You are on page 1of 1

Abstrak

Ang facebook ang pinaka-mabisa na daluyan ng mensahe


tungo sa iyong mga kaibigan at pamilya, sa taong disyembre 2015
halos humigit 1.59 na bilyong tao ang gumagamit ng facebook kada
buwan. Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang
pagkakaiba ng emosyon ng isang tao pagkatapos gumamit ng
facebook at sa kanyang sosyal na buhay, sa pananaliksik na ito ay
naniniwala na merong apat na dahilan kung bakit nagbabahagi ang
tao sa facebook ipaalam ang mga nangyari sa buhay, espesyal na
pangyayari, pang araw-araw nilang gawain, at simpleng mga
pangyayari. Ang pokus lamang ng pananaliksik na ito ay purong
positibo, sapagkat maraming tao ang gumagamit ng facebook
upang magbahagi ng mga masasayang pangyayari sa kanilang
buhay, karagdagan pa dito. Mula sa isang daan at apat naputsiyam,
isang daan at dalawamput siyam lamang na mag-aaral sa kolehiyo
ang ginamit na respondent mula sa edad na labing anim hanggang
apat na putisa sa pananaliksik. Ang lumabas na resulta base sa
nakalap na datos at statistical na pagkalkula, ang mga taong
tumitingin ng mga post ay nababawasan ang positibong pananaw
ng isang mangbabasa. Kaya imumungkahi ng pananaliksik na ito
ay ang paggamit ng facebook ay nakababawas ng emosyon,
karagdagan pa rito na hindi nila alam na pagkatapos nilang
magbasa sa post sa facebookay mas nagiging hindi sila maayos, sa
aming konklusyon na ang paggamit ng facebook ay merong epekto
sa mga gumagamit nito lalong lalo na sa kanilang emosyonal na
estado, at ang mga gumagamit nito ay walang kamalayan sa
nangyayari.

You might also like