You are on page 1of 1

Ang Mayabang na Pagong

Noong unang panahon ay may isang napakayabang at napakadaldal na pagong. Iniiwasan siya ng
maraming hayop dahil wala na siyang ginawa kundi ipagyabang ang kanyang mga katangian at ang
pangarap niyang makalipad.

Isang araw ay kinausap siya ng pinakamatandang hayop sa gubat na si Mang Karding Kambing.
“Bongbong Pagong, huwag mo sanang mamasamain ang sasabihin ko. Napapansin mo sugurong
iniiwasan ka ng ibang hayop dito sa gubat. Ito ay dahil sa kadaldalan at kayabangan mo. Sana bawas-
bawasan mo at tanggapin mong hindi nakalilipad ang mga pagong.” Ngunit ipinagwalang bahala lamang
ni Bongbong Pagong ang sinabi ni Mang Karding.

Minsa’y nakita niya ang isang gansang umiinom sa sapa. “Hoy! Kulasang Gansa, turuan mo akong
lumipad,” sabi niya sa inahing gansa.

Wala akong maitutulong sa iyo pero kung talagang mapilit ka, isasama kita sa aming kawan, tanungin
natin ang iba pang gansa at baka may maitulong sila sa iyo,” mungkahi niya.

Sumama nga si Bongbong Pagong sa tirahan ng mga gansa at saka niya sinabi ang pakay. “Mayroon bang
makatutulong sa akin para makalipad? Gusto kong makalipad.”

Tumahimik ang lahat ng gansa. Alam kasi nilang imposible ang gustong mangyari ng pagong dahil wala
naman itong mga pakpak at sadyang sa lupa ito dapat tumira. Pero makulit ang pagong at buo na ang
kanyang pasiya. “Sige na, gusto kong lumipad,” pagpupumilit nito.

Mga tanong:

1. Ano ang katangian ni Bongbong Pagong ang hindi nagustuhan ng ibang hayop?

2. Ano ang ipinayo ni Mang Karding Kambing kay Bongbong Pagong?

3. Kung ikaw si Bongbong Pagong, ano ang gagawin mo kung may mga magpapaalala sa iyo na
baguhin mo ang iyong ugaling hindi maganda?

4. Mayroon ka bang kaibigan katulad ni Bongbong Pagong, bilang kaibigan paano mo iuugnay ang
sarili mong karanasan upang malalaman niya ang kanyang pagkakamali?

5. Sa iyong sariling karanasan, bakit kailangan nating sumunod sa mga payo o paalala ?

You might also like