You are on page 1of 2

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

sCatch-up Subject: Peace Education Grade Level: 5


COMMUNITY AWARENESS
Quarterly Theme: (refer to Enclosure No. 3 of DM 001, s. 2024, Date: February 23, 2024
Quarter 3)
Hope 45 mins (time
Sub-theme: Principles of Peace(refer to Enclosure No. 3 of Duration: allotment as per DO 21,
DM 001, s. 2024, Quarter 3) s. 2019)
Araling Panlipunan
Principles of Peace
Session Title: Subject and Time: 10:30-11:15
(schedule as per existing
Class Program)

- Naipapaliwanag ang mga prinsipyo ng kapayapaan.


Session Objectives: - Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasa.
- Nakakagawa ng slogan tungkol sa pagsulong ng kapayapaan.

References: K to 12 Basic Education Curriculum

Pictures/Copy of Story
Marker
Materials:
Laptop
PowerPoint Presentation

Components Duration Activities


Activity 15 mins

-Pagbati

-Pang araw-araw na gawain

 Magpakita ng larawan ng isang kalapati. Itanong sa mga mag-aaral kung sino


sa kanila ang nakakita na o may alagang kalapati sa kanilang tahanan.
 Ipaliwanag na ang kalapati ay isa sa mga simbolo ng kapayapaan sapagkat ito
ang ginamit ng Diyos sa panahon ni Noe upang ipaalam na tapos na ang
matinding pagbaha.
Itanong: Ikaw? Anong bagay o hayop ang gagamitin mong simbolo ng
kapayapaan?

 Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga sumusunod na prinsipyo ng


kapayapaan.
- Bayanihan
- Paggalang sa Pagkakaiba-iba
- Katarungan
- Malasakit
- Pagkakaisa
 Ipabasa ang mga sumusunod sa mga mag-aaral:
Ang bayanihan ay isang kaugalian ng mga Pilipino na nagpapakita ng
pagtutulungan, pagkakaisa at pagdadamayan. Ito ay parte na ng kultura ng mga
Pilipino, noon pa man. Kapag may kapitbahay o kababayan na nangangailangan
ng tulong ay may mga taong handang magbigay ng agapay.

Ang Pilipinas ay napakayaman sa kultura, lengwahe at mga tradisyon. Ang


paggalang at pagtanggap sa mga kultura ng iba’t-ibang pangkatin ng tao ay
mahalaga upang marating ang tunay na kapayapaan ng bansa. Sa paggalang sa
kanya-kanyang pinagmulan, nagtutulay ito sa pagkakaunawaan upang makabuo
ng matiwasay na pamayanang payapang mananahan ang lahat.

Ang katarungan ay tumutukoy sa pantay-pantay na pagtingin sa lahat ng tao sa


lipunan at patas na pagpapairal ng batas. Kapag may katarungan, ang mga tao ay
ligtas at payapa. Namamayani ang kapayapaan kaysa kaguluhan at dahas.

Page 1 of 2
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Ang pagpapakita ng pakikiramay at pag-aalala sa ibang tao kahit sa mga maliliit


na pamamaraan, lalo sa panahon ng pangangailangan ay sumasaklaw sa
pagkakaroon ng malasakit. Masasalamin ito sa pamamagitan ng pagdodonasyon
kapag may mga nasalanta ng kalamidad, pakikiramay sa mga namatayan at iba
pa.

Isa sa pinakamahalagang prinsipyo ng kapayapaan ang pagkakaisa. Kapag may


pagkakaisa ang isang bansa o lipunan, nagiging matatag ang pundasyon ng mga
taong naninirahan doon. Sa panahon ng mga suliranin, nakakaya nilang kumilos
nang sama-sama para sa ikapagtatagumpay ng gawain.

 Itanong:
- Paano mo maipapakita ang paggalang sa pagkakaiba-iba sa loob ng
paaralan?
Reflection 15 mins - Anong gawang malasakit ang nagawa mo na kapag para sa mga taong
nangangailangan?
-Kayo ba ay nagkakaisa sa inyong tahanan? Paano mo nasabi?

 Isagawa: Gumawa ng slogan tungkol sa pagsusulong ng kapayapaan sa ating


bansa. Gawing gabay ang limang prinsipyo ng kapayapaan.
Wrap Up 5 mins  Pumili ng tatlo hanggang limang batang magbabahagi ng kanilang gawa sa
klase.
Iproseso ang magiging kasagutan ng mga mag-aaral.

Kumpletuhin ang pangungusap sa ibaba.

Journal Writing 15 mins Upang makamit ang kapayapaan, kailangan ng ___________, ___________,
__________, ____________ at __________. Mahalaga ang kapayapaan sapagkat
ito ay ____________________
_________________________________.

Prepared by: Checked by:

SHEILA ELLAINE T. PAGLICAWAN GIRLIE B. VILLARBA


Teacher I Master Teacher I

ARCADIA G. PEDREGOSA
Principal

MARICRIS N. SURIGAO
Public Schools District Supervisor

Page 2 of 2

You might also like