You are on page 1of 2

Sabjek: Filipino Ikaapat na Baitang

Petsa: Sesyon 3
Pamantayang Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat sa iba’t ibang uri
Pangnilalaman: ng teksto at mapaliwanag ang mga talasalitaan.
Pamantayan sa Nakabubuo ng nakalarawang balangkas batay sa binasang
Pagganap: tekstong pang-impormasyon.
I. Layunin
Kaalaman: Nakilala ang mga kahulugan ng mga salitang pamilyar at
di-pamilyar sa pamamagitan ng pag-uugnay sa sariling
karanasan.
Saykomotor: Nakasisipi ng mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa
pangungusap.
Apektiv: Napagpapahalaga ang bawat miyembro ng pamilya.
II. Paksang aralin
A. Paksa: Pagtukoy sa mga salitang pamilyar at di-pamilyar
Kwento: Maalagang Ina
B. Sanggunian: Curriculum guide sa Filipino, Ang Bagong Batang Pinoy
2, Yunit I, Aralin 2 p.79-81
C. Kagamitang Tsart, Visual aid
Pampagkatuto
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
Pangmotibasyunal na Paano ipinapakita ng inyong ina ang pag-aalaga sainyo?
tanong Kayo, paano niyo naman ipinapakita ang pag-aalaga at
pagmamahal niyo sa inyong ina?

Paglilinang ng 1. sinat 2. dadalo 3. hinipo 4. pag-iipon


Talasalitaan

Pagganyak Nakabasa na ba kayo ng mga kuwento na may mga salita


na hindi pamilyar sainyo?
Ano ang inyong ginagawa upang malaman ang kahulugan
ng mga salitang di-pamliyar sainyo o bagong salita?
Sino dito sainyo ang makapagkukuwento tungkol sa
karanasan ninyo sa inyong ina?
B. Paglalahad

Abstraksyon Pagbasa ng kuwento sa mga bata.


(pamamaraan ng Sagutin ang mga tanong:
pagtalakay) 1. Sino ang nagkasakit?
2. Mahalaga ba ang kanilang pinuntahan? Bakit?
3. Ano ang ipinasiyang gawin ni Aling Carmen?
4. Ano ang masasabi mo kay Aling Carmen?
C. Pagsasanay
(Mga paglilinang ng Alamin ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita sa
mga gawain) pamamagitan ng pagkukuwento ng inyong karanasan na
mag kaugnayan dito.
Pagkasilang tungkulin handog
Karapatan maligaya maalalahanin
D. Paglalapat Ibigay ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita gamit
ang pamatnubay na tanong upang maiugnay ninyo ito sa
sariling karanasan.
1. nababahala- ___________
Nababahala ba ang iyong ina kapag ikaw ay may
sakit?
2. Malinamnam- _________
Malinamnam ba ang luto ng Nanay mo?
3. Matayog-_________
Matayog ba ang iyong pangarap paglaki mo?
4. Mapanganib- _________
Mapanganib ba para saiyo ang paglalaro sa gitna ng
kalsada?
E. Paglalahat Ano ang mga salitang di-pamilyar?
VI. Pagtataya Hanapin sa loob ng kahon ang salitang pamilyar sa mga di-
pamilyar na salitang may salungguhit sa pangungusap.
Dinakip premyo problema nagulat
1. Ang mga suspek sa krimen ay inaresto ng mga pulis.
2. Siya ay nabigla sa nangyari sa kaniyang kaibigan.
3. Ang bawat suliranin ay may solusyon.
4. Malaki ang pabuya na makukuha ng mananalo sa
paligsahan.
F. Takdang-aralin Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na salita.
1. Nagtampo
2. Maalalahanin
3. Nabigla
4. Handog

Maalagang Ina
Handang-handa na sina Nanay Carmen at Tatay Ramon, dadalo sila sa pagtitipon
nina Lolo at Loa. Anibersaryo ng kasal nila. Dapat ay naroon ang buong pamilya.
Tinawag ni aling Carmen ang mga anak. “Fe, Rey, nasaan na ba kayo? Bihis na kami
ng Tatay ninyo.”
“Nanay, may sinat po si Rey. Isasama pa po ba ninyo kami?” tanong ni Fe.
Dali-daling pumunta si Aling Carmen sa silid ng anak at hinipo ang ulo ni Rey.
Nalaman niyang may sinat ito. Lumabas siya at nang ito’y bumalik, nakabihis na ito
ng damit pambahay. May dalang palangganang may tubig, botelya ng gamot, at yelo.

Tandaan:
Ang mga salitang di-pamilyar o bagong salita ay maaaring matukoy ang
kahulugan kung naiuugnay ito sa sariling karanasan.

You might also like