You are on page 1of 2

Buong Pangalan: LINDZEY P.

CRUZ Strand/Seksyon: HUMSS 202 Iskor: _____/36

Gawain Blg. 2: Palawakin Pa Natin!


 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong pangkomunikasyon sa telebisyon.
 Panoorin ang mga sumusunod na palabas at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
 Ang iyong sagot ay binubuo ng isa o dalawang makabuluhang pangungusap.

Unang video: https://www.youtube.com/watch?v=e7iJEexvZc8&list=PL6945ABD167439D97&index=9


Pamagat ng Palabas: Kapuso Mo Jessica Soho (Tara, mag-around the world tayo!)
Pangalan ng Host: Jessica Soho
Mga Naging Bisita: Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Kris Bernal at kanyang asawa, Khalil Ramos at Gabbi Garcia

1. Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal, o multilingguwal ang paraan ng pagsasalita ng host sa palabas
pantelebisyon? Magbigay ng 2 patunay. (4 puntos)

Masasabi kong bilingguwal ang paraan ng pagsasalita ng host sa palabas pantelebisyon dahil sa unang bahagi pa lamang
ay hindi na ang ating unang wika ang kaniyang ginamit. Una, ‘’Revenge Travel or resbak sa ilang taong quarantine’’ at
‘’Tara na, gora na, mag around the world tayo’’.

2. Paano mo naman ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang bisita o mga bisita? (4 puntos)

Ang paraan ng pananalita ng kaniyang mga bisita ay hindi makata, hindi malalim na wikang Filipino at mayroon ding
halong wika na hindi atin. Ito ay may halong wikang ingles minsan at minsan nama’y purong ingles. Mayroon ding ilang
bahagi na nabanggit ang ilan sa mga salita mula sa wika ng kanilang bansang pinuntahan.

3. Batay sa narinig mo sa host, masasabi mo bang ang salitang ginamit niya sa pagbo-broadcast ay kaniyang unang
wika? Bakit oo o bakit hindi? (4 puntos)

Batay sa aking narinig sa host, karamihan kaniyang salitang ginamit sa pagbo-broadcast ay ang kaniyang unang wika
sapagkat ang mga manonood ay Pilipino ngunit mayroong ilang bahagi ng kaniyang pananalita ay mayroong wikang
ingles, kaya kung susumahin ay mayroong ilang bahagi ang pananalita ng host na unang wika ang kaniyang ginamit at
mayroon din naming bahagi na hindi.

Ikalawang video: https://youtu.be/0T9hYZZ4-XQ


Pamagat ng Palabas: Vicky Belo Vlog: First One-on-One Interview w/ Scarlet Snow Belo
Pangalan ng Host: Vicki Belo
Naging Bisita: Scarlet Snow Belo

1. Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal, o multilingguwal ang paraan ng pagsasalita ng host sa palabas
pantelebisyon? Magbigay ng 2 patunay. (4 puntos)

Masasabi kong billinguwal ang paraan ng pananalita ng host dahil sa introduction pa lamang ng bidyo ay wikang ingles ang
kaniyang ginamit at kabilang na rito ang “Hi everybody welcome to the Vicky Belo vlog’’ at ‘’Today I have a very very
special guest’’.

2. Paano mo naman ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang bisita o mga bisita? (4 puntos)

Ilalarawan ko ang salita ng kaniyang bisita na si Scarlet Snow Belo na mas bihasa ito sa wikang ingles kumpara sa wikang
Filipino. Ang kaniyang paraan ng pananalita ay fluent ang paggamit niya ng wikang ito at sigurado siya sa kaniyang mga
salitang binibigkas.

3. Batay sa narinig mo sa host, masasabi mo bang ang salitang ginamit niya sa pagbo-broadcast ay kaniyang unang
wika? Bakit oo o bakit hindi? (4 puntos)
Masasabi kong hindi ang unang wika natin ang ginamit ng host sapagkat wikang ingles ang kaniyang ginamit sa buong
bidyo at madalang kung gamitin ang wikang Filipino.

Ikatlong video: https://www.youtube.com/watch?v=OyfcZbiZC3I


Pamagat ng Palabas: Tunay na Buhay
Pangalan ng Host: Pia Arcangel
Mga Naging Bisita: Kara David

1. Masasabi mo bang monolingguwal, bilingguwal, o multilingguwal ang paraan ng pagsasalita ng host sa palabas
pantelebisyon? Magbigay ng 2 patunay. (4 puntos)

Masasabi kong monolingguwal ang paraan ng pananalita ng host na si Pia Acangel sapagkat halos purong wikang Filipino
ang ginamit nya sa kabuuan ng naasabing bidyo.

2. Paano mo naman ilalarawan ang paraan ng pagsasalita ng kanyang bisita o mga bisita? (4 puntos)

Ang bisita na si Kara David ay ilalarawan ko ang pananalita na bihasa siya sa parehas na wikang Filipino at Ingles.
Mayroong mga bahagi na siya ay purong tagalog at makikita rin sa diin ng kaniyang mga salitang ingles na siya rin ay
bihasa sa wikang ito.

3. Batay sa narinig mo sa host, masasabi mo bang ang salitang ginamit niya sa pagbo-broadcast ay kaniyang unang
wika? Bakit oo o bakit hindi? (4 puntos)

Opo, sapagkat sa una hanggang matapos ang bidyo ay purong wikang Filipino ang kaniyang ginamit na siyang ating
unang wika. Sa paraang ito, mas nagging pormal at friendly sa mga manonood na Filipino ang interview na ito.

Batayan ng Pagpupuntos:

Pamantayan Pamantayan Pamantayan Pamantayan


(4) (3) (2) (1)

Sa bawat sagot ay maliwanag Sa bawat sagot ay naiugnay Bahagyang naiugnay ang Hindi naiugnay ang mga
na naiugnay ang mga ang mga konseptong mga konseptong pangwika konseptong pangwika sa
konseptong pangwika sa pangwika sa napanood na sa napanood na sitwasyong napanood na sitwasyong
napanood na sitwasyong sitwasyong pangkomunikasyon sa pangkomunikasyon sa
pangkomunikasyon sa pangkomunikasyon sa telebisyon. telebisyon.
telebisyon. telebisyon.

You might also like