You are on page 1of 1

Pangalan:_______________________________________ Petsa:_____________________________

Baitang at Seksiyon: ____________________________ Lagda ng Magulang: ______________

Activity Sheet sa Edukasyon sa Pagpapakatao 3


Modyul 4- Halina! Tayo ay Magkaisa

Ang kabutihan ay kagandahan ng kalooban. Ang kagandahang-loob ay katangiang dapat na ibang


tao ang nagsasabi at hindi ang sarili. Upang masabi nila ito, nakikita nila ito sa kilos at pag-uugali ng tao.
Ang kagandahang-loob ay isang konseptong may kinalaman sa katauhang angkin ng isang tao. Ito rin ang
susi kung ano ang uri ng pakikipagkapuwa ang maipapamalas ng tao.

Ang bawat bata ay may kani-kaniyang katauhan at katangian. Lubos na kasiya-siya kung
maipapakita nang taos-puso ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa ating kapuwa sa pamayanan at hindi
naghihintay ng anumang kapalit.

Pagsasanay 1

Sagutin ng Tama o Mali ang bawat pangungusap:


______1. Hindi ako nakikipag away sa aking mga kalaro.
______2. Isinasali ko sa laro ang aking nakababatang kapatid.
______3. Umiiyak ako kapag natatalo ako sa laro kasama ang aking mga
kaibigan.
______4. Magiliw kong pinahihiram ang aking mga laruan sa aking kaklase.
______5. Hindi ko iniingatan na makasakit kapag naglalaro kami ng aking mga
kaibigan.

Pagsasanay 2

Gumuhit ng pulang bola kung ang pahayag ay nagpapakita ng pakikiisa sa kapuwa at bughaw
na bola kung hindi:
______1. pagtulong sa kaibigan ng bukal sa puso
______2. iwasan ang kapatid at makipaglaro sa kaibigan
______3. mag-ingay at manggulo ng klase
______4. ibinabahagi ko sa kapwa ko bata ang aking mga laruan
______5. nagbibigay ako ng tulong sa mga pulubi at may kapansanan

You might also like