Professional Documents
Culture Documents
Talk Show Script
Talk Show Script
(Advertisement)
Host: Maganda magandang umaga mga kapamilya. Nagbabalik po ang paboritong programa ng
bayan ang (Pamagat ng
Programa). Sa umagang ito ay mayroon tayong espesyal na bisita na nagmumula pa sa
malayong lugar. Siya ay isang doctor sa edukasyon, nais raw niyang magbahagi ng kaalaman
tungkol sa pananaliksik. Huwag na nating patagalin, kilalanin na natin si
_Dr._________________.
Bisita: Magandang umaga sa inyo mga kapamilya. Ikinagagalak ko po kayong lahat na makita.
Host: Maraming salamat po Ma’am at pinauundakan mo ang aming inbitasyon.
Bisita: Walang anuman po. Napakalaking bagay po sa akin ang makatulong sa aking kapuwa
lalong- lalo na sa ating mga kabataan.
Host: Batay sa aking pagkakarinig ay nais raw ninyong magbahagi ng kaalaman tungkol sa
pagbuo ng isang pananaliksik?
Bisita: Opo, tama ho iyan. Nakikita ko kasi sa ating mga kabataan ngayon lalo na sa mga mag-
aaral sa junior at senior high school na nahihirapan sila sa pagbuo ng isang pananaliksik
sapagkat sila ay baguhan pa lamang.
Host: Oo nga naman. Talagang mahirap ang pagbuo ng isang pananaliksik.Ano ho ang inyong
maitutulong sa ating mga mag-aaral?
Bisita: Ang aking maitutulong para sa mga mag-aaral ay ipakilala ko sa kanila ang tungkol sa
Konseptong Papel.
Host: Ano ho baa ng konseptong papel?
Bisita: Ang konseptong papel ay nagsisilbing proposal sa pagbuo ng isang pananaliksik.
Host: Paano ho ito makatutulong sa mga mag-aaral?
Bisita: Ito ay makatutulong dahil ang mga mag-aaral ay magabayan o mabigyang-direksyon sa
pagbuo ng isang pananaliksik.Makatutulong rin ito sa ating mga guro dahil sa pamamagitan
nito malalaman agad ng guro ang gusto niyang tunguhin sa pananaliksik at agad syang
makapagbigay ng pedbak at suhesyon kung sakaling may konseptong papel na kailangang
maisaayos pa. Ayon kay Constantino at Zafra, mayroong apat na bahagi ang konseptong papel.
Pero isa sa mga bahagi lang muna ang ating tatalakayin ngayon.
Host: Ano ang unang bahagi?
Bisita: Ang ating tatalakayin ngayon ay isa sa mga bahagi ng konseptong papel na Rationale.
Host: Ano ang Rationale?
Bisita: Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang
paksa.
Host: Ano ho ang nilalaman ng rationale?
Bisita: Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
Host: Naku! Napakalaking tulong pala ng ating paksa ngayon para sa mga mag-aaral na
magsasagawa ng pananaliksik. Kaya para sa mga kapamilya na baguhan pa lamang, ang
konseptong papel ay gagabay sa inyo sa pagsasagawa ng isang pananaliksik. Kayo ay
mabigyang-direksyon sa pagkakaroon ng malawakang pananaliksik sa ninanais ninyong paksa.
Ang Rationale naman ay ang bahagi kung saan doon ninyo ilalahad ang inyong dahilan kung
bakit napili ninyo ang paksang iyan at ang kabuluhan at kahalagahan ng inyong napiling paksa.
Bisita: (Tatango-tango)
Host: Maraming salamat po Ma’am/ Sir sa kaalaman na inyong ibinahagi sa umagang ito.
Nawa’y nakakatulong ito sa ating mga kabataang nanonood sa ating programa.
Bisita: Walang anuman po.
Host: Magbabalik po ang (Pamagat ng Programa)
Pangalawang Pangkat: Pagbabalita (Telebisyon)
(Advertisement)
Anchor: Nagbabalik ang 24 oras! Sa oras na ito, ating aalamin ang balita
ni _______ tungkol sa Balitang Edukasyon. Lala?
Tagapag-ulat: Mike, nandito ako ngayon sa paaralan ng Tukuran
Technical-Vocational High School kung saan nagkakaroon dito ng
pagsasanay tungkol sa mga sulatin. Kasama ko ngayon si Dr. ________,
ating kapanayamin tungkol sa isinasagawang pagsasanay. Sir saan po ba
napatungkol ang inyong pagsasanay ngayon?
Dr. _________: Ang pagsasanay na ito ay tungkol sa paggawa o pagbuo ng
mga sulatin. Isa sa itinuro dito ay ang unang hakbang sa pagbuo ng
pananaliksik, ito ay ang pagbuo ng konseptong papel.
Tagapag-ulat: Sir,ano po baa ng konsepong papel?
Dr. _________: Ang konseptong papel ay ang pinakaunang hakbang sa
pagbuo ng isang pananaliksik. Ito ay nagsisilbing proposal sa
mananaliksik.
Tagapag-ulat: Paano po ba ito makatutulong sa mga mag-aaral?
Dr. ________: Ito po ay makatutulong sa kanila dahil magbibigay gabay ito
at direksyon para sa pagsagawa ng malawakang pagsasaliksik tungkol sa
paksang kanilang pinili.
Tagapag-ulat: Maraming salamat po sir sa iyong ibinahaging kaaalaman.
Dr.______:Walang anuman po.
Tagapag-ulat: Ngayon, aalamin naman natin ang ideya ng isang mag-
aaral. Ating kapanayamin ang isang mag-aaral mula sa Tukuran Teachnical
Vocational High School. Ano po ang inyung natutunan tungkol sa
isinasagawang pagsasanay?
Mag-aaral: Ang aking natutunan ay tungkol sa pagbuo ng konseptong
papel. Isa sa mga bahagi nito ay ang layunin.
Tagapag-ulat: Ano po ba ang layunin?
Mag-aaral: Ang layunin po ay isa sa mga bahagi ng konseptong papel
kung saan dito mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik batay
sa paksa.