You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 6

Paaralan: San Juan Central School Baitang: Ikaanim na Baitang


Ipinasa ni: Cagasan, Joylene V. Quarter: 4th Quarter
Kurso/Taon: BEED-IV Week: 2nd
Instuktor:: Mrs. Marnesa B. Canton Petsa: April 21 ,2024
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO ( Learning Competencies)
Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng “People Power 1” sa muling pagkamit ng
kalayaan at kasarinlan sa mapayapang paraan. AP6TDK-Ivb-3 .
I. LAYUNIN
Nabibigyang halaga ang kontribusyon ng “People Power 1” sa muling pagkamit ng
kalayaan at kasarinlan sa mapayapang paraan.
II. NILALAMAN
Tungo sa Pagkamit ng Tunay na Demokrasya at Kaunlaran (1972-Kasalukuyan)
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
SANGGUNIAN
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro - Curriculum Guide p. 209-349
b. Iba Pang Kagamitan: tsart, powerpoint at larawan.
c. Stratehiya: Balita mo, Share mo!, Basahin at Unawain!, Concept Map, Complete Me!
IV. PAMAMARAAN:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
Stratehiya/ aktibidad
A. Mga Paunang Gawain
1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa panalangin. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng
 Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espito Espito Sanato Amen.
Sanato Amen.
2. Pagbati
Magandang umaga rin po ma’am?
Magandang umaga mga bata!
Mabuti naman pos a awa ng Diyos.
Kausta kayong lahat?
3. Pagtala ng lumiban
Wala po ma’am
Sino ang lumiban ngayon araw?
UNANG PANGKAT
4. Mga tuntunin sa silid-aralan
Bago tayo tumungo sa ating talakayan, PANGALWANG PANGKAT
magkakaroon muna tayo ng isang kasunduan.
Hahatiin ko ang klase sa tatlong grupo. Bawat
grupo ay may apat na matatangap na puso, ito ay PANGATLONG PANGKAT

may katumbas na puntos. Pero kapag ang


myembro ng grupo ay maingay at hindi makikinig
sa guro ay mababawasan ito ng puntos. Naitindihan po ma’am.
Naintindihan ba mga bata?

5. Pagbasa ng layunin
Nabibigyang halaga ang
Bago ko ipakilala sa iyo ang aming paksa ng aralin, kontribusyon ng “People Power 1” sa
maaari ba akong humingi sa iyo ng pabor na magiliw na muling pagkamit ng kalayaan at
basahin ang mga layunin para sa sesyon ngayon. kasarinlan sa mapayapang paraan.

Ngayon, Handa na ba kayo sa aralin na tatalakayin natin? Opo, ma’am.


B. PAGSISIMULA NG BAGONG ARALIN (5 minuto)
Balita mo, Share mo!

Anong balita ang iyong napakinggan o napanood sa Dahil sa matinding init, dumami ang
telebisyon? Halina at iyong ibahagi. Handa akong mga kaso ng heat-related illnesses
makinig. tulad ng heat stroke at dehydration.
Ipinapayo ng Department of Health ang
publiko na mag-ingat, maghydrate, at
Mabuti mga bata! manatili sa mga malamig na lugar.
Ngayon,babalik tayo sa panahun ng 1986 alam ba niyo
ano nangyari noon?

Noong Pebrero 1986, nagkaroon ng malawakang


protesta laban sa diktatoryal na pamumuno ni Pangulong
Ferdinand Marcos. Ito ang kilalang EDSA People Power
Revolution.

C. Paghahabi sa Layunin (5 minuto)

Ngayon, papangkatin ko kayo sa tatlong grupo. Bawat


grupo ay bibigyan ko ng isang larawan. Pakisuri ang
larawan at sagutin ang mga tanong na nakadikit sa
pisara.
Mga tanong
1.Anu-ano ang ginagawa ng mga nasa larawan?
2. Ilarawan kung paano ipinakita ang payapang paraan
sa pagkamit ng pagbabago?
3. Sa palagay mo, nakatulong ba ang mga ito sa
pagkakamit ng pagbabago Bakit?
GROUP 1

1.Anu-ano ang ginagawa ng mga nasa


larawan?
Sa larawan, makikita ang mga
tao, kabilang ang mga madre at
peace advocates, na nagtitipon-tipon
GROUP 2
at nagpupulong sa EDSA. Sila ay
nagpapahayag ng kanilang pagtutol
sa diktadura at panawagan para sa
kapayapaan at demokrasya.
2. Ilarawan kung paano ipinakita ang
payapang paraan sa pagkamit ng
GROUP 3
pagbabago?
Ang larawan ay nagpapakita ng
isang mapayapang rebolusyon. Ang
mga tao ay nagtipon-tipon nang
payapa, nagpapahayag ng kanilang
mga hinaing at panawagan. Hindi
nila ginagamit ang dahas o
karahasan, kundi ang kapangyarihan
ng pagkakaisa at pakikipag-usap.
Sa palagay mo, nakatulong ba ang mga
ito sa pagkakamit ng pagbabago? Bakit?
Oo, napakahalaga ng papel ng
mga madre at peace advocates sa
EDSA Revolution. Sila ang naging
simbolo ng kapayapaan at
pagkakaisa ng mga Pilipino laban sa
diktadura. Ang kanilang presensya at
panawagan para sa kapayapaan ang
nagbigay-daan sa isang
mapayapang pagbabago sa ating
bansa. Ang kalmadong pagkilos ng
mga tao, kasama sila, ang nagresulta
sa matagumpay na pagpatalsik kay
Marcos at pagbabalik ng
demokrasya.

D. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad


ng Bagong Kasanayan#1 (10 minuto)

Basahin at Unawain!

Isang kakaibang pangyayari sa Pilipinas ang naganap


noong panahon ni Pangulong Marcos. Sa pamamagitan
ng mapayapang paraan, nakalaya ang mga
mamamayang Pilipino sa ilalim ng Diktaturyang Marcos.
Sa pamamagitan ng mga inahandang gawain at teksto ay
inaasahang mauunawaan mo pa ang kahalagahan ng
People Power 1 sa bansa.

Bibigyan ko kayo nang factsheets sa ating babasahin.

KAHALAGAHAN NG PEOPLE POWER REVOLUTION

Hindi mapapasubalian ang naiambag ng People Power


Revolution sa pagkakamit ng kalayaan at kasarinlan ng
Pilipinas. Ang People Power Revolution ay kaiba sa mga
ordinaryong rebolusyong naganap sa Pilipinas at sa buong
mundo. Isa itong rebolusyon na sinalihan ng mahigit isang
milyong Piluipino at nagtagumpay sa layuning ibagsak ang
namayaning pamahalaang diktatoryal nang halos walang
dumanak na dugo. Napatanyag ang Pilipinas sa buong
mundo sa pagkakaroon ng isang mapayapang rebolusyon .
Sa pamamagitan ng People Power Revolution ay
napanumbalik ang Demokrasya sa Pilipinas . Kaakibat nito
ang muling pagtatamasa ng mga Pilipino sa mga karapatang
matagal na ipinagkait sa kanila. Nagbigay-daan ito sa muling
pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan . Maging
mga dayuhang namumuhunan ay nakumbinsing muling
magtatag ng mga negosyo sa Pilipinas nagkaroon din ng
isang bagong saligang batas na gagabay sa mga
mamamayan at sa mg namamahala ng pamahalaan. Ang
mga Pilipino ay naging mapanuri at mapagbantay sa mga
namumuno sa pamahalaan, at naging daan upang kumilos
nang samasam para makamit ang layunin sa mapayapang
paraan. Nagsilbi ang People Power Revolution bilang
patunay sa lahat ng bansa na may higit pang
makapangyarihan kaysa lakas military , at iyon ay
angpambihirang lakas ng mga mamamayang nagkakaisa ,
may malalim at buong paniniwala at pananalig sa Diyos at
sa likas na kabutihan ng tao. Ito ang naging daan upang
patalsikin ang mga mapaniil na pamahalaan at panumbalikin
ang demokrasya sa bansa.

E. Pagtalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad


ng Bagong Kasanayan #2
Concept Map
Basi sa ating binasa gagawa tayo nang concept Map.
Ngayon hahatiin ko kayo sa dalawang grupo
Panuto: Punan ang concept map ng mga magandang
naidulot ng People Power 1 Revolution sa mga
mamamayang Pilipino at sa bansa.
Magandang Naidulot
ng People Power 1

F. Paglinang sa Kabihasnan

Talagang kawili-wiling pag-aralan ang mabuting naidulot 1. Ano ang pagkakaiba ng People Power
ng People Power 1 Revolution. Revolution 1 sa mga rebolusyong
May itatanong ako sa inyo. naganap sa Pilipinas?

1. Ano ang pagkakaiba ng People Power Revolution 1 sa Ang People Power Revolution 1 ay
mga rebolusyong naganap sa Pilipinas? naiiba sa ibang rebolusyon sa Pilipinas
dahil ito ay isang mapayapang kilusan
2. Paano natamasa ng mga Pilipino ang demokrasya sa na nagtagumpay sa pagpapatalsik sa
Pilipinas? diktadurya ni Marcos nang walang
karahasan. Sa halip na gumamit ng
armas, ang mga Pilipino ay nagkaisa
at nagtipon-tipon sa EDSA upang
ibalik ang demokrasya.

2. Paano natamasa ng mga Pilipino ang


demokrasya sa Pilipinas?
Ang mga Pilipino ay natamasa ang
demokrasya sa pamamagitan ng
mapayapang People Power
Revolution 1 na nagpatalsik kay
Marcos at nagtatag ng bagong
pamunuan na itinatag ang mga
demokratikong institusyon.
G. Paglalapat ng Aralin sa Pang-araw-araw na
Buhay

Complete Me!
Mula sa mga paksang tinalakay na may kinalaman sa
halaga ng “People Power 1” sa muling pagkamit ng
kalayaan at kasarinlan sa mapayapang paraan,
natutunan ko na _______________________________
____________________________________________
____________________________________________

H. Pagtataya ng Aralin

Panuto: Isulat ang T kung ang Tama ang pahayag at M


kung Mali..
________1. Ang People Power Revolution 1 ay naiiba sa
mga naganap na rebolusyo sa mundo dahil sa pagiging
payapa nito.
________2. Nanatili si Pangulong Marcos dahil sa People
Power Revolution.
________3. Napagtanto at napatunayan ng mga Pilipino
na maaring magtagumpay sa anumang magandang
layunin kung sama sama at may pagkakaisa.
________4. Nagbigay-daan ang People Power 1 sa
muling pagtitiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan.
________5. Hindi na nakumbinsi ang mga dayuhan na
magnegosyo sa Pilipinas pagkatapos ng termino ni
Pangulong Marcos.
I. Takdang Aralin
Magsagawa ng panayam sa magulang, kamag-anak o
kapitbahay tungkol sa Rebolusyon noong 1986. Ilagay sa
sagutang papel ang mga salaysay ng mga nakapanayam
tungkol sa paano naging payapa ang rebulosyon noong
1986.

Prepared by:

JOYLENE V. CAGASAN

Student

Check and Observe by:

MRS. MARNESA B. CANTON

Mentor

You might also like