You are on page 1of 5

NOTRE DAME OF JARO, INC.

Msgr. Lino Gonzaga St., Jaro, Leyte

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT K-


ARALING PANLIPUNAN 10 – MGA KONTEMPORARYONG ISYU
P-
Pangalan:
Baitang at Seksyon: U-

KNOWLEDGE
I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ang kasarian ay maraming ipinahihiwatig na kahulugan. Sa Ingles ito ay katumbas ng salitang sex at
gender. Ano ang tinutukoy ng World Health Organization (WHO) na tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal
na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki?
A. Bi-sexual B. Transgender C. Gender D. Sex
_______2. Sa kabilang banda, ano naman ang tawag sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda
ng lipunan para sa mga babae at lalaki?
A.Sex B. Gender C. Bi-sexual D. Transgender
_______3. Ang Queer o Questioning ay mga taong hindi tiyak o hindi pa tiyak ang kanilang seksuwal na
pagkakakilanlan, samantalang ____ ang mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa ibang kasarian
ngunit nakakaramdam din ng kaparehong pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ano ang tawag sa kaniya?
A. Bisexual B. Transgender C. Asexual D. Homosexual
_______4. Mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makasama ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
A. Heterosexual B. Gay C. Homosexual D. Bisexual
_______5. Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon
ng maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya
itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng lalaki noon kaysa sa
kababaihan.
_______6. Winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon sa pamamagitan nang kapwa pinapayagan noon ang
babae at lalaki na hiwalayan ang kanilang asawa. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari
niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang pagsasama.
Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang
pag-aari. Ano ang maaaring maging konklusyon sa talatang binasa?
A. Mayroon pa ring makikitang pagkiling sa mga lalaki.
B. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki noong unang pahanon.
C. Walang pakialam ang kanilang pamilya sa buhay mag-asawa.
D. Mas binibigyan ng pansin ang kapakanan ng mga kababaihan noon.
_______7. Sa pagdating ng mga Amerikano nagkaroon nang pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas
para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang
isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng
pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal na plebesito na ginanap noong
Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Anong ideya
ang ipinahihiwatig sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano?
A. Dahil sa mga Amerikano nagkaroon ng ideya ang mga kababaihan na pag-ibayuhin ang pakikipaglaban
sa kanilang karapatan.
B. Ang pangyayaring ito ay nagbigay ng ideya na malayo ang mararating ng mga mamamayan bata man
o matanda dahil sa pagdating ng mga Amerikano.
C. Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-
pantay sa Pilipinas.
D. Ang pagkamulat sa isipan ng mga Pilipino ang ideyang ibinahagi ng mga Amerikano sa pagdating nila
sa Pilipinas.
_______8. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina ring nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya
ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang, nag-alsa siya. Gayundin, sa panahon
ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga
katipunero. Bakit ganon na lang ang ginawang pagpapakita ng kabayanihan ng ilang kababaihan sa panahon na
dumating ang mga Espanyol?
A. Dahil nais nila maipakita ang kanilang katapangan laban sa mga kalalakihan.
B. Marahil nais nilang ipaalam sa mga Espanyol na ang mga kababaihan sa panahong ito ay may boses.
C. Para malaman ng mga Espanyol na may angking lakas ang mga kababaihan.
D.Upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
_______9. Iba’t iba ang gampanin ng babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Sa
Mundugumor pareho ang babae at lalaki na matatapang, agresibo, at bayolente, samantalang ang mga Arapesh
ay:
A. Parehong ang lalaki at babae na maalaga o mapag-aruga , matulungin at mapayapa.
B. Babae ang dominate at naghahanap ng makakain samantalang ang mga kalalakihan ay abala sa pag-
aayos ng
sarili mahilig sa kuwento.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop,maalaga at matulungin.
D. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili atmahilig sa kuwento samantalang ang mga kalalakihan ay
dominante at naghahanapng makakain.
_______10. Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae
hanggang siya ay maikasal. Walang basehang-panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan.
A. Female Genital Mutation C. Female Genes Migration
B. Female Genes Mutation D. Female Genital Mutilation
_______11. Ang mga tao ay nakararanas ng hindi pantay na karapatan kumpara sa iba. Ano ang tawag sa anumang
pag uuri,eksklusyon o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang
at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
A. Pang-aabuso B. Diskriminasyon C. Pagsasamantala D. Pananakit
_______12. Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.
BABAE, BUMANGON KA!
VAW Theme Song Titik: Girly Torres-Brillantes
Musika: Valiant Torres
Chorus:
Wakasan ang karahasan sa kababaihan
Matutong manindigan sa ‘yong karapatan
Gabay mo ang batas sa pagsupil ng dahas
Bumangon ka, bumangon ka
Labanan ang karahasan.
Babae, bumangon ka!
Halaga sa lipunan
Hindi mapapantayan
Bigyang kabuluhan
Pagtahak sa tamang daan.

Ano ang pangunahing mensahe ng awit na ito?


A. Pahalagahan ang karapatan ng kababaihan
B. Ipaglaban ang karapatan ng kababaihan at wakasan ang karahasan.
C. Ang babae ay dapat maging malakas.
D. Igalang ang kababaihan at karapatan nito.
_______13. Ang GABRIELA ay tumutukoy sa mga salitang - General Assembly ________ _________ for
Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action.
A. Because Women C. Binding Women
B. Believed in Women D. Broadcast about Women
_______14. Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng
Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o
spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad
siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga
dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3)
pagkagahasa. Paano maaaring ilarawan ang lipunang kanilang kinamulatan?
A. Ang lipunan ay nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan at nakakalungkot dito, ang
pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala.
B. Lipunan ay naglalarawan ng di pantay na pagtrato sa kababaihan at nagdudulot ng kasakiman sa
tungkulin ng mga kalalakihan.
C. May kaugaliang nagkakaroon ng pagkatakot sa buhay ng mga kababaihan at ang lipunan ang naging
sandigan nila upang makaahon sa pagkakalugmok.
D. Marahas at walang pakialam ang gobyerno kung kaya’t ang lipunang kanilang ginagalawan ay
apektado.
_______15. Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng
ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan.
Ang korte ng paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-
unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o
lily feet. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula
ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Anong karapatan ng
mga kababaihan ang ipinapakita sa paraan ng foot binding?
A. Hindi nila nabibigyang kasiyahan ang kanilang pakikisalamuha sa mga paligsahan at patimpalak.
B. May mga pagkakataong nais nilang sumali sa mga beauty pageant subalit dahil sa kanilang sitwasyon
ay hindi nila ito naranasan.
C. Mainam ang ganitong sitwasyon sa kanilang seguridad.
D. Nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.
_______16. Batay sa pag-aaral hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang
relasyon o tinatawag na domestic violence, maging ang mga kalalakihan ay biktama nito.Ang mga sumusunod ay
palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A.Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
B.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyona nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
C. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
D. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan.
_______17. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women. Ito ang kauna-unahan at tanging
internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil
at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ito ng United Nations General Assembly noong Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women.
Pumirma ang Pilipinas dito noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
A. VAWC B. CEDAW C. GABRIELA D. Magna Carta of
Women
_______18. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito:
“LGBT rights are human rights” - Ban Ki – Moon -UN secretary General
A. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
B. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
C. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
_______19. Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang
“kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga
anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong
gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang
kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit
nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
A. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
B. Republic Act 9710
C. Magna Carta of Women
D. Prinsipyo ng Yogyakarta
_______20. Ang Anti-Violence Against Women and their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, ito ay nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima
nito. Sino ang kababaihang tinutukoy sa batas na ito?
A. Kababaihan na may edad 15 pataas
B. Kababaihan na walang asawa at mga anak
C. Kababaihan na iniwan ng asawa at nakaranas ng pang-aabuso
D. Kababaihan na nagkaroon ng anak sa isang karelasyon, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon
sa isang lalaki at kasalukuyan o dating asawang babae.
_______21. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?
A. Nagsusulong ito mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng karahasan.
B. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga
estado na magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
C. Nilalayon ng CEDAW na maipahayag ang mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang
biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon.
D. Nagsusulong ang CEDAW ng mga patakarang magbibigay impormasyon sa mga nais iparating ng mga
kababaihan sa kani-kanilang gobyerno.
_______22. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, noong ika 6-9 ng Nobyembre 2006
nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia ang nasa 27 eksperto sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang
pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
B. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.
C. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
D. Pagtibayin ang mga prinsipyong makakatulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
_______23. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bi-sexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong
kayo ay mga bata pa, para na kayong magkapatid hanggang sa matuklasan mo ang kanyang oryentasyon sekswal.
Ano ang iyong gagawin?
A. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sayo.
B. Igagalang mo ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ng aming pagkakaibigan.
C. Ipagkakalat kong siya ay isang bi-sexual.
D. Lalayuan at ikahihiya ang iyong kaibigan.
_______24. Suriin ang mga larawan at sagutin kasunod na tanong.

Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?


A. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki.
B. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay.
C. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sakalalakihan.
D. Ang gawain ng kababaihan ay maaring gawin ng kalalakihan.
______25. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa
sinaunang China isinasagawa ang foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang
tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan Ano ang tawag dito?
A. Babaylan B. Purdah C. Lotus Feet D. Dowry

_____26. Isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinenteng Africa kung saan binabayo ang dibdib ng bata
nagdadalaga sa pamamagitan ng bato.
A. Anti-Homosexuality Act of 2014
B. foot binding
C. Lotus feet
D. Breast ironing
____27. Kauna-unahang transgender na miymebro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng Bataan.
A. Vice Ganda C. Geraldine Roman
B. Jake Cyrus D. Paulo Ballesteros
_____28. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang tradisyon sa India at sa iba pang bansa
sa Timog Asya. Ang magulang ng babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki Ang
ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa India noong pang 1961. Anong batas ipinatupad kaugnay nito?
A. India Penal Code B. Anti-Dowry Law
C. Nine-point checklist D. Violence against Dowry Law
____29. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng
maraming asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong
kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa
kababaihan.
____30. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo
ay mga bata pa at para na kayong magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang
iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.
PROCESS AND SKILSS
II. Sagutin ang mga sumusunod.
1. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa Isyung Pangkasarian at Gender?Ipaliwanag.(8pts)

2. Bakit mahalaga ang panlipunang pagkakapantay sa larangan ng edukasyon sa pagkakamit ng kalidad


ng buhay? Ipaliwanag.(8pts)

UNDERSTANDING
IV. Panuto: Bilang mag-aaral, dapat lamang na aktibo kang makibahagi sa paglinang ng ganap na kalayaan ng
lahat ng Pilipino, maging anuman ang kasarian nito. Sa pagkakataong ito, ikaw ay gagawa ng isang Pledge of
Commitment. (15pts)

Pledge of Commitment

Bilang isang mabuting Pilipino/ mag-aaral, sisikapin kong ____________________________________


_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
INIHANDA NI: Bb. Ronalyn G. Cajudo

You might also like