You are on page 1of 3

DON ONOFREY ACADEMY,INC.

NORTHGATE PARK EXECUTIVE HOMES,BRGY.STO.CRISTO,CSJDM.BULACAN


dononofrey2015@gmail.com

FIRST MONTHLY TEST


IN ESP 6

Name: ________________________________________________________________Score: _________


Petsa:

Panuto: Basahin nang mabuti ang pangungusap. Bilugan ang letra ng tamang sagot..

1. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng katatagan ng loob?


a. Ayoko gawin ang isang bagay kung alam kong ito ay mahirap.
b. Bagyo man ang dumating hindi ako susuko sa aking mga pangarap.
c. Wala sa nabanggit.

2. Bakit mahalaga na hindi agad sumuko sa iyong mga ginagawa?


a. Para mapagtagumpayan ang iyong gustong gawin o tapusin.
b. Upang hindi ka mapagod at makapagpahinga ng maaga.
c. Para sumikat lang.

3. Lilipat na sa Quezon City si Julie upang mag-aral sa kursong pinakagustoniya. Alam


ni Joselyn na kapag matapos niya ang kursong ito hindi siya mahihirapang
maghanap ng trabaho dahil sa in-demand ito.
a. katatagan ng loob
b. mapanuring pag-iisip
c. kahinaan ng loob

4. Sa kabila ng kahirapan sa buhay, hindi nawalan ng pag-asa si Kelsey na balang


araw magiging maayos din ang buhay ng kaniyang pamilya. Araw-araw niyang
ipinagdarasal ito sa Panginoon.
a. pagmamahal sa katotohanan
b. katatagan ng loob
c. may paninindigan

5. Alam ni Aaron na hindi na siya kayang pag-aralin ng kanyang mgamagulang dahil


sa maraming gastusin ang kailangan sa junior high school. Ipinaintindi ito sa kanya
ng kanyang mga magulang kaya hindi siya nagalit o nagtanim ng sama ng loob
sa kanila. Ano ang pag-uugali na taglay ni Aaron?
a. katatagan ng loob
b. may paninindigan
c. bukas na isipan

6. Nakita Si Mark ay transferee mula sa Paaralang Elementarya ng San Bartolome. Isa-


isang tinawag ng guro ang mga bagong mag-aaral para magpakilala. Ano ang
nararapat niyang gagawin?
a. Magkunwari na hindi nadinig ang pagtawag ng guro sa kanyang pangalan
b. Sasabihin sa guro na nahihiya siyang magpakilala
c. Tatayo sa harap at magpakilala ng sarili

7. Anong katangian ang ipinakita ni Carlo nang siya ay tumayo at magpakilala sa


mga bagong kamag-aral?
a. pagmamahal sa katotohanan
b. kahinaan ng loob
c. may paninindigan

8. Ang kahirapan ay hindi hadlang upang makamit ang magandang kinabukasan


lalo na kung ang bata ay may _______ sa kanyang pag-aaral.
a. Tiyaga
b. Lahat ng nabanggit ay tama
c. Pagpapahalaga sa pag-aaral

9. Si Mina ay walang tiyaga sa kanyang pag-aaral kung kaya siya ay ____________.


a. Nakatapos sa pag-aaral
b. Hind nakatapos ng pag-aaral
c. Lalong natuwa ang mga magulang

10. Nais mong bumili ng usong laruan ngunit kulang ang pera mo, Ano ang iyong
gagawin?
a. Maghihintay na makompleto ang perang pambili mula sa inipon
b. Manghihiram ng pera sa kaibigan
c. Hihingi ng pera sa magulang

11. Naniniwala ang entrepreneur na si Alleyah na magtatagumpay siya sa napili


niyang negosyo.
a. May kakayahan sa pagpaplano
b. Handang makipagsapalaran
c. May tiwala sa sarili

12. Hindi basta basta sumusuko si Jaime sa kanyang negosyo ano mang paghihirap
ang kaniyang harapin.
a. Hindi mapagsamantala
b. May tatag ng loob.
c. May kakayahan sa pagpaplano

13. Nakaisip si Richard ng isang patok na negosyo. Pinag isipan niyang mabuti at
isinulat ang kaniyang mga dapat gawin.
a. May tatag ng loob
b. Handang tumulong
c. May kakayahan sa pagpaplano

14. Nakita ni Renesmee na hindi isinasama ng kaniyang mga kagrupo ang tahimik na
transferee kung kaya naman sinabihan niya ang mga ito na isama ang kanilang
kagrupo sa pagpaplano. Ano ang ipinakita ni Renesmee?
a. Mapanuring Pag-iisip
b. Pagkamasigasig
c. Katatagan ng Loob

15. Si Ela ay araw-araw na nageehersisyo tulad ng kaniyang pangako sa kaniyang


inay.
a. Mapanuring Pag-iisip
b. Pagkamasigasig
c. Katatagan ng Loob

16. Mag-aral ng mabuti para makakuha ng mataas na marka.


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

17. Pagiging mabuti sa ibang tao.


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

18. Pabago-bagong desisyon.


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

19. Pagbabalewala ng angking talento.


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

20. Pagiging tiyak kung tama ang nakuhang balita.


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

21. Nagpapakita ba ako ng sigasig sa aking pag-aaral araw-araw?


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

22. Nagsusumikap ako na mapabuti ang aking mga gawain.


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

23. Iniisip ko ang kapakanan ng aking kapwa.


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

24. Madali akong magsawa sa paulit-ulit na mga tungkulin at gawain.


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

25. Biglaang desisyon ang parati kong ginagawa.


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

26. Ako ay nagbibigay ng masusing impormasyon.


b. tama b. mali c. wala sa nabanggit

27. Ako ay parating nagbibigay ng di pinag-isipang solusyon.


c. tama b. mali c. wala sa nabanggit

28. Ako ay tumitimbang ng isang panig lang para suriin ang sitwasyon.
d. tama b. mali c. wala sa nabanggit

29. Ako ay gumagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon.


a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

30. Natatapos ko ang aking nakatakdang gawain ng walang tulong mula sa iba.
a. tama b. mali c. wala sa nabanggit

You might also like