You are on page 1of 1

Christian James C.

Jagmis Filipino
10 – QUEZON Talumpati

Mapagpalang araw sa inyong lahat, bise presidente, mga senator at sa lahat ng mga nakikinig sa atin
ngayong araw na ito. Nawa ay ang inyong araw ay punong puno ng kasiyahan at makakabuluhang bagay.
Bilang isang pangulo na inyong hinalal, asahan ninyong aking gagamitin ang posisyong ito upang kayo
ay mapaglingkuran at tulungan.

Alam naman natin na maraming suliranin ang napapanahon ngayon, isa na doon ang kahirapan.
Asahan ninyong akin itong bibigyan ng wakas, nang kayo ay magkaroon ng magandang buhay. Isa na din
ang mga problema patungkol sa ating agrikultura, ating mapapansin na bumabagsak na ang ating
agrikultura, kinukulangan na tayo ng mga suplay at dahil doon ay tumataas Ang mga presyo ng mga
bilihin. At ang problema sa ating kapaligiran na sa panahon ngayon ay mapapansin nating mayroon
tayong tinatawag na "climate change" na nagsasanhi ng sobrang init sa atin.

Ngunit Ang mga problemang iyan ay hindi dapat manatili. Kaya ako at nng ating gobyerno ay gagawa
ng paraan upang masolusyonan ang mga suliraning ito.

Isa sa aking mga programa ay ang pagbibigay ng oportunidad sa mga mamamayang walang trabaho.
Isa na doon ang programang "hanapbuhay para sa buhay". Layunin ng programang ito na maglikha ng
mga trabahong mapagkukunan ng mga pangangailangan ng bawat pamilya sa ating bansa. Tulad na
lamang ng mga pagtatayo ng mga imprastraktura sa mga lungsod na magbibigay din ng trabaho balang
araw.

Isa pa ay ang para sa agrikultura ng ating bansa, kami ay mamamahagi ng mga binhi at mga pataba
para sa pagsisimula ng mga may gustong magtanim.

At para masolusyonan ang ating problema sa kapaligiran, kami ay magbibigay ng trabaho sa tulong ng
ating DENR o department of environment and resources. Ang mga gustong Maging bahagi ng trabahong
ito na gustong iligtas at alagaan Ang ating kapaligiran ay maaaring tumungo sa inyong baranggay hall at
para matulungan kayo na magsumite ng inyong resume.

Alam kong lahat tayo ay naghahangad ng magandang buhay, kaya't inaasahan ko ang inyong
kooperasyon sa aking mga programa. Tayo ay magtulungan sa bawat oras. Iyon lamang aking mahal na
bayan, Maraming salamat.

You might also like