You are on page 1of 4

PANUKALANG PROYEKTO

I. PAMAGAT NG PROYEKTO:

“May Pera sa Basura”

(Mga Mag-Aaral ng Kidapawan City National High School sa Roxas st., Poblacion,

Kidapawan City)

II. PROPONENT NG PROYEKTO:

Jasmine S. Roque
Jasmineroque08@gmail.com
09204420289
2nd block, Robless Subd. Sudapin, Kidapawan City

III. KLASIPIKASYON NG PROYEKTO:

Ang proyektong May Pera sa Basura ay isang gawaing pagkabuhayan at

pangkalikasan. Bukod sa mababawasan ang mga basura ay makakatulong ito upang

maiangat pa ang kabuhayan ng mga mamamayan.

IV. BUDGET NA KAILANGAN: 1,100

V. RASYONALE:

Ang basura ay isa sa mga problema nang ating bansa pati na rin sa ating

paaralan. Kaya naman,mahalagang ang paglilinis at kaugaliang makakalikasan ay

mapairal natin bilang mag-aaral. Sa paraang ito aymakakatulong tayo sa kapaligiran na

maisalba ito sa posibilidad ng pagkasira. Mapapansing sa mga basurang ito

aymaraming nakahalong mga bote pati na rin mga papel, sayang kung iisipin. Hindi

lang sa komunidad itomakakatulong gayundin din sa pinansiyal na pangangailangan ng


isang tao, sapagkat ang mga basurang ito ay may halaga pa at maaaring

pakinabangan. Sa paraang ito’y maipapakita ang pagiging responsable at produktibo ng

isang kabataang Pilipino.

VI. DESKRIPSIYON AT LAYUNIN NG PROYEKTO

 Deskripsiyon

Ang proyektong ito ay nagsisilbing gabay sa pagkakaroon ng kalinisan pati na rin

ng pagiging produktibo ng mga mag-aaral sa Kidapawan City National High School.

Magsisimula ang pagsasakatuparan ng proyektong ito sa pagbili ng mga materyales na

kakailanganin na kalalagyan ng mga basurang may halaga pa at maaari pang

pagkakitaan. Ang basurahan na gagamitin upang paglagyan ng nakolektang bote at

papel ayang garbage bag na pinakamalaki. Ito ang napiling sukat ng nasabing garbage

bag nang sa gayon ay maramiitong makarga. Sa katapusan ng buwan, ang mga grade

12 sudent ng eskuwelahan ay kukuha ng mga natipon na mga bote at papel sa bawat

silid-aralan, ang silid-aralan na may pinakamaraming natipon ay mabibigyan ng

sertipiko bilang “Most Ecological Classroom” Ang pera na kikitain ay pupunta sa badyet

eskuwelahan, na gagamitin dinpara bumili ng mga lata ng basura at iba pang

materyales na kakailanganin para sa kalinisan ng atingpaaralan.

 Layunin

Layunin ng proyektong ito na disiplinahin at gawing responsable ang bawat mag-

aaral ng Kidapawan City National High School na itapon ng wasto ang mga basura sa

tamang lalagyan nang sa gayon ay mapanatilinatin ang kaayusan at kalinisan ng ating


paaralan. Hangad din nitong mabigyan ng kahalagahan ang mgabasura na maaari pa

ring maging kapaki-pakinabang. Ninanais din nitong mapangalagaan ang

kagandahanng ating minamahal na paaralan.

VII. KAPAKINABANGANG DULOT

Ang proyektong ito ay makakatulong sa mga mag-aaral na sa paraang pag-iipon

ng mga bote at papel ayhindi na nila kailangan pang humingi ng pera sa kanilang

magulang ng pambili ng kakailanganin sa kanilang paggawang proyekto o kung ano

pang mga babayaran sa eskwelahan. Dagdag pa rito ay nagiging makabuluhan ang

oras nilasa paggamit ng kanilang bakanteng oras sa pagkolekta ng mga bote at

papel na sa halip na maglaro sa kanilangselpon. Bukod pa rito ay makikinabang rin sa

proyektong ito ang mga taong nangongolekta ng basura sa ating mgabasurahan, na

kung saan ay makapagtutuon pa siya ng oras sa mga lugar na kailangang linisin sa

ating paaralan,kaysa maghiwalay pa ng basurang maaaring mapakinabangan mula sa

mga basurahan.

VIII. KALENDARYO NG GAWAIN

Sa pagsasakatuparan ng proyektong ito, nakasaayos ang mga gawain o

hakbang sa systematikong paraan para rito;

PETSA MGA GAWAIN LUGAR/LOKASYON


Pag-solicit ng mga Kidapawan City National
Enero 10 –Enero 24 donasayon. High School
Enero 25 Bilbii ng mga materyales Kidapawan City Super
Market
Enero 26 Pamimigay ng mga Kidapawan City National
materyales sa bawat silid- High School
araan
Enero 26 – Pebrero 15 Pag-iipon ng mga Kidapawan City National
basurang maaaring High School
pakinabangan
Pebrero 16 Pagbebenta ng mga Kidapawan City National
naipong kalakal High School

 Gastusin ng Proyekto
Naipapakita sa ibaba ang pagkakagastusan ng Php 1,100 na ilalaan sa
proyektong ito.

AYTEM BIANG NG PRESYO NG PRESYONG


AYTEM BAWAT AYTEM PANGKALAHATAN
Garbage bag 68 piraso Php. 15 Php. 1, 020
Manggagawa, 2 Php. 40 Php. 80
Transportasyon at
Delivery
Kabuuang Php. 1,100
gastusin:
Tantiyadong Php. 1,500
halaga ng
napagbentahan:

IX. LAGDA:

INIHANDA NI:

Jasmine S. Roque
12 STEM-A student at Kidapawan City National High School

Mennard Vigo
Guro sa PSFSPL

You might also like