You are on page 1of 1

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay isang awit na binubuo ng 399 na saknong. Ito’y


may 12 pantig sabawat taludtod at batay sa mga pangyayaring makatotohanan.
Sapagkat maaaring maganap sa tunay na buhay. Maituturing itong isang
Alegorya-isang akda na ang mga tauhan at pangyayari ay sumasagisag sa ibang
bagay. Noong panahon ni Balagtas, mahigpit ang sesura. Walang kalayaan sa
pagsasalita. Wala ring kalayaan sa pananamplataya. Naghahari ang kasamaan
at kalupitan ng mga kastilang namumuno na walang hangad kundi ang yaman
ng Pilipinas. Sinasabing sa selda isinulat ni Balagtas ang kanyang akda dahil sa
maling paratang na pakana ng maya mang karibal na si Nano Kapule.
Ganito ang namamayaning kalagayan ng kaniyang panahon na tinutulan
ni Balagatas sa kaniyang akda. Ang pagtutol na ito ay tinawag ni Lope K. Santos
na “Apat namgahimagsik” na naghari sa puso at isipan ni Balagtas. Ang mga ito
ay ang (1) pagtutol sa maling pamamahala ng mga namumuno sa isang bayan;
(2) sa maling pagpapalaki ng mga anak; (3) sa maling paniniwala hinggil sa
relihiyon at; (4)kawalan ng kalayaaan sa pagsasalita. Ngunit hindi tuwiran ang
pagpapahayag ng kanyang pagtutol. Ginamit ni Balagtas na tagpuan ang isang
bayang Europeo, ang Albanya. Gumamit siya ng mga hayop katulad ng leon,
buwitre, at iba pa. Sa gayo’y naikubli ng makata ang kanyang tunay na
hangaring ibunyag ang kasamaang sumisikil sa kalayaan sa bawat isa.
May kamalayang panlipunan si Balagtas. Nangangahulugan ito na mulat
siya sa mganagaganap sa kanyang lipunan, na inihayag niya sa kanyang akda.
Bagama’t hindi siya nagmungkahi ng paraan kung paano babaguhin ang mga
sistemang tinutulan ng kanyang Florante at Laura, ang kanyang akda ay
nakaimpluwensya sa ibang manunulat. Ang Florante at Laura ay naging
inspirasyon ng dalawang bayning Pilipino, sina Jose Rizal at Apolinario Mabini.
Laging dala-dala ni Rizal saan man siya makarating ang kaniyang sipi ng
Florante at Laura. Maaaring nakaimplwensiya ito sa kaniya na ipagpatuloy ang
pagtutol sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
Bukod sa mga nabanggit, ang Florante at Laura ay maitituring na isang
akdang bayan-isang akdang inangkin nang samabayanang Pilipino sapagkat
hitik ito sa magagandang kaisipan, matulaing paglalarawan at mga aral sa
buhay. Higit sa lahat, ang mga ito’y panghabang panahon. Pinatutunayan sa
mga sumusunod na pahina ng akda ni Balagatas ay may kaugnayan pa
hanggang sa kasalukuyang panahon.

You might also like