You are on page 1of 1

Talumpati Nasser Larry R.

Gementiza
Chismis, Chika, ano ang Balita?
By Nasser Larry R. Gementiza

Magandang araw sa inyong lahat, sa ating butihing guro at sa aking mahal na


kamag- aral. Nadito po ako para pag- usapan ang isang pangkaraniwang bagay na
ating nararanasan sa araw- araw ang chismis. Ano ng aba ang chismis?!

Ang chismis ay kadalasang tumutukoy sa mga kwentong walang basehan o mga


impormasyon na hindi tiyak na totoo. Ito ay karaniwang mga kuwentong pamumulitika,
personal na buhay, o mga pangyayari sa lipunan na maaaring magdulot ng intriga o
pag-usisa sa mga tao. Ang chismis ay madalas na mabilis na kumakalat sa
pamamagitan ng usapan, social media, o iba't ibang paraan ng komunikasyon.

Hindi natin maitatanggi na ang chismis ay nakakapagbigay Ligaya sa atin, ngunit


kadalasan ito rin ay pinagmumulan ng hindi pagkakaunawaan at kasinungalingan na
pwedeng magdulot ng problema o sama ng loob sa relasyon ng dalawa o maraming
tao. Ang masasabi ko lang ay piliin natin ng Mabuti ang ating mga sasabihin dahil
pwede itong makasakit o makapagdulot ng masama sa ating kapwa ng hindi natin
namamalayan.

Sa huli, ang chismis ay maaring maging isang negatibong pwersa sa ating


buhay, Subalit tayo rin ang may kakayahan a baguhin ito at gawin itong instrument para
makatulong sa ating Lipunan.Mahalaga ang pag-iingat sa pagpapakalat at pagtanggap
ng chismis, at mas mainam na magkaroon ng malasakit sa pag-verify ng mga
impormasyon bago ito ibahagi o paniwalaan. Ang chismis, Maraming salamat po.+

You might also like