You are on page 1of 2

Sanaysay

Sa araw na ito ay, may bago na namang binigay gawain


na gawain si Gng. Lumucso sa amin. Ang pagbasa at paggawa ng
sanaysay. Iniulat din ng aking kaklase kung ano ba ang sanaysay
kaya naman ay mayroon na akong kaalaman kung ano ito. Dahil
hindi naman ganoon kahirap ay nagawa ko ito sapagkat hindi
naman ako nahihirapang mag-Filipino dahil mas sanay akong
sabihin ito. Maraming mga katangian ang sanaysay na
kinakailangan mong alamin para magawa mo ito nang maayos. Sa
sanysany, madali man gawin ngunit kinakailangan ito ng isang
malawak na kaalaman dahil hindi lang ito basta-basta gawin.
Gusto ko talaga ang paggawa ng sanaysay lalo na kung ang paksa
ay gusto ko rin. Kung papipiliin ako sa pagkalkula ba o paggawa
ng sanaysay, mas pipiliin ko talaga ang sanaysay sapagkat
gustong-gusto kong ilabas o ipadama ang aking nararamdaman sa
pamamagitan ng sanaysay. Naibabahagi ko rin ang aking
kaalaman sa pamamagitan ng pagsusulat ng sanaysay.

March 01, 2024


Pagsulat at Pagbigkas
ng Tula
Mahalin niyo ang inyong ina! Sa araw na ito, may
binigay na gawain sa amin si Gng. Lumucso. Ang pagsulat ng
tula sa iyong minamahal na ina. Akala ko ay simple lang ang tula
na ang kailangan lang ay dapat magkatugma. Ako'y nagkamali
sapagkat mayroon pa lang iba't-ibang klase ng tula. Ang aking
natatandaan ay ang tradisyunal at ang makabago. Ang tulang
aking ginawa ay may tugma ngunit walang sukat. Palagay ko'y
hindi ko naiangkop ang aking tula sa isa sa tatlong anyo ng tula
sapagkat wala sa isa sa kanila ang tulang ginawa ko. Ngayong
araw ay nalaman kong may mga anyo pala ang tula. Akala ko'y
simple lang ito basta't tugma ang iyong mga salita. Nagustuhan
ko talaga ito sapagkat mahilig talaga akong gumawa ng tula lalo
na kung lahat ng salita ay magkatugma dahil ito ang isa sa
paborito kong gawin. Lalo ko pa itong nagustuhan dahil ang tula
ay para sa ina.

March 15, 2024

You might also like