysa atin, matatamis at maaasim na pomegranate,
kahel, limon, kamote, pulut na gawa ng mga pukyot na sinliliit ng langgam, na
ginagawa ang kaniláng pulut sa mga punò, túbo, langis ng niyog, langis ng beneseed,
pakwan, ilahas na pipino, gourd, isang nakapepreskong prutas na sinlaki ng pipino
at tinatawag na comulicai, isa pang prutas tulad ng melokoton na tinatawag na
guava, at ibá pang uri ng pagkain. Matatagpuan din doon ang mga loro ng ibá’t
ibáng kulay, at kabílang sa ibáng uri ang ilang mapuputi na tinatawag na cathara
at ilang puro pula na tinatawag na nori. Kasing halaga ng isang bahar ng mga
klabo ang isa sa mga pulang ito, at mas malinaw magsalita ang uring ito kaysa
ibá. Naninirahan ang mga Muslim na iyon sa Maluco nang mahigit-kumulang
limampung taon na. Mga pagano dati ang nakatirá doon, ngunit wala siláng
pakialam para sa mga klabo. Mayroon pa ring mga pagano doon, ngunit nakatirá
silá sa kabundukan kung saan tumutubo ang mga klabo.
126 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Matatagpuan ang isla ng Tadore sa latitud na dalawampu at pitóng minuto


patúngong Polong Arctico, at sa longhitud na isandaan at animnapu at isang
digri mula sa guhit ng demarkasyon. Siyam at kalahating digri ito sa katimugan
ng unang isla ng kapuluan na tinatawag na Ziannal [Zamal], at umaabot pahilaga
sa silangan at patimog sa kanluran. Matatagpuan ang Tarenate sa latitud na
dalawang sangkatlo na digri patúngong Polong Arctico. Matatagpuan ang Mutir
eksakto sa ilalim ng linyang equinoctial. Matatagpuan ang Machian sa sangkapat
na digri patúngong Polong Antarctico, at ang Bachian ay patúngo ring Polong
Antarctico sa isang digri. Ang Tarenate, Tadore, Mutir, at Machian ay apat na
matataas na patusok na bundok kung saan tumutubo ang mga klabo. Kapag
naroon ang isang tao sa naturang apat na isla, hindi niya matatanaw ang Bachian,
ngunit mas malaki ito kaysa alinman sa apat na islang iyon. Hindi sintalas ng
bundok ng mga klabo nitó ang ibá, ngunit mas malaki ito.

Mga salita ng mga táong Muslim na iyon

Para sa kaniláng Panginoon Alla


para sa isang Kristiyano naceran
para sa isang Turko rumno
para sa isang Moro musulman; isilam
para sa isang Pagano caphre
para sa kaniláng Mosque mischit
para sa kaniláng mga Pari maulana catip mundin
para sa kaniláng mga Pantas horan pandita
para sa kaniláng mga Deboto mossai
para sa kaniláng mga
Seremonyas zambahehan de ala meschit
para sa Ama bapa
para sa Ina mama ambui
para sa Laláking Anak anach
para sa Laláking Kapatid saudala
para sa Laláking Kapatid
ni ganito at ganiyan capatin muiadi
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 127

para sa German [Pinsan?] saudala sopopu


para sa Lolo niny
para sa Biyenan (Ama) minthua
para sa Manugang (Laláki) mi nanthu
para sa Laláki horan
para sa Babae poran poan
para sa Buhok lambut
para sa Ulo capala
para sa Noo dai
para sa Mata matta
para sa mga Kilay quilai
para sa mga Talukap ng mata cenin
para sa Ilong idon
para sa Bibig mulut
para sa mga Labì bebere
para sa mga Ngipin gigi
para sa mga Gilagid issi
para sa Dila lada
para sa Ngalangala langhi
para sa Babà aghai
para sa Balbas janghut
para sa Bigote missai
para sa Panga pipi
para sa Tenga talingha
para sa Lalamunan laher
para sa Leeg tun dun
para sa mga Balikat balachan
para sa Dibdib dada
para sa Puso atti
para sa Utong sussu
para sa Tiyan parut
para sa Katawan tun dunbutu
para sa Titi botto
128 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

para sa Puki bucchii


para sa Pakikipagtalik
sa mga babae amput
para sa Puwit buri
para sa mga Hita taha
para sa Binti mina
para sa Lulod ng binti tula
para sa Alak-alakan [ng binti] tilor chaci
para sa Bukong-bukong buculali
para sa Sakong tumi
para sa Paa batis
para sa Talampakan empachaqui
para sa Kuko cuchu
para sa Braso langhan
para sa Siko sichu
para sa Kamay tanghan
para sa malaking Daliri
ng kamay [hinlalakí] idun tanghan
para sa Ikalawang Daliri tungu
para sa Ikatlo geri
para sa Ikaapat mani
para sa Ikalima calinchin
para sa Bigas bugax
para sa Niyog sa Maluco
at Burne biazzao
[para sa Niyog] sa Lozon nior
[para sa Niyog] sa Java Major calambil
para sa Bunga [saging] pizan
para sa Tubó tubu
para sa mga Kamote gumbili
para sa mga Ugat tulad
ng singkamas ubi
para sa Nangka mandicai sicui
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 129

para sa Melon antimon


para sa mga Pipino labu
para sa Báka lambu
para sa Baboy babi
para sa Kalabaw carban
para sa Tupa biri
para sa Babaeng kambing cambin
para sa Tandang na manok sambunghan
para sa Inahing manok aiambatina
para sa Kinapong tandang gubili
para sa Itlog talor
para sa Laláking gansa itich
para sa Gansa ansa
para sa Ibon bolon
para sa Elepante gagia
para sa Kabayo cuda
para sa Leon huriman
para sa Usa roza
para sa Áso cuiu
para sa mga Bubuyog haermadu
para sa Pulut-pukyutan gulla
para sa Pagkit lelin
para sa Kandila dian
para sa Mitsa nitó sumbudian
para sa Apoy appi
para sa Usok asap
para sa Dapulan abu
para sa lutong-luto lambech
para sa Tubig tubi
para sa Bulawan amax
para sa Pilak pirac
para sa Mamahaling Bato premata
para sa Perlas mutiara
130 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

para sa Asoge raza


para sa Copper tumbaga
para sa Bakal baci
para sa Tinggâ tima
para sa kaniláng mga Gong agun
para sa Cinnabar galuga sadalinghan
para sa Pilak [kulay o tela?] soliman danas
para sa Telang Seda cain sutra
para sa Telang Pula cain mira
para sa Telang Itim cain ytam
para sa Telang Puti cain pute
para sa Telang Lunti cain igao
para sa Telang Dilaw cain cunin
para sa Kupya cophia
para sa Kutsilyo pixao
para sa Gunting guntin
para sa Salamin chiela min
para sa Suklay sissir
para sa Salaming Butil manich
para sa Kampana giringirin
para sa Singsing sinsin
para sa mga Klabo ghianche
para sa Sinamomo caiumanis
para sa Paminta lada
para sa Mahabàng Paminta sabi
para sa Nutmeg buapala gosoga
para sa alambre ng Copper canot
para sa Pinggan pinghan
para sa Palayok prin
para sa Mangkok manchu
para sa Pinggang Kahoy dulan
para sa Talukab [o plorera?] calunpan
para sa kaniláng mga Panukat socat
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 131

para sa Lupa [terra] buchit


para sa Mainland buchit tana
para sa Bundok gonun
para sa Bato batu
para sa Isla polan
para sa isang Punto ng Lupain
[isang Tangos] taniun buchit
para sa Ilog songhai
Ano ang pangalan ni
ganito-at-ganyan? apenamaito
para sa langis ng Niyog mignach
para sa langis ng Beneseed lana lingha
para sa Asin garan sira
para sa Musk at Hayop nitó castori
para sa kahoy na kinakain
ng mga kastor comaru
para sa Linta linta
para sa Civet jabat
para sa Pusang gumagawa
ng Civet mozan
para sa Rhubarb calama
para sa Demonyo saytan
para sa Daigdig bumi
para sa Trigo gandun
para sa Matulog tidor
para sa mga Banig tical
para sa Unan bantal
para sa Sakit sachet
para sa Kalusugan bay
para sa uri ng Buhok [Bristle] cunia
para sa Pamaypay chipas
para sa mga Damit nilá chebun
para sa mga Kamiseta bain
132 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

para sa mga Bahay nilá pati alam


para sa Taon tanu
para sa Buwan [month] bullan
para sa Araw [day] alli
para sa Gabií mallan
para sa Hápon malamari
para sa Tanghalian tam hahari
para sa Umaga patan patan
para sa Araw [sun] mata hari
para sa Buwan [moon] bulan
para sa Kalahating buwan tanam patbulan
para sa mga Bituin bintan
para sa Kalangitan languin
para sa Kulog [o Trono?] gunthur
para sa Mangangalakal sandgar
para sa Lungsod naghiri
para sa Kastilyo cuta
para sa Bahay rinna
para sa Umupo duodo
Umupo ka, ginoo duodo orancaia
Umupo ka, matapat na kasáma duodo horandai et anan
Panginoon tuan
para sa Batàng laláki cana cana
para sa isa sa kaniláng mga
Anak-anakan lascar
para sa Alipin alipin
para sa Oo ca
para sa Hindi tida
para sa Maintindihan thao
para sa hindi Maintindihan tida taho
Huwag mo akong tingnan tida liat
Tingnan mo ako liat
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 133

Ang maging iisang


bagay lámang casi casi; siama siama
para sa Pumatay mati
para sa Kumain macan
para sa Kutsara sandoch
para sa Puta sondal
Malaki bassal
Mahabà pangian
Maliit chechil
Maigsi pandach
para sa Mayroon ada
para sa Wala tida hada
Makinig ka, ginoo tuan diam
Saan papunta ang junk? dimana ajun?
para sa Karayom jalun
para sa Tahiin banan
para sa Sinulid pintal banan
para sa Kasuotan sa ulo
ng babae dastar capala
para sa Hari raia
para sa Reyna putli
para sa Kahoy caiu
para sa Magtrabaho [?] caraiar
para sa Duguin buandala
para sa Ugat sa braso kung
saan dumudugo urat paratanghan
para sa Dugong nanggagáling
sa braso dara carnal
para sa mainam na Dugo dara
Kapag humahatsing silá,
nagsasabi silá ng ebarasai
para sa Isda ycam
para sa Polypus calabutan
134 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

para sa Karne dagin


para sa Susông-dagat cepot
Kaunti serich
Kalahati satanha sapanghal
para sa Malamig dinghin
para sa Mainit panas
Malayo jan
para sa Katotohanan benar
para sa Kasinungalingan dusta
para sa Magnakaw manchiuri
para sa Langib codis
Kuhanin na
Ibigay mo sa akin ambil
Mataba gannich
Payat golos
para sa Sombrero tundun capala
Ilan? barapa
Isang beses satu chali
Isang Braza dapa
para sa Magsalita catha
para sa Dito siui
para sa Doon sana datan
Magandang Araw salamalichum
para sa Tugon [sa magandang
araw] alichum salam
Ginoo, nawa’y palarin ka mali horancaia macan
Nakakain na ako suda macan
Kasama, humayo ka pandan chita horan
para sa Hangad banunchan
Magandang gabí sabalchaer
para sa Tugon [sa magandang
gabí] chaer sandat
para sa Magbigay minta
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 135

Ibigay sa isang tao bri pocol


para sa Bakal na tanikala balanghu
Anong amoy iyon! bosso chini
Para sa Binata horan muda
para sa Matandang laláki tua
para sa Tagasulat xiritoles
para sa Sulating-papel cartas
para sa Magsulat mangurat
para sa Panulat calam
para sa Tinta dauat
para sa Kahang panulat padantan
para sa Liham surat
Wala sa akin guala
Halika dito camari
Anong nais mo? appa man?
Anong pinadalá mo? appa ito?
para sa Pantalan labuan
para sa Galera gurap
para sa Barko capal
para sa Ulo [ng barko] asson
para sa Dulo [ng barko] biritan
para sa Maglayag belaiar
para sa Mast ng barko tian
para sa Yarda [ng barko] laiar
para sa Rigging [lubid o
kadena sa barko—PYK] tamira
para sa Layag leier
para sa Maintop sinbulaia
para sa Lubid ng angkla danda
para sa Angkla san
para sa Bangka sanpan
para sa Sagwan daiun
para sa Kanyon badil
136 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

para sa Hangin anghin


para sa Dagat laut
Kasáma, halika dito horan itu datan
para sa mga Punyal nilá calix golog
para sa kaniláng Sisidlan
ng punyal daga nan
para sa Espada padan gole
para sa Sumpit sumpitan
para sa mga Palaso nilá damach
para sa nakalalasong Yerba upu [?]
para sa Kaluban ng palaso [?] bolo
para sa Búsog [isang sandata] bolsor
para sa mga Palaso nitó anat paan
para sa mga Pusa cochin puchia
para sa Daga ticus
para sa Butiki buaia
para sa mga Uod ng barko capan lotos
para sa Kuwit pamingwit matacanir
para sa Pain pamingwit unpan
para sa Taling pamingwit tunda
para sa Hugasan mandi
Huwag matakot tangan tacut
Pagod lala
Isang matamis na halik sadap manis
para sa Kaibigan sandara
para sa Kalaban sanbat
Tiyak iyon zonhu
para sa Magkalakal biniaga
Hindi ko [I have not] anis
Maging kaibigan pugna
Dalawang bagay malupho
Kung oue
para sa Madla (?) zoroan pagnoro
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 137

Pasiyahin ang kaniyang sarili mamain


Mangulubot sa lamig amala
para sa Baliw gila
para sa Tagapagsalin giorobaza
Ilang wika ang alam mo? barapa bahasa tan?
Marami bagna
para sa magsalita tungkol
sa Malaca chiaramalain
Saan ang ganito-at-ganyan? dimana horan?
para sa Watawat tonghol
Ngayon sacaran
Sa umaga o búkas ng umaga hezoch
Búkas luza
Kahapon calamari
para sa Martilyo colbasi
para sa Pakò pacu
para sa Lusóng lozon
para sa Pambayo atan
para sa Magsayaw manari
para sa Magbayad baiar
para sa Tumawag panghil
Hindi pa kasal ugan
Kasal na suda babini
Lahat isa sannia
para sa Ulan ugian
para sa Lasing moboch
para sa Balát culit
para sa Adder [o anger?] ullat
para sa Lumaban guzar
Matamis manis
Mapait azon
Kamusta ka? appa giadi?
Mabuti bay
138 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Hindi mabuti sachet


Dalhin mo iyan sa akin biriacan
Duwag ang táong ito giadi hiat horan itu
Tama na [Enough] suda

Ang mga hangin

para sa Hilaga iraga


para sa Timog salatan
para sa Silangan timor
para sa Kanluran baratapat
para sa Timog-kanluran utara
para sa Hilagang-silangan berdaia
para sa Hilagang-kanluran bardaut
para sa Timog-silangan tunghara

Mga Bílang

Isa satus
Dalawa dua
Tatlo tiga
Apat ampat
Lima lima
Anim anam
Pitó tugu
Walo duoloppan
Siyam sambilan
Sampu sapolo
Dalawampu duapolo
Tatlumpu tigapolo
Apatnapu ampatpolo
Limampu limapolo
Animnapu anampolo
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 139

Pitompu tuguppolo
Walompu dualapanpolo
Siyamnapu sambilampolo
Isangdaan saratus
Dalawandaan duaratus
Tatlongdaan tigaratus
Apatnadaan anamparatus
Limandaan limaratus
Animnadaan anambratus
Pitongdaan tugurattus
Walongdaan dualapanratus
Siyamnadaan sambilanratus
Isanglibo salibu
Dalawanglibo dualibu
Tatlonglibo tigalibu
Apatnalibo ampatlibu
Limanlibo limalibu
Animnalibo anamlibu
Pitonglibo tugulibu
Walonglibo dualapanlibu
Siyamnalibo sambilanlibu
Sampunglibo salacza
Dalawampunglibo dualacza
Tatlumpunglibo tigalacza
Apatnapunglibo ampatlacza
Limampunglibo limalacza
Animnapunglibo anamlacza
Pitompunglibo tugulacza
Walompunglibo dualapanlacza
Siyamnapunglibo sambilanlacza
Isandaanglibo sacati
Dalawandaanglibo duacati
Tatlongdaanglibo tigacati
140 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Apatnadaanglibo ampatcati
Limandaanglibo limacati
Animnadaanglibo anamcati
Pitongdaanglibo tugucati
Walongdaanglibo dualapancati
Siyamnadaanglibo sambilancati
Isang milyon [ibig sabihin:
sampung isandaanglibo] sainta

Lahat ng mga daan, libo, sampunglibo, at daanglibo at milyon ay idinidikit


sa mga bílang na satu, dua, atbp.

Sa pagpapatúloy ng aming paglalayag, dinaanan namin ang mga islang


iyon, [na siyáng] ang Caioan, Laigoma, Sico, Giogi, at Caphi. Matatagpuan
sa nasabing isla ng Caphi ang isang lahi na sinliit ng mga duwende, na mga
nakatutuwang tao, at mga unano. Sapilitan na siláng naipailalim sa aming hari
ng Tadore. [Dinaanan din namin ang mga isla ng] Laboan, Toliman, Titameti,
Bachian, na siyáng nabanggit na natin, Lalalata, Tabobi, Maga, at Batutiga.
Pagkaraan sa hulí sa kanlurang panig nitó, tumahak kami ng landas pakanluran
timog-kanluran at natuklasan ang ilang munting isla patúngo sa timog. At
dahil sinabihan kami ng mga pilotong Maluco na pumunta doon, sapagkat may
sinusundan kaming landas sa gitna ng maraming isla at bahura, lumiko kami
patúngong timog-silangan at natagpuan ang isang isla sa latitud na dalawang
digri patúngong Polong Antarctico at limampu at limang liga mula sa Maluco.
Sulach ang tawag dito, at mga pagano ang mamamayan nitó. Wala siláng hari at
kumakain ng laman ng tao. Hubo’t hubad silá, parehong laláki at babae, at may
suot lámang na piraso ng balakbak na may lapad na dalawang daliri sa harap
ng kaniláng maseselang bahagi. Maraming isla sa lugar na iyon na may mga
mamamayang kumakain ng laman ng tao. Narito ang pangalan ng ilan sa mga
ito: Silan, Noselao, Biga, Atulabaou, Leitimor, Tenetun, Gondia, Pailarurun,
Manadan, at Benaia.
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 141

Pagkatapos ay binaybay namin ang dalawang islang tinatawag na


Lamatola at Tenetun, na may layong mahigit-kumulang sampung liga mula sa
Sulach. Natagpuan namin sa parehong landas ang isang napakalaking isla kung
saan matatagpuan ang palay, mga baboy, kambing, manok, buko, tubó, sago, isang
pagkain na ginagawa mula sa isa sa mga uri ng bunga niláng tinatawag na chanali,
at chiacare, na tinatawag na nangha. Isang prutas na kahawig ng pipino ang nangka.
Mabuko silá sa labas, at sa loob ay mayroong uri ng munting pulang prutas tulad
ng apricot. Wala itong lamáng bato, at sa halip ay may mala-bulalong sangkap
na katulad ng priholes ngunit mas malaki. May pinong lasa ang naturang mala-
bulalong sangkap katulad ng kastanyas. [Mayroong] isang prutas tulad ng pinya.
Dilaw ito sa labas, at puti sa loob, at kapag hiniwa ay para itong peras, ngunit
mas malambot at mas masarap. Connilicai ang pangalan nitó. Hubo’t hubad ang
mamamayan ng islang iyon tulad ng mga taga-Sulach. Pagano silá at walang hari.
Matatagpuan ang naturang isla sa latitud na tatlo at kalahating digri patúngong
Polong Antarctico, at may layong pitumpu at limang liga mula sa Maluco. Buru
ang pangalan nitó. Sampung liga sa silangan ng nasabing isla ay isang malaking
isla na pinaliligiran ng Jiailolo. Tinitirhan ito ng mga Muslim at pagano. Nakatirá
ang mga Muslim sa may dagat, at nása looban ang mga pagano. Ang mga hulí
ay kumakain ng laman ng tao. Ambon ang tawag dito. Sa pagitan ng Buru at
Ambon, matatagpuan ang tatlong isla na pinalilibutan ng bahura, at tinatawag na
Vudia, Cailaruri, at Benaia; at malápit sa Buru, at mahigit-kumulang apat na liga
sa timog ay isang maliit na islang tinatawag na Ambalao.

Mahigit-kumulang tatlumpu at limang liga sa timog pakanluran ng


nasabing isla ng Buru, matatagpuan ang Bandan at labindalawang isla. Tumutubo
ang mace at nutmeg sa anim sa mga ito. Narito ang mga pangalan nilá: Zoroboa,
na mas malaki sa lahat ng ibá, Chelicel, Samianapi, Pulac, Pulurun, at Rosoghin.
Narito ang anim pang ibá: Unuueru, Pulanbaracon, Lailaca, Manucan, Man, at
Meut. Walang matatagpuang nutmeg sa kanilá, ngunit sago, palay, buko, bunga, at
ibá pang prutas lámang. Magkakalapit ang mga islang iyon at Muslim ang mga
mamamayan nitó na walang hari. Matatagpuan ang Bandan sa latitud na anim na
digri patúngong Polong Antarctico, at sa longhitud na isandaan at animnapu at
tatlo at kalahating digri mula sa guhit ng demarkasyon. Dahil palihis ito sa landas
namin, hindi na namin ito pinuntahan.
142 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Paglisan sa nasabing isla ng Buru, at pagtahak ng landas patúngong


timog-kanluran pakanluran, naratíng namin ang tatlong islang magkakalapít, na
tinatawag na Zolot, Nocemamor, at Galiau, [pagkatapos tawirin ang] mahigit-
kumulang walong digri ng longhitud. Hábang naglalayag sa gitna ng mga ito,
tinamaan kami ng mabagsik na bagyo na nagdulot sa aming magsagawa ng
peregrinasyon sa Nuestra Señora de Guia. Dumaong kami sa isang mataas na isla
pagkatapos takasan ang sigwa, ngunit bago makaratíng doon ay lubhang napagod
sa mararahas na bugso ng hangin na nagmula sa kabundukan ng nasabing
isla, at sa malalakas na agos ng tubig. Mga barbaro at parang hayop ang mga
naninirahan sa islang iyon, at kumakain silá ng laman ng tao. Wala siláng hari at
hubo’t hubad silá, nakasuot lámang ng naturang balakbak tulad ng ibá, maliban
na lámang kapag lumalaban silá kung kailan nagsusuot silá ng ilang piraso ng
balát ng kalabaw sa harapán, likuran, at mga tagiliran, at siyáng pinalalamutian ng
maliliit na talukab, pangil ng baboy-damo, at mga buntot ng balát ng kambing na
nakatali sa harap at likod. Nakaayos ang kaniláng buhok pataas sa pamamagitan
ng ilang mahahabàng tambong suklay na nakatusok sa buhok at nagpapanatili
ditong nakataas. Nakabalot ng mga dahon ang balbas nilá at nakasiksik sa maliliit
na túbong kawayan—isang katawa-tawang tanáwin. Silá ang mga pinakapangit
na táong nakatirá sa naturang Indies. Yarì sa kawayan ang kaniláng mga búsog
at palaso. Mayroon siláng uri ng sako na gawa sa mga dahon ng isang punò na
siyáng pinagsisidlan ng pagkain at inumin ng kaniláng mga babae. Noong nakita
kami ng mga táong iyon, pumunta silá upang tagpuin kaming dalá ang kaniláng
mga búsog, ngunit pagkatapos namin siláng bigyan ng ilang regalo, kaagad namin
siláng naging kaibigan. Nanatili kami doon ng dalawang linggo upang tapalan
ang tagiliran ng barko. Matatagpuan sa naturang isla ang mga manok, kambing,
buko, pagkit (na binigyan nilá kami ng labinlimang pound para sa isang pound ng
lumang bakal), at paminta, parehong ang mahabà at ang mabilog. Ang mahabàng
paminta ay kahawig ng mga uod na matatagpuan sa mga hazelnut sa panahon
ng taglamig. Kahawig ng halaman nitó ang ivy, at kumakapit ito sa mga punò
tulad ng hulíng halaman; ngunit kahawig ng mga dahon nitó ang sa moras. Luli
ang tawag dito. Tumutubo tulad ng una ang mabilog na paminta, ngunit sa mga
tainga tulad ng mais mula India, at binabalatan ito; at tinatawag itong lada. Ang
mga bukid sa mga rehiyong iyon ay punô ng ganitong [hulíng uri ng] paminta,
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 143

na itinatanim upang makahawig ang mga arbor. Dumakip kami ng isang laláki sa
naturang lugar nang sa gayon ay madalá niya kami sa isang isla kung saan kami
makakapag-imbak ng mga probisyon. Matatagpuan ang islang iyon sa latitud
na walo at kalahating digri patúngong Polong Antarctico, at sa longhitud na
isandaan at animnapu at siyam at dalawang sangkatlong digri mula sa guhit ng
demarkasyon; at tinatawag itong Malua.

Sinabi sa amin ng matanda naming piloto mula sa Maluco na mayroong


karatig na islang tinatawag na Arucheto, na may mga laláki at babaeng hindi
lalagpas sa isang kubito ang tangkad, subalit may mga taingang singhabà ng
kaniláng katawan. Ang isang tainga ang nagsisilbi niláng kama at kinukumutan
ang sarili gámit ang kabila. Napakaigsi ng buhok nilá at hubo’t hubad silá, mabilis
siláng tumakbo, at mayroon siláng matitinis na tinig. Naninirahan silá sa mga
yungib sa ilalim ng lupa at nabubuhay sa isda at isang sangkap na tumutubo
sa pagitan ng kahoy at balakbak [ng punò], na siyáng puti at bilóg tulad ng
napreserbang kulantro, at tinatawag na ambulon. Gayunman, hindi na kami
pumunta doon dahil sa malalakas na agos ng tubig at maraming bahura.

Noong araw ng Sabado, 25 Enero 1522, nilisan namin ang isla ng Malua.
Pagka-Linggo, ang ikadalawampu’t anim, naratíng namin ang isang malaking
islang matatagpuan sa limang liga sa timog timog-kanluran ng Malua. Mag-
isa akong pumanaog sa baybay upang kausapin ang pinunò ng isang lungsod
na tinatawag na Amaban para hingan siyáng tustusan kami ng pagkain. Sinabi
niya sa aking bibigyan niya kami ng mga kalabaw, baboy, at kambing, ngunit
hindi kami magkasundo dahil kayrami niyang hininging bagay para sa isang
kalabaw. Sapagkat kaunti lámang ang mga bagay na mayroon kami, at ginigipit
kami ng gútom, pinanatili namin sa barko ang isang pinunò at kaniyang laláking
anak mula sa isa pang pamayanang tinatawag na Balibo. Sa kaniyang tákot na
paslangin namin siyá, kaagad niya kaming binigyan ng anim na kalabaw, limang
kambing, at dalawang baboy; at upang makompleto ang bílang na sampung
baboy at sampung kambing [na hiningi namin], binigyan niya kami ng isang
[karagdagang] kalabaw. Sa ganitong paraan namin ipinataw ang kondisyon
[ng kaniláng pagtubos]. Pagkatapos ay pinadalá namin siláng napakasaya sa
144 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

dalampasigan na may daláng linen, tela mula India na gawa sa seda at bulak,
mga palathaw, kutsilyo mula India, gunting, salamin, at sundang. Pawang mga
babae lámang ang mga tagasilbi ng naturang pinunòng pinuntahan ko upang
kausapin. Hubo’t hubad lahat ng babae tulad ng ibáng kababaihan [ng ibáng
mga isla]. Nagsusuot silá sa tainga ng maliliit na gintong hikaw, na may mga
palawit na yarì sa sedang borlas. Nagsusuot silá sa braso ng maraming ginto at
mga tansong galáng hanggang sa siko. Parehas ding manamit sa mga babae ang
mga laláki, maliban sa paglalagay nilá ng ilang ginintuang bagay, bilog tulad ng
isang trencher, palibot sa kaniláng mga leeg, at nagsusuot sa kaniláng buhok ng
mga kawayang suklay na ginanykan ng mga bulawang singsing. Nagsusuot ang
ilan sa kanilá ng mga leeg ng mga pinatuyong gourd sa kaniláng tainga kapalit ng
mga bulawang singsing.

Matatagpuan lámang sa islang iyon at walang ibáng lugar ang puting


apalit. [Mayroon ding] luya, mga kalabaw, baboy, kambing, manok, palay, bunga,
tubó, kahel, lemon, pagkit, almondres, abitsuwelas, at ibá pang bagay, at mga
loro ng ibá’t ibáng kulay. Sa kabilâng panig ng isa, mayroong apat na laláking
magkakapatid na mga hari ng nasabing isla. Mayroong mga lungsod at ilan
sa mga pinunò nilá kung nasaan kami. Narito ang mga pangalan ng apat na
pamayanan ng mga hari: Oibich, Lichsana, Suai, at Cabanaza. Pinakamalaki ang
Oibich. Mayroong bulawang matatagpuan sa isang bundok sa Cabanaza, ayon
sa isang ulat na ibinigay sa amin, at ginagawa ng mga mamamayan nitó ang
lahat ng pamimilí nilá gámit ang mumunting piraso ng ginto. Lahat ng apalit
at pagkit na ikinakalakal ng mga mamamayan ng Java at Malaca ay nakakalakal
nilá mula sa rehiyong iyon. Nakatagpo kami doon ng isang junk mula Luzon,
na pumunta doon upang makipagkalakal ng apalit. Mga pagano ang mga táong
iyon. Kapag puputol silá ng apalit, magpapakita sa kanilá sa ibá’t ibáng anyo ang
demonyo (ayon sa nasabi sa amin), at sinasabihan silá na kung may kailangan silá
ay dapat nilá itong hingin sa kaniya. Nagkakasakit silá nang ilang araw dulot ng
aparisyong ito. Pinuputol ang apalit sa isang panahon ng buwan, dahil kung hindi
ay hindi ito magiging mainam. Ang mga kalakal na pinahahalagahan doon bílang
kapalit ng apalit ay pulang tela, linen, palathaw, bakal, at mga pakò. May nakatirá
sa lahat ng bahagi ng islang iyon, at mahabà ito pasilangan at pakanluran, ngunit
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 145

hindi ito kalaparan sa hilaga at timog. Matatagpuan ito sa latitud na sampung


digri patúngong Polong Antarctico, at sa longhitud na isandaan at pitumpu at
apat at kalahating digri mula sa guhit ng demarkasyon, at tinatawag na Timor.
Matatagpuan sa lahat ng islang naengkuwentro namin sa kapuluang iyon ang
Sakit ni San Job, subalit mas malalâ sa lugar na iyon kaysa ibá.40 Tinatawag itong
foi franchi, ibig sabihin, “sakit ng Portuges.”

Isang araw na paglalakbay mula doon patúngong kanlurang hilagang-


kanluran, nasabi sa aming matatagpuan namin ang isang isla kung saan tumutubo
ang maraming sinamomo, at may pangalang Ende. Mga pagano ang mga
mamamayan nitó, at wala siláng hari. [Nasabi sa aming] mayroon ding maraming
isla sa parehong landas, magkakasunod-sunod, sinlayo ng Java Major at tangos
ng Malaca. Narito ang mga pangalan ng mga naturang isla: Ende, Tanabutun,
Creuo, Chile, Bimacore, Aranaran, Mani, Zumbaua, Lomboch, Chorum; at Java
Major. Hindi ito tinatawag na Java ng mga mamamayan nitó kung hindi Jaoa.
Matatagpuan ang pinakamalalakíng lungsod sa Java, at narito silá: Magepaher
(noong buháy pa ang hari nitó, siyá ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng
islang iyon, at Raia Patiunus ang pangalan niya); Sunda, kung saan tumutubo
ang marami-raming paminta; Daha; Dama; Gagiamada; Minutaranghan;
Cipara; Sidaiu; Tuban; Cressi; Cirubaia; at Balli. [Nasabi din sa aming] ang
Java Minor ay ang isla ng Madura, at matatagpuan malápit sa Java Major, sa
layong kalahating-liga [lámang]. Nasabi din sa aming sinusunog ang katawan
ng isa sa mga punòng laláki ng Java Major kapag namatay ito. Palalamutian ng
kaniyang pangunahing asawa ang sarili ng mga kuwintas ng bulaklak at ililibot sa
buong pamayanan karga-karga sa isang upùan ng tatlo o apat na laláki. Nakangiti
niyang aaluin ang mga tumatangis na kamag-anak at sasabihing: “Huwag kayong
umiyak, sapagkat makikipaghapunan ako sa aking mahal na asawa ngayong gabí,
at matutulog kasáma niya ngayong gabí.” Pagkatapos ay kakargahin siyá sa apoy,
kung saan nasusunog ang kaniyang asawa. Lilingon siyá sa kaniyang mga kaanak,
at pagkatapos siláng muling aluin, ihahagis niya ang kaniyang sarili sa apoy, kung
saan nasusunog ang kaniyang asawa.41 Kung hindi niya ito gagawin, hindi siyá
ituturing na marangal na babae o isang tunay na asawa sa kaniyang pumanaw na
esposo.
146 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Kapag umiibig sa kung sinong lakambini ang mga binata ng Java,


nagkakabit silá ng maliliit na kampanilya sa pagitan ng kaniláng titi at balat
ng titi. Lulugar silá sa ilalim ng bintana ng kaniláng iniirog, at magkukunwang
iihi at aalugin ang kaniláng titi, nang sa gayon ay mapatunog ang maliliit na
kampanilya, at patuloy nilá itong patutunugin hanggang marinig ito ng kaniláng
iniirog. Kaagad papanaog ang iniirog, at magpapakasaya silá; laging gámit ang
naturang maliliit na kampanilya, sapagkat labis na natutuwa ang mga babaeng
marinig ang mga kampanilyang iyon mula sa loob. Takip na takip ang mga
naturang kampanilya, at mas malakas ang tunog nilá kapag mas tinatakpan ang
mga ito. Sinabi sa amin ng pinakamatanda naming piloto na sa islang tinatawag
na Acolor, na matatagpuan sa ibaba ng Java Major, walang matatagpuang tao na
hindi babae, at nabubuntis silá mula sa hangin. Kapag nagluwal silá, papatayin
ang sanggol kung laláki ito, ngunit aalagaan kung babae. Kapag nagawi ang mga
laláki sa isla niláng iyon, papatayin nilá ito kapag káya nilá.

Sinabi rin nilá sa amin na matatagpuan ang isang napakalaking punò sa


ibaba ng Java Major patúngong hilaga, sa golpo ng Tsina (na tinatawag ng mga
sinauna bílang Signo Magno), kung saan namamahay ang mga ibong tinatawag
na garuda.42 Napakalaki ng mga ibong iyon na káya niláng kargahin ang isang
kalabaw o elepante sa lugar (na tinatawag na Puzathaer) ng naturang punò, na
siyáng tinatawag na cam panganghi, at ang prutas nitóng bua panganghi. Mas
malaki sa pipino ang hulí. Sinabi sa amin ng mga Muslim ng Burne na nakasakay
sa barko naming nakita na nilá ang mga ito, sapagkat nagpadalá dati ang kaniláng
hari ng dalawa sa mga ito mula sa kaharian ng Siam. Walang junk o ibáng bangka
ang maaaring makalapit sa loob ng tatlo o apat na liga ng lugar ng punò, dahil sa
mga malalakíng uliuli sa tubig sa paligid nitó. Unang nabatid ang kahit anuman
ukol sa punò [mula] sa isang junk na itinulak ng mga hangin sa uliuli. Dahil
nabugbog sa pira-piraso ang junk, nalunod ang lahat ng tripulante maliban sa
isang munting batàng laláki na, dahil naitali siyá sa isang tabla, ay himalang naanod
malápit sa punòng iyon. Umakyat siyá sa punò nang hindi natutuklasan, kung
saan siyá nagkubli sa ilalim ng pakpak ng isa sa mga naturang ibon. Kinabukasan,
pagkatapos lumipad ang ibon pabaybay at humúli ng isang kalabaw, lumabas
ang batà mula sa ilalim ng pakpak sa abot ng kaniyang makakáya. Nabatid ang
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 147

kuwento mula sa kaniya, at pagkatapos ay nalaman ng mga karatig na tao na


nanggáling sa punòng iyon ang prutas na natatagpuan nilá sa dagat.

Matatagpuan sa isa at kalahating digri patúngong Polong Antarctico


ang tangos ng Malaca. Maraming pamayanan at lungsod sa baybáyin sa silangan
ng nasabing tangos. Narito ang mga pangalan ng ilan sa kanilá: Cinghapola,
na matatagpuan sa tangos; Pahan; Calantan; Patani; Bradlun; Benan; Lagon;
Cheregigharan; Tumbon; Prhan; Cui; Brabri; Bangha; India, ang lungsod kung
saan nakatirá ang hari ng Siam, na nagngangalang Siri Zacabedera; Jandibum;
Lanu; at Longhonpifa. Parehas ang pagkakatayô sa mga lungsod na iyon tulad ng
sa atin, at nása ilalim ng hari ng Siam. Ayon sa sinabi sa amin, sa mga pampang
ng mga ilog ng naturang kaharian ng Siam ay may nakatiráng malalakíng ibon na
hindi kakain mula sa anumang patay na hayop na maaaring nadalá doon, maliban
na lámang kung may ibáng ibong mauuunang kumain sa puso nitó, at pagkatapos
nitó ay kakainin na nilá ito. Matatagpuang kasunod ng Siam ang Camogia, na
may haring tinatawag na Saret Zacabedera; pagkatapos ay Chiampa, na ang hari
ay si Raia Brahaun Maitri.

Tumutubo doon ang rhubarb na nahahanap sa sumusunod na paraan.


Nagtitipon ang dalawampu o dalawampu at limang laláki at sáma-sámang
susuungin ang kagubatan. Pagsapit ng gabí, aakyat silá ng mga punò, parehas
upang maaari niláng mahuli ang samyo ng rhubarb, at dahil din sa tákot sa mga
leon, elepante, at ibá pang mababangis na hayop. Inihahatid sa kanilá ng hangin
ang amoy ng rhubarb mula sa direksiyon kung saan ito matatagpuan. Pagsapit ng
bukang-liwayway, tutúngo silá sa direksiyong iyon kung saan nagmula ang hangin,
at hahanapin ang rhubarb hanggang makita nilá ito. Isang malaki at nabubulok
na punò ang rhubarb; at hindi ito maglalabas ng amoy kung hindi pa ito bulok.
Ang ugat ang pinakamainam na bahagi ng naturang punò, kahit rhubarb din ang
kahoy na tinatawag na calama. Sunod na matatagpuan ang Cochi, na may haring
tinatawag na Raia Seribumni Pala.

Matatagpuan pagkatapos ng bayang iyon ang Dakilang Tsina, na ang


hari nitó ang pinakadakila sa buong daigdig, at siyáng tinatawag na Santhoa
148 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

Raia. Mayroon siyáng pitumpung koronadong hari sa ilalim niya, at ilan sa hulí
ay mayroong sampu o labinlimang haring nakapailalim sa kanilá. Tinatawag na
Guantan [Canton] ang kaniyang pantalan. Kabílang sa maraming ibáng lungsod
ang dalawang pangunahing lungsod na tinatawag na Namchin [Nanking] at
Comlaha43 kung saan nakatirá ang nasabing hari. Pinamamalagi niya ang apat
niyang pangunahing tauhan malápit sa kaniyang palasyo—ang isa ay nakaharap
pakanluran, ang isa pasilangan, ang isa patimog, at ang isa pahilaga. Nagbibigay
lámang ng pagdinig ang bawat isa sa apat na tauhan sa mga táong nagmumula sa
kaniyang hurisdiksiyon. Sumusunod sa haring iyon ang lahat ng hari at señor ng
dakila at itaas na India; at bílang sagisag na silá ay kaniyang mga tunay na basalyo,
ang bawat isa ay mayroong hayop na mas malakas kaysa leon, at tinatawag na
chinga, na nakaukit sa marmol sa gitna ng kaniyang liwasan. Ang naturang chinga
ang selyo ng nasabing hari ng Tsina, at lahat ng pumupunta sa Tsina ay kailangang
nakaukit ang naturang hayop sa pagkit [o] sa isang ngipin ng elepante, sapagkat
kung hindi ay hindi silá pahihintulutang makapasok sa kaniyang pantalan. Kapag
nagiging suwail sa hari ang sinumang señor, iniuutos siyáng balatán, at ibibilad sa
araw at aasinan ang kaniyang balát. Pagkatapos ay pupunuin ng dayami o ibáng
bagay ang kaniyang balát at ilalagay sa isang prominenteng lugar sa liwasan na
nakayuko ang ulo, at magkahawak ang mga kamay sa taas ng ulo, nang sa gayon
ay makita siyáng nagtatanghal ng zonghu, ang ibig sabihin, pagbibigay-galang.
Hindi pumapayag ang naturang hari na makita ng kahit sinuman.44 Tuwing
nais niyang makita ang kaniyang mga tao, lilibutin niya ang palasyo sakay ng
isang mahusay na pagkakagawang pabo real, isang napakaeleganteng aparato,
kasáma ang anim sa pinakapangunahin niyang kababaihang nakadamit katulad
niya; pagkatapos ay papasok siyá sa isang serpiyenteng tinatawag na nagha, na
kasinggara ng pinakamagarang bagay na maaaring makita, at siyáng itinatago sa
pinakadakilang korte ng palasyo. Pumapasok dito ang hari at kababaihan upang
hindi siyá makilála kasáma ng kaniyang mga babae. Tumitingin siyá sa kaniyang
mga mamamayan sa pamamagitan ng isang malaking salamin na nakalagay sa
dibdib ng serpiyente. Nakikita siyá at ang mga babae, ngunit hindi matutukoy
kung sino sa kanilá ang hari. Kasal sa kaniyang mga babaeng kapatid ang hulí,
nang sa gayon ay hindi mahaluan ng ibá ang dugong bughaw. May pitóng
nakapalibot na pader malápit sa kaniyang palasyo, at bawat isa sa mga pabilog na
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 149

lugar na iyon ay nakahimpil ang sampung libong tauhan para sa bantay ng palasyo
[na nananatili doon] hanggang sa tumunog ang isang kampana, kung kailan
sampung libo pang tauhan ang daratíng para sa bawat isang pabilog na espasyo.
Sa ganitong paraan silá napapalitan bawat araw at bawat gabí. May tarangkahan
ang bawat bílog ng pader. Nakatayô sa una ang isang laláki na may hawak na
malaking kawit, na tinatawag na satu horan na may satu bagan; sa ikalawa, isang
áso, na tinatawag na satu hain; sa ikatlo, isang laláking may bakal na mace, na
tinatawag na satu horan na may pocum becin; sa ikaapat, isang laláking may hawak
na búsog, na tinatawag na satu horan na may anat panan; sa ikalima, isang laláking
may sibat, na tinatawag na satu horan na may tumach; sa ikaanim, isang leon, na
tinatawag na satu horiman; sa ikapito, dalawang puting elepanteng tinatawag na
gagia pute. Ang naturang palasyo ay mayroong pitumpu at siyam na bulwagang
naglalaman lámang ng mga babaeng nagsisilbi sa hari. Laging nakasindi ang
mga sulô sa palasyo, at aabútin nang isang araw para makalagos dito. Sa itaas na
bahagi nitó ay mayroong apat na bulwagan, kung saan pumupunta minsan ang
mga pangunahing laláki upang kausapin ang hari. Pinalamutian ang isa ng copper,
parehas sa ibaba at itaas; puro pilak ang isa; puro bulawan ang isa; at ng mga
perlas at mamahaling bato ang ikaapat. Kapag dinadalhan ang hari ng bulawan o
ibá pang mahahalagang bagay bílang tributo ng kaniyang mga basalyo, inilalagay
ang mga ito sa mga naturang bulwagan, at sasambit siláng: “Nawa’y para ang mga
ito sa karangalan at kaluwalhatian ng ating Santhoa Raia.” Lahat ng nása itaas at
marami pang ibáng bagay ay sinabi sa amin ng isang Muslim na nakita ang mga
ito.

Maputi ang balát ng mga mamamayan ng Tsina, at nagdadamit silá.


Kumakain silá sa mga hapag tulad natin, at mayroon siláng krus, ngunit hindi
batid kung para saan. Lumilikha ng musk sa bayang iyon ng Tsina. Ang hayop
nitó ay isang pusa tulad ng musang. Wala itong kinakain kung hindi isang
matamis na kahoy na singkapal ng daliri, at tinatawag na chamaru. Kapag nais ng
mga Tsinong gumawa ng musk, nagkakabit silá ng linta sa pusa, at iiwanan nilá
ito doon hanggang magang-maga na ito sa dugo. Pagkatapos ay pipigain nilá
ang linta sa isang pinggan at ibibilad sa araw ang dugo nang apat o limang araw.
Pagkatapos ay didiligan nilá ito ng ihi, at tuwing gagawin nilá ito ay ibibilad nilá
150 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

sa araw. Sa ganitong paraan ito nagiging perpektong musk. Kailangang magbayad


ng itinakdang buwis sa hari ang sinumang nagmamay-ari ng isa sa mga naturang
hayop. Iyong mga butil na tilá mga butil ng musk ay karne ng batàng kambing
na dinurog dito. Nása dugo lámang ang totoong musk, at kapag ginawa ito
bílang mga butil, sisingaw ito hanggang mawala. Tinatawag na kastor ang musk
at ang pusa, at ang linta ay lintha.45 Maraming lahi ang matatagpuan hábang
binabaybay ang bayang iyon ng Tsina, at narito silá. Nakatirá ang mga Chienchii
sa mga islang tinutubuan ng perlas at sinamomo. Nakatirá ang mga Lechii sa
pangunahing lupain; may bundok na palapad sa taas ng kaniláng pantalan, kung
kayâ kailangang tanggalin ang mga mast mula sa kaniláng hagdan sa lahat ng
mga junk at barkong nagnanais pumasok sa naturang daungan. [Tinatawag na]
Mom ang hari sa pangunahing lupain. Mayroon siyáng dalawampung hari sa
ilalim niya at nakapailalim siyá sa hari ng Tsina. Baranaci ang tawag sa lungsod
niya. Doon matatagpuan ang dakilang Oryental na catayo46. Ang Han ay isang
malamig at mataas na isla kung saan ginagawa ang copper, pilak, perlas, at seda,
at may haring tinatawag na Raia Zotru; Mli Ianla, may haring tinatawag na
Raia Chetisqnuga; Gnio, at ang hari nitóng si Raia Sudacali. Lahat ng tatlong
nabanggit na lugar ay malalamig at matatagpuan sa pangunahing lupain. Ang
Triaganba at Trianga ay dalawang isla kung saan ginagawa ang perlas, copper,
pilak, at seda, at may haring tinatawag na Raia Rrom. Nása pangunahing lupain
ang Bassi Bassa; at pagkatapos ay [sumusunod] ang dalawang isla, Sumbdit at
Pradit, na napakayaman sa bulawan, at nagsusuot ng isang malaking gintong
singsing sa bukong-bukong ang mga mamamayan nitó. Sa pangunahing lupain,
malápit sa puntong iyon, may naninirahang lahi sa ilang bundok na pinapatay
ang kaniláng mga ama at ina kapag tumanda na silá, nang sa gayon ay hindi na
magkakaroon ng gulo. Mga pagano ang lahat ng tao ng mga distritong iyon.

Noong gabí ng Martes papalapit nang Miyerkoles, ikalabing-isa ng


Pebrero 1522, nilisan namin ang isla ng Timor at nagtúngo sa malaki at malawak
na dagat na tinatawag na Laut Chidol. Pagkatapos magtakda ng landas patúngong
kanluran timog-kanluran, nilisan namin ang isla ng Zamatra, na dáting tinatawag
na Taprobana47, sa hilaga ng kanang kamay namin, dahil sa tákot sa hari ng
Portoghala; [kabílang na rin ng] Pegu; Bengala; Uriza; Chelin kung saan nakatirá
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 151

ang mga Malabar, na siyáng nakapailalim sa hari ng Narsingha; Calicut, na


nakapailalim sa parehong hari; Cambaia, kung saan nakatirá ang mga Guzerati;
Cananor; Ghoa; Armus; at lahat ng baybáyin ng India Major. Anim na ibá’t ibáng
uri ng tao ang nakatirá sa India Major: Nairi, Panichali, Yranai, Pangelini, Macuai,
at Poleai. Ang mga Nairi ang mga pinunò; at ang Panichali ang mga taumbayan:
magkasámang nag-uusap ang dalawang uring iyon ng tao. Tagatipon ng alak ng
palma at mga bunga ang mga Iranai. Mga mandaragat ang mga Pangelini. Mga
mangingisda ang mga Macuai. Mga magsasaka ang mga Poleai; silá ang tagaani
ng palay. Laging nakatirá sa nayon ang hulí, at hindi silá pumapasok sa alinmang
lungsod. Tuwing binibigyan silá ng kahit ano, inilalatag ito sa lupa, at sakâ nilá
ito kukunin. Tuwing naglalakad silá sa lansangan, sumisigaw silá ng “Po! po! po!”,
ibig sabihin, “Mag-ingat sa akin!” Nangyari dati, ayon sa sinabi sa amin, na isang
Nair ang minsang minalas na mahawakan ng isang Poleai, na naging dahilan
upang kaagad magpakamatay ang Nair nang sa gayon ay hindi siyá mamuhay
dalá-dalá ang kahihiyang iyon.

Upang maaari kaming makalikô sa Tangos ng Bonna Speranza, bumaba


kami sa apatnapu at dalawang digri sa panig ng Polong Antarctico. Siyam na
linggo kami malápit sa naturang tangos na nakababa ang mga layag dahil nása
ulunang bahagi namin ang mga hanging kanluran at hilagang-kanluran at dahil
sa isang napakabagsik na bagyo. Matatagpuan ang tangos na iyon sa latitud na
tatlumpu at apat at kalahating digri, at may layong isanglibo at anim na daang liga
mula sa tangos ng Malaca. Iyon ang pinakamalaki at pinakamapanganib na tangos
sa daigdig. Nais tumúngo ng ilan sa mga tauhan namin, parehong ang maysakit
at ang malusog, sa isang pamayanang Portuges na tinatawag na Mozanbich, dahil
malubha na ang tagas ng barko at dahil sa matinding lamig, at lalong dahil wala
na kaming ibáng makain kung hindi kanin at tubig; sapagkat wala na kaming
asin, nabulok na ang mga imbak namin ng karne. Subalit ang ilan ay nagpasiyang
tumúngo sa España, buháy man o patay, dahil mas pinahahalagahan nilá ang
kaniláng dangal kaysa sariling búhay. Sa wakas, sa tulong ng Panginoon, nakalikô
kami sa naturang tangos noong ikaanim ng Mayo sa layong limang liga. Kung
hindi kami lumapit nang ganoong kalapit, hindi namin iyon kailanman nalikuan.
Pagkatapos ay naglayag kami pahilagang-kanluran nang dalawang buwan nang
hindi nagsasakay ng kahit anong sariwang pagkain o tubig. Dalawampu at isang
tauhan ang namatay sa loob ng maiksing panahong iyon. Noong inihagis namin
silá sa dagat, lumubog na nakaharap sa langit ang mga Kristiyano, samantalang
laging lumulubog na nakataob ang mga Indio. Namatay na kaming lahat sa gutom
kung hindi kami binigyan ng Panginoon ng magandang panahon. Sa wakas,
pagkatapos mapilitan ng aming napakatinding pangangailangan, tumúngo kami
sa mga isla ng Capo Verde.

Noong araw ng Miyerkoles, ikasiyam ng Hulyo, naratíng namin ang isa sa


mga naturang isla na tinatawag na Sancto Jacobo, at kaagad ipinadalá ang bangka
sa baybay para sa pagkain, na may daláng kuwento para sa mga Portuges na
nawala namin ang aming foremast sa ilalim ng linyang equinoctial (kahit nawala
namin ito sa Tangos ng Bonna Speranza), at noong ikinakabit muli namin ito,
pumunta sa España ang aming kapitán-heneral kasáma ng dalawa pa naming
barko. Nakakuha kami ng dalawang bangkang punô ng bigas dahil sa mabubuting
salitâng iyon at dahil sa aming mga kalakal. Inutos namin sa mga tauhan namin
na tanungin kung anong araw na noon pagpunta nilá sa baybay sakay ng bangka,
at sinabi nilá sa aming Huwebes na noon sa mga Portuges. Labis namin itong
ikinagulat dahil Miyerkoles sa amin, at hindi namin makita kung paano kami
nagkamali; sapagkat lagi namang maayos ang aking pagtatalâ, nailista ko ang
bawat araw nang walang antala. Subalit, ayon sa nasabi sa amin pagkaraan, hindi
iyon pagkakamali, dahil patuloy na ginawa ang paglalakbay patúngo sa kanluran
at nakabalik na kami sa parehong lugar katulad ng araw, kung kayâ nakadagdag
kami ng dalawampu at apat na oras, na siyáng malinaw. Pagbalik sa dalampasigan
ng bangka para sa bigas, dinakip ang labintatlong tauhan at ang bangka, sapagkat
sinabi sa mga Portuges ng isa sa kanilá, na nabatid namin pagkaraan sa España,
na patay na ang aming kapitán, kabílang ang ibá pa, at na hindi kami magtutúngo
sa España. Dalî-dalî kaming lumisan sa pangambang dadakpin din kami bílang
mga bilanggo ng ilang caravel.

Noong araw ng Sabado, ikaanim ng Setyembre 1522, pumasok kami sa


look ng San Lucar nang mayroon lámang labingwalong tauhan at maysakit ang
karamihan, at iyong lahat ang natirá. Sa animnapung ibá pang umalis sa Maluco,
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 153

namatay ang ilan sa gútom; ang ibá ay iniwan kami sa isla ng Timor; at ang ilan
ay binitay dahil sa mga krimen. Mula sa araw ng aming pag-alis sa look [ng San
Lucar] hanggang sa kasalukuyang araw [ng aming pagbalik], nakapaglayag kami
ng labing-apat na libo at apat na daan at animnapung liga, at naisakatuparan din
ang sirkumnabegasyon ng daigdig mula silangan patúngong kanluran. Noong
araw ng Lunes, ikawalo ng Setyembre, nagbaba kami ng angkla malápit sa
daungan ng Seviglia, at pinaputok ang lahat ng aming kanyon. Pagka-Martes,
pumasok kaming lahat na nakakamiseta at nakayapak, may hawak na kandila ang
bawat isa, upang dalawin ang dambana ni Santa Maria de la Victoria at ni Santa
Maria de l’Antiqua.

Pagkaalis ng Seviglia, nagtúngo ako sa Vagliadolit kung saan ko inihandog


sa kaniyang banal na kamahalan, Don Carlos, hindi ang bulawan o ang pilak,
kung hindi ang mga bagay na lubos na pinahahalagahan ng isang hari. Isa sa mga
ito ang isang aklat, na sinulat ng aking kamay, tungkol sa lahat ng pangyayaring
naganap araw-araw sa aming paglalakbay. Umalis ako doon sa abot ng aking
makakaya at nagtúngo sa Portugalo kung saan ko ibinahagi kay Haring Don
Johanni ang aking mga nakita. Dumaan ako ng España at tumúngo sa Francia
kung saan naghandog ng regalo ng ilang bagay mula sa kabilâng hati ng mundo
sa ina ng pinaka-Kristiyanong hari, si Don Francisco, ang Madam ang Rehente.
Pagkatapos ay nagtúngo ako sa Italia kung saan ko habambuhay na inihandog ang
aking sarili at itong aking mga abáng pagsisikap para sa tanyag at pinakabantog
na lakan, si Philip de Villiers Lisleadam, ang pinaka-karapat-dapat na grand
master ng Rhodes.

Ang Kabalyero
ANTONIO PIGAFETTA
Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 155

TALABABA

para sa Panimula:

1) Giovanni Mantese. “I Genitori di Antonio Pigafetta,” sa Archivio Veneto,


tomo LXVII, 1960, mp. 26-41.

2) Donald F. Lach. Asia in the Making of Europe, (Chicago, 1965), tomo I.,
p. 163.

3) Binabaybay ng ilang may-akda ang kaniyang pangalan bílang “el Cano,”


ngunit binabaybay ito ng isang kopyang holograpo ng kaniyang lagda
bílang “del Cano,” ayon sa awtoridad sa Basque, si Nicolas de Soraluce,
“Gloria y Gratitud al Inmortal Autor del Primus me Circumdedisti Juan
Sebastian del Cano,” Vitoria, 1882.

4) Armando Cortesao. Suma Oriental of Tome Pires (Londres, 1944), tomo


I, p. lxxxi.

5) Cf. Charles E. Nowell. Magellan’s Voyage Around the World, (Evanston,


1962), para sa isang mahusay na disertasyon sa mga dahilan ng paglalakbay,
at ang mga sirkumstansiya bago at pagkatapos ng paglalayag. Isináma
niya ang “Lendas da India” ni Gaspar Correa upang paliwanagan ang
tagpo mula sa isang Portuges na pananaw.

6) Ipinapahayag ng isang tabletang itinayô ng mga opisyales ng bayan ng


Sanlucar noong 1956 na 18 (Europeo) lámang ang bumalik lulan ng
Victoria, na siyáng wasto dahil mga Indio ang apat sa 22.
156 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

7) Pinamagatang Il Viaggio Fatto da gli Spagnivoli a Torno a’l Mondo, (Venetia


1536). Kahit noon ay nauna dito ang isang salin sa Italiano ng De Moluccis
Insulis ni Transylvanus.

8) Para sa isang interesante at mas mahabàng pagtalakay kay Pigafetta at


kaniyang apat na manuskrito, basahin ang “Premier Voyage autour de
Monde par Magellan (1519-1522)” ni Leonce Peillard, Paris 1964.

9) Humingi ng isang kopya para sa paglilimbag ang kaniyang mabuting


kaibigan, si Santo Papa Adrian VI, ngunit namatay siyá bago ang
pagdatíng nitó noong 1523.

para sa Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig:

1) Nagkamali si Robertson sa pagsasalin ng “Vicentino” para sa “Venetian.”


Ang Vicenza ay isang lungsod na may layong mahigit-kumulang 100
kilometro sa kanluran ng Venice.

2) Pinanatili ni Philippe Villiers l’Ile-Adam (1464-1534) ang kaniyang


pansamantalang kuwartel sa Italia pagkatapos ang pagpapatalsik ng
kaniyang orden ng mga kabalyero mula sa Rhodes noong 1523.

3) “Oratore” o tagapagsalita ang salitâng Italiano, na mahigit-kumulang ay


katumbas ng nuncio at embahador sa kasalukuyan.

4) Halatang isang pagkakamali, dahil mahigit sa 100 milya ang layo sa


pagitan ng Sanlucar at Tangos ng San Vicente.

5) Ang apoy ni Santelmo ay isang brush discharge ng koryente na nakikita sa


mabagyong panahon sa mga prominenteng dulo ng isang barko, lalo sa
mga masthead at yardarm. Ang ibáng pangalan para dito ay San Nicolas,
San Pedro, Santa Clara, at Castor at Pollux.

6) Ang ibong stormy petrel.


Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 157

7) Itong eksaheradong habà ng búhay ay marahil dahil sa hindi wastong


pagsukat ng panahon ng mga katutubo.

8) Isang walang kabuluhang kuwento na isinalaysay ni Joao Carvalho na


siyáng umako ng pamumunò sa natirá sa plota pagkatapos lisanin ang
Cebu.

9) Ang himaymay (pulp) nitó ang pinagkukunan ng isang masagana at


pulang tinà.

10) Mga penguin at karnerong-dagat (seal).

11) Hindi wasto si Pigafetta dito.

12) Mga kilaláng-kilaláng sintomas ng scurvy, na kilála dito bílang beri-beri.

13) Marahil ay nagkamalîng ginamit ang salitâng catena para sa antena o


mizzenyard. Nakadepende ang distansiyang natatakbo araw-araw sa
pagpasok ng hangin, kung gáling sa isang anggulo o direktang silangan.

14) Isang karatig na munting isla.

15) Isang Italianong salita para sa dart (panudla), hábang maaaring tumutukoy
ang rizali sa rizzagio o isang pino at makapal na hinabing lambat na
ginagamit sa pangingisda malápit sa dalampasigan.

16) Marahil ay Dinagat, Cabugan, Gibuson, at Manicani.

17) Isang halatang eksaherasyon upang mapahanga ang mga katutubo.

18) Caraga sa hilagang bahagi ng Mindanao.

19) Leyte, Cebu, at ang distritong Caraga ng Mindanao.

20) Isang munting baryang copper, hábang yarì sa bulawan ang doppione, at
isa ding barya ng epokang iyon ang colona. Ang “tusók-tusók na korona
158 Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig

ng malaking ginto” ay maaaring isa sa mga piloncitos na naisulat ng


namayapang si Dr. Jose P. Bantug.

21) Ipinagpalagay ni Pigafetta na binubuo ang Leyte ng dalawang isla: ang


Baybay sa hilaga at ang Ceylon sa hilaga. Isang isla sa dulong timog-
kanluran ng Leyte ang Canigan o Canigao, samantalang hindi pa
natutukoy ang Gatighan. Siyempre, ang Mazaua ay ang Limasawa.

22) Ang mga ibong megapod na tinatawag dito bílang tabon.

23) Ang mga Camotes sa kanluran ng Leyte; ang Poro, Pasijan, at Pansón.

24) Isang shellfish na kahawig ng nautilus.

25) Mapapansin ng mambabasá ang katutubong paggamit ng unlaping “ci” o


“si” bago ang mga pangngalan.

26) Siyempre, pareho niláng hindi alam na bago ang kaniláng paglisan mula
sa Sanlucar de Barrameda, inilagay na ni Magellan sa kaniyang habiling
ginawa noong 24 Agosto 1519, ang kalayàan ng alipin at binigyan niya ito
ng 10,000 maravedis para sa kaniyang suporta.

27) Isang bayan malápit sa Butuan sa hilagang Mindanao. Ang Lozon ay ang
Luzon, na siguradong mahigit dalawang araw na paglalakbay sa hilagang-
kanluran.

28) Brunei sa Borneo.

29) Mga munting baryang metal na tinatawag na pichis.

30) Isang timbang na tinatawag na kati.

31) Isang isla sa kapuluang Sulu malápit sa Borneo.

32) Marahil ay Banguey, sa pagitan ng Borneo at Balabac.


Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 159

33) Isang insektong kahawig ng dahon.

34) Siyempre, ang kasalukuyang isla ng Basilan, Zolo ay ang Sulu.

35) Ang mga Manobo ng silangang Mindanao.

36) Ang mga isla ng Sibuco, Virano Batoloque, Sarangani, at Balut, ayon sa
kaniláng pagkasunod-sunod.

37) Mga maliliit na isla sa Talantse ang mga karatig na pangkat.

38) Premyong salapi o ang hati na ibinibigay sa mga kasapi ng isang


ekspedisyon.

39) Jidda, isang pantalan ng Mecca.

40) Sipilis. Sinisi ng bawat bansang Europeo ang kabila para sa pagpasok nitó
sa kaniláng teritoryo.

41) Ang kaugaliang Hindu ng sati na mas ginagawa sa Bali kaysa Java.

42) Isang maalamat na ibon sa paniniwalang Budista, katulad sa fenix, at


marahil ay nagmula sa India.

43) Tinawag na Kanbalu ni Marco Polo, isa pang pangalan para sa Peking.

44) Maaaring si Wu-tsung (1505-1521) ang Emperador ng Ming sa panahong


iyon. Diumano’y nakabalat-kayo siyá kapag lumalabas upang magsiyasat.

45) Linta ang salitâng Tagalog, na halatang may pinagmulang Tsino.

46) Ang Cathay ni Marco Polo, bagaman mistulang hindi ito natukoy ni
Pigafetta bílang ang kakatuklas na Tsina.

47) Mas wastong tukuyin ang Taprobana bílang ang Ceylon.


Unang Paglalayag Paikot ng Daigdig 161

TUNGKOL SA TAGASALIN

Phillip Yerro Kimpo (Phillip Kimpo Jr.) Premyadong makata at manunulat


sa mga wikang Filipino at Ingles. May-akda ng tatlong aklat at naging punong
patnugot sa ABS-CBN. Naging pangulo ng LIRA, nangungunang samahán ng
mga makata sa wikang Filipino, 2009-2015. Tagapagtatag ng The Aklan Literati
at Aklan Madya-as Arts Festival. Kasalukuyang naninilbihan bílang konsehal sa
bayan ng Kalibo.

You might also like