You are on page 1of 1

HAMON, PAG-ASA AT PAGTUTULUNGAN

ni James Allen B. Soliven

Magandang hapon sa lahat!, Ako si James Allen B. Soliven, sa araw na ito nais kong talakayin
ang napakahalagang paksa ng agrikultura sa ating bansa. Sa bawat butil ng palay na ating
inihahain sa hapag-kainan, sa bawat gulay na ating iniluluto, at sa bawat prutas na ating kinakain,
hindi natin dapat kalimutan ang mga magsasaka at mangingisda na nagtatrabaho nang may
pagmamahal at dedikasyon upang magbigay sa atin ng sapat na pagkain. Ang sektor ng
agrikultura ay nagbibigay hindi lamang ng pagkain, kundi pati na rin ng kabuhayan sa maraming
pamilya. Subalit, hindi maikakaila ang mga hamon na kinakaharap nito. Mula sa pagbabago ng
klima, kakulangan sa suplay ng tubig, hanggang sa pagtaas ng presyo ng mga pambili ng mga
magsasaka, marami ang mga suliranin na dapat nating harapin at solusyunan. Ngunit sa kabila ng
mga hamon na ito, ako'y naniniwala na may kakayahan tayong malampasan ito. Sa pamamagitan
ng pagtutulungan ng gobyerno, sektor ng agrikultura, at mga mamamayan, kayang-kaya nating
palakasin ang sektor ng agrikultura sa ating bansa. Mahalaga ang pagbibigay ng sapat na suporta
at pondo mula sa gobyerno upang mapalakas ang imprastruktura sa agrikultura tulad ng
irrigation systems, post-harvest facilities, at iba pa. Ang edukasyon at training para sa mga
magsasaka at mangingisda ay isa ring mahalagang hakbang upang mapabuti ang kanilang mga
pamamaraan at teknolohiya sa pagsasaka. Higit sa lahat, ang pagtutulungan ng bawat
mamamayan ay napakahalaga. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa lokal na produkto at ang
pagbibigay ng suporta sa mga kooperatiba at samahan ng mga magsasaka, tayo ay nakakatulong
sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura. Sa huli, ang agrikultura ay hindi lamang trabaho, ito'y
isang misyon. Misyon na magbigay sa atin ng sapat na pagkain, mabigyan ng kabuhayan ang
mga magsasaka at mangingisda, at magbigay ng sigla sa ating ekonomiya. Kaya't sama-sama
tayong magtulungan at magkaisa upang ipagpatuloy ang pag-unlad ng sektor ng agrikultura sa
ating bansa.

Maraming salamat at magandang hapon sa inyong lahat!

You might also like