Professional Documents
Culture Documents
FILIPINO 10 Pointers To Review 2ND QT
FILIPINO 10 Pointers To Review 2ND QT
❑ TAYUTAY
Isang uri ng matatalinhagang pagpapahayag
kung saan sadyang lumalayo ang
nagpapahayag sa karaniwang paraan ng
pagsasalita upang higit na mapaganda o
mabigyang-halina ang isinusulat o sinasabi.
❑ PAGTUTULAD/SIMILE
Paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay na ginagamitan ng mga pararilang
katulad ng, gaya ng, animo’y, mistula, tila,
wari, at iba pa.
❑ PAGWAWANGIS/METAPHOR
Naghahambing din ito tulad ng pagtutulad
ngunit ito ay tiyakang naghahambing at hindi
gumagamit ng pariralang tulad ng, gaya ng, at
iba pa.
❑ PAGMAMALABIS/HYPERBOLE
Lubhang pinalalabis o pinakukulang ang
tunay na kalagayan ng tao,bagay,
pangyayari.
❑ PAGBIBIGAY-KATAUHAN/PERSONIFICATION
Pagbibigay-katangian ng isang tao sa isang
bagay na walang buhay.
❑ PAGPAPALIT-SAKLAW/SYNECHDOCHE
Pagpapahayag sa pamamagitan ng
pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa
kabuoan.
❑ PAGTAWAG/APOSTROPHE
Ito naman ay ang tila pakikipag-usap sa
karaniwang bagay na malayo o wala naman.
❑ PAG-UYAM/IRONY
Ito ay isang pangungutya sa pamamagitan
ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri
ngunit kabaligtaran naman ng kahulugan.