You are on page 1of 2

"Laro ng Konsensya"

Langit, lupa, impiyerno


Saksi ang tagpo, bulag na puso
Sino ang may itinatago
Sinong huwad ang pagkatao

Langit, lupa, impiyerno


Laban ng puso at sentido
Sa pagitan ng dangal at prinsipyo
Ikinubli ang tama, mali ay isinuko

Langit, lupa, impiyerno


Sinaksak ang pulso, luha ay tumulo
Pagbilang kong tatlo, budhi ay itago
Isa, dalawa, tatlo, totoy takbo!

Langit, lupa, impiyerno


Ingatan ang moral, laban sa baligho
Hindi ka dalisay, hindi ka santo
Ano ang tama sa maling mapanudyo

Langit, lupa, impiyerno


Hukom ang mata at prinsipyo
Hindi ka mulala upang hindi matanto
Sundan ang puso kung saan patungo

Langit, lupa, impiyerno


Hindi matahimik, sa nakaraa'y nanlumo
Sa bangungot na mga tagpo
Konsensyang tumatangis ng dugo

Langit, lupa, impiyerno


Sa taliwas na paniniwala at mundo
Waring Kagaw na sisira tungo sa pagkatalo
Sa manhid mong pusong mapang-abuso

Langit, lupa, impiyerno


Sa pagitan ng kasinungalingan at totoo
Dalisay na pagkatao ay mabubuo
Sa pagsulong ng maling iwinasto
Langit, lupa, impiyerno
Hindi sagot ang dasal maging ang rosaryo
Tila mga patay sa sementeryo
Ang konsensyang nagmumulto

Langit, lupa, impiyerno


Sa pagbukas ng panibagong yugto
Ikaw ang lubid sa 'yong papagayo
Panghawakan mo ang iniingatang prinsipyo.

You might also like