You are on page 1of 27

Ang Pamatnubay

Inihanda ni: Tyna H. Cubio


Ano kaya ang ibig
sabihin ng
pamatnubay?
•Ang panimula ng balita ay tinatawag na
pamatnubay sa wikang ingles “Lead”.
•Ito ay ang pinakamahalagang bahagi ng balita sa
kabuuan sapagkat ito ay ang unang binibigyan ng
pansin at umakit sa mambabasa.Ang simula ng
balita ay nangangailangan ng higit na atensyon
mula sa mambabasa gayundin naman sa
manunulat.Sinusuri muna ng mambabasa ang mga
balita at saka magpapasya kung alin ang babasahin
batay sa kanyang panlasa.
SIMULA NG PAMATNUBAY

• Pinipilit ng reporter na mailagay ang


malaking lathalain sa simula ng 6-8
salita, na karaniwang bumubuo sa
unang linya ng balita .Ito ay
karaniwang nasa kumbensyonal na
balitang pamatnubay.
PANGKALAHATANG URI NG PAMATNUBAY

• 1.Batay sa layunin
• A. Kumbensyunal-Kung minsan ito ay tinatawag ding buod ng pamatnubay,
karaniwan ang balita ay ginagamit ng ganitong pamamaraan na tumatalakay
sa naturang at tuwirang paraan.Ito ay ang pinakaraniwang uri na sumasagot
sa mga tanong na Sino?,Ano?, Kailan?, Saan?, Bakit?, Paano?

• b. Di-kumbensyonal na pamatnubay-Ang balitang lathalain ay gumagamit


ng pamatnubay na ito. Inilalahad dito ang intensyon ng pagpupunyagi ng
manunulat sa pagpapakilala ng kanyang balita sa paraang naiiba.
2. Katanungang Pamatnubay
Ang uring ito ng pamatnubay ay ang pinakamatanda sa lahat ng
uri na ginagamit ng mamamahayag tulad ng Sino, Ano, Bakit, Paano,
Kailan at Saan (5 W's and an H).
A.Pamatnubay na Sino (Who Lead)-Ang pangalan ay ang
gumagawa ng balita lalo na ang mga kilala.Ang tao ay kilala sapagkat
bantog o dili kaya'y may kinalaman sa mga pangyayari sa balita.
Halimbawa:
Binawi ni Nueva Vizcaya Rep. Rodolfo Agbayani, kasapi ng LDP
ang kaniyang pirma sa impeachment complain na inihain ng
oposisyon kahapon, matapos itong katayin sa komite.
B. Pamatnubay na Ano (What Lead)-Pinakamatuwid na pamatnubay na
naghahayag ukol sa balita.
Halimbawa:
Isang lindol ang yumanig sa lalawigan ng Sorsogon at Masbate na
ikinamatay ng tatlong tao at ikinasira ng mga bahay at gusali kahapon ng
madaling araw.
C. Pamatnubay na Bakit (Why Lead) -Nagsasaad hinggil sa pinagmulan o
sanhi ng itinampok na pangyayari.
Halimbawa:
Upang mapalawak at madaling maipaabot sa mga mamamayan ang
mga serbisyo ng pamahalaan, inilunsad ng Sangguniang Panlunsod ng
Quezon sa pamumuno ni Mayor Sonny Belmonte ang “City Hall sa Barangay”.
D. Pamatnubay na Paano (How)- Karaniwang ginagamit sa hindi
inaasahang mga pangyayari at mga aksyon. Itinatampok dito ang
pamamaraan ng mga kaganapan.
Halimbawa:
Nagkunwaring naghahanap ng mapapasukan, Isang babae ang
tumangay ng malaking halaga ng salapi at mga alahas ng isang
ginang sa Lunsod ng Baguio, pagkatapos itong tanggapin bilang
katulong.
E. Pamatnubay na Kailan (When Lead)- Ginagamit kapag ang
mga pangyayari ay naganap sa hindi inaasahang panahon o ang
panahon na kaganapan ay lalong mahalaga.
Halimbawa:
Hanggang sa Abril 18 na lamang ang palugit na ibinigay ng BIR
para sa pagbabayad ng buwis sa taunang kita.
F. Pamatnubay na Saan (Where Lead)- Ginagamit kung ang mga
naganap ay hindi sa pangkaraniwang lugar.
Halimbawa:
Sa Naga City ginanap ang 2009 National School Press Conference
na dinaluhan ng mga batang manunulat sa buong bansa.
3.Batay sa kabuuan
a. Gramatikong panimula
b. Unorthodox o Di-pangkaraniwang pamatnubay.

Ang mga uring ito ay ang nagbibigay -diin sa pangangailangan sa


pag-iiba-iba ng pamatnubay. Ang kawalan ng alinman sa nga
elemento ito ay nagiging sanhi ng kahinaan ng isang pamatnubay .
Mga dapat Isaalang-alang sa pagsulat ng isang mabuting pamatnubay

1. Isama lamang ang mga mahahalagang katanungan,


2. Magsimula sa itinatampok na balita na pinakamahalaga o ang
pinakaintresadong kaganapan o maaaring pareho.
3. Maikli – karaniwan 25-35 mga salita kung itoy isang talata.
4. Simula sa tiyak at nakatatawag pansin na mga salita.
5. Iwasan hanggat maari, na magsisimula sa mga salita at mga pariralang
tulad ng “A, An. the; at a meeting; yesterday; last night; last week,
recently; days of the week-Monday, Tuesday, etc ; according to ;it is ( will,
was, will be);there is (are, will be)
6. Mungkahi sa mga pinagmulan ng balita.
a.Mga balitang tumatalakay o naglalahad subalit hindi kilala sa pangkalahataan.
b.Hinggil sa darating na kaganapan upang ipagsanggalang ang pahayagan kung
sakaling ang pangyayari ay hindi nagaganap.
c.Ang balitang higgil sa mahalagang mga pangyayari na hindi nagampaanan ng
reporter.

7. Iwasan ang pagbibigay ng mga pinagmulan ng balita na maaring ang mga


manbabasa ay naging saksi.
8. Iwasan ang labis na paggamit ng iisang paraan sa paglalahad ng awtoridad.
9. Gumamit ng paghahayag ng mga may awtoridad,
10. Iwasan ang labis na paggamit ng salita ng hindi mahalaga sa unang pangungusap
ng pamatnubay.
11. Ipakilala ang taong nabanggit.
12. Naisulat ba ng makulay ang itinampo na balita?
13. Magkakaugnay ng mga katanungan at awtoridad, ang kabuuan
ay malinaw ,at maayos na pahayag.
14. Kinilala ang mga pook na may kaugnayan sa mga kilalang mga
pangalan o kanilang dating kaugnayan sa balitang itinatampok.
15. Kinilala ang mga pangyayari batay sa layunin, dating kaugnayan
o sa nakaraang mga pangyayari
Mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng mabuting pamatnubay:

1. Gumamit ng payak na pangungusap.


2. Huwag isulat ang lahat ng kasagutan sa mga tanong na ano, sino,
saan, kailan, paano at bakit sa isang pangungusap lamang, kung ito ay
makasisira sa kaisipan ng talata at makalilito sa mambabasa.
Alalahaning ang pangalawang talata ay pamatnubay rin.
3. Huwag uliting gamitin ang mahalaga o di-karaniwang salita sa isang
pangungusap.
4. Iwasan ang pag-uulit ng mga sugnay, parirala at mga iba pang katulad
nitong gramatikong kayarian.
PAGSURI SA BUOD NG PAMATNUBAY

1.Ang lahat ba ng mga mahalagang katanunga ay naisama?


2.Ang mga mahalaga bang pangyayari ay naisasaloob ayon sa pagkakasunod-sunod?
3.Mayroon bang mga salita o detalye na hindi kinakailangan.
4.Ang pamatnubay ba ay nagsimula nang tiyak at nakapanghihikayat na mga salita.
5.Ang awtoridad ba ay nailalahad.
6.Ang lahat ba na may kinalaman ay naitala ?
7.Kung ang istorya ay batay sa nakaraan o kasalukuyang balita, ang kaugnayan ba ay
naging malinaw.
8.Maliwanag ba sa pagkakabuo o nilalaman?
9.May tama bang haba?
7.Kung ang istorya ay batay sa nakaraan o kasalukuyang balita, ang
kaugnayan ba ay naging malinaw.
8.Maliwanag ba sa pagkakabuo o nilalaman?
9.May tama bang haba?
10.Maisulat ba nang maayos?
11.Binabatikos ba ang partikular na mambabasa ng pahayagan?
12.Naisusulat ba nang makahulugan.
IBA PANG URI NG PAMATNUBAY
(NEWS LEAD)

1.Teaser na pamatnubay – ang pamatnubay na karaniwang


ginagamit sa pampanitikang pahayag na sinisipi, ang saknong o
taludtod ng isang tula, ang jingle,”mula sa komersyal o ang
pinakakilalang parirala. Ang pahayag ay maaaring kahalintulad sa
isang kilalang tao, pook, pangyayari, o bunga ng likhang sining.
Halimbawa:
“Huwag mong gawin sa iba ang hindi mo nais na gawin ng iba
sayo.
2. Paglalarawang pamatnubay
Ang maganda at makahulugang paglalarawan o disenyo ng
pangyayari. Ginagamit sa pamamaagitan ng ilang salita upang
makabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa.
Halimbawa:
“Narinig namin na tila kulog na dumadagundong na malakas ang tunog. Pagkatapos ng
nakatutulig na ingay ay natagpuan na lamang naming natabunan na kami ng lupa’t mga
batong galing sa bundok,” ito ang salaysay ng isang biktima ng trahedyang nangyari sa
leyte.
3.Kakatwang pamatnubay
Ang kakaibang paraan sa paggamit ng tipograpikong epekto o hindi
pangkaraniwang mga pangyayari.

Halimbawa:
Bininyagan : Anak ng Hito
Wanted: Isang Asawa
4.Tahasang sabi o Sinipiniping pamatnubay
Ang pahayag o punang sinipi ng reporter sa panimulaa ng
pangungusap ng isang pahayag. Ang halimbawa ay ang pahayag ng
Pangulo ng Pilipinas. Ito ay maaaring mga pahayag na nakaapekto sa
mga libong tao.

Halimbawa:
Mabuti pa sumama ka sa pagbisita ko sa slum areas nang ang mga
butangero roon ay magsanay na lang ng boksing,”sabi ng Pangulong
Gloria M. Arroyo kay CBF World Super Bantamweight champion
Manny Pacquiao.
5. Pagkakaibang Pamatnubay
Ang pamatnubay na pinaghahambing ang mga pangyayari. Pinapakita ang
pagkakaaiba ng dalawang bagay sa unang pangungusap ng balita.
Halimbawa:
Noong Mayo 2001, ang industriya ng pagbabangko ay nawalan ng reserba sa
pagpapautang sa datos ng 44.2 porsento na higit na mataas kaysa noong
nagdaang buwan ng Abril na may 40.7 porsiyento.
6.Paglalarawang pamatnubay(Descriptive Lead)
Ito ay naglalarawan ng istory ng balita. Karaniwaan, inilalarawan ang mga tao,
bagay o pangyayari.
Halimbawa:
Maraming tubig sa paligid ngunit walang ni isang patak na maiinom.Dito sa
Baguio, naganap ang malakas na hangin at ulan, pagguho ng lupa at baha na
dala ng bagyong Feria noong isang linggo, ngayon ay nanatili pa ring walang
tubig na maiinom ang mga tagarito.
7.Paggulat na pamatnubay (Punch Lead)
Kalimitan ito ay maikli ,Hiwalay na talata na sinusundan ng buod ng
ibang impormasyon.

Halimbawa:
Pagbabago! Ito ang sigaw ng mamamayang pilipinong dumalo saedsa noong pebrero
22- 26.
9.Tanong na Pamatnubay (Question lead)
Ginagamit upang masagot ang nailahad na mga katanungan sa pahayag. Ang reporter ay
karaniwang gumagamit ng mga pamamaraan upang makasulat ng pahayag na
makatatawag ng pansin sa mambabasa.
Halimbawa:
Sino ang magiging Pangulo ng Senado sa susunod na sesyon?ito ay malalaman sa susunod
na linggo na muling pagbubukas ng senado.
10. Buod na Pamatnubay(Summary Lead)
Isasa pinakapangkaraniwang pamatnubay na ginagamit sa pagsulat ng balita. Ito ay may
kinalamaan sa pangkalahataang buod sa mga tunay na pangyayari o ang maging
kaganapan.ang uring ito ay sumasagot sa limang “h” ([what] Ano),([Why] ,bakit) ,
([Where ] Saan) ,([When] Kailan),([Who] Sino), at ([How] Paano).
Halimbawa:
Ang bagyong Feria ay rumagsa sa hilagang Luzon . May dalang malakas na ulan at hangin
na tinatayang 170 kilometro bawat oras.Kahapon,ito ay pumatay ng 13 katao,na nagpatigil
sa biyahe ng mga sasakyang panghimpapawid,panlupa at pandagat. Ang buong lungsod ng
Baguio ay nahiwalay.
11.Kapaligiran na pamatnubay ( Atmospher lead)
Ito ay naglalarawan ng kawili-wili at maligayang damdamin.
Halimbawa: Ang piyesta sa Vigan , Cantanduanes ay ipinagdiriwang
sa pamamagitan ng sayawan, tugtugan at awitan na nilalahukan na
ibat ibang barangay.Magsisimula sa gawain ang mga kalahok mula
sa kanilang pook patungong plasa ng naturang bayaan.
12.Isang salita pamatnubay (One -Word Lead)
Ito ay gumagamit lamang ng isang salita upang maipadama ang
igting nito.
Halimbawa :
Sunugin ! Ang utos ni Heneral Gumersindo Abad sa mga pulis
habang sinusuri nila ang mga shabu na nasamsam sa pagsalakay.
13.Maikli at hiwa-hiwalay na mga salita ng pamatnubay (Staccato Lead)
Ang mga salita na nagbibigay ng iisang ideya.
Halimbawa:
Krimen ! Basura! Hold-up!Adiksyon! Ito ang mga dahilan kung bakit
nalulugmok ang ating ekonomiya.
14.Nakatatawang Panulad na pamatnubay (Parody Lead)
Ito ay karaniwang hango sa tanyag na awit ,tula ,sipi,aklat,o pamagat ng
pelikula.
Halimbawa:
Bawal sa Casino ang mga nasa Gobyerno , ngunit may pagkakaiba .Ang mga
kasino ay magiging sarado para sa mga nagtatrabaho o nanunungkulan sa
gobyerno kung magiging isang batas ang panukala ni Senador Juan Flavier.
Ngunit ang “Senate bill no.8 “ na nagbabawal sa mga tinatalagang opisyales na
hindi kasama sa mga inihalal na, gaya ng senador at kinatawagan sa kongreso.
15.Kasabihan o Kawikaang pamatnubay (Epigram Lead)
Ang pamatnubay ay mula sa mga kilalang kasabihan ,o salawikain.

Halimbawa:
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makarating sa
paroroonan. Ito ay nararamdaman ni Eugenio Retarado nang manalo
siya sa katatapos na halalan. Nagalit ang kanyang mga kababayan sa
pag uugali niya na nakalilimot sa mga taong nagluklok sa kanya sa
kongreso noong nakalipas na halalan.

You might also like