You are on page 1of 15

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Bulacan
ASSEMBLYWOMAN FELICITA G. BERNARDINO MEMORIAL TRADE SCHOOL
Lias, Marilao Bulacan

Filipino sa Piling
Larang (Akademik)
IKAAPAT NA MARKAHAN
Activity Sheet 8
Posisyong Papel

PANGALAN: _____________________________________________________

TAON AT PANGKAT: ______________________________________________

PETSA NG PAGSUSUMITE: _________________________________________

0
I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan

B. Pamantayan sa Pagganap
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin

C. MELCs

1. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.


CS_FA11/12EP-0p-r-40

D. Tiyak na Layunin

1. Natututuhan ang kahulugan, kahalagahan at ang katangian ng isang posisyong


papel.
2. Naibabahagi ang sariling pananaw sa kahalagahan ng pagsulat ng posisyong papel.
3. Nakalilikha ng isang posisyong papel.

II. NILALAMAN

Aralin 1 – Kahulugan at Bahagi ng Posisyong Papel

1
III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

Paunang Pagtataya:

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.
1. Ito ay isang akademikong sulatin na naglalahad ng mga matitibay na katwiran ukol sa
pinapanigang isyu.
A. Katitikan ng Pulong C. Panukalang Proyekto
B. Posisyong Papel D. Lakbay Sanaysay
2. Ang __________ang isang uri ng panghihikayat na naglalayong pumanig sa opinyon ng
manunulat.
A. pagtatanong C. pagsasalaysay
B. pangangatwiran D. pagkukuwento
3. Dito matatagpuan ang lohikal na pagkakasunod-sunod ng mga argumento at mga
ebidensya.
A. Katawan C. Kongklusyon
B. Panimula D. Wakas
4. Ito ay nakabatay sa mga ideyang pinaniwalaang totoo o sariling pananaw.
A. Datos C. Opinyon
B. Panimula D. Facts
5 Nakabatay ito sa makakatotohanang ideya mula sa mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan
at nadama.
A. Datos C. Opinyon
B. Panimula D. Facts
6. Mahirap paniwalaan ang isang isyu kung walang pinagbabatayang__________.
A. ebidensiya C. layunin
B. papel D. panimula
7. Mas makatotohan ang pinapanigang isyu kung may _____o higit pang matitibay na
ebidensya na magpapatunay.
A. isa C. tatlo
B. dalawa D. wala sa nabanggit
8. Sa pagsulat pa lamang nito kailangan mailahad nang maayos ang paksa at ang katwiran

2
ukol sa pinapanigang isyu upang makumbinsi ang mga mambabasa na pumanig sa nasabing
posisyon
A. Katawan C. Kongklusyon
B. Wakas D. Panimula
9. Sa bahaging ito inilalahad muli ang argumento at ang tinatalakay ang magiging implikasyon
Nito.
A. Katawan C. Kongklusyon
B. Wakas D. Panimula
10. Alin ang wastong balangkas ng isang posisyong papel?
A. Panimula, Kongklusyon, Katawan
B. Kongklusyon, Panimula, Katawan
C. Panimula, Katawan, Kongklusyon
D. Katawan, Panimula, Kongklusyon

Balik-aral:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagutang papel


1. Ano ang kahalagahan ng katitikan ng pulong? ___________________________
__________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang katitikan ng pulong? _______________________________
__________________________________________________________________

B. Paglulunsad ng Bagong Aralin


Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP
Hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad

PANATILIHIN ANG ASIGNATURANG FILIPINO SA KOLEHIYO: HUWAG PATAYIN ANG


PAMBANSANG KARAPATAN NG WIKANG FILIPINO, MGA GURO NG FILIPINO,
KABATAANG PILIPINO AT MAMAMAYANG PILIPINO

Posisyong Papel na nauukol sa CHED Memorandum Order No. 20 Series of 2013


Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas
(PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang
Edukador ng Wikang Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing Pagsulat,
at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan

3
Peligrosong hakbang ang ginawa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED)
nang alisin ang asignaturang Filipino sa inilabas ilang Memorandum Order Blg. 20 na may
petsang Hunyo 28 serye 2013. Bagaman sinasabi ng komisyong nabanggit na maaaring
maituro sa Ingles o Filipino ang mga asignaturang binalangkas nila, bilang halimbawa ay ang
Purposive Communication na nakapaloob sa nilikha nilang bagong kurikulum, nababatid
namin na pag-aagaw-agawan pa ito ng napakaraming guro sa Filipino at Ingles sa mga
kolehiyo at unibersidad, at magdudulot pa ito ng hindi pagkakaunawaan, pagtatalo at ang
masaklap pa pa’y aangkinin lamang ito ng mga Departamento ng Ingles sa mga unibersidad
at kolehiyong mabuhay ang Filipino dahil halata naming nakakiling ang Purposive
Communication sa Ingles. Sa hakbang na ito, tila unti-unting nilulusaw ang mga natatag na
Kagawaran/Departamento ng Filipino sa mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas. Higit pa
rito, maraming mga guro sa Filipino, partikular na sa PUP ang nawawalan ng trabaho at
mababawasan ng kita. Hindi pumapayag ang Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP na
mangyari ang mga bagay na ito. Sapagkat malinaw na isinasaad sa 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas Artikulo XIV, itinakda ang Filipino bilang wikang Pambansa ng Pilipinas. Kung
susuriing Mabuti ang CHED Memorandum, malinaw na lihis sa hangarin at konteksto ng
Pangkalahatang Edukasyon ang pagtatanggal ng asignaturang Filipino dahil nakasaad sa
pahina apat (4) ng memorandum ang ganito: “General education enables the Filipino to find
and locate her/himself in the community and the world, take pride in and hopefully assert
her/his identity and sense of community and nationhood amid the forces of globalization. As
life becomes more complex, the necessity of appreciating the gifts of nature and addressing
social problems in the general education program increasingly become pressing.” Hindi ba’t
ang asignaturang Filipino ang pangunahing tiyak na tutugon sa hangarin at kontekstong
isinasaad? Sapagkat ang mga asignaturang Filipino ay nakatuon sa pagtuklas at inobatibong
pag-aaral hinggil sa kalinangang Pilipino (wika, kultura at kabihasnan), nasa Filipino ang
identidad ng mamamayan sa bansang Pilipinas, nasa Filipino ang diwang makabansa na
makatutugon sa mga kahingiang panlipunan at makatutulong sa pangangailangan ng
mamamayang Pilipino at makapag-aambag ng kalinangan at karunungan sa daigdig. Hindi ito
simpleng maibibigay lamang ng mga asignaturang tila pira-pirasong kinopya sa dayuhang
kaisipan na pilit binibigyan ng malaking puwang na kung tutuusi’y hindi naman makatuwiran.

Sa pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong Unibersidad ng


Pilipinas (PUP) na tinaguriang “largest state university in the country” na binubuo ng humigit
kumulang 70, 000 na mga mag-aaral na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa katuwang ang
iba pang mga organisasyon ay matatag na naninindigan na panatilihin ang Filipino bilang
asignatura sa Kurikulum ng Pangkalahatang Edukasyon sa Kolehiyo.

4
Sa halip na alisin, hindi ba’t nararapat na lalo pang patatagin ang disiplinang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo sa pamamagitan ng mga asignaturang Filipino na magiging pundasyon
niyo. Hindi ba’t paurong na hakbang ng Pilipinas nang alisin ang asignaturang Filipino ng
technical panel ng pangkalahatang edukasyon ng CHED na binuo lamang ng iilang mga tao
na at walang malinaw na konsultasyong isinagawa? Samantalang sa maraming unibersidad
sa labas ng ating bansa ay pinatatatag ang disiplinang Filipino gaya sa University of Hawaii
at University of Michigan sa U.S.A. Osaka University at Tokyo University sa Japan, St.
Petersburg University at University of Moscow sa Russia.

Ang Politeknikong Universidad ng Pilipinas sa pangunguna ng Kagawaran ng


Filipinolohiya nito ay patuloy na nagsusulong ng kalinangang pangwika, pangliteratura,
pangkultura at pansining sa pamamagitan ng mga pananaliksik at pagdaraos ng mga
kumperensiya at talakayan sa Wikang Filipino sa iba’t ibang larangan. Taong 2013 nang
hirangin ng CHED ang PUP Kagawaran ng Filipinolohiya bilang Sentro ng Pagpapahusay ng
Programang Filipino, bago pa ito, natamo na nito mula sa Accrediting Agency of Chartered
Colleges and Universities in the Philippines (ACCUP) ang pinakamataas na akreditasyon
(Antas 3) at kasalukuyang nakasalang sa internasyonalisasyon ang programang AB
Filipinolohiya na inihahain nito. Ginawaran na rin ito ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
ng Gawad Sagisag Quezon sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino. Bukod pa rito, ang mga
batiking manunulat sa Filipino at dekalibreng guro sa Filipino sa bansa ay kabilang sa
Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Ngunit, ang lakas at pagsisikap ng mga
Departamento/Kagawaran ng Filipino gaya ng sa PUP ay mawawalan ng kabuluhan kung sa
bagong kurikulum na binalangkas ng CHED para sa kolehiyo ay tinanggalan ng kongkreto at
malinaw na puwang ang disiplinang Filipino. Manghihina at malulusaw ang Wikang Filipino
kung hindi tulou-tuloy ang paglinang nito hanggang sa kolehiyo. Sa ganitong punto, muli’t muli
naming igigiit ang Karapatan ng Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na nakasaad sa
Konstitusyon ng Pilipinas.

Pangunahing Gawain ng PUP Kagawaran ng Filipinolohiya ay ang pagpapaunlad at


pagpapaigting ng puwersa para huwag isantabi at tuluyang mapanatili ang Filipino sa
Kolehiyo. Bilang hakbang, magsasagawa ito ng Pambansang Talakayan Ukol sa mga
Pananaliksik Pangwika, Pangkultura at Pansining sa Wikang Filipino na may temang “Mga
Mananaliksik Bilang Pagtutol sa Pag-aalis ng Asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang
Magiging Kalagayan ng mga Guro sa Filipino sa Hamon ng Programang K-12” kasabay ng
pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa Agosto 28-30, 2014 sa suporta ng
Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA) na kasasangkutan ng mga
guro, mga mag-aaral at mga mamamayang nagsusulong ng Filipino.

5
Kikilos at kikilos ang PUP upang ipagtanggol ang Wikang Filipino. Maghahain ito ng mga
mungkahing asignaturang Filipino sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba’t ibang mga unibersidad
at kolehiyo na maaaring tumugon sa mga inalis na asignaturang Filipino sa Kolehiyo. Kung
hindi pa magbabago ang ihip ng hangin, at hindi pa rin matitiyak ng CHED ang malinaw na
puwang ng asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo hanggang sa Agosto, tiyak na
gagawa ng malaking hakbang ang pinakamalaking pang-estadong unibersidad sa bansa sa
pangunguna ng Kagawaran ng Filipinolohiya nito para manatili ang asignaturang Filipino sa
kurikulum ng kolehiyo.

Umiiral sa realidad sa Pilipinas na ang Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral
at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan ng mga Filipino. Mga Pilipino ang kusang
tumanggap nito bilang wikang Pambansa at naging katangi-tangi ang tatag nito dahil ito ang
identidad ng lipunang Pilipino. Mahalaga ang pagpapaunlad nito sa bawat Pilipino, kaya kung
ihihiwalay sa mga mag-aaral ng kolehiyo sa Pilipinas ang patuloy na pag-aaral ng Wikang
Filipino, tinanggal natin ang identidad natin bilang Pilipino. Dahil kung ano ang wika mo, iyon
ang identidad mo!

Pamprosesong Tanong:

1. Paano sinimulan ang teksto?


________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, maayos bang nailahad ang posisyong papel? Ipaliwanag.


________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Pagtalakay ng Paksa:

Pagsulat ng Posisyong Papel

Ang Posisyong Papel ay naglalahad ng mga napapanahong isyu sa lipunan. Layunin


ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na paniwalaan ang mga argumento
ng manunulat. Ito ang mga ideya na kailangang gawan ng maayos na paksa, pagbuo ng mga
argumento, at organisasyon ng papel. Isa sa mahahalagang dapat isaalang-alang ay

6
mailahad ang lahat ng mahahalagang anggulo ng isyu na madaling maiintindihan ng mga
mambabasa. Kailangan mong mailahad ang isang tiyak na panig ng isyu at maiparating sa
mga mambabasa na may kaalaman ka at pagsasaliksik tungkol dito. Mahalagang maibigay
mo rin ang mga ebidensiya upang mapasubalian ang mga argumento ng kabilang panig at
maipakita mo rin ang iyong perspektibo upang maging maliwanag sa mambabasa.

Mga Isasaalang-alang sa Isyu

Bago ka pumanig sa isang bahagi ng isyu ay kailangan mo munang mapag-aralan ang


paksang pinagtatalunan. Alamin kung alin sa dalawang panig ka susuporta. Tanungin din ang
sarili ng sumusunod upang mailahad mo nang mabisa ang iyong mga argumento:

• Ito ba ay tunay na isyu, na totoong kontrobersiya at walang kasiguraduhan?


• Mayroon bang malinaw sa dalawang panig na mabubuo sa isyu?
• Interesado ka ba sa isa sa mga panig tungkol sa isyu?
• Tiyak ba ang isyu at kayang mapangasiwaan sa pagbuo ng matibay na argumento?

Analisis ng isang Isyu at Pagbuo ng Argumento

Kapag nalaman mo na ang paksa, kailangan mong magsaliksik tungkol dito. Kahit may
tiyak ka nang panig o opinyon tungkol sa paksa ay mahalagang malawak ang kaalaman mo
sa isyu. Ang paglilista ng mga ideya sa kahinaan o kalakasan ng iyong panig ay makatutulong
sa iyo upang mapaghandaan mo ang ibabatong katanungan ng kabilang panig. Isama mo rin
ang mga ebidensiya tungkol sa magkabilang pananaw tungkol sa paksa. Narito ang mga
katuwang na ebidensiya na maaari mong gamitin:

• Factual knowledge – impormasyong may katotohanan at pinagkakasunduan ng lahat.


• Statistical Inferences – tumutukoy sa mga interpretasyon at halimbawa o nakalap na mga
katotohanan.
• Informed Opinion – pananaw na bunga ng pananaliksik o mula sa mga eksperto.
• Personal Testimony – pansariling karanasan batay sa tunay na pangyayari.

Kapag nabuo mo na ang ideya ng dalawang panig tungkol sa paksa, ikumpara ito
batay sa impormasyon mong makakalap. Isama sa konsiderasyon mo ang mambabasa at
ang iyong personal na pananaw sa pagtiyak mo sa posisyong papanigan. Narito ang mga
katanungan na dapat mong isaalang-alang tungkol sa iyong mambabasa:
• Sino ang iyong mambabasa?

7
• Ano ang pinaniniwalaan nila?
• Saan sila pumapanig sa isyu?
• Bakit sila interesado tungkol sa isyu?
• Ano ang mga ebidensiya na maaaring maging epektibo sa kanila?

Sa pagtukoy ng iyong paninindigan, tanungin mo ang iyong sarili sa sumusunod:


• Nakapupukaw ba ng interes ang inyong paksa?
• Kakayanin mo bang mapangasiwaan ang mga ebidensiya o alituntunin na ibibigay ng guro?
• Tiyak ba ang isyu at nangangailangan ng mungkahing plano bilang aksiyon?

Organisasyon
Ang iyong panimula ay dapat naglalahad ng tesis na magiging batayan sa balangkas ng iyong
posisyong papel. May tatlong kagandahan kapag ang pagbabalangkas mo ng sulatin ay
nakaangkla sa tesis o paninindigan:

1. Malalaman ng mambabasa ang iyong pinaniniwalaan.


2. Ang iyong tesis ay nailahad sa dalawang pinakamahalagang bahagi, ang una at huli.
3. Ito ang pinakakaraniwang paraan ng paglalahad ng argumento.

Mungkahing Outline ng Posisyong Papel


I. Panimula
A. Ipakilala ang paksa
B. Ibigay ang kaligiran ng paksa
C. Sabihin ang iyong Tesis (iyong panig tungkol sa paksa)
II. Kontra Argumento
A. Ibuod ang argumento ng kabilang panig
B. Magbigay ng impormasyon tungkol sa argumento ng kabilang panig
C. Kontrahin ang argumento ng kabilang panig tungkol sa paksa
D. Magbigay ng mga ebidensiya sa mga argumento
III. Iyong Argumento
A. Sabihin ang iyong unang argumento
1. Ilahad ang iyong opinyon
2. Ilatag ang sumusuportang ebidensiya
B. Sabihin ang iyong ikalawang argumento
1. Ilahad ang iyong opinyon
2. Ilatag ang sumusuportang ebidensiya
C. Sabihin ang iyong ikatlong argumento

8
1. Ilahad ang iyong opinyon
2. Ilatag ang sumusuportang ebidensiya
IV. Kongklusyon
A. Muling sabihin ang pangunahing argumento
B. Magbigay ng plano bilang aksiyon

C. Pang-isahang Gawain

Gawain 1:

Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M kung ito ay mali. Isulat sa sagutang
papel.
____1. Ang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang
paksa
____2. Maglista ng mga argumento at katuwiran sa magkaibang panig upang matimbang ang
dalawang posisyon.
____3. Layunin ng posisyong papel na maaliw ang mga mambabasa
____4. Hindi gaanong mahalaga ang ebidensiya sa pagsulat ng posisyong papel.
____5. Mahalaga ang pagsasaliksik hinggil sa paksa.
____6. Sa pagsulat ng panimula, kailangang ilahad lahat ng ebidensya.
____7. Sa katawang ng posisyong papel, inilalahad muli ang argumento at tinatalakay ang
implikasyon nito.
____8. Ang pangangatwiran ay isang uri ng pagtatanong.
____9. Sa bawat paglalahad ng argumento mahalagang madepensahan ito upang
mapatunayan ang mali o di-kapanipaniwalang mga binabatong isyu.
____10.Maaaring magamit sa pangangatwiran ang mga ebidensya o mga facts na iyong
nahanap.

Gawain 2:

Panuto: Magtanong sa mga kasama sa bahay kung sila ay pabor o di-pabor sa mga isyung
nasa ibaba. Isulat ito sa sagutang papel.

Isyu Pabor Di-pabor Dahilan


1.Pagbabalik ng Death Penalty
2.Paglalagay ng whitesand sa Manila
Bay

9
3. Pagpapabakuna kontra-covid-19
4.Pag-aalis ng asignaturang Filipino sa
kolehiyo

Gawain 3:

Panuto: Ihanay ang mga parirala kung ito ba ay Panimula, Iyong Argumento, Kontra
Argumento at Kongklusyon.

Muling sabihin ang pangunahing argumento Magbigay ng plano bilang aksiyon

Ilatag ang sumusuportang ebidensiya Ilahad ang iyong opinyon

Ipakilala ang paksa Ibigay ang kaligiran ng paksa

Ibuod ang argumento ng kabilang panig


Kontrahin ang argumento ng
kabilang panig tungkol sa paksa

Ilatag ang sumusuportang ebidensiya


Sabihin ang iyong Tesis (iyong panig
tungkol sa paksa)

PANIMULA KONTRA IYONG KONGKLUSYON


ARGUMENTO ARGUMENTO

Gawain 4:

Panuto: Basahin at suriin muli ang nilalaman ng posisyong papel na matatagpuan sa pahina
3-5. Sagutin ang sumusunod:

Argumento1: _____________________________________________________________

Ebidensya1: ______________________________________________________________

Ebidensya2: ______________________________________________________________

10
Argumento2: _____________________________________________________________

Ebidensya1: _____________________________________________________________

Ebidensya2: _____________________________________________________________

Aksyon kaugnay ng isyu: ___________________________________________________

D. Paglalapat

Bakit mahalagang unawain


at pahalagahan ang pagsulat ng posisyong
papel?

__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________
__________________________________________

IV. PAGTATASA

Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan.


1. Ano ang kailangang isaisip bago magsulat ng isang posisyong papel?
_______________________________________________________________________
___________________________________________________

2. Paano sinisimulan ang pagsulat ng isang posisyong papel?


_______________________________________________________________________
___________________________________________________
3. Ano ang argumento? Ano ang layunin nito?
_______________________________________________________________________
___________________________________________________

11
Pangwakas na Pagsusulit:

A. Panuto: Isaayos ang mga ginulong titik upang mabuo ang termino o katawagan na may
kinalaman sa posisyong papel.

1. LGOYPSOISAPPEN- layunin nito na mahikayat ang mga mambabasa na paniwalaan ang


mga argumento ng manunulat.
2. GKNOOKSUYN- magbigay ng plano bilang aksiyon
3. AFTCS – mga katunayan
4. ABEENDIYS- magagamit sa pangangatwiran
5. ANPMIUAL- ipakilala ang paksa

B. Panuto: Bigyang-kahulugan ang bawat titik ng Posisyong Papel.

P-
O-
S-
I-
S-
Y-
O-
N-
G-

P-
A-
P-
E-
L-

V. KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Pumili ng isang napapanahong paksa at gawan ng posisyong papel. Dapat lagyan
ng kawili-wiling introduksyon, lohikal na pagkakasunod-sunod na argumento, mga
ebidensya at pagtalakay sa implikasyon bilang kongklusyon.

12
GABAY SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG POSISYONG PAPEL
1. Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa 5
pagsulat ng posisyong papel.
2. Nakakasulat ng organisado, malikhain, at kapani- paniwalang 5
sulatin na posisyong papel.
3. Nakakasulat ng posisyong papel batay sa maingat, 5
wasto, at angkop na paggamit ng wika.
4. Nakabatay sa pananaliksik at matitibay na ebidensya 5
ang posisyong papel na nabuo.
KABUOAN 20

Mga Sanggunian
Ailene, Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan
(Akademik) Phoenix Publishing 2016

Dela Cruz, M.A. Pagsulat sa Piling Larangan: Akademik.Makati City, Philippines: DIWA
Textbooks 2016

Kagawaran ng Filipinolohiya ng PUP. Posisyong Papel ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng


PUP hinggil sa Pagtatanggal ng Filipino sa mga Kolehiyo at Unibersidad.Maynila: Sta.
Mesa, Manila.Web. 19 Hunyo 2014.

Internet sites
https://www.cs.rutgers.edu/~rmartin/teaching/fall1 7/Writing_a_Position_Paper.pdf.)
https://www.facebook.com/notes/kirtcantara-segui/posisyong-papel-ng-kagawaran-ng-
filipinolohiya-ng-puphinggil-sa-pagtatanggal-ng/727134210658842/

13
14
Paunang pagtataya Pang-isahang Pangwakas na
Gawain 1 pagsusulit
1.b
2.b 1.T 1. POSISYONG
3.a 2.T PAPEL
4.c 3.M 2. KONGKLUSYON
5.d 4.M 3 .FACTS
6.a 5.T 4. EBIDENSYA
7.c 6.M 5. PANIMULA
8.d 7.M
9. c 8.M
10.c 9. T
10.T
Susi sa Pagwawasto

You might also like