You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Science and Technology


Philippine Science High School System
PHILIPPINE SCIENCE HIGH SCHOOL – BICOL REGION CAMPUS
FILIPINO UNIT
Tagongtong, Goa, Camarines Sur 4422
Telefax: (054) 453-2048
http://www.brc.pshs.edu.ph
Pursuit of Truth Passion for Excellence Commitment to Service

LAGUMANG PAGSUSULIT BLG.2 SA FILIPINO 1


IKATLONG MARKAHAN

Pangalan: _____________________________________ Baitang/Seksyon: __________________ Iskor: _______

I. ASPEKTO NG PANDIWA (1-15)


Banghayin ang sumusunod na pandiwa batay sa aspekto nito.

Pawatas Imperpektibo Perpektibo Kontemplatibo


ipagluto 1. 2. 3.

4. ipinaglaban 5. 6.

7. 8. nasabihan 9.

10. 11. 12. iguguhit

magbasa 13. 14. 15.

nakakapagpabagabag
(bonus)

II. POKUS NG PANDIWA (16-25)


Tukuyin kung ano ang Pokus ng Pandiwa sa sumusunod na pahayag. Isulat lamang ang MALAKING LETRA
ng napiling sagot sa espasyong nakalaan sa bawat bilang.

A. Pokus sa Tagaganap E. Pokus sa Direksiyon


B. Pokus sa Layon F. Pokus sa Tagatanggap
C. Pokus sa Gamit G. Pokus sa Sanhi
D. Pokus sa Ganapan H. Pokus Resiprokal

_____16.Isinara ng guro ang pinto ng klasrum.


_____17.Inilibre ni Ben si Dora ng malamig na tubig sa mamahaling restawran.
_____18.Ibili mo ng Tikitiki si Patrick para tumangkad.
_____19.Ikinabahala ng mamamayan ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
_____20.Ibinenta niya ang sipilyo sa halagang sanlibo.
_____21.Ipinansungkit ng bunga ng papaya ang mahabang kawayan.
_____22. Natutulungan sina Biden at Marcos upang maging mapayapa ang bansa..
_____23.Sumasagot ang mga iskolar sa pagsusulit ngayong araw.
_____24.Ang entablado ay pinagtanghalan ng kompetsyon sa pag-awit.
_____25.Tinungo nila ang Lungsod Naga para kumain ng pisbol sa plasa.

III. KATUTURAN NG PANG-URI (26-30)


Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay nagsaad ng TAMA o MALI batay sa diwa ng pahayag.

_____26. Ang pang-uring nasa anyong pandiwa ay tinatawag na Pandiwari.


_____27. Ang pang-uri ay naglalarawan sa pangngalan at pandiwa.
_____28. Ang salitang gumaganda, magsisipag, bumait ay mga halimbawa ng pang-uri.
_____29. Ang pang-uri ay mga salitang naglalarawan ng kilos.
_____30. Ang pang-uri ay maaaring maglarawan sa katangian ng panghalip.
R-07-CID(FIL1)-111C
Re: LT2
IV. URI NG PANG-URI (31-34)

Tukuyin kung anong uri ng pang-uri ang ginamit sa mga pahayag batay sa salitang may salungguhit. Isulat lamang ang
MALAKING LETRA ng napiling sagot sa nakalaang espasyo sa bawat bilang.

A. Pang-uring Panlarawan
B. Pang-uring Pamilang
C. Pang-uring Pantangi

_____31. Sumasagot sa pagsusulit na ito ang mag-aaral na iskolar ng Pisay.


_____32. Oportunista at makasarili ang karamihan sa politiko sa Pilipinas.
_____33. Libo-libo ang namatay sa sakit dulot ng COVID-19 sa bansa.
_____34. Matataas ang iskor na nakuha sa pagsusulit ng klaseng ito.

V. URI NG PANG-URING PAMILANG (35-37)


Tukuyin ang uri ng pang-uring pamilang ng salitang may salungguhit sa ibaba. Isulat ang letra ng napiling sagot sa
nakalaang espasyo ng bawat bilang.

35. Si Dr. Orante ay eskolar ng Pisay-Bicol na pang-apat sa Physician Licensure Exam ngayong taon.
a.Patakaran c.Panunuran
b.Palansak d.Pamahagi

36. Dadalawa lamang na pasahero ang maaring sumakay sa traysikel simula nang nagkapandemya.
a.Patakaran c.Palansak
b.Patakda d.Pamahagi

37. Kumuha ng kalahating papel para sa inyong pagsusulit ngayong araw.


a.Patakda c.Palansak
b.Pamahagi d.Patakaran

VI. ANYO NG PANG-URI (38-41)


Tukuyin kung anong anyo ng pang-uri ng sumusunod na salita. Isulat lamang ang MALAKING LETRA ng napiling sagot
mula sa Hanay B sa nakalaang espasyo sa bawat bilang ng Hanay A.
A B
_____38. kulot A. Pang-uring Payak
_____39. makabansa B. Pang-uring Maylapi
_____40. puting-puti C. Pang-uring Inuulit
_____41. urong-sulong D. Pang-uring Tambalan

VII. ANYO NG PANG-URI (42-45)


Unawain at alamin kung ano ang kaantasan ng pang-uring ginamit sa salitang may-salungguhit sa bawat pangungusap.
Isulat ang MALAKING LETRA ng napiling sagot mula sa kahon sa nakalaang espasyo ng bawat bilang.

A. Lantay
B. Pahambing
C. Pasukdol

_____42. Ang Filipino ang pinakamahirap na asignatura sa Pisay.


_____43. Natanggal si Juan sa pagiging eskolar ng Pisay dahil mandaraya sa pagsusulit sa Filipino 1.
_____44. Magkasinghirap ang Matematika at Filipino kaya marami ang nagpuyat para mag-aral lamang.
_____45. Masipag mag-aral dati si Mario ngunit nawawalan ng interes dulot ng pandemya

Inihanda ni:

SALVADOR DLS. LUMBRIA


Guro sa Filipino 1

Sinuri ni:

ERMA M. BUE
Filipino Unit Head
R-07-CID(FIL1)-111C
Re: LT2

You might also like