You are on page 1of 1

John Carl M.

Nazarrea
Sa hindi mabilang na kaalaman na aking natutunan sa aking pag-aaral sa ALS ay sisikapin kong
ibahagi ito. Ito ang ilan sa aking mga natutunan sa aking pag-aaral sa LNHS ALS BPOSA.
Bilang isang mag- aaral, tungkulin ng bawat individual ang makinig matuto at paunlarin ang sarili
.Ang natutunan ko sa bawat Learning Strand ay aking sinasaulo at sinasapuso. Natutunan ko sa LS 1
Filipino ay kung paano sumulat ng may tamang format at nilalaman. Natutunan ko ang pagbibigay ng
tamang emosyon sa mga mensahe. Natuto rin ako na iugnay ang mga kwento kagaya sa pelikula sa aking
tunay na karanasan. Sa English ang natutunan ko ay kung paano magbasa at magsulat ng English.
Natutunan ko na dapat ay maging tugma ang subject sa verb. Natutunan ko din ang paggamit ng sequence
words sa pagsusunod-sunod ng mga gawain. Natutunan ko rin na ang gamit ng punctuation marks ay
nakapagbibigay ng ibang kahulugan sa isang mensahe. In short, ang Communication Skills ay
nakatutulong sa akin upang mas maging komportable ako na makipag-komunikasyon sa aking kapwa.
LS 2 Science ay natutunan ko ang mga tungkol sa paggamit ng Scientific method upang
masolusyonan at mapalawak pa ang aking kaalaman tungkol sa iba pang mga bagay. Natutunan ko ang
tamang paggamit ang bumubuo sa ating mundo at mga bahagi nito. Isa pa ay ang ang food chain pala ay
isang paraan ubang maging balance ang kapaligiran. LS 3 Mathematics, ang natutunan ko ay kung paano
mag- solve ng mga malalaking value ng number at kung paano gamitin ang addition, subtraction,
multiplication at division at ito ay ina -apply ko sa araw-araw. Nalaman ko rin na ang Math ay mgagamit
sa totoong buhay. Ito ay mahalagang matutunan kahit ang mga basic lamang. Ang Scientific at
Mathematical skills na aking natutunan ay nakakatulong upang maging handa ako sa pang-araw-araw na
suliranin.
Sa LS 4: Life and Career Skills ay kung paano magplano ng tama para sa sarili para sa
kinabukasan. Natutunan ko ang time management at tamang paggastos at pagtitipid. Natutunan ko rin ang
mga practical na paraan sa 4Rs. Dito ay mas naunawaan at nakilala ko rin ang aking sarili, kalakasan at
kahinaa. Sa LS 5 ay natutunan ko ang paghahanda sa disasters at ang pagsunod sa mga regulasyon at
tuntunin.Natuto rin ako ng higit na pagpapahalaga sa sarili at pamilya. Ang LS4 at LS5 ay nakakatulong
upang mas maging handa ako sa pagharap ko sa trabaho at sa komunidad sa kinabukasan.
Sa LS 6 ay natutunan ko ay kung ano ano ang mga parte ng computer at kung ano ang pinagka-
iba ng microcomputer.Higit sa lahat ng natutunan ko sa subject na ito ay ang tamang paggamit nito upang
makagawa ng mga dokumento. Ito rin ay nagpaalala sa akin ng tamang paggamit ng internet at social
media.
Higit sa mga academics, ang isa sa pinakamahalagang aking natutunan ay kung paano tapusin ang
lahat ng gawain sa takdang- oras. Sa bawat natutunan ko sa aralin ay aking tinatandaan upang sa gayon ay
maisabuhay ko lahat ng tinuturo sa akin ng aking guro hindi lamang sa paaralan kung di sa pagkatao.
Inaamin ko na hindi pa sapat ang aking kaalaman sa mga ito ngunit ito ay napakalaking tulong na
para sa aking kinabukasan. Sisikapin kong gamitin ang lahat ng kaalaman na aking natutunan sa pag-aaral
ko sa ALS. Wala man ako sa pormal na edukasyon ay nagagawa ko rin ang mga kayang gawin ng ibang
mag-aaral sapagkat ito ay ikalawang pagkakataon para sa akin.

You might also like