Sikolohikalwritten Report

You might also like

You are on page 1of 6

PAGSUSURI AT PAGSUSULAT NG AKDANG PANITIKAN (PPAP)

Paksa: Teoryang Sikolohikal

Pormat

a. Tema – Talk Show (“MAGANDANG ARAL”)

b. Panimula - (Devotion)

(Mark 11:24) “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Ang lahat ng mga bagay na inyong

idinadalangin at hinihingi, ay magsisampalataya kayo na inyong tinanggap na, at inyong

kakamtin”.

- Tunay nga na kapag tayo ay nagtiwala sa ating Panginoon, na ibibigay niya ang bawat

laman ng ating puso na may pananalig na ito’y ating matatanggap, ito ay ating

makakamtan ayon sa kanyang kalooban. Mahalaga lamang na tayo ay hindi bibitaw sa

ating pananampalataya sa kanya, at patuloy na panghawakan ang kanyang mga salita.

c. Katawan (Pagtalakay)

Pangalan ng show: “MAGANDANG ARAL”

Tauhan: Znyx bilang Miss Z.

Michael bilang Propesor Kelvin Farenheit alyas “Prof. Kanor”

Intro.

Miss Z: Magandang hapon sa ating lahat nandito na naman tayo sa panibagong yugto

ng "Magandang Aral" (tono ng magandang buhay). Alam nyo ba na espesyal ang araw

na ito? Dahil mayroon tayong isang espesyal na bisita na isa sa mga tinitingala sa
larangan ng Edukasyon upang magbahagi ng ilan sa mga mahahalagang detalye

patungkol sa isa mga Teorya ng Panitikan. Ang Teoryang Sikolohikal. Hindi ko na

patatagalin dahil alam kong sabik na sabik na kayong makilala ang ating espesyal na

panauhin sa araw na ito. Kaya tinatawagan ko na ang ating huwarang propesor na

dalubhasa pagdating sa wika, Propesor Kelvin Farenheit alyas “Prof. Kanor”.

Miss Z: Magandang araw sa inyo Prof. Kanor, salamat po sa inyong pagpapaunlak ng

aming imbitasyon upang maging kabahagi ng isa na namang magangdang aral.

Prof. Kanor: Magandang araw din sayo Miss Z at salamat din na ako’y inyong

naimbitahan sa inyong programa sa araw na ito.

Miss Z: Bago po tayo mag-umpisa, gusto ko po muna kayong kumustahin?

Prof. Kanor: Mabuti naman ako, medyo abala lang sa mga gawain sa paaralan.

Miss Z: Ngayon nga po sir, nais pong marinig ng mga tagapanood at tagapakinig ang

inyong opinyon patungkol sa isang Teoryang Panitikan, ang teoryang Sikolohikal. Bago

po ang, ano po ba ang layunin ng teoryang ito?

Prof Kanor: Ang teoryang ito ay may layuning ipaliwanag sa pamamagitan ng

pagpapakita ng mga salig o factor sa pagbuo ng naturang behavior o yung pagtukoy sa

pag-uugali, paniniwala, pananaw at pagkatao sa isang tauhan sa kanyang akda.

Miss Z: Ngayon naman Prof. Kanor, ipaliwanag niyo na po ang kahulugan ng Teoryang

Sikolohikal.

Prof. Kanor: Ipinalalagay sa pananaw ng Sikolohikal na ang akdang pampanitikan ay

nagsisiwalat sa isip, damdamin at personalidad ng may-akda. Inaanalisa ang mga


behavior ng mga tauhan, kilos at kaisipan, at ang relasyon ng bawat isa. Kung bakit

nagbago ang dating paniniwala, kung bakit tinalikuran ang dating ipinaglalaban, ang

pinagdaanang buhay o pangyayaring nakaaapekto sa kanilang pananaw. Ipinapakita sa

akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may

nagudyok na mabago o mabuo ito. Sa teorya ding ito makikita ang takbo ng isip ng may

akda ganun din ang antas ng buhay, paninindigan, paniniwala, pinahahalagahan, at

mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may akda. Nais ko lang din ibahagi sa

inyong lahat ang isang napaka gandang pagpapaka halimbawa ng Ama ng sikolohiya,

si Sigmund Freud, inihalintulad nya ang tao sa isang ice berg na lumulutang sa ibabaw

ng karagatan. Nahahati ang ice berg sa dalawang bahagi, ang nakikitang bahagi at ang

nakalubog na bahagi. Ang nakikitang bahagi ay ang malay na bahagi ng ating

katauhan. Ito yung mga impormasyon na alam ng tao tungkol sa atin. Samantalang ang

nakalubog na bahagi ay ang mga di-malay na bahagi na ating pagkatao o yung mga

bagay na hindi nakikita ng mata.

Miss Z: Salamat po sa inyong mga binahagi. Karagdagang tanong po, sa iyong palagay

po anong emosyon ang mga namamayani sa ganitong uri ng akda?

Prof. Kanor: Tinatalakay sa akda ang mga damdaming namamayani sa mga tauhan

gaya ng pagmamahal, paghanga, pagkadakila, gayon din ang mga negatibong

damdamin ng pangamba, takot, galit, pagkabigo, at iba pa. Napakahalaga po kasi na

masuri ang emosyon at makilala ang tunay na katauhan ng indibidwal.

Miss Z: Naku! Maraming salamat sa napakagandang pagpapakahulugan ninyo ng

nasabing teorya, ngunit maaari ba kayong magbigay ng halimbawang akda ng nasabing

teorya?
Prof. Kanor: Oo naman. Ang mga halimbawa ng isang akda na nagpapakita ng

teoryang sikolohikal ay ang:

“MGA HALIMBAWANG AKDA:

 Laro sa Baga, ni: Egardo M. Reyes

 Tata Selo, ni: Rogelio R. Sikat

 Dekada ’70, ni: Lualhati Bautista

 Angles and Demons, ni Dan Brown

 “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Soc Rodrigo

 “Ang Ama” ni Mauro R. Avena

Miss Z: Prof. Kanor maraming maraming salamat po sa impormasyon na ibinahagi

ninyo sa amin ngayong araw. Marami po kaming natutunan sa araw na ito.

Prof. Kanor: Maraming salamat din po sa inyong lahat.

Miss Z: Ayan nga po mga kaibigan, may napulot na naman tayong bagong

impormasyon at aral sa araw na ito mula kay Prof. Kanor. Bago ko tapusin ang

programag ito, nais kong iwan ang mga katagang “You know my name, not my story”,

na madalas natin nababasa o naririnig na nagpapaalala sa atin na oo marahil kilala

natin ang isang tao, ngunit ang totoo hindi natin alam ang tunay nyang kuwento na kung

susubukan natin siyang kilalanin, ay baka mas maunawaan natin ang tunay niyang

pagkatao kaya ang nais ipabatid ng katagang ito ay huwag tayong humusga nang

ganun-ganun na lang sa ating kapwa na naaayon lamang sa nakikita ng ating mga

mata. Yun lamang po, maraming salamat sa inyong pakikinig, magkita-kita po tayong

muli sa susunod na “Magandang Aral”


d. Wakas (Gawain/Palaro)

Para po sa panghuling bahagi, Maaaring magbukas lahat ng camera ang lahat at

makinig sa instraksiyon sa palaro.

Instraksiyon: Si Michael ay magsasabi ng ilong, ilong, ilong at bahagi sa mukha na

dapat mahawakan agad, kung sino man ang maunang makita ni Miss Z na nakagaya

sa ginawa ni Michael, ay siya ang sasagot sa kakaibang katanungan ni Michael.

(Magkakaroon ng jowa ang makakasagot ng tama.)

1. Magbigay ng sariling pagpapakahulugan sa teoryang sikolohikal?

2. Sino ang Ama ng makabagong sikolohikal?

- Sigmund Freud

3. Magbigay ng isang halimbawa ng isang akda na nabanggit kanina patungkol sa

teoryang sikolohikal?

 Laro sa Baga, ni: Egardo M. Reyes

 Tata Selo, ni: Rogelio R. Sikat

 Dekada ’70, ni: Lualhati Bautista

 Angles and Demons, ni Dan Brown

 “Sa Pula, Sa Puti” ni Francisco Soc Rodrigo

 “Ang Ama” ni Mauro R. Avena

4. Ano ang buong pangalan at alyas ng kinapanayam?

- Prof. Kelvin Farenheit (Alyas Prof. Kanor)

5. Ano ang iniwang kataga ni Miss Z.?

- “You know name, not my story”.


6. Ano ang pangalan ng aming programa? at maaari bang lapatan ito ng tono sa

pagbigkas mo?

- Magandang Aral (Tono ng magandang Buhay)

Saggunian:

https://www.academia.edu/40370446/Ang_Teoryang_Sikolohikal_sa_Panitikan_Is

ang_Pag_uulat?email_work_card=title

Ipinasa nila: Mariano, Znyx Aleli Ipinasa kay: G. Homer Parco

Dela Cruz, Michael

You might also like