You are on page 1of 4

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

PEACE EDUCATION – Araling Panlipunan


I. GENERAL OVERVIEW
Catch-up Subject: PEACE Grade Level: Grade EIGHT
EDUCATION
Quarterly Theme: Service Sub-theme: Peace between and among
states, human and the natural
environment
Time: Week 8 Date: March 22, 2024
Week 8
II. SESSION DETAILS
Session Title: Nasyonalismo sa Europa at Iba’t ibang Bahagi ng Daigdig

Session Objectives: MELC No.6: Naipapahayag ang pagpapahalaga sa pag-usbong ng


Nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang bahagi ng daigdig
 Naibibigay ang kahulugan ng nasyonalismo
 Natutukoy ang mga pinuno at bayaning nanguna sa paglunsad ng
nasyonalismo
 Naipapaliwanag ang katuturan at mga salik ng Edukasyong
Pangkapayapaan (Peace Education) sa mga bansa, tao at pati na sa
kalikasan
Key Concepts: Pagpapakita ng nasyonalismo o pagmamahal sa bansa at pagpapanatili ng kapayapaan
tungo sa ibang mga bansa, tao at kapaligiran

III. FACILITATION STRATEGIES


Components Duration Activities and Procedures
BABASAHIN: Batang babae, isinalba ang watawat ng
Introduction and Pilipinas mula sa baha (maaaring gamitin ang video)
Warm-Up Noong Hulyo 26, 2011, kumalat ang larawan ng isang batang
babae, si Janela Lelis, labindalawang taong gulang, mula sa
Malinao, Albay, ay sinuong ang baha dala –dala ang watawat
ng Pilipinas. Naging viral sa internet ang kanyang ipinakitang
nasyonalismo na umani ng iba’t ibang papuri sa ginawa ng bata.
10 mins Binigyan ng National Historical Commission of the Philippines
ng parangal si Janela noong Agosto 23, 2011
Mula sa balitang ito, hindi nalalayo ang edad mo sa bata,
ipinapakita na walang pinipiling edad ang pagpapakita ng
nasyonalismo.

 Paano maipapaliwanag ang kahulugan ng Nasyonalismo


batay sa balitang nabasa/napanood? Ipaliwanag.

ACTIVITY 1: LARAWAN MO, IFLEX MO!


 Pagpapakita ng mga nasyonalista sa Europa at ibat-ibang
panig ng daigdig.
 Louis Napoleon o Napoleon III
 Camilio de Cavour
 Czar Nicholas I
 Ang mga nasyonalistang nabanggit ay nagpamalas ng masidhi
at matinding pagmamahal sa bayan. Pinangunahan ang mga
pakikipaglaban upang matamo ang inaasam na kaayusan at
ang KAPAYAPAAN.

 Talakayan tungkol sa kahulugan at mga konsepto ng


Concept Exploration 15 mins Edukasyong Pangkapayapaan
 Ito ay proseso kung saan nakukuha ang halaga,
kaalaman at pagkakaroon ng saloobin, kakayahan at
pag-uugali upang mabuhay sa pagkakasundo at
pagkakaisa sa mismong sarili, sa ibang tao at maging
sa kapaligiran. (Cabreros, 2021)
 Ang peace education ay naging bahagi ng kurikulum
ng mga paaralan sa iba’t ibang mga lugar na
naglalayong maging daan para sa kapayapaan.
Nailundsad ito ni Dating Pangulong Gloria Macapagal
Arroyo sa bisa ng EO570 or Institutionalizing Peace
Education in Basic Education and Teacher Education
noong Setyembre 26, 2006.
 Anim (6) na Konsepto ng Kapayapaan
1. Kapayapaang Pansarili (Personal Peace) - to ay
tumutukoy sa kapayapaan ng kalooban ng puso. Kahit
may ingay o gulo, nanantili paring panatag at kalmado
ang kalooban.
2. Pamumuhay ng may Habag at Hustisya (Life with
Compassion and Justice)- Ang isang tao ay
makapamuhay nang may katarungan kung walang
karahasan.
3. Pagtanggal ng Kultura ng Digmaan (Elimination of
the Culture of War)Ang digmaan ang isa sa mga
hadlang sap ag kakakroon ng kapayapaan. Ayon sa
ilang pag-aaral, ito raw ay nakaugat sa ating kultura.
Sa ngayon, ang pagkakaroon ng Edukasyong
Pangkapayapaan ang nakikitang tanging pag-asa
upang ito’y malutas.
4. Kamtan ang Karapatang Pantao (Human Rights)-
Ang bawat mamamayan ay protektado ng Karapatang
Pantao. Nakasaad ito sa Universal Declaration of
Human Rights ng Konstitusyon.
5. Pamumuhay nang may pakikiisa sa mundo (Living
with Solidarity in the World) Kailangang alagaang ang
kapaligiran sapagkat nababawasan ng 100,000
ektaryang lupa ang ating bansa taun-taon dahil sa
pagkasira ng kagubatan. Dahil dito, hindi natin
namamalayan na pinapaikli natin ang haba ng ating
buhay.
6. Pakikiiisa sa iba’t ibang kultura (Unity in Various
Cultures) Ang ating bansa ay binubuo ng iba’t ibang
oangkat etniko at mamamayan tayo sa iba’t ibang
kultura. Kaya, nararapat lamang na igalang natin ang
kaibahan ng ating paniniwala at kultura.

Ang guro ay magbibigay ng mga babasahin, larawan at mga handouts


Valuing tungkol sa Edukasyong Pangkapayapaan sa mga bansa, tao, at sa
10 mins kalikasan. Ang mga mag-aaral ay may kalayaang mamili ng kanyang
gagawing acivitiy. (PUMILI LAMANG NG ISA)
 Larawang Suri o Visual Analysis
 Read-Pair- Share
 Concept Organizers
 Watching Corner
 Hanap salita!

 Larawang Suri- Suriin ang larawan o imahe upang


maunawaan ang mensahe nito, damdamin na
ibinabahagi, at iba pang aspeto ng sining at
komunikasyon.
 Sumulat ng 3-5 na pangungusap tungkol sa nakitang
larawan o imahe. Ipaliwanag ang mensahe, damdamin
at kabuuan ng larawan.

 Read-Pair- Share- Ito ay isang pagsasanay sa pagsusuri ng


teksto na binubuo ng tatlong hakbang: magbasa, magtambal at
magbahagi.
Article: DILG: Kapayapaan, kaayusan sa mga lalawigan susi sa Balik
Probinsiya program
Link: DILG: Kapayapaan, kaayusan sa mga lalawigan susi sa
Balik Probinsiya program - News - DILG

 Sumulat ng 3 pangungusap tungkol sa nabasang


artilkulo, ibahagi ito sa katambal o kagrupo

 Concept Organizer
Ang mga mag-aaral ay inaasahan na gumamit ng mga sagisag,
kulay, at estruktura upang maipakita ang kaalaman at
koneksyon sa pagitan ng mga ideya o elemento ng konsepto
na kanilang pinag-aaralan.

Paksa: Paano mapapanatili ang Kapayapaan sa Silid-Aralan?

 Watch Corner
Sa "Watch Corner" activity, ang layunin ay panoorin nang buo
ng mga mag-aaral ang isang video o audio material.
Pagkatapos, hinihimok silang magbigay ng mga pagsusuri,
obserbasyon, o repleksyon batay sa nakita o narinig. Ang
aktibidad na ito ay naglalayong magbigay daan sa masusing
pag-unawa at pagpapahayag ng sariling opinyon hinggil sa
nilalaman ng media material.

Audio material: Shalom: Kwentong Kapayapaan


Link: Shalom: Kwentong Kapayapaan (youtube.com)

 Magbigay ng tatlong aral sa kwento ni Shallom

 Hanap Salita!
Hikayatin ang mga mag-aaral na humanap at magtala ng mga
salita na may kinalaman sa partikular na konsepto, paksang aralin,
o temang ibinigay. Ang aktibidad na ito ay naglalayong palawakin
ang kanilang bokabularyo at maipakita ang kanilang pang-unawa
sa mga konsepto o temang kanilang tina-tackle.

*Attached document para sa hanap salita


PUSUAN MO!
Evaluation  Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng papel na may hugis na
5 mins puso.
 Sa loob nito, isulat kung paaano maipapakita o mapapanatili
ang KAPAYAPAAN sa ESKWELAHAN, PAMILYA AT SA
BARANGAY

You might also like