You are on page 1of 18

Banghay Aralin sa Filipino 6

Quarter 1 Date & Time September 26, 2022

Module No. 6 Module title Mga Pangyayari at Pelikula ay Panoorin at Suriin; Suliranin
Lutasin

Week & Day No. Week 6 Day 1 Lesson/ Wastong Gamit ng mga Panghalip Pananong sa Pakikipag-usap
Topic sa Iba’t Ibang Sitwasyon

I. Mga Layunin:

A. Naibibigay ang kahulugan ng panghalip pananong

B. Natutukoy ang panghalip pananong na ginamit sa pangungusap

C. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip pananong sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon

II. PAKSA:

● Mga Kagamitang Pampaturo – Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6, Modyul 6: Mga Pangyayari at
Pelikula ay Panoorin at Suriin; Suliranin Lutasin

III. Pamamaaraan

A. Balik – Aral/ Hanapin at bilugan sa loob ng puzzle ang mga salitang nasa kahon.
Paghahanda/Pagganyak

SINO ANO SAAN KANINO BAKIT

PAANO KAILAN ILAN MAGKANO

T P K E H S W A N O

M A A T B A K I T D

L S N D A A A R G A

K A I L A N I I U K

U N N N W R L L P T

A O O T O R A A W O

M A G K A N O N A T

Y P A A N O K U Y A
B. Paglalahad/Pagtatalakay * Atasan ang mga mag-aaral na basahin ang sumusunod na mga
pangungusap.

1. Sino ang nakasaksi sa pangyayari?

2. Ano ang pangarap mo sa buhay?

3. Kailan ka aalis?

4. Bakit ka bumagsak sa pagsusulit?

5. Saan mo itinago ang susi?

*Itanong:

Paano ginamit ang salitang may salungguhit sa bawat pangungusap?

Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito?

*Ilahad at talakayin ang sumusunod na mga konsepto.

Sino at Kanino – ginagamit para sa tao

Sino ang nagbukas ng pinto?

Kanino ang bag na ito?

Ano – ginagamit para sa hayop, bagay, katangian, pangyayari at ideya

Ano ang ginagawa ni Erwin sa gubat?

Kailan - ginagamit pangtanong tungkol sa petsa at panahon

Kailan ka ikakasal?

Saan – ginagamit sa pagtatanong tungkol sa lugar

Saan mo balak mamasyal?

Bakit – ginagamit sa pagtatanong tungkol sa dahilan

Bakit mo pinayagang umalis ang kapatid mo?

Paano – ginagamit sa pagtatanong tungkol sa pamamaraan

Paano lulutuin ang kaldereta?

Ilan – ginagamit sa pagtatanong sa dami o bilang

Ilang basong tubig ang iniinom mo araw-araw?

Magkano – ginagamit sa pagtatanong tungkol sa halaga ng pera

Magkano ang isang bote ng suka?

*Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng sariling pangungusap gamit


ang mga panghalip pananong.
C. Paglalahat Ano ang panghalip pananong?

Ano-ano ang mga halimbawa ng panghalip pananong?

Bakit kaya mahalaga ang kaalaman sa wastong gamit ng mga panghalip


pananong?

D. Paglalapat Panuto: Salungguhitan ang panghalip pananong na ginamit sa bawat


pangungusap.

(Tingnan sa Gabay sa Pagkatuto -Ikaanim na Linggo- Unang Araw)

1. Saan ka nanggaling kahapon?

2. Ano ang ginawa mo sa palengke?

3. Sino ang kasama mo roon?

4. Ano-ano ang napamili mo?

5. Magkano na ba ang isang kilo ng manok ngayon?

E. Pagpapayaman Gamitin sa sariling pangungusap ang mga sumusunod na panghalip


pananong.

1. Bakit 4. Magkano

2. Ilan 5. Ano-ano

3. Kanino

IV. Pagtataya Panuto: Punan ang patlang ng angkop na panghalip pananong na bubuo
sa bawat pangungusap.
( Formative Test Only)
1. ______________ ka bumili ng mangga kahapon?

2. ______________ang mga makakasama natin sa pamimitas ng


lansones?

3. ______________ gumawa ng saranggola?

4. ______________ ka babalik doon?

5. ______________ ang sasakyan natin?

V. Takdang Aralin Basahin at intindihin ang maikling kwento. Pagkatapos, bumuo ng limang
tanong tungkol sa kwento.
(to be given every Monday)
Ang Magkakaibigan

Araw ng Sabado noon. Ang magkakaibigang Eva, Marie,Tess, at Sol


ay nagkasundong mamasyal sa parke. Sumakay sila ng dyip papunta roon.
Pagdating nila roon ay umupo sila sa may damuhan sa ilalim ng malaking
puno . Masaya silang nagkwentuhan. Habang sila ay nagkwentuhan,
dumaan ang isang lalaking nagtitinda ng sorbetes. Sampung piso ang
halaga ng isang maliit na baso ng sorbetes. Bumili sila ng apat. Maya-
maya ay may dumaan naman ang isang babaeng naglalako ng nilagang
mais. Naalala ni Sol na paborito ito ng nanay niya kaya bumili siya ng lima.
Tig-iisa silang magkakaibigan at ang isa ay itinabi niya para sa nanay niya.
Pagkalipas ng tatlong oras ay umuwi na sila.

Mga nabuong tanong:

1._______________________________________________________

2._______________________________________________________

3._______________________________________________________

4._______________________________________________________

5._______________________________________________________

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
Remarks (may include notes
of teacher for not achieving Out of 12 learners, there are ______ who got 80% in the activity so the lesson was
the lesson/target if any; attained.
comments of principal and
other instructional supervisors
during their
announced/unannounced
visits)

Prepared by:
DESIE P. BAGUE
Teacher I
Noted:

MILAGROS M. TIANAN
ESP-I
Banghay Aralin sa Filipino 6

Quarter 1 Date & Time September 27, 2022

Module No. 6 Module title Mga Pangyayari at Pelikula ay Panoorin at Suriin; Suliranin
Lutasin

Week & Day No. Week 6 Day 2 Lesson/Topic Wastong Gamit ng mga Panghalip Pamatlig sa Pakikipag-
usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon

I.Mga Layunin:

A. Nasasabi ang kahulugan ng panghalip pamatlig

B. Nakikilala angmga panghalip pamatlig na ginamit sa tula.

C. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip pamatlig sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon

II.PAKSA:

● Mga Kagamitang Pampaturo - Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6, Modyul 6: Mga Pangyayari at Pelikula
ay Panoorin at Suriin; Suliranin Lutasin

III.Pamamaaraan

A. Balik – Aral/ Panuto: Punan ng wastong panghalip pananong upang mabuo ang
Paghahanda/Pagganyak bawat pangungusap.

1. ______________ dapat itapon ang mga basura?

2. ______________sa inyo ang gustong lumahok sa paligsahan sa

pagkanta?

3. ______________ nagkagulo ang mga tao?

4. ______________ ang mga nais mong bilhin sa mall?

5. ______________ ang halaga ng isang kilong bangus?


B. Paglalahad/Pagtatalakay * Babasahin ng guro ang bawat pangungusap sabay turo sa bagay o lugar

na tinutukoy.

Hal.

Ito ang aking mesa.

Ang haba na ng buhok mo. Kailan mo ipapagupit iyan?

Iyon ay bulaklak na rosas.

Dito ko inilalagay sa kabinet na ito ang mga aklat.

Arnel, maybakanteng upuan sa likod mo. Diyan ka umupo.

Doon sa malayo nakaparada ang aking motorsiklo.

*Itanong:

Base sa mga inilahad na halimbawa, kailan ginagamit ang ito ?iyan?


iyon? atbp.

Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito?

* Talakayin ang konsepto.

Konsepto:

Panghalip Pamatlig ang tawag sa salitang ginagamit panghalili sa


pagtuturo ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari.

Mga Halimbawa ng Panghalip Pamatlig:

Ginagamit kung ang Ginagamit kung Ginagamit kung ang


tinutukoy ay malapit ang tinutukoy ay tinutukoy ay
sa nagsasalita malapit sa kausap parehong malayo sa
nagsasalita at
kausap

ito iyan iyo

Dito / rito Diyan / riyan Doon / roon

ganito ganyan ganoon

heto hayan hayun


*Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng sariling pangungusap gamit
ang mga panghalip pamatlig.

C. Paglalahat Ano ang panghalip pamatlig?

Ano-ano ang mga halimbawa ng panghalip pamatlig?

D. Paglalapat Bilugan ang wastong panghalip pamatlig na bubuo sa bawat


pangungusap.

1. Kuya, hintayin mo ako. Papunta na ako (rito, riyan, roon).

2. Maganda ba ang suot ko? Bigay (ito, iyan, iyon) ng ninang ko.

3. Ang batang maliit ay (heto, hayan, hayun) sa pinakadulo ng kalye.

4. (Dito, Diyan, Doon) sa bundok na iyon pupunta ang magkakabarkada.

5. Tingnan mo ako. (Ganito, Ganyan, Ganoon) ang wastong pagsuklay ng


buhok.

E. Pagpapayaman Panuto: Basahin ang tula. Kilalanin ang mga panghalip na pamatlig na
ginamit sa tula at pagkatapos gamitin ito sa sariling pangungusap.

(Tingnan sa Gabay sa Pagkatuto-Ikaanim na Linggo-Ikalawang Araw)

IV. Pagtataya Panuto: Piliin ang titik ng wastong panghalip pamatlig na bubuo sa bawat
pangungusap.
( Formative Test Only)

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
Remarks (may include notes
of teacher for not achieving Out of 12 learners, there are ______ who got 80% in the activity so the lesson was
the lesson/target if any; attained.
comments of principal and
other instructional supervisors
during their
announced/unannounced
visits)

Prepared by:
DESIE P. BAGUE
Teacher I
Noted:

MILAGROS M. TIANAN
ESP-I
Banghay Aralin sa Filipino 6

Quarter 1 Date & Time September 28, 2022

Module No. 6 Module title Mga Pangyayari at Pelikula ay Panoorin at Suriin;


Suliranin Lutasin

Week & Day No. Week 6 Day 3 Lesson/Topic Wastong Gamit ng mga Panghalip Panaklaw sa
Pakikipag-usap sa Iba’t Ibang Sitwasyon

I.Mga Layunin:

A. Nasasabi ang kahulugan ng panghalip panaklaw.

B. Nakikilala ang panghalip panaklaw na ginamit sa pangungusap.

C. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip panaklaw sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon.

II.PAKSA:

● Mga Kagamitang Pampaturo - Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6, Modyul 6: Mga Pangyayari at Pelikula
ay Panoorin at Suriin; Suliranin Lutasin

III.Pamamaaraan

A. Balik – Aral/ Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong panghalip pamatlig na
Paghahanda/Pagganyak bubuo sa bawat pangungusap.

Iyon Iyan Doon Rito Ganyan

1. Pupunta kami sa Anda de Boracay. ______ kami


magpapalipas ng gabi.

2. Mabuti at naisipan mong linisin ang iyong kwarto.


_____dapat ang ginagawa araw-araw.

3. Binilihan kita ng bagong sapatos. Halika _____ at isukat mo.

4. Ang malaking plorera na nasa tabi mo ay bigay sa akin ni Lola


Pacita. _____ ay mamahalin.

5. May ibon na dumapo sa sanga ng punong santol. _____ ay


maya.

B. Paglalahad/Pagtatalakay * Basahin ang isang maikling dayalogo. Pag-aralan kung paano


ginamit ang mga salitang may salungguhit

Alexie: Lahat ng mga mag-aaral ay dapat magsumikap sa pag-aaral.

Yolly: Oo nga kasi anumang hirap ay tiniis ng mga magulang para

lang mapag-aral ang kanilang mga anak at kailanman ay hindi

sila susuko basta para sa ikagaganda ng buhay ng mga anak

nila.

Alexie: Tama ka Yolly. Kaya , sinuman iyong mga hindi nag-aaral nang

mabuti ay dapat magbago na sila. Kawawa naman ang mga

magulang nila.

Yolly: Sana nga ay matauhan na sila.

*Itanong:

Ano- ano ang mga salitang may salungguhit?

Paano ginamit ang mga salitang ito base sa halimbawang

inilahad?

Ano-ano ang sinasaklaw ng mga salitang lahat,

anuman,kailanman at sinuman?

Nagbibigay ba ang mga slitang ito ng tiyak na dami o bilang?

Ano ba ang tawag sa mga salitang sumasaklaw sa tao, hayop,

bagay, lugar o pangyayari na walang tinutukoy na tiyak na

bilang o dami?

Konsepto:

Panghalip Panaklaw ang tawag sa mga salitang sumasaklaw sa tao,


hayop, bagay, lugar at pangyayari. Ito ay mga panghalip na ang gamit
ay walang tinutukoy na tiyak na dami o bilang. Ang isang anyo nito ay
mga panghalip na pananong na hinuhulapian ng -man.

Mga Halimbawa ng Panghalip Panaklaw:


isa anuman magkanuman

iba alinman saanman

balana sinuman gayunpaman

lahat ilanman pawang

tanan kailanman madla

*Hikayatin ang mga mag-aaral na bumuo ng sariling pangungusap

gamit ang mga panghalip panaklaw.

C. Paglalahat Ano ang panghalip panaklaw?

Ano-ano ang mga halimbawa ng panghalip panaklaw?

D. Paglalapat Panuto: Buuin ang diyalogo. Isulat sa patlang ang panghalip panaklaw

na angkop dito.

(Tingnan sa Learning Activity Sheet-Ikaanim na Linggo-Ikatlong Araw)

Biyernes noon. Nag-uusap ang magkakaibigang sina Dina, Lucy,


Lilia, at Delia. (Balana, Bawat isa) _________ay naglalahad ng kani-
kanilang gagawin kinabukasan.

“Hindi ako nagigising kaagad (gaanuman,


anuman)______________ ang ingay sa paligid,”sabi ni Delia. “Ako rin.
(Alinman, Sinuman)___________ ang tumawag sa akin, itutuloy ko
ang tulog ko,” wika naman ni Lilia. “(Ganoon,
Ganito)______________ naman ang gagawin ko. Sasama ako sa
Mama ko sa pamimili nila ni Papa. Magpapabili ako ng (ganyan,
ganito)_______________, katulad ng binili mo kahapon,” paliwanag
ni Lucy. “Sige, para pareho tayo. (Ganyan, Ganoon)_____________ sa
mga naka-display ang bilhin natin,” masayang sagot ni Dina. “(Pulos,
Lahat)_________________ bilihin ang paksa ninyo. (Iba,
Balana)_____________ naman ang balakin ninyo,” puna ni Delia.
“Mamasyal kaya tayo, total ay walang pasok bukas.” “Sige, mamasyal
tayo, (kaninuman, saanman)________________ ang ibig ninyo,”
mungkahi ni Lilia. “(Kailanman, Anuman)_________________ ang
balak ninyo ay sang-ayon ako,” sabi ni Lucy. “Tingnan ninyo.
(Sinuman, Balana)_________________ ay nakatingin sa atin. Akala
nila ay di pa natin naririnig ang bell. Tayo nga sa linya natin,” yaya ni
Dina.

E. Pagpapayaman Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin ang mga panghalip
panaklaw na ginamit at bumuo ng sariling pangungusap gamit ang
mga ito.

1. Ang balana ay pumupuri kay Pangulong Rodrigo Duterte.

2. Gagawin ko ang gusto ko anuman ang sabihin nila.

3. Isasama kita saanman ako magpunta.

4. Napakaswerte ng sinumang makakakuha ng gantimpala.

5. Kunin mo alinman ang magugustuhan mong damit.

IV. Pagtataya Panuto: Punan ang patlang ng wastong panghalip panaklaw upang

( Formative Test Only) mabuo ang pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

madla kailanman sinuman

lahat alinman magkanuman

1. Walang __________ ang pwedeng mang-api sa atin.

2. Nagustuhan ng _____________ ang inihanda ni Nanay.

3. __________ ay talagang maasahan kita.

4. Naghiyawan ang __________ nang magsimulang kumanta si


Piolo Pascual.

5. Handa akong magbayad _____________ iyan.

V. Takdang Aralin

(to be given every Monday)

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
Remarks (may include notes
of teacher for not achieving Out of 12 learners, there are ______ who got 80% in the activity so the lesson was
the lesson/target if any; attained.
comments of principal and
other instructional supervisors
during their
announced/unannounced
visits)

Prepared by:
DESIE P. BAGUE
Teacher I
Noted:

MILAGROS M. TIANAN
ESP-I

Banghay Aralin sa Filipino 6

Quarter 1 Date & Time September 29, 2022

Module No. 6 Module title Mga Pangyayari at Pelikula ay Panoorin at Suriin;


Suliranin Lutasin

Week & Day No. Week 6 Day 4 Lesson/Topic Pagsusuri ng mga kaisipan/ tema/layunin/tauhan/
tagpuan at pagpapahalagang nakapaloob sa napanood
na maikling pelikula

I.Mga Layunin:

A. Nasusuri ang mga kaisipan,tema,layunin/tauhan/tagpuan at pagpapahalagang nakapaloob sa napanood


na maikling pelikula.

B. Naibibigay ang kahulugan ng pelikula.

C. Nasasabi ang magagandang naidudulot ng isang pelikula.

II.PAKSA:

● Mga Kagamitang Pampaturo - Mga Gabay sa Pagkatuto sa Filipino 6, Modyul 6: Mga Pangyayari at Pelikula
ay Panoorin at Suriin; Suliranin Lutasin

III.Pamamaaraan

A. Balik – Aral/ *Magbalik-aral tungkol sa panghalip panaklaw.


Paghahanda/Pagganyak
Itanong:

Ano ang panghalip panaklaw?

*Himukin ang mga mag-aaral na magbigay ng halimbawa ng panghalip


panaklaw at ipagamit ito sa sariling pangungusap.

B. Paglalahad/Pagtatalakay Maghanda ng isang maikling pelikula at ipapanood ito sa mga mag-


aaral. (Maaaring bisitahin ang link na ito: https://bit.ly/3AHvsM8 )

Pagkatapos ng panonood, itanong ang mga sumusunod:

- Paano ninyo ilalarawan ang inyong napanood?

- Nalilibang ba kayo habang kayo ay nanonood?

- May nakukuha ba kayong magandang aral mula rito?

- Alam ba ninyo kung ano ang tawag sa inyong pinanood?

- Sa tingin ninyo, paano kaya nilikha ang isang pelikula?

C. Paglalahat Ano ang pelikula?

Paano ito nilikha?

Ano -ano ang magagandang naidudulot ng isang pelikula?

D. Paglalapat Maghanda ng isa pang pelikula na ipapanood sa mga mag-aaral.


Maaaring bisitahin ang ibinigay na link.

https://www.youtube.com/watch?v=zXOH1TL-Qhs

Panuto: Panoorin ang isang maikling pelikula. Pagkatapos, sagutan

ang mga sumusunod na tanong.

● Sino-sino ang mga tauhan ng kuwento?

● Ilarawan ang katangian ng bawat tauhan.

● Saan nangyari ang kuwento?

● Ano ang tema ng palabas?

● Ano ang layunin ng palabas?


● Ano ang pagpapahalagang nakapaloob sa palabas?

E. Pagpapayaman Panuto: Magbalik-tanaw sa mga pelikula o palabas na inyong


napanood simula pa noon hanggang sa kasalukuyan. Pumili ng isang
pelikula na pinakanagustuhan ninyo at sagutin ang sumusunod na
katanungan.

1. Ano ang pamagat ng inyong pinakapaboritong pelikula?

2. Sino-sino ang mga tauhan dito?

3. Ilarawan ang katangian ng bawat isa.

*Tumawag ng iilang mag-aaral na magbahagi ng kanilang mga sagot.

IV. Pagtataya Panuto: Suriin nang maayos ang maikling pelikula at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.
( Formative Test Only)

Oras ng Panonood sa Palabas na “Taya”

Link: shorturl.at/dfhnp

Mga Tanong:

1. Sino-sino ang mga tauhan ng kuwento?

2. Ano ang kani-kanilang mga katangian?

3.Saan nangyari ang kuwento?

4.Ano ang tema ng palabas?

5. Ano ang layunin ng palabas?

6. Ano ang pagpapahalagang nakapaloob sa palabas?

V. Takdang Aralin

(to be given every Monday)

Pagninilay:
Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80%
Remarks (may include notes
of teacher for not achieving Out of 12 learners, there are ______ who got 80% in the activity so the lesson was
the lesson/target if any; attained.
comments of principal and
other instructional supervisors
during their
announced/unannounced
visits)
Prepared by:
DESIE P. BAGUE
Teacher I
Noted:

MILAGROS M. TIANAN
ESP-I

Summative Test sa Filipino


Pangalan: ________________________________________ Petsa:_______________________

Baitang: _________________________________________

I. Basahin ang maikling talata at tukuyin ang ginamit na mga panghalip pananong, pamatlig at
panaklaw . Pagkatapos, punan ang talahanayan ng hinihinging sagot.

Para sa akin, kailanman ay hindi mapapantayan ang pag-ibig ng isang ulirang ina para sa kanyang anak.
Lahat ng hirap at sakripisyo ay kakayanin ng isang ina. Ito ang sukatan ng isang tunay na pag-ibig. May mga umiibig
dito at doon pero hanggang sa kasiyahan lamang sila nagsasama. Kapag nakaranas na ng hirap ay bumibigay kaagad.
Hindi ganoong klase ang pag-ibig ng isang ina. Nakapagtataka lang din. Bakit kaya may mga ina na nakayanang iwan
o ipamigay ang kanilang anak? Ano kaya ang malalim na dahilan nila kung kaya nagawa nila iyon? Ganunpaman, wala
tayong karapatang husgahan sila lalo pa’t hindi natin alam ang buong kwento.

Uri ng Panghalip Panghalip na Ginamit sa Talata

1. Panghalip Pananong

2. Panghalip Pananong

3. Panghalip Pamatlig

4. Panghalip Pamatlig

5. Panghalip Panaklaw

6. Panghalip Panaklaw
II. Punan ang patlang ng angkop na panghalip na bubuo sa bawat pangungusap.Piliin ang sagot sa loob
ng kahon.

A. Panghalip Pananong

Magkano Saan Ano-ano Kanino Sino

7. _________________ mo ibibigay ang mga bulaklak na iyan?


8. _________________ ang laman ng mga sako na nasa bakuran?
9. Gabi na ngunit hindi pa umuuwi si Zimri. _________________ kaya siya nagpunta?

B. Panghalip Pamatlig

hayan roon heto iyan hayun

10. Nakarating ka na ba sa Laguna Hot Spring? Napakasarap maligo ______________.


11. May dumi sa noo mo. Punasan mo _________________.
12. Mahangin kaya __________________ napakatayog ng lipad ng saranggola.

C. Panghalip Panaklaw

anuman pawang karamihan saanman madla

13. Bibilhin natin ____________________ ang gusto mo.


14. _____________________ sa mga dumalo sa kasalan ay may dalang regalo.
15. Ang sinasabi ni Juan ay ___________________ kasinungalingan lang.

III. Basahin at intindihin ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

16. Ano ang tawag sa isang larangan na sinasakop ang mga gumagalaw na larawan bilang isang anyo ng sining o
bilang bahagi ng industriya ng libangan.
A. Musika B. Sayaw C. Pelikula D. Drama

17. Ang pelikula ay sinusuri ayon sa mga sumusunod na elemento maliban sa isa.
A. bilang o dami ng manonood B. tema C. tauhan D. layunin

18. Paano nilikha ang isang pelikula?


A. Sa pamamagitan ng pagguhit ng mga larawan
B. Sa pamamagitan ng pagrekord ng "totoong" tao at bagay sa kamera, at/o sa pamamagitan ng kartun.
C. Sa pamamagitan ng pagsasayaw habang hawak ang isang larawan
D. Sa pamamagitan ng pagkuha ng mga kaakit-akit na larawan gamit ang kamera

19. Ang kwento ay nangyari sa siyudad ng Tondo.


Anong elemento ng pelikula ang sinusuri ayon sa nabanggit sa pahayag?
A. tauhan B. tema C. tagpuan D. pagpapahalaga o magandang aral
20. Alin ang hindi kasama sa magagandang naidudulot ng pelikula?
A. Nakatutulong sa larangan ng negosyo
B. Nakapagbibigay aliw sa mga manonood
C. Kapupulutan ng magandang aral
D. Nagpapakita ng mga eksenang hindi angkop sa mga batang manonood

Inihanda ni:

JUNITHA P. PIZAÑA
Guro

Talaan ng Ispisipikasyon para sa


Summative Test sa
FILIPINO 6
(Ikaanim na Linggo)

Unang Markahan

LAYUNIN Kinalalagyan Bilang ng Kabuuang


ng Aytem Aytem
Porsyento

1. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip pananong 1, 2,7,8,9 5 25%


sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon

2. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip pamatlig 5 25%


sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon 3,4,10,11,12

3. Nagagamit nang wasto ang mga panghalip panaklaw 5 25%


sa pakikipag-usap sa iba’t ibang sitwasyon 5,6,13,14,15

4. Nasusuri ang mga 16 - 20 5 25%


kaisipan,tema,layunin/tauhan/tagpuan at
pagpapahalagang nakapaloob sa napanood na
maikling pelikula.

TOTAL 20 20 100%
Inihanda ni:

JUNITHA P. PIZAÑA
Guro

You might also like