You are on page 1of 2

_____________: Talk Show Script

Host:
Maganda magandang umaga mga kapamilya!!

Nagbabalik po ang paboritong programa ng bayan ang ___________.

Sa umagang ito ay mayroon tayong espesyal na bisita na nagmumula pa samalayong lugar. Siya ay isang
doctor sa edukasyon, nais raw niyang magbahagi ng kaalamantungkol sa pananaliksik. Huwag na nating
patagalin, kilalanin na natin si Dr._________________.

Bisita:
Magandang umaga sa inyo mga kapamilya. Ikinagagalak ko po kayong lahat na makita.

Host:
Maraming salamat po Ma’am at pinauundakan mo ang aming inbitasyon.

Bisita:
Walang anuman po. Napakalaking bagay po sa akin ang makatulong sa aking kapuwa lalong- lalo na sa mga
kabataan.

Host:
Batay sa aking pagkakarinig ay nais raw ninyong magbahagi ng kaalaman tungkol sa pagbuo ng isang
pananaliksik?

Bisita:
Opo, tama ho iyan. Nakikita ko kasi ang mga kabataan ngayon lalo na sa mga mag-aaral sa junior at senior
high school na nahihirapan sila sa pagbuo ng isang pananaliksik sapagkat sila ay baguhan pa lamang.

Host:
Oo nga naman. Talagang mahirap ang pagbuo ng isang pananaliksik. Ano ho ang inyong maitutulong sa
ating mga mag-aaral?

Bisita:
Ang aking maitutulong para sa mga mag-aaral ay ipakilala ko sa kanila ang tungkol sa Konseptong Papel.

Host:
Ano ho baa ng konseptong papel?

Bisita:
Ang konseptong papel ay nagsisilbing proposal sa pagbuo ng isang pananaliksik.

Host:
Paano ho ito makatutulong sa mga mag-aaral?

Bisita:
Ito ay makatutulong dahil ang mga mag-aaral ay magabayan o mabigyang-direksyon sa pagbuo ng isang
pananaliksik. Makatutulong rin ito sa ating mga guro dahil sa pamamagitan nito malalaman agad ng guro
ang gusto niyang tunguhin sa pananaliksik at agad syang makapagbigay ng pedbak at suhesyon kung
sakaling may konseptong papel na kailangang maisaayos pa. Ayon kay Constantino at Zafra, mayroong apat
na bahagi ang konseptong papel.Pero isa sa mga bahagi lang muna ang ating tatalakayin ngayon.
Host:
Ano ang unang bahagi?

Bisita:
Ang ating tatalakayin ngayon ay isa sa mga bahagi ng konseptong papel na Rationale.

Host:
Ano ang Rationale?

Bisita:
Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang paksa.

Host:
Ano ho ang nilalaman ng rationale?

Bisita:
Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.

Host:
Naku! Napakalaking tulong pala ng ating paksa ngayon para sa mga mag-aaral namagsasagawa ng
pananaliksik. Kaya para sa mga kapamilya na baguhan pa lamang, ang konseptong papel ay gagabay sa inyo
sa pagsasagawa ng isang pananaliksik. Kayo ay mabigyang-direksyon sa pagkakaroon ng malawakang
pananaliksik sa ninanais ninyong paksa.Ang Rationale naman ay ang bahagi kung saan doon ninyo ilalahad
ang inyong dahilan kung bakit napili ninyo ang paksang iyan at ang kabuluhan at kahalagahan ng inyong
napiling paksa.

Bisita: (Tatango-tango)

Host:
Maraming salamat po Ma’am/ Sir sa kaalaman na inyong ibinahagi sa umagang ito.Nawa’y nakakatulong
ito sa ating mga kabataang nanonood sa ating programa.

Bisita:
Walang anuman po.

Host:
Magbabalik po ang ___________.

You might also like