You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA ARALING PALNLIPUNAN 3

Inihanda ni: Mary Grace San Juan

I. Layunin
a. Natutukoy ang imprastraktura ng mga lalawigan;
b. Napapahahan ang kahalagan ng mga imprastarktura sa
kabuhayan ng tao;
c. Nakagugupit ng mga imprastraktura na makikita sa
lumang dyaryo o magasin.
II. Paksang Aralin
a. Paksa Kahalagahan ng Imprastraktura sa Kabuhayan
b. Kagamitan larawan, manila paper at marker
c. Sanggunian

d. Values Integration Pagpapahalaga sa mga imprastraktura


III. Pamamaraan Gawaing Pang-guro Gawaing Mag-aaral
a. Panalangin

Bago tayo magsimula, maari bang anyayahan ang


lahat na tumayo para sa panalangin

b. Pagbati

Magandang umaga mga bata!


Magandang umaga, teacher
Grace!
Mga bata, bago tayo magsimula,maari bang
pakiayos ang hanay ng inyong mga upuan at
damputin ang mga kalat na inyong nakikita

c. Pagtatala ng liban

May liban ba sa klase natin ngayon?

Wala po!
d. Balik-aral

e. Motibasyon

Buoin ang mga larawan na nakadikit sa pisara.

1.
Paaralan

2.

Kalsada

3.

Pamilihan/Palengki

Activity Makinig sa aking babasahing maiksing kwento.

Sa bayan ng San Mateo, may nagaganap na pagpupulong


sa plaza. Ang Kapitan ay ipinatawag ang lahat ng kaniyang
mga mamayan upang pag-usapan ang magiging proyekto
sa kanilang bayan. Humingi ng mga suggestion ang
Kapitan kung ano sa tingin nila ang maaring Magandang
proyekto sa kanilang bayan na makakatulong sa lahat.

Pedro: Kapitan, mas mainam na magpagawa tayo ng tulay


sa may ilog ng hindi na mahirapan ang mga tao na pupunta
sa sentro upang mamili at ang mga mag-aaral upang
pumasok.

Juan: Pwede din naman Kapitan na mag pagawa tayo ng


karagdagang paaralan upang hindi mag siksikan ang mga
mag-aaral sa iisang Klassroom.

Rosa: Kap mas mainam ata na unahin na mag pagawa ng


kalsada sa mag liblib na parti ng bayan para kapag
umuulan hindi na mahirapan ang mga mamayan at ang
mga sasakyan na dumaan.

Kapitan: Maganda ang mga suhesyon ninyo at lahat ng yan


ay iisa-isahin natin ngunit ngayon isang proyekto muna
ang kaya nating gawin. Mag botohan tayo upang malaman
kung alin ang ating uunahin na ipagawa. Sino ang gusto na
mag pagawa ng tulay?

(Nagtaasan ng kamay)

Kapitan: Sino naman ang gusto ng karagdagang


classroom?

(Nagtaasan ng kamay)

Kapitan: Sino naman ang gusto na ipasemento na ang


kalsada sad ulo ng bayan?
(Nagtaasan ng kamay)

Marami ang bumuto na unahin na ipagawa ang tulay.


Kaya’t pakalipas ng ilang buwan ay agad na pinasimulan
ang trabaho sa paggawa ng tulay. Nagkaroon rin ng
pagkakataon na kumite ang mga mamamayan sa
pamamagitan ng pagtulong sa paggawa ng tulay.
Makalipas ang ilang taon na tapos ng napagawa ang tulay
hindi na nahihirapan ang mga mamayan na pumunta sa
sentro upang mamili, ang mga sasakyan ay nakakapasok na
din at hindi na nahihirapan pa ang mga mag-aaral.
Analysis Mga tanong:

1. Bakit nagpatawag ng pagpupulong ang Kapitan ng Upang pag-usapan ang susunod


bayan ng San Mateo? na proyekto sa pamahalahaan.

Pagpapagawa ng tulay, dagdag


2. Anu-ano ang mga nagging suhesyon ng mga klassroom at kalsada.
mamayan?

Nagkaroon ng botohan
3. Paano ang nagging paraan ng Kapitan upang
malaman kung anong proyekto ang unang
ipapagawa? Tulay

4. Sa huli ano ang proyektong ipinagawa?


Nagging madali na sa mga
5. Paano ito nakatulong sa hanapbuhay ng mga mamamayan na makabili ng
mamamayan? kanilang mga pangangailangan
sa pamilihan.
Nakatulong din ito sa mga
pampasaherong sasakyan at sa
mga mag-aaral.

Abstraction
Ngayon ating pag-uusapan ang mga imprastraktura na
makikita sa mga lalawigan at ang kahalagahan nito sa ating
kabuhayan.

Ano ba ang imprastraktura?


Ang imprastraktura ay
tumutukoy sa mga pangunahing
pisikal at organisadong
estrakturang kailangan para
supportahan ang isang
komunidad o bansa.

Mga karaniwang imprastraktura na makikita a mga


lalawigan:

1. Kalsada
Ang kalsada ay isa sa
Ano ba ang naitutulong sa atin ng pagkakaroon ng mga nagpapabilis ng transporatasyon
kalsada? ng mga tao.

Tama! Nakatutulong din ito upang mapadaling maidala ang


mga produkto sa mga karatig na lalawigan.

2. Tulay
Ang tulay naman ay siyang nagdudugtong sa mga
karatig na lugar lalong lalo na sa mga malalayong
lugar. Katulad ng kalsada napapabilis din nito ang
transportasyon ng mga tao.

3. Daungan o Pantalan
- Dito ay inililipat o ibinababa ng mga barkong
pangkalakalan ang mga produktong dinadala
sa loob at labas ng bansa.

Nakakita na ba kayo ng pantalan?

Oo/Hindi
4. Patubig o Irigasyon
- Ito ay malaking tulong sa mga magsasaka.
Malaking bagay ito lalo na sa panahon ng tag-
init upang hindi masira ang mga pananim.
5. Pampublikong Ospital

Ano bang ginagawa sa ospital?

Dito dinadala ang mga may


Tama! Ang ospital ay nagbibigay ng serbisyong medikal ng sakit na kailngang lunasan o
tao. Sa lugar na ito masmapapangalagaan ang kalusugan gamutin.
ng mga mamamayan.
6. Paaralan
- Sa paaralan tinuturuaan ang mga mag-aaral.
Katulad ng ating ginagawa ngayon. Andito kayo a paaralan
upang matuto.

7. Pamilihan

Ano naman ang mayron sa pamilihan?

Tama!
Iba’t ibang mga produktong
maaring bilhin ng mga
mamamayan.
Nauunawaan na ba ang iba’t ibang imprastraktura na
makikita sa mga lalawigan at kung paano ito nakatutulong
sa ating hanapbuhay?

Opo!

Application Ngayon dumako na tayo sa pangkatang gawain:

Hahatiin ko kayo sa apat na grupo.

Isulat ang magigingepekto ng mga sumusunod na larawan


sa kabuhayan ng mga mamamayan. Piliin sa kahon ang
sagot.

 Ito ay nagpapadali sa paglalakbay at pag-


aangkat ng produkto.
 Ito ay nagbibigay ng sapat na tubig para sa
kanilang mga taniman, nagpapalakas ng
ani, at nagbibigay ng dagdag na kita.
 Ito ay nagbibigay ng lugar para sa mga
mamimili upang makabili ng mga
pangangailangan nila araw-araw.

Group 1:
Group 2:

Group 3:

Generalization Tandaan:

Ang impraestraktura ay nagbibigay kaginhawaan sa


mga tao. Ito ay malaking tulong sa ating kabuhayayan
sapagkat napapadali nito ang pag-angkat o pagbyahe ng
mga produkto upang dalhin sa malalayong lugar.
IV. Pagtataya Basahin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay nag-uugnay sa karatig bayan upang mapabilis ang


pagdala ng mga produkto sa palengke. 1. D
A. Jeep B. Trak B. Patubig C. Tulay

2. Bakit nakatutulong ang sementadong daan sa


kabuhayan natin?
A. Dahil sa mas magiging mabilis ang transportasyon.
B. Dahil maiiwasan ang pagkasira ng mga produkto dahil
sa bako-bakong mga kalsada. 2. D
C. Dahil madaling napupuntahan ang mga sakahan at
lugar kung saan naroon ang mga kabuhayan.
D. Lahat nabanggit ay tama.

3. Ano ang resulta kung may bagong palengkeng itinayo


sa isang lugar?
A. Kakaunti na lamang ang mamimili.
B. Makakatulong ito upang magkaroon ng pagkakataon na
paunlarin ang kabuhayan at mamamayan.
C. Walang magbabayad ng buwis.
D. Magiging marumi ang paligid. 3. B

4. Ano ang magigingresulta sa mga sementadong


irigasyon?
A. Dadami ang mga isda.
B. Gaganda ang ani ng mga magsasaka dahil may sapat na
suplay ng tubig.
C. Liliit ang magiging ani.
D. Masisira ang mga pananim dahil sa labis na suplay ng 4. B
tubig.

5. Ano angmagigingepekto ng impraestruktura


sakabuhayan ng mamamayan?
A. Wala itong maidudulot na mabuti.
B. Mas lalong mahihirapan ang mga mamamayan.
C. Pagkakaroon ng kompetisyon sa mga karatig bayan.
D. Nakakatulong ito upang mapabilis ang mga gawain at 5. D
mapaunlad ang isang lugar.
V. Takdang Aralin Maghanap sa mga lumang diyaryo o magasin ng mga
larawan ng impraestruktura. Gupitin ito at idikit sa isang
short bond paper.

You might also like