You are on page 1of 9

MGA TAUHAN:

Jerico Rosales bilang Roberto Ong.


Siya ang pangunahing tauhan sa
pelikula, Siya rin ay simpleng lalaki na
may simpleng pangarap sa buhay. And I
Eigenman bilang special someone ni
Roberto. Siya ang unang nagpatibok ng
puso ni Roberto. Meg Imperial bilang
portia. Siya ang matalik na kaibigan ni
Roberto at Ulo, Siya rin ang unang
nagkagusto kay Roberto. Vandolph
bilang Ulo. Siya ang matalik na
kaibigan ni Roberto at portia, Siya rin
ang sanggahan ni Roberto kapag Siya
ay may problema. Paul Jake Castillo
bilang Ken. Siya ang kabiyak sa puso ni
special someone ni Roberto. Bing
Pimentel bilang nanay lucking. Siya ang
nanay ni Roberto, Siya rin ang nag
bibigay lakas ng loob kay Roberto sa
tuwing may mga problemang
kinahaharap si Roberto. Julio Diaz
bilang tatay ni Roberto. Siya ay isang
seaman, at Siya rin ang nag hahanap
buhay para sa kaniyang pamilya. Gisele
Sanchez bilang Ms. Uyehara. Siya ang
guro nila Roberto.
BUOD:
Si Roberto Ong ay simpleng estudyante
na may pangarap sa buhay. Ang
kaniyang tatay ay nag tatrabaho sa
barko bilang seaman para may
makakain sila sa araw-araw. Ang nanay
naman niya ay mananahi, siya ang nag-
aalaga sa kaniyang pamilya. Si Roberto
ay nag-aral sa pampublikong paaralan,
at doon niya naranasan ang edukasyon
na kung tawagin nating "low quality"
Ngunit kahit ganon ang naranasan ni
Roberto sa pag-aaral niya sa
elementarya ay natututo naman Siya ng
mga mabubuting gawain tulad ng
pagkukusang ibili ang kaniyang guro ng
pagkain sa kanilang canteen. At doon
din unang naramdaman ni Roberto ang
tunay na kaibigan sa itinuring niyang
mga kapatid at ito ay sila portia at ulo,
silang tatlo ay nagdadamayan sa
tuwing sila ay may problemang
nararanasan, si portia ay nagkagusto
kay Roberto ngunit sa kasawiang palad
hindi Siya nagkapag-asa kay Roberto
dahil itinuturing lang siyang kapatid
nito.
Nang tumuntong na si Roberto sa
high school maraming mga nag
bago sa kaniya isa na don ang
pagkakaroon ng tigyawat sa
bawat parte ng kaniyang muka.
Doon din niya na kilala ang
kaniyang special someone, ngunit
sa hindi inaasahan may shota na
pala ito at ito ay si Ken, labis ang
inagpis ang naramdaman ni
Roberto nung nalaman niya na
may shota na pala ito. Nung nag
kolehiyo na si Roberto mas
maraming nag bago sa kanya isa
na don ang palaging pagliban nito
sa klase at dahil don bumaba ang
mga grado nito, subalit hindi doon
nag tapos ang lahat dahil sa
kaniyang pagtitiwala sa sarili
niya nakapag tapos Siya ng
kolehiyo at naging isang ganap na
guro si Roberto.
TAGPUAN:
Sa paaralan doon niya naranasan ang
sarap ng pagiging bata hanggang Siya ay
nag binata, subalit doon din niya
naranasan ang sakit ng pag-big.

PROTAGONISTA:
Roberto Ong. Siya ang pangunahing
tauhan sa pelikula at Siya rin ang naging
ganap na guro. Portia. Siya ang matalik
na kaibigan nila Roberto at ulo, Siya rin
ang unang nag ka gusto kay Roberto. Ulo.
Siya rin ay matalik na kaibigan ni
Roberto at portia, at Siya rin ang
nagiging sanggahan ni Roberto kapag
Siya ay may problema.

ANTAGONISTA:
Ken. Siya ang kabiyak ni Roberto sa
kaniyang special someone, sa madaling
sabi siya ay shota ng special someone ni
Roberto. Special someone ni Roberto. Siya
ang nag paramdam kay Roberto ang
tunay na sakit ng pag-big.
SULIRANIN:
Ipinakita ng may akda kung
paano mamuhay ang isang
mag-aaral at kung paano nito
nalampasan ang mga hamon
sa buhay ni Roberto. Naging
mahirap kay Roberto ang mga
hamon na kinaharap niya,
sumabalit nakuha parin niya
itong lampasan dahil nadin
kaniyang determinasyon at
lakas ng loob. At dahil sa
kaniyang determinasyon at
lakas ng loob nalampasan
niya lahat ng hamon na
dumating sa kanya at siya ay
nakapag tapos ng pag-aaral
at naging ganap na guro.
PAKSA O TEMA:
Ang ABNKKBSPLAKO ay
isang pelikula ng viva
films na hango sa libro ni
bob Ong. Ipinalabas ito sa
mga sinehan noong ika-
labingsiyam ng pebrero,
2014. Pinagbidahan ito nila
Jerico Rosales, Andi
Eigenman, Vandolph at
Meg Imperial sa direksyon
ni Mark Meilly. Ang tema
ng pelikula ay hango sa
tunay na buhay na kung
saan tinalakay ang buhay
ng mga mag-aaral at kung
paano sila mamuhay.
MUSIKA:
Ang mga sound effect naman ng
pelikula ay mas lalong bumagay
sa bawat pangyayari sa pelikula
at mas nakaepekto ito sa mga
manonood.

VISUAL EFFECTS:
Ang mga visual effects naman
NG pelikula ay maganda ang kina
labasan dahil mas naging
makulay ang mga pangyayari sa
pelikula.

SET DESIGN:
Ang mga design naman NG
pelikula ay maganda ang
kinalabasan dahil naging mas
epekto ito sa manonood.
MENSAHE NG PELIKULA:
Ang mensahe ng
pelikula sa mga
manonood ay maging
malakas ang loob at
maging determinado
sa landas na tatahakin
natin, dahil ito rin
naman ang mag dadala
satin sa tagumpay.

You might also like